Sariling Buhat ng Bakya
Sariling Buhat ng Bakya
Minsan ko ng nakitang hangin lamang ang’king pagkatao,
walang nais magpakatotoo sa seryosong gaya ko.
Kaya’t piniling maglakbay mag-isa,
at pasanin ang paraiso walang inaalala.
Ngunit, isip ko’y madalas makipagtalo.
Palaging sinusubok ang pasensiyang tila nauubos.
Lukso ng dugo’y tumitindi ang agos,
pakiramdam ko nababaliwala ang lahat ng mga plano.
Sa ’king paggunita, pulido ang aking nais makamtan.
Subalit tanaw ko ang kalupitan ng kalawakan,
nagkakaloob ito ng makitid na isip
sinusuka nito ang tunay at tanging madilim ang habilin sa panaginip.
Dulo nito’y pakikipagtalasan sa tagumpay,
ngunit karamihan, sariwang dikta ang pakay.
Lahat ay pansamantala, lahat ay dapat may alam.
Upang sa huli, bawat isa’y mauunawaan ang bawat sariling katha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro