Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

NANG makaalis si Kiran ay pumunta ulit si Carey sa waterfalls para i-check ang waterwheel. Sana ay hindi na bumalik si Kiran matapos ang nasaksihan kagabi. Totoo ang sinabi niyang may full moon ulit mamaya, ito ang pinakadelikadong na mga gabi para sa kanila dahil dalawang gabing lalabas ang mga aswang.

Pagdating sa falls ay natigil siya nang may nakitang may naglalangoy roon. Ibinaba niya ang toolbox sa batuhan at hinanap ang naglalangoy sa ilalim ng tubig, she can see some reflections. Hindi na lang niya pinansin ang naglalangoy, as long as hindi nito gagalawin ang waterwheel na nasa kuweba ay okay siya. She took some wrenches and put it inside her utility belt. Pumunta siya sa gilid ng falls at sinimulang umakyat sa batuhan para makarating sa kuweba, literal na nagra-rock climbing siya ngayon. It's tricky dahil medyo madulas ang mga batong hinahawakan ang tinutuntungan niya but thanks to her powerful right arm and legs, malakas ang grip niya.

Tumuntong siya sa may kataasang slab ng bato nang dumulas nang malaglag ang wrench mula sa utility belt. Nanlaki ang mga mata niya nang nagkulay pula ang tubig na binagsakan ng wrench. Did she hit the swimmer?! Bakit ito nagsu-swimming sa ilalim niya?! Ilang metro na rin ang naakyat niya pero kinailangan niyang tumalon pababa para sagipin ang naglalangoy. She made sure to jump far para hindi niya matamaan na naman ang tao.

When she landed on the water, she immediately swam around to look for the victim. The person was dragged by the force from the dropping water! Binilisan niya ang paglalangoy at hinila ang kamay ng lalaki. Nagdurugo nga ang gilid ng noo nito! Mabilis siyang pumunta sa mabababaw na parte ng ilog, hila-hila niya ang walang malay ng lalaki. Inihiga niya ito sa flat surface at tinapik ang pisngi. His long hair reached below his shoulders, matangos ang ilong nito at moreno ang kulay ng balat. Kapansin-pansin rin ang mahahabang pilik-mata nito. Wala rin itong pang-itaas at masasabi niyang papasa ang abs nito sa men's magazine. Stop ogling him!

She checked his wound, ripped her tank top and applied pressure on his wound. Naubos ang sando niya dahil pinaikutan niya ng tela ang ulo nito.

Itinapat niya ang daliri sa mga butas ng ilong nito, wala siyang nararamdamang hangin. She also check her pulse on the side of his neck, wala siyang maramdamang pulso!

"Hey! Wake up!" Ilang beses niyang tinapik ang pisngi nito. Bakit ba niya ine-expect na magising ito, natural na mawawalan ito ng malay dahil sa concussion! Walang ospital sa lugar nila, one-hour walk naman sa health center pero kulang sa mga gamit. Mas magandang dalhin niya ito sa bahay dahil mas matutulungan niya ito roon.

Sinimulan niya ang chest compression sa lalaki. Kaya niyang pumatay ng aswang pero may konsiyensya naman siya sa mga tao.

"H-huwag mong durugin ang ribs ko..."

"Are you okay now?!" Hindi siya nag-i-imagine, narinig niyang nagsalita ito. Napadiin ang pagche-chest compression niya pero effective naman dahil humihinga na ulit ang lalaki.

"Masakit ang ulo ko," Bumukas-sara ang mga mata ng lalaki, sinapo nito ang nasaktang noo. Hinayaan niya itong humiga, hindi magandang puwersahin niya ito sa pagtayo. "Salamat sa pagliligtas mo sa akin."

"Ako ang dahilan kung bakit muntik ka nang mamatay! Are you sure na okay ka lang? Gusto mong dalhin kita sa ospital?"

"Ayos lang ako, medyo hilo lang." Tinulugan niya ito sa pag-upo. Doon na tumulo ang dugo mula sa ulo nito. Lalo siyang naeskandalo kaya nagpasya siyang dadalhin na ito sa bahay niya. "Don't worry too much." Hindi ito tagabaryo lang dahil magaling ito mag-english. "May puwedeng gumamot sa akin pag-uwi." He struggled to stand.

"Ihahatid na kita," tinulungan niya itong makatayo.

"No need. May kasama ako pagpunta rito," nginitian siya ng lalaki at wala na siyang nagawa nang maglakad ito palayo hanggang sa mawala ito sa paningin niya. What was just happened? Sana ay makatulog siya mamayang gabi at huwag kutkutin masyado ng konsiyensiya. Pagdating sa bahay ay tiningnan niya ang laptop kung saan niya makikita kung nasaan na si Kiran. Kinabitan niya ng tracker ang pick up truck nito. Tiyak na gagabihin ito ng uwi dahil sa haba ng biyahe.

Mag-a-ala-sais na pero wala pa rin si Kiran, nang tingnan niya ang tracking software ay nakahinto ito sa karatig bayan na dalawang oras mula sa kanila. May pinindot siyang buton at nagsalita sa harap ng laptop.

"Kiran? can you hear me?"

"Jesus Christ!" gulat na sagot nito. "Carey?"

"Yes, it's me." Pinigil niya ang tawa. "There's a tracker somewhere in your truck at microphone and listening device na connected sa laptop ko kaya nakakausap kita ngayon. Anong nangyari sa'yo?"

"I got a flat tire and my truck won't start. May aswang bang nadadaan sa lugar na ito?" medyo takot na tanong nito.

"Wala masyado pero may ilang naliligaw para humanap ng makakain."

"Are you freaking serious?! Akala ko diyan lang sa baranggay umaatake ang aswang?" may panic sa boses ni Kiran.

"I'm serious. Kaya sinabi ko sa'yo na umuwi ka ng maaga para makauwi ka agad, o kaya dapat nag-stay ka na lang sa bayan. Magbahay-bahay ka muna diyan at makituloy ngayong gabi. Maiintindihan ka nila at patutuluyin ka." Bakit ba ang malas nitong si Kiran? Kung kailan aswang season tsaka ito nagpakita sa kanya. Ngayon ay nasiraan naman ito.

"Well, shit. There's no houses here, Carey." Rinig niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki sa kabilang linya. Bagong salta si Kiran at amoy iyon ng mga aswang, kung gusto ng mga itong humanap ng hapunan ay jackpot ang mga ito sa binata.

"I'll pick you up."

"Paano ang mga tao diyan?"

"They will be safe hangga't hindi sila lumalabas ng bahay nila." Mabilis siyang nagpaalam rito at kinausap si Lolo Ading na kailangan niyang umalis para sunduin si Kiran. Alam na ng mga taga-barrio ang gagawin kapag wala siya sa lugar. Lahat ng ilaw ay bukas mamayang gabi pati na rin ang solar industrial flood light na kayang paliwanagin ang buong barrio, ikinabit niya iyon kanina.

Kinuha niya ang lumang ducati na nakatago sa loob ng shed. Araw-araw naman niyang pinapaandar ang makina nito kaya sigurado siyang hindi ito papalya. Habang tinatahak ang maputik na daan at nagsisimula nang dumilim, napapansin na rin niya ang kakaibang simoy ng hangin. Ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanya. She adjusted her helmet at drove faster. Malilintikan sa kanya mamaya si Kiran.

Bukod sa bulletproof niyang helmet ay fully loaded rin ang buong katawan niya ng baril at ammunitions. Wala namang checkpoint sa kalsada kaya hindi siya mahuhuli. Thirty minutes passed by, tahimik ang buong paligid, walang huni ng insekto. Lahat ng ibon ay tiyak na nasa pugad na. Maging ang tibok ng puso niya at paghinga ay rinig na rinig niya. Isang oras sa biyahe, may namataan siyang sasakyan sa gilid ng kalsada pero hindi iyon ang pick up ni Kiran. It was an SUV. May sumulpot na pigura mula sa likuran ng sasakyan ay kumaway-kaway. Ayaw niyang tumigil pero hinintuan niya ang kumakaway.

Natigil siya nang makilala kung sino ang tumatawag ng pansin sa kanya. It was the guy from the falls earlier. Nang hubarin niya ang helmet ay nakilala siya nito.

"Hi!" nakangiting bati ng lalaki na hindi pa rin niya alam ang pangalan. May benda pa rin ito sa ulo pero mukhang bago na. "Ayaw mag-start ng sasakyan ko. Napansin ko na parang may sumusunod sa akin kanina pa."

Huminga siya ng malalim at pumikit. Bakit ba puro nasisiraan ng sasakyan ang mga tao ngayon?!

"Hop in. I'm in a hurry!" Initsa niya ang spare helment rito na isinuot naman ng lalaki, umangkas ito sa kanya at pinasibad niya ang motor. You better be alive when I get there, Kiran!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro