Chapter 7
Chapter 7
Luwalhati's POV
"Hoy, anong tinatago-tago mo riyan?" tanong sa akin ni Mae kaya halos mapatalon ako sa gulat.
"Ano ba, Mae?!" ani ko na napahawak pa sa aking dibdib. Napakagat na lang ako sa aking mga labi nang makita na napatingin sa gawi ko si Maurice na siyang kanina pa sa pwesto niya.
Umayos na lang ako ng tayo at nagsimula nang maglakad papasok sa loob. Madadaanan ko siya kaya nagdadalawang isip ako kung anong gagawin.
Dalawang linggo ko na itong hindi tinetext at kapag nagkikita kami'y kinakausap ko rin namn subalit wala nang panghaharot. Nakaramdam din kasi ako ng hiya and I'm trying to limit myself. Baka mamaya'y biglang may mag-alok sa akin ng sampung milyon para layuan ang anak niya. Mahirap na.
"Hello, nandiyan ka pala," bati ko na ngumiti lang sa kaniya.
"Tawag na ako sa loob, Mae?" tanong ko kay Mae at siniko pa siya. Pinagkunutan naman niya ako ng noo at napatingin pa kay Maurice na siyang nakatingin sa akin. Sa huli'y wala siyang nagawa kung hindi ang tumango dahil pinanlakihan ko ng mata.
"Pasok na ako," ani ko na ngumiti pa sa kaniya. Nanatili naman siyang nakatingin. Ni hindi tumango kaya napanguso na lang ako bago pumasok sa loob. Hindi naman nakaligtas sa akin ang relong suot niya. Kumpara sa dati niyang relo'y mas mumurahin ang binili ko kaya hindi ko maiwasan ang pagmasdan 'yon. Bagay talaga sa maugat niyang kamay.
Napatikhim ako at agad ding pumasok na rin naman ako sa loob para sa shoot. Halos masamid ako sa sariling laway nang makitang pumasok din si Maurice. Tanga rin talaga ako noon. Masiyado lang pokus na makita siya rito at hindi man lang nagtataka na nakakapasok siya sa mga shoots na wari'y normal lang. Pero dahil modelo rin naman siya ng Clouds, akala ko'y kakilala niya lang ang photographer dahil do'n. 'Yon naman pala'y empleyado rin nila.
"Ikaw na," ani Cia sa akin pagkatapos ni Tasha, isang bigating modelo at artista.
Hindi naman ako mapakali lalo na nang magkasalubong ang mga mata namin ni Maurice. Kahit ayaw ko mang aminin, alam ko sa sarili na naattach na ako rito at nakakamiss din talagang kulitin siya. Kahit na kabado'y natapos naman nang matiwasay ang shoot.
"Tara na, Cia, baka ma-late pa sa susunod na shoot," pangungulit na bulong ko kay Cia.
"Huh? Magtigil ka riyan, Hati. Mamayang hapon pa ang next shoot mo," aniya.
"Sa sasakyan na ako kung ganoon," bulong ko pa sa kaniya. Tinignan niya ako at pinagkunutan ng noo.
"Darating daw si Mr. Trinidad. Huwag ka munang aalis," aniya sa akin kaya agad na napaawang ang labi ko.
"Huh?" Hindi naman na niya pinaliwanag at pinasamahan ako kay Mae na maupo una sa upuan na para sa akin.
"Hindi ba pupuwedeng umalis muna? Nagugutom ako," ani ko lalo na't nang makita na papalapit sa gawi ko si Maurice. Napatayo pa ako sa pagkakaupo ko nang magkasalubong ang mga mata namain ni Maurice. Aalis na sana ako subalit hindi naman pala sa gawi ko ang punta.
Nilapitan niya ang photographer, mayamaya lang ay lumapit din sa kanila si Tasha. Malapad ang ngiti nito habang nakatingin kay Maurice. Napangiti na lang ako sa sarili dahil ganiyan na ganiyan ang itsura ko kapag kinakausap siya.
"Hindi raw pupuwedeng umalis, Hati. Parating na rin daw si Mr. Trinidad. Tiisin mo raw muna ang gutom mo," sabi ni Mae na nagpaalam pala kay Cia. Napatikhim naman ako dahil ang lakas ng boses ni Mae. Pakiramdam ko tuloy ay narinig din nina Maurice sa lapit ba naman nila sa gawi namin. Napapikit na lang ako dahil palusot ko lang naman 'yon.
Sa huli'y wala akong nagawa kung hindi ang mag-phone na lang. Iwas awkwardness. Abala lang ako sa pag-scroll sa timeline ko. Minsan ay natatawa pa kapag nakakakita ng memes na pinagsheshare ng mga kaibigan.
Patawa-tawa pa ako nang makita ko si Maurice na naglalakad na papalapit sa akin. Hindi ko naman inalis ang ngiti sa mga labi nang magkasalubong ang mga mata namin. I know he'll be grateful pa nga na hindi ko siya kinukukit at hinaharot.
Akala ko'y lalagpasan niya na ako tulad kanina subalit tumapat siya sa gawi ko.
"Do you want to have lunch with me?" tanong niya kaya halos masamid ako sa sarili kong laway. Kadalasan naman ay ako ang nangungulit sa kaniya na maglunch kaya hindi ko lang maiwasan ang magulat.
"Huh? Hindi na, darating daw si Mr. Trinidad," ani ko na sinubukan pang ngumiti sa kaniya.
"He'll be late," aniya kaya napaawang ang labi ko. Talaga ngang magkamag-anak sila.
"Hindi na. Hindi pa naman ako gutom," ani ko kaya mukha pang gustong umalma ni Mae na kanina lang ay kinukulit ko na gutom na gutom na ako.
Matagal lang akong pinagmamasdan ni Maurice bago siya tumango. Umalis na rin ito sa harap ko. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nakitang may kinakausap na staff. Bakit ba 'yan nandito? Intern pa siyang nalalaman, siya naman pala ang magmamana ng buo.
Wala pa atang ilang minuto'y bumalik ang staff na may dala ng pagkain para sa lahat. Hindi naman talaga ako gutom kaya itinabi ko lang kay Mae ang akin.
Natigilan naman ako nang may bumalik na staff sa tapat ko at ibinigay ang cheesecake. Agad naman akong napatingin doon at hinanap pa si Maurice. Naikwento ko sa kaniya na panorito ko ang cheesecake. Hindi kaya—Hindi, Hati.
Ako na ang sumagot sa sarili lalo na nang makita na hindi lang naman kami ang binigyan ng staff. Halos lahat naman. Hindi ko rin natiis na kumain dahil cheesecake na ang nasa tapat. Hindi nga lang gaanong marami dahil less sugar ako ngayon dahil sa diet ko.
Mayamaya lang ay dumating na rin naman si Mr. Trinidad. Nagsitayo kaming lahat at agad akong sinenyasan ni Cia na lumapit sa kaniya. Tumango lang ako. Katabi ko si Cia nang bumati.
"Let's talk over lunch," nakangiti niyang saad subalit napatingin sa paligid nang makitang maraming lunchbox doon.
"Oh, you already ate?" tanong niya.
"I already bought them food. Late ka na po, Lolo. They are already hungry," ani Maurice kaya agad na umiling ang ilan.
"Hindi naman po," anila na awkward pang tumawa. Tumawa lang naman si Mr. Trinidad.
"It's fine, let's just have our dessert. Mukhang hindi na mapakali ang apo ko," aniya na tumawa pa.
Sumunod naman kami patungo sa resto sa loob ng Clouds. Ganoon 'to kalaki. May sarili pang convenience store dito sa loob. Tahimik ako nang maupo sa tabi ni Cia.
Mr. Trinidad just want to treat us. Successful kasi ang shoot. Big project ng kompanya nila ito kaya todo effort. Saka nandito ang VIP na model nila. Nagagawa pang makipagbiruan si Tasha kay Mr. Trinidad. Magkatabi lang din sila ni Maurice na halos katapat ko lang. Mukhang close sila ni Tasha at madalas pang magbulungan. Nginitian ko lang naman si Maurice nang magawi sa akin ang mga mata niya, agad ko ring iniwas 'yon at ibinaling ang mga mata sa aking pinggan.
"Ms. Madrona." Nahinto naman ako sa pakikipagtitigan sa pagkain nang sikuhin ako ni Cia. Nagtataka ko naman siyang nilingon kaya nginuso niya sa akin si Mr. Trinidad. Nilingon ko naman ito at nagtatakang tinignan.
"I want to compliment you for doing a great job," anito.
"Thank you po," ani ko na ngumiti pa.
"I would like to work with you again," anito. Isang taon pa ang kontrata ko rito sa Clouds kaya matagal-tagal pa 'yon. Ngumiti lang ako at tumango.
"Thank you for the opportunity po." Ngumiti lang muli ako.
"Balita ko'y maganda raw ang reaction ng mga tao sa chemistry niyo ni Mr. Tolentino." Tinutukoy si Gavin. Simula kasi nang i-release ang ilang litrato ko kasama si Gavin, dinagsa ng taong bayan. Dumami rin ang followers ko at nagkaroon pa ng fansclub para sa aming dalawa. Hindi ko alam kung bakit hilig na talaga ng tao ang gumawa ng loveteam at minsan hindi na maganda ang naidudulot sa ibang fans. They just overthinking every single thing.
Hindi ko naman alam ang isasagot kaya tumawa lang ako. Lahat pa kasi'y nasa akin ang mga mata.
"Why don't you work again together?" tanong niya na malapad ang ngisi. Hindi ko rin alam kung nag-ooverthink ba ako o ano subalit kita ko ang pagtingin niya sa gawi ng kaniyang apo. Nilingon ko rin si Maurice dahil do'n. Kita kong seryoso lang ang mukha habang tiim ang bagang na nakatingin sa pagkain na nasa harap niya.
"Oh, sure po," ani ko dahil project din naman 'yon. Laking pasasalamat ko na lang na nilubayan na rin niya ako at nakipagkwentuhan na sa ibang staff.
Isang sulyap ang iginawad ko kay Maurice. Nakita kong nakatingin siya sa akin kaya ngumiti lang ako bago nagkunwaring abala na kausap si Mae kahit na kung ano-ano lang ang pinagsasabi ko.
Nang makauwi sa bahay ay napahiga na lang ako sa sofa sa pagod. Napatitig pa ako sa phone ko habang nagbabackread ng convo namin ni Maurice. Simula nang hindi na ako magtext. Last na text ko sa kaniya ay tungkol sa lunch naming dalawa. May mga text pa naman siya na tinatanong ako sa mga project ko at madalas na tungkol lang namam sa Clouds. Binigay ko na lang ang number ng manager ko para roon siya magtanong. Minsan pa'y may na-gm pa siya para sa lahat. Hindi ko alam na nag-ggm din pala siya.
"Nakailang buntonghininga ka na ba, Apo?" tanong ni Lola sa akin nang makalapit.
"Sobra na ba 'yang pagod mo sa trabaho?" tanong niya bago naupo sa tabi ko. Inilagay niya sa lap niya ang ulo ko. Ibinaba ko naman ang phone ko habang nakatitig sa kaniya. Dahan-dahan niya namang hinilot ang noo ko.
"La, paano na nga po nagsimula ang love story niyo ni Lolo?" tanong ko.
"Noong nagtatanim kami, sila ang kumakanta. Magaling daw akong magtanim kaya 'yon, niligawan ako," aniya kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti. Alam ko na ang kwentong 'yon, gusto ko lang ulit-ulitin dahil kung magmamahal man ako, gusto ko sa iisang lalaki lang katulad ng kay Lola. Gusto kong pangmatagalan. Ayaw kong tumulad sa ina at ama. Napangiti na lang ako habang hinihilot ni Lola ang sentino ko.
"La, is it fine If I'll use Tita's condo?" tanong ko kay Lola. May Tita ako na siyang nasa ibang bansa ngayon. Doon na sila nakatira ng buong pamilya niya.
"Bakit lilipat ka pa? Ayos ka naman dito," aniya nang tignan ako. Nahinto rin siya sa ginagawa.
"Hmm, mas malapit kasi roon ang school, Lola. Isa pa madalas na ginabi ako, nagigising pa kita," ani ko kaya tinignan niya lang ako.
"Mas ayos na 'yon," aniya subalit agad ko namang sinabi ang parte ko.
"Dito pa rin naman po ako madalas uuwi, Lola." Ngumiti pa ako bago umahon sa pagkalahiga at niyakap siya.
"I'll just use that if I'm really tired from some of my shoots," dagdag ko pa. Mas lalo kasing dumami ang project lalo na rin dahil nadamay sa kasikatan ni Gavin. Ilang pilit pa bago siya napapayag. Wala pa naman akong balak lumipat sa ngayon. Hindi ko rin naman kaya na wala sa tabi ni Lola.
"Sino naman 'yan?" tanong niya sa akin. Hindi pala nakaligtaan ang pangangalikot ko sa phone kanina.
"Wala, La. Sub crush ko lang," natatawa kong saad. Nilingon niya naman ako na hindi na naniniwala kaya hindi ko maiwasan ang matawa.
I also doubt that he's just my sub crush lalo na nang makita ko siya sa shoot na may partner ako. Hindi ko akalain na siya iyon. Hindi naman kasi ako nang-usisa dahil kumportable na ako sa kung sino subalit nang mapag-alaman kay Cia na siya nga ang partner ko. Nanlamig ang katawan ko at pakiramdam ko'y nanginginig na ang kalamnan sa kaba.
Nang lingunin niya ako'y ni hindi ko na magawang mangiti dahil nagwawala na ang puso na wari'y gustong kumawala sa kaniyang hawla.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro