Chapter 50
Chapter 50
Luwalhati's POV
Nang tignan ko si Maurice, he was smiling from ears to ears while looking to Hati. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng likido mula sa aking mga mata. Halo-halong emosiyon lang ang nararamdaman habang nakatingin dito. It was as if one of my long time dream is finally happening. Napatingin ako kay Hati nang makitang tahimik lang itong umiiyak habang nakatitig din kay Mau.
Punong-puno ang tao sa loob ng simbahan. Maski ang mga dating kaibigan ay narito. Ang mga empleyado pa ng Clouds and mostly ang mga businessman na kaibigan ng Lolo ni Maurice. Ang mga nurse, mga kasama namin sa bahay at maski ang mga kapitbahay namin dati'y narito rin. Lahat sila'y saksi sa pagmamahalan na mayroon kami ni Mau. Lahat sila'y saksi sa pag-iisang dibdib ni Maurice at Hati.
You're the best thing that happened to me- Gladys Knight
If anyone should ever write my life story
For whatever reason, there might be
Ooo, you'll be there between each line of pain and glory
'Cause you're the best thing that ever happened to me
Ah, you're the best thing that ever happened to me
Napangiti na lang ako nang habang papalapit nang papalapit, kita ko kung gaano kasaya ang mga mata ni Maurice. That's the only thing I want to see right now.
"I always wish for your happiness, Hati. I would like to say that in every decision you'll have, regrets and mistakes will always be there so do the things that will make you happy," ani ko na nginitian siya.
"Mahal kita, Hati," seryoso kong sambit sa kaniya. After this day, I won't live in the past. I won't hate my past. I'll be a better person in the future so the Hati today will be able to love me the same.
Iniabot ko naman kay Maurice ang kamay nito.
"I'm happy for the both of you..." ani ko na nginitian sila.
Isang mahigpit na yakap naman ang ibinigay sa akin ni Hati.
"Thank you, Manang..." bulong niya sa akin.
"It's nothing. I'm also doing this to make myself free," ani ko na pinunasan ang luha niya. Ngumiti pa siya sa akin bago tuluyang hinarap si Mau.
Nang naglakad na ako patungo sa upuan ko'y nakatitig lang ako sa kanilang dalawa. Maurice is just smiling at her habang si Hati'y ganoon din, nangingilid nga lang ang luha mula sa kaniyang mga mata.
Pinahid ko lang din ang likidong tumulo mula sa mga mata ko nang magsimula ang seremonya. Lahat kami'y seryoso habang nakikinig.
Mayamaya lang ay nagpalitan na sila nang kani-kanilang wedding vow.
"Mau, remember the first time we saw each other? When I saw you in the bar looking like a knight in his dashing suit, I thought you're just another soldier that I'll meet along the way... I never really thought of falling in love but you taught me that it's not that bad. Thank you for choosing to stay even though there are so many reasons to leave. Thank you for being with me in my best and my lowest. We share a lot of pain now, My Love. Ano ba naman 'yong samahan kita hanggang sa huling saya at sakit, 'di ba? Thank you for not giving up on me... I always love you, Mau... Sobra..." aniya na nginitian pa si Maurice. Pansin din ang pangingilid ng luha mula rito.
Mayamaya lang ay si Maurice naman ang nagsabi ng wedding vow niya.
"I'm selfish, right? Wishing to get married to you even though I know that I won't be able to be with you in every struggle you'll have... even though I won't be able to wake up next to you every morning... even though I won't be able to love you when the sun shines, when the moon peak through your darkest night, when the rain falls, when the new season is over. But I would like to say that I'll be there until I reach my last breath. Eventually, I'll leave but as of now let me have many great memories with you... Thank you, Hati... Thank you for loving this selfish man. Thank you for loving me..."
"If I can choose who to love in my next life, it will be always you... I won't be able to be with you in this lifetime... I won't be able to take care of you for the rest of your life but I will surely love you for the rest of my life... You're my happily ever after, Hati... Allow me to remind you again that I love you... I love you, My Love..." mahinang bulong niya bago hinalikan si Hati sa noo. Halos lahat nang nanonood ay nakangiti lang habang pinagmamasdan sila. Si Tita'y hindi na rin napigilan pa ang maluha habang pinagmamasdan sina Maurice at Hati.
Hinalikan ni Maurice sa noo si Hati. Mayamaya lang ay naghudyat na ang pari na halikan ito sa labi. Pinalis ko lang ang luhang tumulo mula sa aking mga mata. Napangiti na lang din ako habang pinagmamasdan silang dalawa.
Wow... I'm finally Mrs. Ruiz.
Malakas na palakpakan ang naganap habang naglalakad sila palabas ng simbahan. Babalik din agad si Maurice sa hospital habang ang ilang bisita'y sa reception naman ang tuloy.
Nakasunod lang kami nina Tita kina Maurice habang kasama ang ilang Nurse.
Nahinto naman kami nang makitang nag-iba ang way ng sinasakyan nila. Nilabas pa ni Daniel ang kaniyang ulo na siyang kasama nina Maurice sa sasakyan. Nakangiti itong kumaway na para bang nang-aasar. Napaawang ang mga labi namin nang pinaharurot nila ang sasakyan kaya naman tuluyan na nila kaming nawala.
"Oh My God!" ani Tita na napahawak pa sa kaniyang puso. Mukhang gulat na gulat din dahil ang usapan lang namin ay babalik din agad siya sa hospital once na matapos ang kasal.
Sinubukan din namin silang contact-in ngunit nakapatay na ang phone ng mga ito. Hindi rin alam nina Tita kung saan hahanapin ang mga ito.
"I think I know where they are..." ani ko kaya nahinto si Tita at napatingin sa akin. We're planning on going to Elyu after our wedding. They're probably there right now.
"They're in Elyu."
"How did you know, Manang? Kasabwat ka ba ng dalawang 'yon?" tanong niya sa akin. Umiling naman ako kaya napabuntonghininga siya.
"Calm down. Let your son enjoy his remaining time, Beth," ani Lolo na siyang kalmado lang ngayon.
"How can I calm down, Papa? Maurice is sick! He's suppose to be resting here!" sigaw ni Tita na hindi na rin magawang makalma kaya napatingin sa kaniya si Lolo.
"But that's what he wants, Beth. I know you also know... He's getting weaker and weaker each day..." mahinang saad ni Lolo tila ba pinalalakas din ang kaniyang loob.
"I know that, Papa... I know that one of these days, Maurice will leave us... Maurice will leave me... But I'll do everything to make it longer... I won't stop until everything is over..." ani Tita na umiling-iling pa.
Sumakay na ito sa sasakyan kaya maski kami nina Lolo'y napasabay rin.
Nalaman din naman namin kung nasaan sila ni Hati dahil halos bantaan na ni Tita si Daniel na siyang kakabukas lang ng phone. Ni hindi kami nakatulog at inumaga na nang makarating doon.
"Kahit kaladkarin ko pa siya para lang bumalik sa hospital, gagawin ko," seryoso niyang sambit at dire-diretsong naglakad patungo kung nasaan si Mau at Hati ngunit pare-pareho kaming natigilan nang makita silang dalawa na nasa may dalampasigan habang nagtatawanan. Bakas na bakas mula sa kanilang mga mata ang saya na para bang wala silang kahit na among problema. Nagagawa pa nilang gumawa ng castle.
Si Tita na gusto sanang dumeretso'y tila nabato balani sa kaniyang kinatatayuan. Natawa naman nang mahina si Lolo tila ba alam din talaga niya kung nasaan ang mga ito. Hindi lang gustong sabihin.
"Let's just go home, Beth. It's been too long since I saw Maurice smile..." ani Lolo na nakangiti lang habang pinagmamasdan si Mau.
Napatalikod na lang din si Tita at walang nagawa kung hindi ang umatras. We still stay there, hindi lang nagpakita kay Maurice at Hati. Isang araw lang naman silang nanatili roon at nang umuwi'y sa hospital dumeretso.
Agad dumalo si Maurice kay Tita at yumakap dito.
"Galit ka ba, Mommy?" tanong ni Maurice bago ngumiti kay Tita.
"Sorry na... Huwag ka na pong magalit..." sambit pa nito. Paano bang tatagal ang tampo ng kahit na sino kung ganiyan siya umarte?
"You got me worried, Maurice! Hindi mo man lang kami sinabihan!" ani Tita na nanlilisik ang mga mata.
"I'm sorry, My... Itatanan ko na nga po sana si Hati kaya lang baka magalit ka po." Nagagawa niya pang magbiro kaya halos samain siya kay Tita.
"I'm sorry po, Tita..." ani Hati na nakanguso ngayon. Guilty ang mukha, akala mo'y hindi nagsasaya kahapon.
"Isa ka pa, Hati. Kinukunsinti mo pa ang isang 'to," ani Tita kaya napakamot lang sa pisngi si Hati.
"My, I was the one who force her to come with me. Kulang na nga lang ay kidnap-in ko ito para lang sumama," ani Maurice na napatawa pa. Hindi magawang magseryoso sa sitwasiyon.
"My..." tawag niya pa kay Tita.
"Galit ka pa po?" tanong ni Mau.
"I'm not mad but I'm really worried!"
"Sorry, My... Mauulit pa po." Naiiling na lang ako dahil ang akala naming biro'y talagang tinotoo niya.
Kapag masama ang pakiramdam ay alagang-alaga lang siya ni Hati. Mas lalo lang silang hindi mapaghiwalay ngayong naikasal sila.
Madalas silang tumatakas ng hospital kapag hindi ganoon kalala ang nararamdaman niya. Minsan din silang bumibisita kay Tito na alam din naman nina Tita. Hindi ko nga lang alam kung takas bang maituturing 'yon dahil alam naman naming lahat. Pinagbibigyan na lang din ni Tita ang mga ito.
"What's going on?" tanong ni Maurice at Hati nang makitang nagkakagulo sa loob ng hospital pagdating nila.
"Dadalhin na ata sa ampunan 'yong batang lalaki na iniwan diyan sa lobby nitong nakaraang buwan..." ani Tita na napasilip din si kumpulan ng taong nasa harap. Uuwi na raw dapat ang mga ito ngunit iniwan na lang ng ina matapos bayaran ang hospital bill.
Napalapit naman si Maurice at Hati roon. Patuloy lang sa pag-iyak ang batang lalaki hanggang sa subukan ni Hati na hawakan ang pisngi nito. Bahagya namang nahinto ang bata at napatitig kay Hati. Nang subukan namang magpatawa ni Mau, agad itong ngumiti. Mayamaya lang ay humahagikhik na ito. Napangiti rin ang mga nanonood sa kanila.
"Do you want to hold him, Ma'am Hati, Sir Maurice?" tanong ng nurse na may hawak-hawak dito. Agad naman na nataranta si Hati nang subukang ibigay sa kaniya.
"Is it fine to hold him?" tanong pa ni Hati kaya malapad namang ngumiti ang babae at tumango sa kaniya.
Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan sila ni Maurice. I wonder if I'll be a good mother if I ever have my own child... Siguro'y ang bait din ni Maurice bilang isang ama.
Mayamaya'y napatitig si Maurice sa kaniya kaya napatingin din si Hati rito.
"What?" tanong ni Hati tila ba may hinuha na sa gustong mangyari ni Mau. May pakiramdan din akong alam na kung anong gusto nitong sabihin.
"Do you want to adopt him, Hati/ Mau?" Halos sabay lang nilang tanong sa isa't isa. Nanlalaki naman ang mga mata ni Tita na siyang nasa tabi ko.
"What? They're crazy!" sambit ni Tita sa akin kaya hindi ko maiwasan ang matawa at napailing na lang din doon.
"We will adopt him..." anila kaya agad na napaawang ang labi ng nurse. Agad naman itong tumango. Kinuha muna ang batang lalaki kay Hati at kinausap sila.
I always want a child kaya hindi na rin ako magtataka sa desisyon nito. It may seem easy but I know they already think so hard before making their decision right now.
Nang matapos 'yon ay bumalik na rin sila sa room ni Maurice. Nakaabang na agad si Tita roon.
"Are you sure with your choice? It's not that easy taking care of a child," anito sa kanila.
"We're sure about that, My. Napag-isipan na po naming mabuti," ani Maurice bago lumingon kay Hati. Malapad ang ngiti nila sa isa't isa ngunit unti-unting nawala ang mga 'yon nang bumagsak si Maurice sa sahig habang namimilipit sa sahig.
"Maurice!" malakas na sigaw ni Hati habang nakatingin dito. Si Tita'y napasigaw na lang din bago tumawag ng nurse.
"Anak..." Hawak-hawak na ni Tita ang mga kamay nito.
"Mommy... Can I rest now?" tanong ni Maurice kaya unti-unting namuo ang luha mula sa mga mata ni Tita. Ganoon din sa aming dalawa ni Hati.
"I'm sorry, Mom... For all the pain I've caused you... Thank you for being the best mother I ever had... Thank you for giving me the chance to see how beautiful the world is... Mahal po kita, My..." Mahina ang tinig ni Maurice habang hinang-hina na rin na nagsasalita. He even tried to smile at his Mom na para bang ayos lang siya.
"You can rest now, Mau..." ani Tita na kahit anong pilit hindi niya magawang ngumiti. Panay lang ang pagbuhos ng luha nito.
May ilang nurse nang sumubok na dalhin siya sa emergency room ngunit ngumiti lang siya at umiling. Dinala lang ito sa kaniyang kwarto habang humahagulgol na kami.
"Dylan." Nahinto kami nang mahina itong nagsalita. Halos papikit na ang mga mata nito roon.
Dylan. That's my son's name.
"Can we name our son Dylan, Love?" tanong ni Maurice na nakalingon na kay Hati ngayon. Unti-unti namang napatango si Hati roon habang nakangiti ngunit ang luha'y panay na rin sa pagbuhos.
"Thank you, Hati... I hope you find your happiness now... I fulfill my promise now, Hati... I only love you in this lifetime... I love you, My Constant," aniya na hinawakan ang pisngi nito bago ngitian.
"Thank you for loving me unconditionally, Maurice... Mahal kita... Hanggang sa muli, Mahal ko..." Hati said to him. Isang malaking ngiti ang pinakawalan nito bago unti-unting pumikit.
That... That was the last farewell I said to Maurice...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro