Pakiabot
By: AngAuthorNaUlyanin
Libreng tawanan ang istoryang ito pero magkakapatayan tayo 'pag ni-plagiarize mo ito. Mark my word.
=============
"Pakiabot ng gunting."
Padabog kong kinuha ang gunting at padabog ko ring binigay sa kanya. Eh sa naiinis ako! Kaninang-kanina pa yang pakiabot na 'yan. Eh ang lapit-lapit lang naman sa kanya.
Para tuloy akong nurse at siya ang doktor. Tss.
Pero kahit naiinis na ako, mahal ko pa rin ang lalaking 'yan 'no?
Aish! Huwag n'yo nga akong asarin, kinikilig ako eh. Nawawala 'yong inis ko.
"Valley, pakiabot naman no'ng tali." Sabi na naman niya.
"Matagal pa ba 'yan?" Tanong ko pagkaabot ng tali.
May activity kami ngayon eh. By partners. Eh sinuwerte, siya ang partner ko.
"Medyo. Anong oras na ba?" Tanong niya habang busy pa rin sa pagkukutingting.
Arts kasi ngayon. Eh mas artistic siya kaysa sa'kin kaya siya na ang nag-volunteer. Pasensya naman kung kababae kong tao eh hindi ako artistic. Ewan ko ba, mas gusto ko kasi 'yong simple kaysa sa sobrang garbo na ang OA na tingnan. Hindi rin naman kasi maganda sa paningin 'yon.
Parang sa tao, ang pangit tingnan kung sobrang kapal ng make-up. Sa halip na makaganda eh nakapangit pa lalo.
Aba'y teka, tungkol pa ba ito sa Arts?
"3:50 pa lang." Sagot ko habang nakatingin sa ginagawa niya.
Sabi niya kasi siya na lang gagawa tapos iabot ko na lang 'yong mga ipapaabot niya. May gawa pa rin ako 'no!
"Sigurado ka bang kaya mo na 'yan?" Tanong ko ulit. Nahihiya kasi ako. Nakatunganga lang ako sa kanya habang busy siya. Lalo tuloy akong na-iin love. (Hooo! #Kalandian101)
Bigla siyang umangat ng tingin mula sa ginagawa niya. Nagkatinginan tuloy kami. Eeeeehhhhhh~ naman eh! Kinikilig ako~
Ang tagal naming nakatingin sa isa't isa. Mga 10 seconds siguro?
"Kaya ko na." Sabi niya at bumalik na yung tingin niya sa ginagawa niya. "Nanbznjsndbd.."
"Ha?" May binulong eh, 'di ko narinig.
Hindi na siya sumagot at nagpatuloy lang sa ginagawa niya. Seryosong-seryoso siya sa paggawa.
Nilibot ko ang tingin ko at nakita kong busy ang lahat. Medyo mahaba pa naman ang oras. 4:30 pa naman ang submission.
Napabuntong-hininga ako habang nilalaro-laro yung tali. Walang magawa eh. Pero 'di ako mabo-bored, ganda ng view eh.
Nakakalungkot isipin na 4th year high school na kami't lahat-lahat eh hindi pa rin kami close ni Field. Bilang lang naman ng kaibigan ko eh, tahimik kasi ako. Oo, nakakausap ko ang mga kaklase ko pero parang civil lang ako sa kanila.
Pati tuloy si Field naging civil lang sa'kin.
Parang sinayang ko 'yong apat na taon ko para makipag-close sa kanya. Sa mga kaibigan ko lang naman kasi ako maingay eh.
Si Field naman eh maingay din kapag kasama ng mga kaibigan niya. Tapos, napakasipag pa. Kapag nga may vacant nakikita ko siyang nagbabasa ng libro. Siya rin ang madalas na unang nag-susubmit ng mga requirements.
Magkabaliktad kami. Kapag vacant, nagbabasa rin ako, kaso sa watty. Tapos, dalawang araw bago yung deadline saka lang ako gagawa. Oo, ganyan ako kasipag.
Ang pinakamahabang conversation ata namin ay 'yong kanina. Oo, kasi minsan 'pag magtatanong siya sa'kin o ako sa kanya, isang tanong, isang sagot lang, tapos na ang usapan.
Hindi ko rin alam kung bakit siya, basta dumating na lang 'yong oras na siya ang lagi kong tinitingnan, na siya ang dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing malapit siya o nakikita ko siya at basta! Basta 'yon na 'yon! Bakit ba kailangan ko pang ipaliwanag?
"Valley."
"Eh?" Bumalik ako sa huwisyo ko nung tinawag ako ni Field.
At mas laking gulat ko kasi ang lapit-lapit ng mukha niya sa'kin! Nanlaki pa ang mata ko at pakiramdam ko ay namula ako.
"B-bakit?" Medyo lumayo ako sa kanya. Eh kasi naman! Halos 8 inches lang ata ang agwat ng mukha namin kanina!
"Kanina pa kasi kita tinatawag. Nakatulala ka." Sabi niya at umupo na sa upuan niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"A-ano bang ipapaabot mo?" Nahihiya kong tanong. Sigurado na akong namumula na ang mukha ko ngayon. Ang init ng pisngi ko.
"'Yong ribbon."
Medyo natataranta ko pang kinuha ang ribbon saka inabot sa kanya. Bumalik naman ulit siya sa paggawa.
Nakakahiya!
Maya-maya pa ay inilahad ulit niya 'yong kamay niya. "Pakiabot ulit."
Napaisip ako. Alin kaya? Baka 'yong ribbon ulit. Kinuha ko 'yong ribbon at iniabot sa kanya.
"Hindi ito."
Napatingin ako sa kanya na nagtataka. Itatanong ko sana kung alin kaso bigla naman siyang tumingin sa akin kaya hindi ko na naituloy ang itatanong ko.
Magkatinginan lang kami ngayon. At ayan na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Ang ipinapaabot ko ay ang puso ko na kinuha mo."
Ha?
"Pero mukhang ayaw mo nang ibalik kaya sa'yo na. Ingatan mo na lang. Kung pwede nga lang sana na sa'kin na rin ang puso mo para masaya."
Medyo napanganga ako sa sinabi niya. Ni hindi nga ako kumukurap. Baka kasi 'pag kumurap ako, bigla na lang siyang mawala dahil panaginip lang ito.
"Valley.."
"A-ano?" Naiilang ako. Kanina pa siya nakatitig sa'kin.
"Mahal kita." Diretso niyang sabi.
"EEEEEEEEEEHHHHHHHHHHHH!"
"YOWN! UMAMIN DIN!"
Napatingin ako sa mga kaklase ko kasi naghiyawan sila. Nangunguna pa 'yong mga kaibigan ni Field.
HALA! NAKAKAHIYA!
Naramdaman kong hinawakan ni Field ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Hayaan mo sila, ako lang pansinin mo."
Napatungo tuloy ako dahil nakakahiya, ang pula-pula na ng mukha ko.
"Ang kulit." Naramdaman kong tinunghay niya ang mukha ko. At nakangiti siya! Hala, ang gwapo eh! Lalo tuloy akong nai-in love!
"Wala ka man lang sasabihin o reaksyon sa sinabi ko?" Madrama niyang sabi.
"A-ano...."
"Ano lang?"
Napatakip muna ang isang kamay ko sa mukha ko ('di ba hawak pa niya 'yong isa kong kamay) bago ako tumingin sa kanya.
"Mahal din kita."
"KYAAAAAAAAAAAAAAA!"
"YIIIIIIII~ SILA NA!"
Naghiyawan na naman ang mga kaklase ko pero hindi namin sila pinansin. Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa habang nakangiti.
"Class, ang ingay n'yo." Hala, dumating na pala si Ma'am MAPEH.
Tumahimik naman ang mga kaklase ko habang kami naman ni Field ay nakangiting ipinagpatuloy ang ipinagagawa ni Ma'am MAPEH.
END.
=========
Oy! 'Yan na 'yan! Haha! Tawanan n'yo, libre 'yon. Masama naman kasi talaga 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro