Saan na nga ba?
Saan na nga ba?
By: Dayanarysong
Sinasayang ang mga sandali na sagot ng paghihintay.
Pagod na ata sa mga hawak-kamay.
O baka sa iba na nakabantay.
O sadyang nag-iba na ang emosyon at puso'y wala ng buhay.
Kaysaklap.
Kaybigat.
Bakit parati na lang naghihirap?
Umaayaw na sa paulit-ulit na pagpapanggap.
Ibig din lumigaya.
Hindi sa pagbabalat-kayo ng mata.
O kahit sa mga walang-kwentang storya.
Dala ay saya, saan na nga ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro