Hagupit ng Poot
Hagupit ng Poot
ni: Dayanarysong
Pagmamahal na ipinagkait.
Pasa't galos ang ipinalit.
Pag-ibig na nais maramdaman.
Bakit hindi ito inilaan?
Isang tanong na gumugulo sa munting isip ni Maria.
Siya ay bata pa lamang ngunit nasadlak na ang buhay sa pagdurusa.
Araw-araw, bugbog ng sampal at paghuhumyaw.
Gabi-gabi, siya'y umiiyak, pagod at nauuhaw.
Ibig niyang humingi ng tulong.
Sa kwarto, ayaw niyang makulong!
Subalit nakaabang ang poot ng sinturon.
Hawak ito ng kaniyang ama habang kumakain ng turon.
Sa pinakasulok, naroon ang kaniyang inang nakataas ang kilay.
Tingin pa lamang nito'y ibig na siyang mapatay.
Puno ng paghihinagpis at pighati ang kaniyang puso.
Nanunubig ang kaniyang mata habang napansin ang pagsilip ng guro.
Isang araw, nakaunipormeng babae ang dumating!
Siya ay nginitian nang puno ng lambing.
Ngunit sa kaniyang magulang ay inambahan ng posas.
Dapat sila'y mananagot sa batas!
Malupit man ang buhay subalit hindi ito maaring idaan sa karahasan.
Pag-ibig ang nais ni Maria hindi kasidhian.
Puso niya ngayon ay nalulugmok sa sakit.
Hindi lang dahil sa pasa't galos natamo pati na rin sa kung sino ang nanakit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro