Chapter 6
Chapter 6
Luwalhati’s POV
“15 minutes break,” sabi ng photographer kaya agad akong nilapitan ni Cia.
“What’s wrong with you today? Do you like Gavin? You’re always professional,” ani Cia sa akin.
“Of course not! It’s my first time but I’m good now. Aayusin ko na mamaya,” ani ko na napanguso pa kaya tinignan niya lang ako. Sa huli’y napabuntonghininga na lang din at napatango.
“Saan ka pupunta?” tanong niya.
“Bibili lang inumin,” ani ko kaya agad niyang tinuro ang para sa akin.
“Papahangin lang pala,” ani ko na tumawa pa.
“10 minutes lang. Babalik ka agad dito,” aniya kaya tumango lang ako bago nagtungo sa labas para hanapin si Maurice.
I found him talking to someone. Napatingin naman siya sa akin kaya ngumiti ako. Hindi agad lumapit dahil may kausap pa siya. Saka lang nagtungo roon nang umalis na ‘yon.
“Hi! Nandito ka pala! Hindi mo ako sinabihan,” ani ko na malapad pa ang ngiti sa kaniya. Pansin ko na nakasimangot lang ito at mas masungit sa madalas na dating niya.
“Bad trip ka ata? Pagod sa school?” tanong ko kahit mukha namang hindi siya pumasok. Nakatupi hanggang sa siko ang polo sleeve niya habang hindi nakabutones ang unang tatlo. Simple lang ang outfit subalit mukha talaga siyang modelo. Maayos din ang buhok hindi katulad kapag nakikita ko siya sa bar.
“I’m intern here,” aniya kahit na mukhang ayaw akong sagutin.
“Oh? Wow! Sayang lang dahil last shoot ko na ata ‘to for this month,” sambit ko kaya tinignan niya lang ako bago napatango.
“Why are you here? Bakit hindi ka pumasok para makita mo ang…” Para bang hindi niya pa gustong ituloy ang sasabihin kaya pinagkunutan ko siya ng noo at hinintay ang idudugtong niya.
“Ang?” tanong ko.
“Crush mo,” iritado niyang saad kaya tumawa ako. Mas lalo naman siyang napasimangot dahil sa sinabi ko.
“I’m looking at my crush right now?” patanong na saad ko.
“I told you that you still have a lot to learn, Kid.” Umirap naman ako dahil kahit ilang buwan na simula ng mag-18 ako. Turing pa rin nito’y bata. Kainis.
“Fine, magpapaturo ako kay Ren,” ani ko na umirap. Si Ren ‘tong magaling humarot.
“What?” tanong niya na masama na ang tingin sa akin ngayon. Bago pa ako makapagsalita’y tinatawag na ako sa loob. Sumunod din naman si Maurice habang matalim ang tingin sa akin. Agad naman akong napangisi nang may maisip.
Nang pinapwesto kami’y ako na mismo ang humila sa tie ni Gavin upang makalapit ito sa akin. Napangisi pa ako nang tinignan si Maurice na nakatiim ang bagang habang nakatingin sa mga mata ko. Nakahalukipkip pa ito wari’y isang boss na kailangan mong i-please.
Nasa tabi lang siya ng photographer kaya nagawa kong magmukhang nang-aakit habang nakatingin sa camera.
“Good! Nice shot, Hati!” pamumuri sa akin. Agad ko namang binitawan si Gavin na siyang nakakapit pa rin sa akin. Inalis ko rin ang pagkakahawak niya bago nagtungo kay Maurice para magyabang.
“What do you say? I’m still Kid ba?” tanong ko sa kaniya.
“Shut up, Hati,” aniya sa malamig na tinig.
“Ano nga?” pangungulit ko pa.
“You’re still… you won’t learn from anyone…” aniya na para bang malalim ang iniisip at ayaw ituloy ang sasabihin.
“Subukan mo lang,” banta niya pa habang masama ang tingin.
“It’s Ren birthday later, imbitado ka ba?” tanong ko sa kaniya. Iniiba na ang usapan. Nanatili ang malamig na tingin niya sa akin subalit siniagot din ako kahit no’ng una’y mukha siyang walang balak.
“Yeah,” anito kaya ngumiti ako.
“See you then?” nakangiti kong tanong.
Naging abala na rin ako buong araw sa ilang shoots at pumasok din ako sa eskwela kinagabihan. Late na nang magtungo sa exclusive bar na nirentahan ni Ren para sa birthday niya. Halo-halo ang kaibigan ni Ren kaya naman nasisigurado kong buong gabing maayos ang kaniyang tindig.
“Hi, happy birthday!” bati ko na ipinakita pa ang regalo sa kaniya bago siya niyakap. He’s 2 years older than me.
“I thought you won’t come!” aniya kaya ngumisi ako.
“Pwede ba ‘yon? Nandito crush ko,” natatawa kong sambit na agad hinanap si Maurice.
“’Yan, malandi ka! Nandito ka para sa ibang tao!” reklamo niya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang mapanguso. Inirapan niya ako bago nailing.
“Kapag umiyak huwag kang lalapit sa akin,” aniya pa kaya tumawa ako.
“As if!” natatawa kong sambit.
May ilang bumati pa sa kaniya. Pinakilala pa ako kaya naman nakangiti ko silang binabati pabalik.
Nang mahanap ko si Maurice na siyang nililibot ang paningin, nagpaalam na ako kay Ren dahil ang dami niyang kausap at hindi ako nakakarelate. Agad akong napangisi nang banggain si Maurice subalit agad na nagulat nang matapon sa suot kong damit ang wine na hawak niya.
“What the heck, Hati?!” Bakas ang iritasiyon sa tinig nito at kita ko ang pagsimangot niya nang makitang bumakat ang suot na bra dahil puting tube top. Hindi na ako nakatungo pa sa bahay at nagpalit lang ng pantaas.
“Come here,” aniya subalit abala na ako sa pamumunas. May mga napapatingin na rin kasi. Hinapit niya lang ang baywang ko papalapit sa kaniya bago niya ako marahan na hinila palabas ng club.
“What are we doing here?” tanong ko nang makarating kami sa parking. Imbes na magsalita’y pumasok siya sa loob ng kaniyang kotse at kinuha ang isang shirt na paniguradong oversize sa akin. Nagdalawang isip pa ako kaya nanatili ang tingin niya na nakataas pa ang kilay. Napanguso naman ako bago tinanggap ‘yon.
Mapang-asar ko namang itataas sana sa harap niya ang tube top ko nang masama agad ang tingin na iginawad niya.
“Subukan mo lang,” banta niya kaya natawa ako. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto ng kaniyang kotse kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumasok doon para palitan ang tube top. Inayos ko lang ang oversize t-shirt niya. Amoy na amoy ang mabangong halimuyak na nanggagaling dito. Napangiti na lang ako bago inayos ‘yon. Nagawa kong ibahin ang istura at hapit na hapit na sa katawan ko ngayon.
Pinsadahan niya naman ako ng tingin nang lumabas.
“Isasauli ko na lang sa susunod,” ani ko. Hindi niya ako pinansin.
“Sungit! Ikaw naman ‘tong nakatapon sa akin,” natatawa kong sambit.
“And whose fault is that?” Nilingon niya pa ako na sinaman ng tingin. Napanguso naman ako roon.
“Babatiin lang naman kita,” ani ko na nakanguso.
“And that’s your way of greeting me?” Nakataas pa ang kilay nito. Well, haharutin ko sana siya subalit sa huli’y ako lang ‘tong napahamak sa kalandian ko. Akala ko’y hindi na siya magsasalita pa subalit nilingon niya ako.
“Have you eaten?” tanong niya. Dahan-dahan naman akong umiling.
“Dumeretso na ako rito pagkatapos ng klase ko. Babatiin ko lang sana si Ren at sisilip na rin,” ani ko kaya nilingon niya ako. Pinagtaasan pa ng kilay. Akala ko’y magtatanong subalit pinagbuksan lang ulit ako ng pinto.
“Let’s eat first before we go inside,” aniya sa akin kaya tumango ako bago sumakay.
Ang linis ng kotse nito. Well, sa mukha rin naman kasi niya’y mukha siyang organize.
“Ang bango ng shirt mo,” ani ko na inamoy pa ang shirt niya. Pinagkunutan niya naman ako ng noo. Nilapit ko pa ang mukha sa kaniya kaya agad niya akong nilingon. Mabuti’y hindi pa naiaandar ang kotse.
“What are you doing?” kunot noo niyang tanong.
“Wala, mas mabango pala ang may-ari,” ani ko na tumawa pa. Inirapan niya naman ako at lumayo pa sa akin nang kaunti kaya hindi ko mapigilan ang lingunin siya. Sa huli’y tinawanan ko lang.
“I’m really tired today! Tatlo ang shoot kaninang umaga tapos hindi ko pa tapos ang research. Gusto ko na lang matulog.” Pagrarant ko sa kaniya.
“Is it hard?” tanong niya. Tumango naman ako at dinagdagan pa ang reklamo.
“Want me to help you?” tanong niya kaya agad akong napatingin sa kaniya.
“Ayaw kita,” ani ko na tumawa. Tumaas naman ang kilay niya sa akin dahil sa sinabi.
“Baka imbes na matuto, makabisado ko lang ‘yang mukha mo.” Kita ko ang pilit na pagkunot ng kaniyang noo subalit kita naman na nangingisi ito.
“Let’s meet when you’re free, I’ll help you,” aniya kaya tumango na lang din.
That’s what happened for almost a month. Paminsan-minsang nagkikita sa bar kapag nagagawi ako roon at minsan din na nagkikita kapag nagpapatulong ako sa kaniya sa ilang subject. Madalas ko pa siyang makita sa Clouds kaya talagang nagiging malapit kami sa isa’t isa. Idagdag mo pa ang pangungulit ko sa kaniya sa text at tawag. Mabuti nga’y nagtitiis ang isang ‘yon na kausapin ako.
“Hi, saan ka today? Lunch tayo! May break kami 1 hour!” sambit ko sa kaniya nang sagutin niya amg tawag ko.
“Hmm, pababa na,” aniya kaya malapad ang ngiti ko nang lumabas sa studio.
Hinintay ko naman na siya sa elevator. May mga empleyado na napapatingin sa akin. Ngumiti lang naman ako dahil pamilyar naman na ang iba dahil sa dalas ko rito.
“Hi,” bati ko kay Maurice.
“I’ll treat you today,” sambit ko sa kaniya na malapad ang ngiti. Nagtungo lang kami sa isang mall. Kumain lang saglit at naglibot.
“Anong gusto mo?” tanong ko.
“Pili ka, treat ko,” ani ko habang tumitingin ng relo para kay Lola. Agad namang lumapat ang ngiti ko nang makapili. Paniguradong pagagalitan ako niyon dahil gumastos na naman ako ng mahal subalit sino bang iba kong paggagastusan?
“Ito po,” ani ko. Nilingon ko si Maurice dahil mukhang wala siyang balak mamili.
“It’s my thank you gift for helping me in my research.” Pati na rin sa panlilibre niya ng mamahaling pagkain.
“You don’t have to,” aniya.
“Ayaw mo kasi mura?” Napanguso pa kaya agad nagsalubong ang kilay niya.
“What? No, of course not.” Inirapan ko siya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang magbuntonghininga.
“Choose for me then,” aniya kaya lumapad ang ngiti ko bago siya hinanapan ng relo. Subalit nang may mahanap. Napatingin ako sa kaniyang kamay. Baume & Mercier ang kaniya at ang alam limited edition pa ‘yon. Parang nakakahiya naman kung sakali.
“Huwag na pala,” ani ko. Napansin niya ang tingin ko sa relo niya kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.
“I like what you choose. Buy it for me,” demanding niyang saad kaya agad akong napanguso. Sa huli’y nahihiya ko pang ibinigay ‘yon.
Tumatawag na si Cia kaya naman hindi ko na rin nabalingan ang reaksiyon niya. Late na ako bg 10 minutes kaya agad akong nataranta. Nagmamadali na tuloy kami ni Maurice nang magtungo roon.
“Hati,” tawag sa akin ni Cia. Nilingon ko naman siya. Napansin din na nakatingin sa pagdating namin ang ilang empleyado.
“Halika nga rito,” ani Cia sa akin na sinenyasan akong lumapit sa kaniya. Nag-excuse pa siya kay Maurice.
“Sorry, Cia! Natagalan kami!” ani ko na nahihiyang humingi ng tawad.
“How did you know Mr. Ruiz, Hati?” tanong niya sa akin. Hindi pinapansin ang paghingi ko ng tawad.
“Si Maurice?” Lilingunin ko pa sana si Maurice subalit parang kasalanang gawin ‘yon dahil sa tingin ni Cia sa akin. Lagi niyang gustong magtanong subalit lagi ring hindi tinutuloy.
“Everyone is talking about you, sinasabi na nakapasok ka lang daw sa Clouds dahil may kapit at patuloy na nagkakaroon dahil nilalandi mo ang big boss,” aniya sa akin kaya mas lalo namang napakunot ang noo ko.
“What? Anong may kapit? Sino naman?” tanong ko.
“Si Mr. Ruiz!” Naguguluhan ko naman siyang tinignan kaya wala siyang nagawa kung hindi ang nagpaliwanag.
“Maurice is Mr. Trinidad’s grandson. Nag-iisang apo na lalaki,” aniya kaya napaawang ang labi ko. Hindi ko naman alam kung paano magrereact kaya nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.
Alam kong mayaman si Maurice subalit hindi ko alam na ganito pala kayaman. Ang daming hawak ng brand na Clouds. Ang alam ko’y iisa lang din ang may-ari ng Sky, Heaven at maski ng Storm.
Hindi ko na tuloy alam kung paano pa lilingon kay Maurice. I know that I’m attracted to him subalit hindi ko ata kakayanin kung mahuhulog ako rito at ganiyan pala talaga kayaman. Hindi nga talaga nagbibiro si Ren nang balaan ako. Patay na talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro