Prologue
Pinagmasdan ko kung paanong maghalo ang kulay kahel, dilaw at rosas mula sa kalangitan. Nakakahanga naman talaga dahil iba't iba sa bawat araw.
Minsan pinaghalong kahel at dilaw. Minsan makikita mo ang kulay ube at rosas. Minsan pula na wari'y naghahamon ng madugong labanan. Minsan kulay asul lang. Subalit iba't iba man ang kulay, isa lang ang patutunguhan. Ang pagkain ng dilim sa maliwanag na kalangitan. Ang pagtatapos.
Same with me. I'm just waiting for my life to end. I just don't find meaning anymore. Tila ba nabubuhay na lang sa paghihintay ng pagtatapos.
Napangiti na lang ako nang makita ang tuluyang pagbaba ni haring araw. Tumayo na rin ako at pumasok sa loob.
Natigilan lang ako dahil katulad sa labas? Madilim din ang bahay. Walang anak na nandito. Walang apo na nakikipagtakbuhan din sa loob. Pawang dilim at lamig lang ang yumakap sa akin.
Dumeretso lang ako sa aking kwarto. Ayaw pang mag-isip ng kung ano subalit binigo rin ako nito bandang huli. Hindi ako agad nakatulog sa pag-iisip.
Napatingin ako sa album na nasa gilid lang ng lamesa. Kahit anong gawin ko'y hindi ko rin talaga magawang buksan ito. I said to myself years ago na babalikan ko ang lahat ng alaalang mayroon ako noon but now... Inggit lang ang mararamdaman ko sa kung sino ako noon.
Napabuntonghininga na lang ako bago bumalik sa pagkakahiga at hinayaan na kainin na lang ng antok.
Nagising kinabukasan na mabigat ang dibdib. I dreamed about having a kids. Ni walang ganang tumayo subalit lumabas pa rin para diligan ang mga halaman ko. Mayamaya lang din ay nagtungo ang mga kapitbahay ko sa amin. Gusto nila rito dahil sa lawak ng hardin.
"Uy, Mars, buti ka pa paupo-upo lang dito samantalang ako'y stress na stress na sa mga anak ko!" ani Gina sa akin. Tinignan ko naman siya roon. I mean that's my insecurity at alam kong alam nila 'yon.
"So, is it my fault na marami kang anak?" tanong ko dahil para bang kasalanan ko pa ang nakaupo sa bakuran ko.
"Hindi naman sa ganoon! Ito naman!" Tumawa pa siya.
"Ang sungit mo talaga! Ganiyan ba talaga kapag matandang dalaga? Dapat kasi'y nag-anak ka para naman hindi ka ganiyan kasuplada! Ang sarap kaya ng may anak at apo!" Nagtawanan pa sila subalit nanatili lang malamig ang tingin ko.
"Oo nga. Ikaw rin ang magsisisi dahil sa taas ng standard mo. Tumanda ka tuloy na mag-isa at walang mag-aalalaga," sambit naman ni Cath.
"Who told you so? Sino naman ang nagsabi sa inyong aalagaan kayo ng anak niyo sa pagtanda? Hirap sa inyo ginagawa niyong investment 'yang mga bata," ani ko na umirap pa. Sa huli'y sila rin ang napikon kaya nagsilayas sa bahay ko. Oh well, I would like to let them go. Hindi ko kailangan ng atribida sa buhay ko.
Naglakad na lang ulit ako papasok sa loob ng bahay na masama ang loob. I also want a child not because I want to be take care for but because I want to take care of someone. Gusto ko rin naman ng maingay na apong mahilig magtakbuhan dito sa loob. I want to spoil them dahil sayang naman ang pera kung hindi.
"I wonder where did I go wrong?" bulong ko sa sarili. Saan nga ba nagsimula? Hindi ko rin sigurado. Or maybe I know. I just denied that it was the case. Regrets came into the picture. How I wish I can change everything.
Umupo ako sa sofa ko at sinindi ang television subalit napaawang ang labi ko nang sa pagsindi'y tila ba nag-iba 'yon. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ng mga mata ko but this was our tv when I was still young.
Crush na, Crush na, Crush kita!
Di mo ba nadarama.
Crush mo rin kaya ako?
Napaawang ang labi ko dahil that was Luv U theme song. Nasa television din 'yon. Tutok na tutok ako habang nanonood. Baka naman nanaginip lang ako? Paano naman magkakaroon ng "Luv U" ngayon? That's imposible. Ang tagal na nitong natapos.
"Hati! Ang tagal mo! Tara na!" Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko. Dahan-dahan akong lumingon doon. Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin kay Marco.
Ang first crush ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro