Chapter 9
Chapter 9
Luwalhati's POV
Napahigikhik naman ako habang pinapanood silang dalawa. Ang tatangkad at ang lalapad ng katawan habang naghuhugas ng pinggan. Mukha pa silang hindi magkasiya roon.
Nailing na lang ako bago nag-selfie. I really like taking random pictures so if I grow old. I can remember everything.
Nang matapos sila'y nakasimangot lang nang makita akong tumatawa.
"Uuwi na ako, Hati," paalam sa akin ni Marco.
"Sige, hatid na kita," maligalig kong saad. Kita ko namang pinagmamasdan ako ni Maurice kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay. Inirapan niya lang ako kaya mas lalo lang akong natawa.
"Thanks. Practice na lang tayo tom," ani ko na nginitian si Marco. Tila may gusto siyang sabihin subalit nanatili lang naman ang tingin niya sa akin.
Nang bumalik ako sa bahay. Nanatili si Maurice sa sofa habang nakikipagkwentuhan kay Lola. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ang album no'ng bata ako na tinitigna ni Maurice doon. Tumatawa pa siya subalit nang makita ako'y inirapan at nagkunwaring sumimangot kahit kumukurba naman ang ngiti sa kaniyang mga labi. Arte!
"Sungit naman niyarn," natatawa kong saad subalit sinamaan niya lang ako ng tingin. Parang mas natutuwa pa siya sa mga litrato ko kaysa sa akin.
"Can I take this one po, Lola?" magalang na tanong niya habang tinuturo ang litrato ko na sobrang lapit ng mukha sa camera at kikay na kikay dahil sa dami ng abubot sa buhok. Kitang-kita rin ang freckles ko roon. Madungis kaya agad kong tinakpan.
"No way," ani ko na napailing pa.
"Sige, sa 'yo na, Hijo." Wala man lang pag-aalinlangan si Lola kaya agad ko siyang tinignan. Hindi pa makapaniwala roon. Tumawa lang naman siya bago sinabing iiwan niya na kami. Talaga ngang kinuha ni Maurice ang litrato ko.
Ang mga sumunod na litrato'y kitang-kita ko na ang pagsimangot ni Maurice dahil mga litrato na namin ni Marco 'yon. Halos lahat kasi'y kasama na siya. Dahil kita kong madilim na ang mukha niya. Kinuha ko na 'yon.
"Oks na 'yan, madilim na. Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kaniya.
"Mamayang kaunti," masungit na saad niya kaya umirap din ako.
"Kanina mo pa 'yan sinasabi!" ani ko.
"Mukhang sayang-saya ka," puna na hindi pa rin tinantanan ang ilang litrato namin ni Marco. Napanguso naman ako dahil ang tagal na niyon. Isa pa, I just can't help looking at him. Posible bang nagseselos siya dahil lang sa mga litrato namin dati? Gusto niya ako ang sabi niya. Totoo kaya 'yon? I don't know.
Siya 'tong araw-araw na naiisip. Pakiramdam ko nga'y sa isang iglap ay nawala ang pagkagusto kay Marco o baka natatabunan lang dahil gusto ko si Maurice. Posible kaya na ang matagal kong pagkagusto sa isang tao'y bigla na lang naglaho?
"Umuwi ka na, baka hinahanap ka na ng pamilya mo," ani ko.
"Bakit ba gusto mo akong pauwiin?" nakasimangot niyang saad kaya napanguso ako.
"Madilim na. Delikado na sa kalsada. Ang sungit mo!" ani ko na sinimangutan siya. Sa huli'y pinigilan na lang din niya ang sarili na magsungit.
"I'm sorry for being immature," mahinang sambit niya nang nasa labas na kami ng bahay at pasakay na sa kaniyang kotse. Hindi ko naman mapigilan ang pagkurba ng ngiti sa aking mga labi. How can He be masculine and cute at the same time? Puwede bang i-kiss ito?
"Good night," ani ko na hinalikan siya nang mabilis sa labi. Kumaway pa ako bago tumatawang pumasok sa loob. Nakanakaw rin ng halik sa kaniya.
That night, natapos din naman ang pag-iinarte niya. Nanghaharot na rin nang makauwi sa bahay nila.
"Hati, ready ka na ba?" tanong sa akin ni Marco. Ngayon kami maghohost dito sa village.
"Of course, kailan ba ako hindi naging handa?" natatawa kong sambit. Napailing lang siya sa akin at bahagyang natawa.
Marami-rami rin ang tao rito sa village dahil malaki naman ito at pang-average na mga tao rin. 'Yong mga nasusuportahan ang wants kahit paano.
Masasabi kong magaling naman akong makipagtalk.
Nag-speech pa ang owner ng lugar at para naman hindi boring. Nagsimula na ring kumanta ang banda na kinuha nila. Nagsimula na rin ang talent show at ang mini event dito sa lugar. Natutuwa naman ako habang nanonood. Idagdag mo pa ang Momny ni Marco at si Lola na nagpapashout out. Hindi ko alam kung saan ba nila nakukuha 'yon subalit katulad ng gusto nilang mangyari ay 'yon lang din ang ginawa.
Nang kami na ang magperform ni Marco ay malakas ang naging sigawan dito sa village. Hindi ko pa maiwasang matawa dahil kahit nagkamali na'y talagang nagtatatalon sila sa tuwa.
"What a wonderful performance, right? Gusto niyo bang kantahan pa kayo ni Marco?" natatawa kong tanong at nakangisi pang tinignan si Marco. Natawa rin siya subalit sinamaan ko ng tingin.
Sa huli'y wala siyang nagawa kung hindi ang kumanta. Ang titig niya pa ay nasa akin kaya hindi alam kung dapat ba siyang kutusan o ano.
"Kiss! Kiss!" sigawan ng mga tao.
"Hoy, ano 'yan? Kayo, ah, masiyadong maiissue!" natatawa kong sambit sa kanila. Mga tao talaga ngayon. Ishiship na lang basta-basta ang kahit na sino basta lang may interaksiyon na naganap.
Gulat naman akong napatingin kay Marco nang mabilis niya akong hinalikan sa pisngi katulad ng hiling ng mga tao sa village. Ilang tilian naman ang narinig mula sa paligid habang si Lola'y halos atakihin. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil noong bata nga ako'y siya itong nangungulit sa akin na halikan sa pisngi si Marco para sa litrato. Pinakiramdaman ko naman ang sarili kung may nararamdaman ba roon subalit wala na. Kung hinalikan niya siguro ako noon, baka naglupasay na ako sa kilig but now? I don't really feel anything. Gusto ko lang siyang kutusan dahil halatang inaasar lang ako sa panlalaglag sa kaniya.
Inaasar din ang mga taong hindi na natigil sa tilian. Hindi ko maiwasan ang matawa dahil kilig na kilig naman ang mga ito.
Nang matapos ang event ay agad ko rin kinompronta si Marco. Kinurot pa ang tagiliran nito.
"Gago ka! Basta-basta na lang nanghahalik!" ani ko na sinamaan pa siya ng tingin.
"Sorry, they keep on requesting it," aniya subalit may mapaglarong ngisi.
"Ulol! Siguro crush mo ako," ani ko na inirapan siya. Hindi naman ito nagsalita at tumawa lang tila ba nagsasabi ako ng hindi kapani-paniwalang bagay. Napairap na lang ako bago naglakad pauwi sa bahay nang makapag-ayos na.
May date din kasi kami ni Maurice ngayon sa resto malapit sa Clouds at late na rin talaga ako. He's not texting me yet kaya baka nasa Clouds pa 'yon.
Todo naman ako sa pag-aayos bago nagtungo roon. Agad ko rin siyang tinext subalit walang paramdam. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya ako nireply-an.
Maurice:
I can't go. Still have a lot of things to do.
Agad naman akong napanguso dahil do'n. Baka pinapahirapan na naman ng Lolo niya. Hindi naman ako iindian-in niyon ng walang dahilan. Napakibit na lang ako ng balikat bago nag-take out ng order. Dumeretso rin ako sa Clouds para ipabigay sa kaniya.
"Kay Mr. Ruiz po," ani ko sa receptionist dahil hindi naman ako makakapasok sa opisina niya. Tumango naman ang receptionist. Iaabot ko na sana nang makita ko si Maurice na palabas.
"'Yan na pala siya, ako na," ani ko na ngumiti. Tumango naman ang receptionist sa akin. Kita kong seryoso lang ang mukha ni Maurice habang may kausap. Mukha pa siyang iritado habang nagsasalita ang katabi niya. Ang suplado talaga lagi ng itsura ng mokong na 'yan. Napangiti na lang ako bago lumapit. Hinintay ko lang na matapos ang kausap na lalaki sa sinasabi.
"Hi!" bati ko kay Maurice na maski ako'y malamig ding tinignan.
"What are you doing here?" tanong niya.
"I bought you lunch!" nakangiti kong sambit at pinakita ang in-order ko. Tinignan niya lang 'yon bago binalik ang mata sa akin.
"I already ate," aniya kaya unti-unting bumagsak ang balikat ko.
"Oh, ganoon ba. Sige," ani ko na ngumiti na lang muli. Ayaw ko lang na pinapalaki pa ang mga bagay-bagay.
"Hi, kumain na po kayo?" tanong ko sa kausap niya. Sasagot pa lang ito nang iritado nang nagsalita si Maurice.
"Kumain na siya," aniya kaya pinagkunutan ko siya ng noo. Inilahad niya ang kamay kahit mukha siyang napipikon sa lahat ng bagay.
"I'll take it, ako na ang kakain," aniya na nakasimangot. Sa huli'y kumurba ang ngiti sa aking mga labi.
"Anong oras ka matatapos? Gusto mo bang sabay tayong magdinner? Sakto at wala naman akong gagawin," ani ko.
"Arte! Nag-isip pa!" natatawa kong sambit dahil mukha pang pinag-iisipan niya. Sa huli'y pumayag din naman.
After kasi ng klase ko ngayon ay wala naman na akong gagawin maliban na lang sa—Oo nga pala! Mag-aayos kami ng backdrop para sa surprise birthday party ng Mommy niya.
"Ay! Hindi pala ako pupuwede! May gagawin kami ni Marco," ani ko. Ang kalmadong mukha niya kanina lang ay napalitan ng pagkasimangot.
"Bawi na lang ako!" Ngumiti pa ako sa kaniya subalit hindi na niya ako pinansin pa. Sa huli'y wala akong nagawa kung hindi ang magpaalam dahil tinatawag na siya ng ilan pang katrabaho. Sobrang busy nga talaga niya.
I texted him pa rin nang pumasok na sa eskwela.
Ako:
Hi, nasa school na ako! Magsisipag nang mag-aral para sa future natin hehehehehehe
"Hoy, wala ka ng ibang ginawa kung hindi ang titigan 'yang phone mo," sabi sa akin ni Lisa na siya malapad ang ngiti at sinubukan pang makisilip sa cellphone ko. Umirap lang naman ako sa kaniya bago inilagay na sa bulsa ang phone ko. Nagsimula na rin kasi ang klase at nakinig naman na ako. Mabait akong estudyante e. Para sa future anak namin ni Maurice. Hindi ko naman mapigilan ang mapahagikhik dahil sa naiisip.
Nang matapos ang klase'y tinignan ko naman kung may reply mula kay Maurice subalit mukhang abalang-abala ito at hindi na ako nagawang imessage pa. Ako na lang ang nag-send ng mensahe rito.
Ako:
Tapos na klase ko. Susunduin na ako ni Marco. Tatawag ako sa 'yo.
Wala pang ilang segundo'y tumatawag na ako rito. Ilang minuto pa bago niya sinagot.
"Hoy, busy ka? Bakit hindi ka nagrereply? Hindi mo ba ako namimiss?" sunod-sunod ang naging tanong ko.
"Who's that, Maurice?" tanong nang isang malambing na tinig. Hindi ko naman mapigilan ang pagkunot ng noo ko dahil do'n.
"I'll call you later. I still have something to do," malamig ang tinig niya nang sambitin 'yon. Hindi ko naman mapigilan ang simangot dahil sa kaniya. Sa huli'y wala akong nagawa kung hindi ang patayin na rin ang tawag.
"Bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa?" tanong ni Marco nang makita akong naghihintay. Hindi naman ako nagsalita.
Nagbiro na lang si Marco kaya sa huli'y sinubukan ko na lang na walain sa isipan ang mga naiisip ko kanina.
Naging abala rin kami nang gabing 'yon sa pag-aayos sa bakuran nila. Wala si Tita at Tito dahil na rin nasa resort ang mga ito. Kasama naman namin si Lola at ilan pang kapitbahay rito.
"Tingin dito," sabi ni Lola sa amin. Nakasanayan na rin namin na magdocumentary ng mga litrato namin kaya ngumiti ako sa camera. Nagpeace sign pa habang malapad ang ngito.
Pinost din 'yon ni Marco sa kaniyang facebook. Tinag niya lang din ako roon. Nasa may lamesa lang kami na siyang gagamitin ni Tito at Tita pag-uwi nila. Sobrang romantic ng itsura. Hindi naman halata na para kay Tita dahil wala naman ang mga disenyo para sa birthday niya. Nasa bakuran at bandang bahay nila 'yon.
Nang umuwi'y ineexpect ko na may text o tawag man lang mula kay Maurice at iniisip na baka matunugan niya na nagtatampo sa kaniya subalit maski isa'y wala man lang.
Ako:
Sige, daigin mo multo. Huwag kang magparamdam.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro