Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Epilogue

Luwalhati's POV

"Maurice..." mahinang bulong ko sa sarili. Napabangon ako at napatitig lang sa kwarto kung nasaan ako. Bahagya ko pang pinahid ang luha mula sa aking mga mata.

I'm back in the present...

Napatitig pa akong muli sa kalendaryo ko. Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan ko nang tumayo.

I promise myself that I'll be happy now. Hindi ko na hahayaang malunod ang sarili sa panghihinayang, lungkot at regret.

"Lola Hati?" Napatingin ako sa pintuan ng kwarto nang may kumatok doon. Agad namang bumungad si Amihan na siyang may dalang pagkain.

"Kumusta na po ang pakiramdam niyo?"

"Ayos lang ako," ani ko na tumawa pa. Sinubukan niya pa akong titigan para lang masiguradong ayos nga lang talaga ako.

Ibaba niya na sana ang pagkain sa lamesa nang hinawakan ko ang kamay niya at napatangin sa picture frame na naroon.

"Maurice..." mahinang bulong ko sa sarili na hindi na rin namalayan pa ang luha mula sa aking mga mata. Ramdam ko rin ang paninikip ng dibdib habang nakatingin doon.

"Miss niyo po ulit si Lolo Mau, Lola? We can visit here if you want! Samahan ko po kayo," aniya na malapad ang ngiti sa akin.

"Awwe! Ang gwapo talaga niya Lolo Mau, Lola!" nakangiti niyang saad nang tinignan ang  litrato.

Napatingin naman ako sa singsing na nasa daliri ko, malungkot akong ngumiti sa sarili nang makitang suot ko na ang panibagong singsing na binili naming dalawa.

"Your Love to Lolo Maurice is really strong to the point that you choose not to love someone else, Lola, 'no? Kung magmamahal din po ako, gusto kong ganiyan sa inyo," nakangiting saad sa akin ni Amihan. Ngumiti naman ako sa kaniya roon. Weeks ago, I won't suggested to her to love like this but now that I think about it. I was thankful that I met Maurice. That once in my life I experience that kind of love. I'm happy that once in my life, nagkaroon ako ng isang Maurice.

"'Di ba, Lola, You fell in love with Lolo Mau in Paris. How thus it started?" tanong niya sa akin kaya agad akong napalingon.

"Type ka na ba niya sa Pilipinas pa lang?"

"Huh? We're already together when we're in the Philippines," ani ko kaya agad siyang napatingin sa akin habang nanlalaki ang mga mata.

"Po? But Lola Lisa said na saka lang po kayo nagkamabutihan sa Paris?" tanong nito sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang matigilan sa pagkakarinig ng pangalan ni Lisa.

"Can you repeat what you said?"

"Lisa said that to you? Paris?" ulit ko sa sinabi niya. Dahan-dahan naman siyang tumango kahit na nagtataka sa akin.

"Opo, sabi niya po?" aniya na naguguluhan sa akin.

"Lisa's here?" tanong ko pa.

"Po? Kauuwi lang po?" patanong na saad niya. Tuluyan namang napaawang ang mga labi ko. I thought I'm back in the present?

What's happening?

"Bakit po, Lola?" tanong pa ni Amihan.

"Tito Dy! Something is wrong ata with Lola!" sigaw ni Amihan kaya naman agad pumasok ang anak ko.

"Dylan..." mahina kong sambit bago kumurba ang ngiti sa mga labi.

"Ano pong problema, Mama? May masakit po ba sa inyo?" naguguluhan niya pang tanong. Sunod-sunod naman ang pag-iling ko. Hindi ko lang din maiwasan ang mapangiti bago yakapin ito. Sumilip din ang maliit na si Andra sa akin bago dumamba ng yakap.

"You're fine na po, Lola? You got us worried again," anito na napanguso.

"I'm fine..." ani ko na nginitian siya.

Nang lumabas kami'y agad kong nakita na ganoon pa rin ang set-up ng bahay noong bumalik akong may Lisa, Marco, Ren at Dylan ako... Noong bumalik akong may pamilya na...

But the thing right now, may mga bagong litratong naka-display doon kasama si Maurice... And the person in front of Maurice's portrait. Agad napaawang ang labi ko nang makita si Tita Beth doon.

"Hati, Hija... Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Agad ko namang niyakap si Tita at hindi na namalayan ang luha mula sa mga nata ko. Alam kong matagal na para sa kaniya ang nangyari ngunit parang kahapon lang ang lahat ng 'yon sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang maiyak habang yakap-yakap si Tita. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang masakit na iyak nito.

"Hija?" tanong niya sa akin ngunit niyakap lang ako nang mahigpit.

"What's wrong?" tanong niya pa sa akin. Umiling lang ako at ngumiti nang tuluyan nang kumalma. Nagtataka naman silang napatingin sa akin kaya bahagya na lang akong tumawa.

"'Yan na po pala si Lola Lisa, Lola Hati!" ani Amihan na tinuro si Lisa na may dala-dalang ulam at kanin.

"Let's eat na!" aniya pa habang parang buntot ang mga apo at ang kaniyang asawa na si Daniel.

Agad naman akong napalapit sa kaniya bago ko siya niyakap nang mahigpit. I thought I lose all of them...

"Lola Lisa, may amnesia na naman po ata si Lola Hati. Sila na raw ni Lolo Maurice nang nasa Pilipinas pa lang sila," ani Amihan kaya agad akong pinagkunutan ng noo ni Lisa.

"Huwag kang nagpapaniwala riyan kay Hati! Tanong mo pa kay Tita! Sa Paris naging sila.  Crush niya lang noong nasa Pilipinas kami," ani Lisa sa akin.

"You met Mau again in Paris kaya nga rin kami nagkadevelop-an nitong si Daniel dahil madalas niyo kaming iwan na dalawa kapag gusto niyong gumala!" aniya na sumimangot pa sa akin. 

"Pacheck-up ka na kaya?" tanong niya pa sa akin.

Agad na napaawang ang mga labi ko nang parang ilog na nagsibalik ang alaala mula sa pagligtas ko kay Lisa at pagtungo namin sa Paris. We did really meet again... In Paris...

Wow...

Hindi ko mapigilan ang luha mula sa mga mata habang pinagmamasdan ang maingay na paligid.

Hindi ko na rin namalayan pa ang sariling naglalakad patungo sa dalampasigan.

Agad ko rin namang nakita ang matandang babae na siyang pinagmamasdan ang kwintas na suot. 

Tumayo naman siya nang makita ako. Isang payapang ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"Are you happy?" tanong niya sa akin. Sunod-sunod naman ang naging tango.

"I am..." ani ko. May kirot at sakit pa rin sa dibdib dahil sa pagkawala ni Maurice but I can say that I'm happy... Meeting him again... Saying goodbye to him... Seeing Lisa in the present... And now having my big family...

"Thank you..." nakangiti kong saad sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin dahil do'n.

"No, I want to thank you... for making my life less lonely."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro