Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Chapter 49

Luwalhati’s POV

“Manang, I will marry Maurice po,” ani Hati sa akin.

Hindi ko naman maiwasan ang mapatitig sa kaniya. She’s smiling from ears to ears. Hindi ko na rin namalayan ang sariling nakangiti ngayon. I also want that. I’m happy that she’s doing what she really like.

“I’m planning to propose tonight, Manang,” aniya na tinuro pa ang hallway ng hospital. Mukhang kinausap niya pa ang ilang nurse na kumaway sa amin ngayon.

“Will you help me?”

“Of course. I will forever be glad that I’m part of it,” nakangiti kong sambit sa kaniya.

“Thank you, Manang!” nakangiti niyang saad bago ako niyakap nang mahigpit.

“Thank you for being always there for me,” sambit niya pa kaya ginulo ko lang ang buhok niya.

“Parang others,” natatawa kong biro sa kaniya kaya abot langit na ang ngiti.

“So, what’s your plan?” tanong ko.

“I bought this ring earlier, Manang…” Ipinakita niya pa sa akin ang singsing na hawak. Napahawak naman ako sa engagement ring na bigay ni Maurice. Hindi ko maiwasan ang mangiti dahil kahit na ayaw ko, lagi ko pa rin dala ang singsing na 'to.

Hindi ko alam kung paano pero naging pampakalma ko na talaga ‘to.

We plan everything out kasama rin sina Ren at Marco na talaga namang ayaw magpahuli.

While she’s planning how she will execute her plan, kami naman ang kumausap sa ilang staff maski ang mga kasambahay sa bahay ay tinawagan na rin namin para mag-ayos sa labas. Para naman kahit nasa hospital sila, kung kakain silang dalawa, hindi nila mararamdaman ‘yon.

“Hay nako, Manang! Willing to help talaga kami!” anila na ngumiti.

“Grabe naman po pagmamahalan nila, nakakainggit!”

“Bakit? Gusto mo rin bang madedu?” tanong ko habang inilalagay ang ilang desenyo.

“Manang!” Napatikhim naman ako nang maski ang ilang nurse na kausap ay napatitig lang sa akin. Napakibit naman ako ng balikat doon. Kahit masakit, alam kong darating at darating kami sa puntong ‘yon.

Gustong-gusto ko siyang panghawakan ngunit ayaw ko na rin nakikita itong nahihirapan.

“But you know what while looking at them, napagtanto ko na ang baba pala talaga ng standard ko,” natatawang saad ng isang nurse.

“Totoo lang!” Naghagikgikan pa sila roon.

Mukhang excited ang lahat sa magaganap na proposal. Kahit pahinga rin ng ilang nurse, nagawa nilang tumulong sa plano namin.

Normal naman na maingay rito kaya hindi rin makakahalata si Maurice.

Matapos ang pag-aayos namin, agad kong nakita si Hati na siyang nakatulala sa isang tabi. Alam ko na agad na balisa ito.

“Manang, paano kung hindi niya tanggapin?” kinakabahan na tanong nito. Hindi ko naman mapigilan ang matawa roon.

“Edi ipilit natin,” ani ko na nginitian pa siya. Napanguso naman siya roon at pinigilan ang ngiti.

After matapos nang preparation at pag-eensayo nitong si Hati, nag-ayos na rin siya. Halos lahat naman ay gustong manood ngunit makakahalata si Mau kaya naman nagrequest pa ang mga ito ng video.

Pinagbigyan lang din naman namin sila.

Mayamaya lang ay nagsimula na rin ang proposal.

Kasabwat ang ilang nurse, they said na may check up ito.

Maurice is looking for Hati when we came there. Nagtataka ito na buong araw siyang wala. Tita said that she have something important to do but Mau look unsatisfied with the answer. Akala niya ata’y iniwan na siya nito. Buong araw na tahimik lang din.

Nang lumabas si Maurice, nagtataka siyang napatingin sa ilang petals sa hallway. Napaawang ang labi niya nang mapatingin kay Hati na siyang nasa dulo niyon. Nakangiti itong kumaway sa kaniya.

Kita ko ang pagkunot ng noo nito bago pinagmasdan si Hati na salubungin siya sa gitna. Hiyawan din naman ng mga tao sa hospital ang narinig. Maski ang ilang pasyente’y nakikitingin.

“Hi,” ani Hati nang tuluyan nang malapitan ito. Maurice look so shock. He’s already in his wheelchair dahil nahihirapan na rin sa kaniyang paa.

Lumuhod pa sa tapat niya si Hati bago unti-unting binuksan ang singsing. Awang na awang naman ang labi ni Maurice dahil do’n.

“Will you marry me, Love?” tanong ni Hati sa kaniya.

“What?”

“Ang tagal mo, eh! Parinig na ako nang parinig mukhang wala pa rin atang balak pakasalan ako! Kainis,” reklamo ni Hati kaya nagtawanan sila.

“Luwalhati…” seryosong sambit ni Maurice sa kaniya. Natahimik naman ang lahat sa pangangantiyaw habang si Hati’y nanatili lang ang ngiti sa mga labi.

“Would you like to marry me?” ulit niya pang tanong.

“You know that some of these day I’ll die and leave you…” ani Maurice sa mahinang tinig.

“I know that…” ani Hati na nanatili pa rin sa pagkakaluhod.

“I don’t care if someday you’ll leave me… I don’t care at all Mau… But I care about what you think right now.”

“Would you like to have a wedding with me?” ulit niya pang tanong dito.

“I always want to…” mahinang saad ni Maurice.

“As you should!” ani Hati kaya ang ilang nanonood sa kanila’y bahagyang natawa, ang iba pa’y may malungkot na ngiti habang pinagmamasdan sila. Isa na roon si Tita.

She was the one who gives the ring to Mau habang si Maurice naman ay napatingin lang sa panibagong engagement ring nila. Napangiti na lang din ako roon.

Everyone is really supportive for the both of them. Para silang may normal lang na date nang magtungo na sa garden. Hati and Mau look really happy that time.

Nang matapos din ang date nilang ‘yon ay agad ding pinagplanuhan ang tungkol sa kasal. Gulat na gulat pa ang Lolo ni Maurice nang ibalita namin.

“What? And you didn’t even let me in your plan? Aba, nakakatampo naman,” reklamo niya. Madalas din itong bumisita rito ngunit dahil abala rin sa trabaho ilang oras lang din ang tinatagal. Subalit nitong mga nakaraang araw ay iniiwanan niya na rin talaga ang trabaho niya dahil nga madalas ding makita si Maurice na nahihirapan.

They were all trying to act like everything is normal lalo na’t ayaw na ayaw ni Maurice na binebaby siya.

“I already called Bia, he will be the one who will take photo in your wedding,” ani Lola habang nakatingin kay Hati at Maurice na pinagkakaabalahan ang mga souvenir. Gusto rin kasing tumulong ni Mau although paunti-unti lang. Ayaw rin naman siyang iwanan ni Hati kaya ayos lang din.

“Wow, grabe naman, Mr. Trinidad. Bigatin naman po pala,” ani Ren na siyang katulong din namin sa pag-aasikaso nang kasal. Minamadali na rin kasi nila ito.

“Of course, I will. This is my grandson wedding. I would like to give them the best.” I know na sa mga ganitong paraan lang bumabawi ang Lolo ni Maurice sa kaniya.

“Hindi naman sa pinag-ooverthink ko kayo pero paano kung mamamatay na pala ako mamaya?” patanong na saad ni Maurice at nagagawa pang magbiro ngayon. Parang kanina lang ay ibang-iba ang mood.

“Maurice!” malakas na sigaw ni Tita sa kaniya.

“Gago,” ani Hati ngunit kitang-kita ko na ang pag-iisip ngayon.

“Pakasal na kaya tayo ngayon, Mau?” tanong ni Hati sa kaniya.

“What?” Agad na nataranta si Lola habang si Tita’y natawa na lang din. Napatitig naman si Maurice sa seryosong si Hati. Unti-unti naman itong napatango kaya agad na nagulantang ang Lolo ni Mau.

Agad siyang napatawag sa ilang designer na nakausap niya. Pati ang photographer na nakausap ay agad ding tinawagan.

Hindi ko rin naman akalain na talaga ngang matutuloy ang kasal sa araw na ‘to. Alas diez ng gabi nang matapos sila sa pag-aayos. Ang daming taong kinuha ng Lolo ni Maurice samantalang sina Ren at Marco ay gulat na gulat din sa biglaang kasal na magaganap.

“Wow… Ang ganda mo pala talaga…” nakangiti kong saad habang nakatingin kay Hati.

“Ako lang po ‘to, Manang.”

“So I look like this if I got married…” pabulong na saad ko habang nakatitig sa kaniya.

“Po?” tanong niya sa akin kaya nginitian ko lang siya bago umiling.

Pinagmasdan ko naman siya habang nakatingin lang siya sa kawalan. I’m sure she’s thinking about a lot of things right now. One of that is Lola. Madalas ko pa naman din siyang maalala kapag ganitong may mga importanteng event sa buhay ko. Maski nga sa mga normal na araw lang.

Napatingin naman kami sa pinto nang may kumatok mula roon. Agad din namang iniluwa si Ren at Marco.

“Grabe naman! Ganda mo,” ani Ren sa kaniya. Buhat-buhat nito si Rena na halos bumaligtad na sa pagkakahawak niya.

“Papatapak ka ba? Sakto’y mataas ang heels ko,” pagbibiro ni Hati kaya natawa si Ren.

“Puwede ba? Papasalamat pa ako,” aniya kaya naiiling na lang si Hati sa kaniya. Mayamaya lang ay nawala ang ngiti sa mga labi nito habang nakatitig sa kaniya ngayon.

“Are you happy?” tanong ni Marco.

“Now? Sobra. I always want to marry Mau,” aniya na nakangiti na rito. Napatitig naman sa kaniya si Maurice.

“I’m sure your Lola’s happy watching you right now,” seryosong sambit ni Marco sa kaniya kaya hindi niya na napigilan pa ang maluha. Agad ko namang kinagat ang labi ko dahil maski ako’y nakakaramdam nang matinding lungkot. I just really miss Lola. Gagong Marco ‘to. Hindi ko nga pinapaalala kay Hati dahil sigurado akong iiyak ito at masisira ang make up.

“Hoy, huwag kang umiyak. Save your tears for later!” ani Ren.

“Si Marco kasi parang gago!” reklamo ni Hati na sinamaan pa ng tingin si Marco na bahagyang natawa.

"Hoy, may bata rito," ani Ren na tinakpan pa ang tainga ni Rena. Natawa na lang ako roon.

“What? Sorry, I just thought about Lola,” natatawa niya pang sambit kaya hindi ko maiwasan ang mapailing.

“But seriously we’re happy as long as you’re happy Hati… You know that we’re always here for you, right? When things get hard, go to us,” nakangiting saad ni Marco. Ngumiti si Hati roon ngunit kita ko rin sa kaniyang mga mata ang lungkot.

“Nah. We’ll go to you instead, Hati.” Ngumiti pa si Ren bago nilapitan si Hati at niyakap. Para na rin akong niyakap nang mahigpit nang pagmasdan ko sila. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa mga ito. I realize that there’s always a hand that is trying to reach me but at the end of the day, I was the one who tried to isolate myself away from them.

Matapos ang usapan nila’y tinawag na rin ang mga ito dahil magsisimula na.

Nang maiwan kami ni Hati’y nagkatinginan kaming dalawa. Bahagya naman akong natawa nang makita ko siyang excited na may halong kaba habang nakaupo roon.

“Manang, don’t laught at me!” reklamo niya kaya napatawa naman ako nang mahina.

After a while ay nagtungo na rin kami sa labas ng simbahan. They were all waiting for her now.

I was the one who will bring me in the altar. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko sa kaniya.

When I was walking her to give her hands to Mau, ramdam ko ang saya habang pinagmamasdan ang lahat. So this is how the wedding feels like…

This is how it feels like to marry Maurice…

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro