Chapter 4
DALAWANG TAON. Sa dalawang taon na iyon ay maraming nagbago at nangyari kay Carey. Hindi pa rin mag-sink in sa utak ni Kiran ang lahat ng impormasyong ibinigay sa kanya ng dalaga. Hindi ito maaaring umalis sa Lingkuran dahil ito na ang pumalit bilang protector ng village. Did she agreed to it? Pero tinanggap nito ang mga mata ng dating bantay.
Kinuha ni Kiran ang pink shampoo bottle na nakalagay sa caddy, Sunsilk ang brand, at itinaktak ang laman sa palad niya. He agressively shampooed his hair dahil nandidiri siya sa kung anumang bagay na pumatak sa ulo niya kagabi. Nawala na ang adrenaline niya sa katawan kaya aware na siya sa amoy niya. Sinunod niyang sabunin ang katawan with a white bar of soap, it smelled good too. Walang siyang makitang loofah kaya ginamit niya ang facetowel na nakasampay sa pako. Pagkatapos maligo ay tsaka lang niya na-realize na wala siyang towel.
"Carey?" tawag niya sa dalaga. "Are you still there?" Walang sumasagot, lumabas siguro. Sumilip siya sa kurtina, wala nga sa loob ang dalaga. Sarado rin ang pinto at bintana kaya walang makakakita sa kanya. He tiptoed his way across the room at inabot ang towel na nakasampay sa sampayan.
"Wow!" Huli na para takpan ang sarili, Carey was at the door, eyeing him from toe, then his 'glory', she actually stared for a few seconds down there before they met their gaze. "You are a god's gift to women." Tatango-tango pa ito, hindi niya alam kung nang-iinis talagang pinupuri siya. Tinuyo niya ang katawan at ipinulupot ang towel sa beywang. "I got your clothes." Ipinatong nito ang duffel bag niya at ang maliit na luggage sa sahig.
"Why are you staring at me?"
"I want to watch you get dressed." Nakangising sagot nito.
"Can I have a little privacy here?" naiirita na niyang tanong habang binubuksan ang duffel bag. He took his clothes out, boxers, jeans, and black shirt.
"Magtatanong ka pa ng privacy eh nakita ko lahat sa'yo. Lumabas ka pagkatapos mong magbihis, we will have our breakfast outside." Carey stepped out and closed the door. He helped himself with her lotion dahil wala siyang dala, pero mayroon naman siyang deodorant spray. Mabilis siyang nagbihis at lumabas, sa labas ng bahay ni Lolo Ading ay may malaking papag. Naroon ang lahat para sa agahan. Maraming pagkain ang nakahain.
"Nakatulog ka ba?" tanong ni Lolo Ading. "Mukhang hindi. Pasensya ka kung ganito ang salubong ng Lingkuran sa iyo." Binigyan siya ng matanda ng plato, it was made of cheap plastic. There's fried rice, eggs, fried fish, fried eggplant, and a lot of dipping sauce. Inabutan siya ng isang babae ng tasa ng umuusok na kape. "Naikwento na ba sa iyo ni Carey ang lahat?" May mga bata rin na kumakain na, kanya-kanyang pwesto ang lahat, ang iba ay nasa long bench, mayroong nakaupo sa damuhan at masayang kumakain. Parang walang nangyaring nakakatakot kagabi, they must be used to it.
"Naikwento na niya pero nalilito pa ako," humigop siya ng kape. Masarap sa pakiramdam ang mainit ng pagguhit ng inumin sa lalamunan, it was a freshly brewed coffee beans, he can tell dahil addict siya sa kape.
"Tagaroon ka ba sa kung saan nagmula si Carey?" tanong ulit ni Lolo Ading, masyadong malalim ang mga salita kaya hindi niya maintidihan. Tumingon siya kay Carey para humingi ng tulong.
"Opo, Lolo. Doon siya galing." Carey is using her hands to eat. Kung paano nito i-scoop ang fried gamit ang mga daliri nang hindi natatapon amazes him. Isa-isang nagpakilala sa kanya ang mga tao roon, hindi niya maalala lahat ng pangalan. Sumandok siya ng fried rice at iba't-ibang ulam, he tried the fried fish first, it was salty but savory.
"Kailan ka aalis?" tanong ng isa pang matanda, her name was Lola Felina.
"Hindi ako aalis." Umupo sa gilid ng papag.
"Po." He looked at Carey. May sinabi ito, hindi niya naintindihan.
"Hindi ako aalis hanggat' hindi ko-"
"Po." Isinubo nito ang piraso ng eggplant na isinawsaw sa soysauce.
"What are you saying?" bulong niya rito.
"You need respect the elders when talking to them. Hindi mo ba inaral 'yon? Use po and opo!" pabulong na sikmat nito sa kanya. Na-conscious siya bigla, nakalimutan niya na gumagamit ng po at opo kapag kinakausap ang matatanda.
"H-Hindi ako aalis po hangga't hindi ko po kasama po si Carey po." Malakas na tinawanan siya ni Carey. She told him to use honorifics! Bakit siya tinatawanan?! Pinanood niya ulit si Carey kung paano i-scoop ang kanin. Sinubukan niyang gawin pero nalaglag lahat ang kanin bago pa niya maisubo.
"Watch and listen carefully," sambit ni Carey. "You will use the tips of your fingers as claw, like claw machine, gather the rice tightly, you need to clump them inside the tips of your fingers para hindi sumabog. Using your thumb, secure the rice clump and immediately lift everything up. Using your thumb again, shove the rice into your mouth." Dalawang beses itong nag-demo sa kanya. Sinubukan niya ulit at nagtagumpay siya sa ikatlong ulit. Hindi niya alam na may technique na ginagamit sa pagkain ng nakakamay.
Natapos na ang masarap na agahan, a fulfilling breakfast after the crazy event last night.
"Asawa ko si Ilda at siya ang dating tagabantay ng lugar na ito mula sa mga aswang. Natagpuan namin si Carey na nag-aagaw buhay, inatake siya ng mga aswang." Ilang beses na umubo ang matanda.
"Lolo, pasok na kayo sa loob." Inihatid ni Carey ang matanda. May mga naglipit ng pinagkainan nilang lahat, Carey and him headed to the shed. Binuksan nito ang ilaw at umupo sa stool. Kinuha nito ang metal pen sa bulsa at hiniwa ang synthetic skin sa braso, she peeled off everything. Nakita niya ang mechanism ng ng bionic arms, it was structured just like a real arm.
Ipinatong ng dalaga ang braso sa isang machine, x-ray machine to be exact. She's looking for any damaged parts inside the arm na hindi agad nakikita ng mga mata. She took out her phone and the speaker came on. Quit Playing Games with My Heart by Backstreet Boys filled the room. Sa labas ay gawa sa kahoy ang shed, pero sa loob ay may makapal na metal wall. Mas malaki ang shed kaysa sa kubo ni Carey.
"It is soundproof here. Malakas ang ingay ng mga machine kapag ginagamit ko." Ibinalik na ng dalaga ang synthetic skin, her real skin and the fake one was bound together with a special glue na mukhang si Carey rin ang gumawa.
"Sooner or later ay hihingi na sa akin ng report ang uncle mo." Problemado na talaga siya ngayon.
"Tell him I'm dead." She closed and opened her right hand. Sunod na ininspeksyon ang dalawang binti nito. Hindi lang isang screwdriver ang ginamit nito prosthetics. Sumandal siya sa pader at pinagmasdan lang si Carey. "Hindi mo pa rin nasasabi sa kanya na nakita mo na ako?"
"How could I? Shocked pa rin ako sa nangyari kagabi and it's hard to send email or texts here. May nakita akong satellite dish sa bubong ng shed, may internet ka dito?"
"It's for my machines, specially coded for myself. Sa tingin mo bibigyan kita ng access sa connection ko? You can write him a letter or go to the nearby town para gumamit ng internet." Ibinaba ni Carey ang power tool at tumayo. Nag-stretch ito at itinaas-baba ang mga binti, calibrating those robotic arms.
"You remind me of Iron Man."
"He's a full suit of armor and I'm not." Sumenyas ito na kailangan na nilang lumabas. He followed her outside. "I am more of Edward Elric from Fullmetal Alchemist."
"Who?" Hindi niya kilala ang tinutukoy nito.
"Anime character. Anyways, kailan ka aalis?" Isinara nito ang pinto ng shed using her bionic arm.
"You really want me to leave?"
"Yes, may full moon ulit mamayang gabi. Blue moon, kaya may mga aswang ulit mamaya. Kung gusto mo pang mabuhay, you should go home." Nagtayuan na naman ang mga balahibo sa katawan ni Kiran nang maalala ang mga aswang. Bumalik na sila sa bahay.
"I haven't heard anything about those monsters attacking other villages. May special requirements ba sila kung sino ang kakainin nila?"
"The people living here are special or should I say cursed. Long time ago, a female aswang put a curse on them with the help of a witch. Ang sabi sabi ng matatanda, trinaydor ng mortal ang babaeng aswang. They were about to elope but the man brought the townsfolk to their meeting place and condemned her. The family of the female aswang wanted to get revenge, hindi sila nakalimot kaya patuloy nilang pinapatay ang henerasyon ng bawat pamilyang nakatira dito."
"Bakit hindi sila lumipat sa ibang lugar?"
"They always find another place to live pero sinusundan pa rin sila ng mga aswang. They decided to settle in one place, dito sa lugar na ito, and asked for protection from the gods and goddesses. They deities sent a protector and the Paladin was born." Casual ang pagkukwento ni Carey, parang hindi big deal ang lahat ng nangyayari.
"At ikaw ang napiling Paladin." It was a statement.
"Yes. Wala namang kaso sa akin ang pagiging Paladin. The villager provides me with food and shelter, more importantly, they saved me from death's door. In return, I will protect them." There's a sternity in her voice, wala na talagang makakapagpabago ng isip nito. Once she set her mind into something, no one can get through her. Napakamot na lang ng ulo si Kiran.
"Pupunta ako sa town center. I need to send something to your uncle. Do you need anything from grocery store?" Limang oras rin ang biyahe papunta sa kabayanan, kailangan niyang sulitin ang pagpunta, at kailangan niyang makabalik bago magdilim dahil ayaw niyang abutan ng mga aswang.
"I don't need anything. Puwedeng doon ka na lang muna mag-stay sa bayan hanggang kinabukasan. I don't want you dying here. Kargo de konsiyensya pa kita."
Nakasimangot na sumakay ng sasakyan si Kiran. He should be back before six pm kung ayaw niyang maabutan ang mga aswang. Tempting rin ang suggestion ni Carey na bukas na siya bumalik, but then, ayaw niyang hayaan nitong mag-isa mamaya. Sisiguruhin niyang magiging useful siya mamayang gabi. Habang nagmamaneho ay nagko-compose na siya ng report para sa tiyuhin ng dalaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro