Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

🌹🌹🌹

"Bilisan mo nga sa pagmamaneho, Victor. Paniguradong naghihintay na iyong susunduin natin" ang pagmamaktol niya sa kasamang driver.



"Malapit na tayo, easy ka lang" anito na kalmado lang sa pagmaneho.



Nagmamadaling makapunta ng airport si Cristalle nang oras na iyon dahil may susunduin siyang bakasyunista. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi pa nakalapag ang eroplano. Makakapag-ayos pa siya sa sarili. Meron kasi siyang sinundo kanina sa port, mga bakasyunista rin mag-i-stay sa resort na pinagtrabahuan niya.



Paglabas pa lang ng mga pasahero sa paliparan ay nakaabang na si Cristalle sa kanyang bisitang bakasyunista. Walang larawan na ibinigay sa kanya ang kliyente kung kaya hindi niya alam kung ano ang hitsura ng sasalubungin. Sinipat pa niya nang isang beses ang pangalan na nakasulat sa dalang papel.



Gabriel Lazaro.



Napaka-aroganteng pangalan nito. Sumagi agad sa isip niya na matandang mayaman o hacienderong lalaki ang kanyang kliyente, subalit nang mapadako ang kanyang tingin sa isang lalaking naka-all black na lumabas sa airport ay parang binulungan siya ng kung sino na ito na ang pakay niya.



Nagkakamali pala siya. Hindi ito matanda sa kanyang hitsura. He was young. Siguro na sa mid-twenties ang edad nito, Caucasian skin, five-eight inches with a long shoulder hair, chiseled face, deep-set eyes and straight nose.



Good-looking features. Halos lahat sa kanya perfect maliban sa kanyang peklat sa kanyang mukha na hindi kinakahiyang ipakita iyon. Imbes na mailang sa naturang peklat na nasa pisngi ng lalaki ay lalo siyang na-amuse na pagmasdan ang hitsura nito.



Hindi niya alam kung bakit siya naaaliw, subalit parang gusto niyang malaman ang istorya sa likod ng peklat na iyon. She was always like that. Kahit noong bata pa siya, palagi niyang inaalam ang mga bagay-bagay sa bawat makikita niya.



Siya pala si Cristalle Henares aka Cris, parating positibo sa buhay. Likas na raw siyang mabait sabi ng kanyang mga kakilala. Wala siyang natatandaan na nakaaway o nakagalit noon pa man.


At kahit nang namatay sa isang aksidente ang kanyang papa ay walang narinig mula sa kanya ang sinuman na masasakit na salita o hinanakit sa nangyari. Hindi niya pinapakita ang kanyang kalungkutan sa iba. Iniwan rin siya ng kanyang ina nang matapos iluwal ang kanyang kapatid.



Kahit na nahihirapan siya sa pagtatrabaho araw-araw sa hotel ay hindi iyon naging sagabal para ma-enjoy niya ang bawat sandali. Masaya siyang makakasalamuha ng ibang tao at alamin ang kanilang mga istorya sa buhay.



Hindi niya maintindihan ang nararamdaman habang nakatingin sa lalaki. She felt magnetized by looking on his face. Tila ba hinihila siya ng kalungkutan ng lalaki. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama nang sandaling iyon.



Nilapitan niya ang lalaki. "Sir Lazaro?" lakas-loob niyang tanong nang makalapit siya rito.



Kita niya ang pagkagulat na pinakita sa mukha ng lalaki nang tanungin niya. Ilang sandali rin itong walang imik at nanatiling nakatingin lang sa kanya. Tatawagin sana niya uli nang biglang magsalita ito gamit ang malalim na tinig.



"Ako nga. At sino ka?" seryoso ang mukha at tinig na tanong ng lalaki.



Isang malawak na ngiti ang isinukli ni Cristalle. "Ako po si Cristalle Henares, Cris for short, ang magiging tour guide ninyo. Nice to meet you, Sir"



In-extend niya ang kamay para dito. Ilang segundong nanatiling nakatingin lang ang lalaki sa nakalahad niyang kamay bago nito iyon tinanggap. Sa oras na nagpalapat ang kanilang mga kamay ay nadama ni Cris ang kakaibang kuryente na dumaloy sa kanyang katawan.



Mabilis niyang binitawan ang kamay bago tiningnan ito. Nakita niyang tila naguguluhan din ito sa nangyayari. Naramdaman din kaya ng lalaki ang nararamdaman niya?



Ano ang ibig sabihin no'n? tanong ng kanyang isip na mabilis niyang inisantabi nang sumunod na sandal. Oras ng trabaho at hindi niya gusting madistract.



Madali niyang ikinubli ang nararamdaman sa isang ngiti. "Halina kayo sa van. Kanina pa ho naming kayo hinihintay"



Nagpatiuna siyang maglakad patungo sa nakaparadang van. Nang makarating sila sa tapat ng van ay bumaba roon ang isa niyang kasamahan sa hotel na si Victor. Humarap siya sa tahimik nilang bisita.



"Sir Lazaro, heto nga pala si Victor. Siya ang magiging driver natin sa mga susunod na araw" wika niyang pakilala rito.



"Welcome sa Camiguin Island, Sir. Sana ma-enjoy nyo ang pag-stay dito" anito na masiglang bati ni Victor sa lalaki.



Isang tango lang ang isinagot nito kay Victor. Nang mailagay nila ang maliit na bagahe ng bisita sa likuran ay lumulan na rin sila sa van. Nakakabinging katahimikan ang naghari sa loob ng sasakyan habang bumibiyahe sila patungo sa hotel.



Mapapanisan ata ng laway si Cristalle habang kinakausap niya ang kanilang bisita subalit nanatili lang tango at iling ang isinasagot nito. Nang tumingin siya kay Victor ay nagkibit-balikat lamang ito. Hindi niya alam kung paano makukuha ang loob ng bisita.



"Sir Lazaro, hindi ba kayo nahirapan sa biyahe mula Manila, tapos nag-stop over pa kayo sa Cebu bago kayo nakapunta rito sa Camiguin Island?"



Muli ay sinubukan niyang makipagkuwentuhan dito.



Nakita niyang nakatingin lang ito sa may bintana ng sasakyan at mukhang malalim na iniisip. Muli ay tinawag niya ang pangalan nito.



"Sir Lazaro?" untag niya rito.



Para naman itong natauhan ang lalaki at napatingin sa kanya.



"Yes?"



Isang malapad na ngiti ang isinukli niya rito. "Mukhang napagod nga kayo sa biyahe, Sir. Magpahinga na lang muna kayo. Sandali na lang at nasa hotel na tayo"



Napagpasyahan ni Cristalle na huwag na munang kulitin ang lalaki. Marahil nga ay napagod ito sa biyahe. Segundo pa lang ang lumipas nang sumagot ang lalaki sa kanyang tanong.



"Hindi naman nakakapagod ang biyahe. Nanibago lang ako sa lugar. Kahit saan ako tumingin, puro berde ang nakikita ko" anito



"Tama po kayo, Sir. Pinananatili kasi rito sa amin ang mga puno at halaman. Bawat kabahayan po ay dapat makapagtanim sila sa kanilang bakuran, puno o halaman. Para po mapanatili ang angking ganda ng isla" nakangiting wika niya.



Nakita niyang tumango-tango ang lalaki sa sinasabi niya. Nagulat pa siya nang bigla itong magpasalamat sa kanya.



"Salamat, Cris" anito.



"Wala anuman po iyon, Sir" nakangiting sagot niya.



Nakita niyang napapailing ang lalaki. "Bakit, Sir? May nasabi ba akong mali?" taking tanong niya.


"Wala naman pero kung puwede sana huwag mo na akong popoin o tawagin ng Sir Lazaro. Para naman akong matanda kung tawagin mo" sagot nito.



"Eh, ano'ng itatawag ko sa inyo, Sir?" anito na nagtataka pa rin.



"Call me Sir Gabriel o Gab na lang. Okay lang ba?" seryosong sagot niya.



Ilang sandali napaisip si Cristalle bago sumagot.



"Sige, Sir Gab. Hindi na kita popoin" nakangiting wika niya sa kanya.



Nakita niyang ilang sandaling pinagmasdan siya ng lalaki bago muling tumahimik at nag-iwas ng tingin.



Isang buntong-hininga na lang ang nagawa ni Cristalle. Hindi niya maintindihan ang lalaki. Hindi niya alam kung anong klaseng ugali meron ito. Lalo tuloy siyang naiintriga. Hinihiling niya sana makausap niya ito nang matagal, ang isang aloof na bisita.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro