Chapter 5
Chapter 5
Luwalhati's POV
"Na-miss mo ba ako?" natatawa kong tanong sa kaniya. Hindi niya naman pinansin ang tanong ko at kinausap lang ang bartender.
"Ako hindi mo ba tatanungin?" tanong ko pa.
"Miss kita! Hindi man lang kita nakita sa ilang shoots. Buti nakita kita ngayon! Akala ko'y maghahanap na ako ng bagong crush," natatawa kong biro. Pinanood ko naman kung paanong nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Masama na ang tingin sa akin ngayon wari'y may nasabi akong hindi maganda.
"Ito naman, hindi ba pupuwedeng mabait ka sa akin ngayon? Birthday ko!" reklamo ko sa kaniya. Kita ko ang pagkurba ng kaniyang labi subalit mukhang pinigilan din ang mangiti.
"I already greated you," aniya. Umirap na lang ako dahil 'yon ata ang depinisiyon niya ng pagiging mabait.
"Si Sandara, crush mo papalapit sa atin," bulong ko sa kaniya. Pinagkunutan niya naman ako ng noo at mukha pang gustong umirap. Lumapit nga talaga si Sandara. Friendly naman akong ngumiti at kumaway sa kaniya.
"Hi, Ms. Sandara! You look good. I watched your commercial! Ang sexy mo!" hindi ko mapigilan ang purihin siya kaya nilingon niya ako. Tipid lang siyang ngumiti. Ang intimidating din pala talaga.
"Thanks but I have so many baby fats in that photo," aniya kaya ngumiti na lang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin. We all have our own insecurities even the most pretty girls in town.
"Excuse me," aniya na dumeretso kay Maurice. Naging malapad ang ngiti niya nang lapitan ito. Ngumiti lang ako bago sila sinulyapan. Kinuha ko na rin ang baso ko ng mojito bago nakangiting umalis. Mamaya ko na lang siya guguluhin. Nandito ang crush niya. Mahirap na.
"You're back, Hati," bati ng isang lalaki na pamilyar na sa akin dahil madalas ko ring nakikita.
"Oh, hi," bati ko pabalik.
"How are you? Didn't see you for almost a month," aniya sa akin.
"Yeah. I was banned. Minor pa last month," natatawa kong sambit. Namilog naman ang mga mata niya sa akin dahil sa sinabi ko.
"Wait. What?" tanong niya.
"You're just 17 then?" tanong niya.
"Yeah, I just turned 18 today." Tumawa pa ulit ako dahil mukhang hindi siya makapaniwala.
"Oh, happy birthday! Do you want me to treat you?" tanong niya sa akin.
"No, than—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ay may dumaan na sa gitna namin. Agad ko namang nakita si Maurice na patungo sa dancefloor. Kumunot naman ang noo sa kaniya ng kausap kong lalaki at handa na sanang makipag-away dahil pinagtaasan pa kami ng kilay ni Maurice.
"Uh... excuse me," ani ko na ngumiti sa lalaki at sumunod kay Maurice.
"You'll dance? I thought you're not up for that?" tanong ko sa kaniya. Hindi niya naman ako pinansin subalit mabagal naman ang lakad. Buti na lang dahil talagang mababangga ko ang iba kung sakali. Nakasunod lang naman ako sa kaniya subalit balak lang atang maglakad-lakad sa dancefloor kaya naman agad ko siyang hinila patungo sa gilid. Nagsimula na rin agad sumayaw habang nakatingin sa kaniya. Malapad ang ngiti at hindi hinihiwalay ang mga mata sa kaniya. Mayamaya ay ikinawit pa sa leeg niya ang mga kamay ko dahil nakatayo lang siya roon at pinapanood lang ako.
Halos masamid ako sa sariling laway nang hapitin niya ang baywang ko at sinabayan ang ritmo ng kanta. Ni hindi rin inaalis ang mga mata sa akin. Pakiramdam ko'y tuluyan na akong nawalan ng hininga nang bumulong siya.
"Stop seducing me, Kid. You still have a lot of things to learn," bulong niya bago binitawan. Kung hindi niya pa ginawa bago tuluyan na akong nawalan ng hininga. Napaawang ang labi ko nang paalis na siya.
"What? I'm not seducing you or are you seduced?" Tumawa pa ako habang nakasunod sa kaniya. Hindi nga lang tuluyang nakalapit dahil may mga babae nang lumapit sa kaniya para makipagsayaw habang ako naman ay natabunan na rin ng maraming tao.
Natawa na lang ako dahil magkakaibigan ang mga 'yon at mukhang nagkakatuwaan. Humingi naman sila ng tawad dahil halos matumba ako sa harutan nila.
"It's fine," ani ko na ngumiti. Saka lang ako nakawala sa kumpulan ng taong nagsasayaw. Nawala naman na sa paningin ko si Maurice. He's probably dancing with another girl? Napakibit na lang ako ng balikat bago naglakad patungo sa mga kaibigan ko.
"Saan ka nanggaling?" reklamo nila sa akin.
"Diyan lang," ani ko kaya agad nila akong pinanliitan ng mga mata.
"Really? That's why I saw you dancing with a hot guy kanina?" nangingisi si Lisa nang sambitin 'yon kaya halos masamid ako sa sarili kong laway. Tumawa naman si Ren tila alam niya na ang ganap sa akin.
Halos matapos na ang gabi na nanatili na lang akong nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ko.
"What?" tanong ko kay Marco nang mapansing nakatingin siya sa akin.
"You won't find love in the bar," aniya sa akin kaya tumawa ako. But I think I found mine?
"What are you talking about?" Naiiling na lang ako dahil seryosong-seryoso pa ang kaniyang mukha.
Kapagkuwan ay nag-aya na rin silang magsi-uwi. Luminga-linga pa ako sa loob ng Sunset para hanapin si Maurice. Nang makita ito'y agad akong ngumisi.
"Hi, I'm going home," ani ko nang lumapit sa kaniya. Akala ko'y hindi niya papansinin ang sinabi ko subalit nilingon niya ako.
"Someone will drop you?" tanong niya na nilingon pa si Marco na nakatayo lang malapit sa amin habang naghihintay sa akin.
"Yup, Marco will do," ani ko.
"Hmm, ingat ka," namamaos pa ang tinig nang sambitin 'yon.
"Of course, I will. Lalandiin pa kita," ani ko na tumawa pa. Nilingon niya naman ako dahil sa sinabi. Kita ko pa ang pag-irap niya dahil do'n. Aalis na sana ako nang may maalala.
"Kunin ko na number mo para hindi ka mag-aalala," ani ko na ngumisi pa. Akala ko'y wala akong mapapala subalit tumango siya at inilahad pa ang cellphone niya sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil akala ko'y susungitan niya ako at hindi ibibigay 'yon. Nang makuha ko ang numero niya, hindi ko agad binitawan ang phone niya. Agad kong tinawagan at sinave ang number sa kaniyang phone.
"I'll call you. Sagutin mo!" demanding kong saad. Hindi naman siya nagsalita. Well, quota na ako kung sakali ngang sasagutin niya. Plano ko lang naman na tadtarin siya ng text hanggang sa tuluyan nang mag-reply.
"You like him?" tanong ni Marco sa akin nang mapansin ang malapad kong ngiti habang nasa sasakyan kami. Unti-unti naman akong tumango. I'm just really attracted with him. Natutuwa kapag nakukuha ang atensiyon nito.
Nang makauwi'y naglinis lang ako ng katawan bago nagtungo sa kama at handa nang matulog. Subalit bago 'yon ay nagtext na agad ako kay Maurice.
Ako:
I'll call now! Hehe
Kapagkuwan ay tinawagan ko ito. Ang tagal bago sagutin.
"Hi! Nakauwi na ako!" hyper kong saad.
"Hmm," anito sa paos na tinig. Alam kong gwapo ang boses niya pero pucha bakit ang gwapo lalo sa phonecall. Narinig ko naman ang pagbukas niya ng pinto.
"Umuwi na rin kayo?" tanong ko.
"Umuwi na ako," aniya naman kaya hindi ko mapigilan ang ngiti.
"Then we can talk for a while pa!" excited kong saad. Hindi naman siya nagsalita subalit alam kong naroon pa rin siya.
"Sa Sky na ulit kayo niyan?" tanong ko.
"It depends," aniya na akala mo'y hindi interesado sa usapan. Napanguso na lang ako.
"You should sleep now."
"Hindi pa ako inaantok," ani ko kahit na kanina pa hikab nang hikab at kanina pa gustong pumikit. Sa huli'y hindi ko na rin namalayan na kinain na nang antok.
Nagising lang ako kinaumagahan na sinesermonan na ni Lola dahil sa mga kalat ko sa kwarto.
"Aba't, Hati! Hindi ka pa ba babangon? Tapos na ang maligayang araw mo! May pasok ka pa!" aniya sa akin.
"10 minutes pa po, La, gets na nila 'yon!" ani ko na mas lalo pang sinubsob ang mukha sa aking unan.
"Isa!" sigaw niya kaya agad akong napatayo.
"Hehe, ito na po!" ani ko na agad tumayo. Palabas na ako nang kwarto nang makita ang phone na on-going pa rin ang call. Napaawang naman ang labi ko dahil do'n.
"Lola, ang ingay mo! Ka-call ko pa po pala 'yong crush ko!" sigaw ko bago pinatay 'yon. Mukha namang tulog pa rin si Maurice o baka hindi na rin naipatay ang tawag. Napapikit na lang ako bago nagtipa ng text sa kaniya.
Ako:
Good morning. Gising ka na ba?
Wala pang isang segundo'y may reply na roon. Pinamulahan naman ako ng mukha dahil sa hiyang narinig niya pa atang sinesermonan ako.
Maurice:
Morning.
I find texting him fun. Tuwing gabi pa'y nagagawa ko siyang tawagan. Sinasagot niya rin 'yon kaya napapadalas ang pag-uusap naming dalawa kahit na hindi naman kami madalas na magkita dahil parehas ding abala sa kaniya-kaniyang buhay.
Ako:
Nasa Clouds me today. May shoot for a commercial.
I even share my whereabouts kahit hindi naman siya nagtatanong. Madalas lang naman na ako itong tanong nang tanong sa kaniya. Sinasagot niya naman subalit isa o ilang salita lang lagi which is fine lang din naman.
"Hati, halika rito," ani Cia sa akin kaya lumapit ako. Pinakilala niya naman ako sa isang sikat na modelo. Napapanood ko rin ito minsan sa ilang teleserye.
"He'll be your partner today for Clouds' wine," ani Cia. Binati ko naman ito at nginitian.
"I'm Gavin," pakilala niya sa sarili.
"Oh? 'Yong sumikat sa isang street runaway dito sa Manila?" tanong ko. May runaway kasing naganap dito sa Manila na nag-viral din agad sa social media kaya ang ilang model ay may kaniya-kaniya ng agency ngayon.
Tumango naman siya sa akin doon kaya agad akong ngumiti.
"Hati," ani ko na tinanggap din ang kamay niyang nakalahad sa akin.
"Oh, nice to meet you. You're really pretty in person," aniya na nakangiti sa akin.
"I follow you on IG," saad niya pa sa akin kaya ngumiti ako.
"Uh... thanks?" nakangiti kong sambit. He's nice. He keeps me company habang naghihintay. Marami rin siyang ikinukwento na hindi ko naman nasusundan dahil sa text ni Maurice. I find it entertaining kahit na minsan natatagalan siya sa reply. Madalas ko ring asarin ito at binubulgar ang panlalandi sa kaniya.
Ako:
Maurice.
Ako:
Maurice
Ako:
Mau
Maurice:
What?
Ako:
Do you know what my favorite rice is?
Akala ko'y hindi na siya magrereply subalit nakita ko ang pangalan niya sa notification.
Maurice:
What?
Ako:
MauRICE AHSGSGGSSGSHAHAHA
Maurice:
Just focus on your shoot. You're saying nonsense.
Ako:
Kinilig ka lang e. Crush mo na ako, 'no?
Napatawa na lang din ako sa pinagsasabi. Asa pa ako.
Maurice:
Try harder, Hati.
"Tayo na raw," ani Gavin sa akin nang mapansin ang ngisi sa phone. Napatango naman ako. Ibinaba lang din ang cellphone ko bago sumunod doon.
Intimate ang photoshoot kaya naman talagang gusto ng photographer na malakas ang chemistry namin ni Gavin. Hindi ko naman maiwasan ang mailang nang ilapit ni Gavin ang mukha sa akin katulad nang gustong mangyari ng photographer.
"Hati, you're being awkward!" puna agad nito sa akin kaya humingi agad ako ng tawad. Sinenyasan naman ako ni Cia na ayusin.
"Are you shy, Hati?" tanong ni Gavin na nakangisi pa sa akin.
"Not really. This is my first time shooting a intimate shot," ani ko dahil halo gusto na ata kaming paghalikin nang photographer.
Hindi pa nakadagdag ang kaba ko nang makita si Maurice na papasok sa loob. What the heck is he doing here? Pinagkunutan ko naman siya ng noo. Kita ko naman ang tingin niya at ang pagtaas ng kilay.
Mayamaya lang ay nagpatuloy ang shoot. Hindi ko naman mapigilan ang pamulahan ng mukha lalo na't nanood si Maurice. Wait, ano naman sa akin kung nanonood ito?
"Stop being awkward, Hati," sabi ng photographer na siyang ginatungan pa nitong si Gavin.
"Mukhang nahihiya sa akin, Fred, namumula ang mukha," nakangising saad ni Gavin sa akin.
"Huwag kang mahiya, Hati," aniya pa kaya hindi ko mapigilan ang pagkunutan siya ng noo. Hindi ko alam na may pagkakapal pala ang mukha nito.
Napatingin naman ako sa harap nang makita ang madilim na mukha ni Maurice nang lumabas mula rito sa loob.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro