Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hikbi ng mga Hiling

Hikbi ng mga Hiling

Ang sandali ay simbilis ng malakas na hangin,
isang iglap, maglalaho’t magbabago.
Subalit kung ang kilos ay ipapanalangin,
maaaring ang takbo’y umayon sa plano.
Datapwat, ating pasya tagilid palagi
dumaratal ang kamangmangan sa kalagitnaan.

May bahagi na pilit nating aalahanin,
at maiipit pa rin sa mga biglaang sitwasyon.
Kung saan hindi palagi pumapanig ang langit sa atin,
limitado at madalas hindi pag sang-ayon.
Matupad man o hindi ang mga daing,
susubukin pa rin manatili’t magpatuloy sa nasimulang layunin.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro