Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hanggang saan ang pakikibaka?

Hanggang saan ang pakikibaka?

Hindi mabilang ang sakit,
bawat hakbang pait at tanong ay bakit?
Kabutihan ang sandata, ngunit sukli’y pighati.
Sigla nauupos, napawi ang siklab ng ngiti.

Mahiwaga kalawakan, makulay ang daanan
datapwat, pasensiya’y masusubok at karunungan ang kalulugdan.
Hindi lahat pantay at patas ang trato,
lahat ay limitado at hindi sigurado.

Sa bawat yapak, isipan ay nagbabago,
puso’y nagdidikta ng taliwas na plano.
Kaya’t nasimulan maaaring maiba ang patutunguhan,
sapagkat, may nga aksyon na iba ang panahon— kailangan handang sumugal at masaktan.

Ang lahat ay magpapaalam,
kahit sino’y maaaring may alam
dahil lahat ay may kakayahan
ngunit sa dulo nito, pagpapatuloy at pagsuko ang mistulang isipan ng karamihan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro