Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8

Luwalhati's POV

"Bakit hindi mo sinabi, Cia?" tanong ko.

"They just inform me today, Hati," paliwanag niya naman.

"And I thought you're friends with him? Hindi ka na mahihirapan kung ganoon," aniya pa subalit nanatili lang naman ang simangot sa mukha dahil hindi rin talaga alam ang gagawin.

Nang tawagin ako'y hindi ko alam kung bakit ako nanginginig sa kaba. Madalas ko siyang makitang nagphophotoshoot din subalit ngayon ko lang siya makakasama in one frame. Pinagtaasan niya ako nang kilay nang makita ang pagkabalisa sa mukha ko. Ngumiti na lang ako sa kaniya.

"Hindi ko nasabi na makakasama pala kita sa shoot," ani ko upang pagaanin ang atmospera. Nanatili lang naman siyang nakatingin tila gustong magsalita subalit pinigilan lang din ang sarili.

Mayamaya lang ay nagstart na ang shoot. Noong una'y isang dipa pa ang layo namin sa isa't isa ni Maurice. Nakaupo sa sofa habang may hawak na bote ng alak. Subalit kapagkuwan ay pinalapit kami sa isa't isa ng photographer at mas naging intimate na ang shoot. Napaawang naman ang labi ko nang hindi nagdalawang isip si Maurice na hapitin ako sa baywang habang ang isang kamay ay nakawak sa baso ng wine. Ang mga mata'y nasa camera habang nanatili naman ang mga mata ko sa kaniya. Agad ko namang inilipat ang mata sa camera nang bumaba sa akin ang mga mata niya.

"Why are you avoiding me, hmm?" tanong niya habang malapit sa tainga ko ang mga labi. Ang mga mata'y nanatili lang na nakatingin sa akin. Para akong mapapaso. Ramdam ko ang paninindig ng balahibo dahil do'n. Mas lalo namang nagwala ang puso. Hindi ko alam kung halata ba ang kaba ko habang nakatingin sa camera.

"I'm not avoiding you..." mahinang saad ko.

"Closer," anang photographer. Tangina. Gaano pa ba kalapit ang gusto nito? Gusto ata'y maghalikan na kami rito.

"Hmm, really? Why can't you look at me right now, then?" tanong niya.

"Of course, nasa shoot tayo!" ani ko kahit pakiramdam ko'y napapaso na dahil sa tingin nito. Ni hindi niya inaalis sa akin ang mga mata.

"After this, we'll talk," bulong niya bago hinarap na ang camera.

Kung hindi pa natapos ang shoot, pakiramdam ko'y nawalan na talaga ako ng hininga.

"Nice shoot! Ang galing niyo at ang gaganda ng kuha!" pamumuri ng photographer sa amin. Tuwang-tuwa ito. Hindi ko alam kung dahil ba kasama si Maurice o sadyang maganda lang talaga ang kuha sa aming dalawa. Hindi ko rin talaga alam.

Patuloy kaming kinakausap ng photographer at nagagawa ko pang magtanong dahil hindi inaalis ni Maurice ang tingin tila hinihintay lang na matapos kaming mag-usap.

"May I excuse Hati?" tanong niya kaya bahagyang nagulat ang staff. Maski si Cia ay nilingon din ako. Napatikhim naman ako at napapikit na lang.

"May trabaho pa," mahinang saad ko.

"Oo naman! Sure, sige lang!" anang staff at nilingon pa ako.

"Sige na, Hati, keri naman na 'to. Tapos naman na," anila kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Maurice na siyang dire-diretso sa paglalakad hanggang sa parking.

"Can we just talk here?" naguguluhan kong tanong.

"Let's talk over lunch," aniya.

"Ano bang pag-uusapan? Parang wala naman..." Ni hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay masama na agad ang tingin niya sa akin. Napatikhim naman ako dahil do'n. Sa huli'y walang nagawa kung hindi ang sumakay sa kotse niya. Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho siya subalit dahil hindi ko rin maikakalma ang sarili. Nilingon ko siya. Nanatili lang ang higpit ng hawak niya sa manibela at ang tingin sa kalsada.

"Bakit naman kita iiwasan? Hindi kita iniiwasan! Ngingitian pa nga kita at binabati!" tuloy-tuloy na saad ako. Hindi naman siya nagsalita.

"Really? You're not talking to me like you usually do and you're not even texting..." Hindi niya naman tinuloy ang sasabihin.

"We'll talk in the resto not while I'm driving," aniya kaya napanguso na lang ako at hindi pa rin mapakali.

"Hindi nga kita iniiwasan! Ang bait-bait ko pa nga sa 'yo," ani ko na ayaw ma-hot seat kaya kung ano-ano nang pinagsasabi. Saka mas maganda na ito dahil sa kalsada ang tingin niya. Para kaya akong malulusaw kapag nasa akin na ang mga mata niya. Nang makarating kami sa resto ay pinagbuksan niya lang ako ng pinto.

Um-order lang ng pagkain. Matagal akong nakatingin sa menu habang tinatakpan ang mukha dahil ramdam ko ang titig niya. Kanina pa siya tapos.

"Bakit ba ganiyan ka kung makatingin?!" tanong ko nang makuha na ang order ko.

"Why don't you say what you keep on saying earlier?" tanong niya na nakataas pa ang kilay sa akin ngayon. Napatikhim naman ako dahil do'n.

"'Yon nga! I'm not avoiding you. Friends pa rin naman tayo, ah? Saka kinakausap nga kita ngayon!" ani ko. Nakataas lang ang kilay niya as if hindi sapat ang paliwanag ko.

"Saka sa text at tawag naman, medyo naging busy ako. Saka hindi ka rin naman interesado sa mga kwento ko kaya ayos lang naman siguro. Nirereply-an—"

"And who told you I'm not interested?" tanong niya kaya agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa kaniya.

"So, you're interested?" naguguluhan kong tanong. Hindi naman siya nagsalita at nanatili lang ang tingin sa akin.

"Nagrereply din ako sa mga text mo kaya hindi mo masasabing iniiwasan kita," ani ko subalit nanatili lang ang tingin niya sa akin. As if he's telling me that he's not buying whatever I keep on saying. Napanguso naman ako at napasimangot sa kaniya dahil dito.

"Fine! Iniiwasan na kita!" ani ko na umirap sa kaniya.

"Nagiging main crush na kita! Hindi maganda 'yon! Ayaw kong mahulog sa 'yo!" hindi ko mapigilang sambitin kaya nilingon niya ako. Bahagya pang napaawang ang labi subalit mayamaya'y kumibot ang ngisi sa kaniya.

"Bakit?" Tumaas pa ang kilay niya dahil do'n.

"Anong bakit? Mayaman ka, maganda lang ako." Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko, akala mo naman ay nagbibiro ako.

"Now, that you know I'm avoiding you. Anong pakialam mo? Ano naman sa 'yo?" tanong ko na humalikipkip pa. Para bang bigla'y ako naman ang nang-hohot seat dito subalit ni hindi man lang siya mukhang kinabahan.

"I like it when I'm talking to you or maybe I just really like you," aniya kaya halos masamid ako sa iniinom. Hindi niya naman na inulit ang sinabi at hindi ko rin pinaulit dahil nanatili na akong nakatulala. Pakiramdam ko rin ay nabingi ako dahil lang sa sinabi niya.

Hanggang sa dumating ang pagkain ay hindi pa rin ako makapagsalita. Tahimik lang habang kumakain.

"You always do that," aniya sa akin kaya napatingin ako.

"Do what?" naguguluhan kong tanong.

"You always organize your food when you're feeling awkward," aniya kaya napatikhim ako. When I think about it, tama nga siya. I don't really know how to act like it's all normal subalit mayamaya lang ay bumalik sa mukha ang mapang-asar na ngisi.

"Ikaw, ah! Crush mo siguro talaga ako!" ani ko na malapad ang ngisi sa kaniya ngayon. Tinignan niya lang ako at bahagyang nailing.

"After your shoot, do you have something to do?" tanong niya.

"Yup, may klase pa ako," ani ko.

"I'll drop you off." Akala ko'y doon na magtatapos 'yon subalit nang matapos ang klase'y sinundo niya rin ako. We're back with being in landian phase again.

Sa nakalipas na linggo, ganoon lang ang naging ganap.

"Thanks sa paghatid," pagpapasalamat ko na malapad ang ngiti sa kaniya. Bahala na. Hulog naman na. Ano pang magagawa ko?

"Hati! Kanina pa kita hinihintay! Tara na," ani Marco na kalalabas sa bahay namin. Bahagya namang nagulat nang mapatingin kay Maurice na bumaba pa para pagbuksan ako ng pinto. Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Maurice sa akin tila nanghihingi ng sagot kung bakit nasa bahay si Marco. Ang demanding! Siya na nga 'tong may crush sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang mapahagikhik sa sarili.

"Apo, nandiyan ka na pala!" Lumabas din si Lola mula sa bahay. Naningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Napanguso naman ako at hindi alam kung paano magrereact.

"'Yan ba 'yong lagi mong ka-text at katawagan? 'Yong naghahatid sa'yo tuwing gabi?" tanong sa akin ni Lola bago pinasadahan ng tingin si Maurice. Ni hindi man lang nahiyang tignan ito na para bang hinuhusgahan.

"Pwede na. Mana ka sa akin. May taste ka naman pala," ani Lola kaya halos masamid ako sa sariling laway.

"Syempre, La!"

"Osiya, pumasok na kayo sa loob nang makakain na," ani Lola.

"Uuwi na siya, La. Busy po siya," ani ko subalit kita ko ang pagtaas ng kilay sa akin ni Maurice.

"Oh, ganoon ba?"

Agad namang sumabat si Maurice. "I'm not that busy po."

Hindi ko naman mapigilan ang mapatingin sa kaniya.

"I thought your friends are waiting for you?" tanong ko sa kaniya. He said na he's not partying anymore subalit kinukulit siya ng mga kaibigan dahil birthday ni Chester at sa hotel ata nina Daniel ang celebration.

"They can wait and I already great Chester. We already celebrate his birthday," aniya sa akin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

Nang pumasok kami sa loob ay kita ko ang talim ng tingin niya kay Marco na siyang napapatingin sa aming dalawa ni Maurice.

"You forgot about our practice, don't you?" bulong ni Marco nang makalapit sa akin. Napakagat naman ako sa labi at bahagya pang nag-peace sign sa kaniya. We're supposed to dance in our village anniversary. Kami rin ang host dahil gustong-gusto talaga may-ari ng village.

"Sorry! Kakatapos lang ng klase," ani ko kaya napatango na lang siya. We'll practice our new dance cover kasi.

"You're together again... Do you like him?" tanong ni Marco sa akin. Nilingon ko naman si Maurice na nakatingin sa aming dalawa. Hindi nawawala ang masamang tingin niya kaya pinagkunutan ko siya ng noo.

"I do like him," ani ko na kumurba pa ang ngiti sa mga labi. Kita ko naman ang titig sa akin ni Marco dahil dito.

Nang lumapit ako kina Lola. Agad kong narinig ang pangungulit sa kaniya nito. Ang daming tinatanong na maayos namang nasasagot ni Maurice.

"Balak ngang lumipat niyan sa condo ng Tita niya. Baka mamaya'y dahil sa 'yo, ah!" ani Lola na nilingon pa si Maurice. Halos masamid naman ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi nito. Sabay pang napatingin si Maurice at Marco sa akin. Parehas na gulat kaya hindi ko maiwasan ang mapatikhim.

"Lilipat ka?" sabay pang tanong nina Maurice at Marco. Kita ko pa ang angasan ng mukha nila. Parang mga sira.

"Lola! Hindi naman po ganoon!" ani ko na hindi mapigilan ang mapanguso. Sabi ko na nga ba'y dindibdib na naman nito ang paglipat ko kaya hindi ko rin talaga magawang umalis. Bukod sa mamiss ko siya, mas gusto ko rin naman talaga rito. Ayaw kong mag-isa roon at baka hindi rin ako makampante na maiwan ko siyang mag-isa rito.

"Si Lola naman. Hindi na po ako lilipat," natatawa kong sambit at lumipat pa sa tabi niya para yumakap. Hinalikan ko pa siya sa pisngi kaya napatawa na lang siya sa akin.

"Ayos lang naman sa akin. Pumayag na nga ako," aniya kaya napanguso ako.

"But I'll miss you kaya tama ka po. Dito na lang ako," ani ko na ngumiti pa sa kaniya nang malapad.

We ate our dinner with a really bright atmosphere. Nang matapos ay tinulungan ako ni Marco at Maurice na magligpit ng pinagkainan.

"Tulungan na kitang maghugas," ani Marco sa akin. Tumango naman ako dahil nakasanayan na naming dalawa 'yon.

"I'll help too," mababa ang tinig na saad ni Maurice. Tinignan ko naman siya. Sa itsura niya'y mukhang hindi niya naman 'yon ginagawa.

"Hindi na. Diyan ka na lang," ani ko. Kita ko ang pagsimangot ng kaniyang mukha.

"Upo ka na lang diyan," sambit ko pa kaya mas lalo lang siyang sumimangot. Parang isang batang anytime ay magtothrow na ng tantrums. Sa huli'y napabuntonghininga na lang ako.

"Fine, kayong dalawa ang maghugas," ani ko. Dahilan nang pagsimangot nilang dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro