Chapter 48
Chapter 48
Luwalhati's POV
Tahimik lang na lumabas si Hati kaya agad niya akong nakita rito sa labas. Ngumiti sa akin kahit kitang-kita mula sa kaniyang mga mata na pagod na siya.
"Suplado talaga ni Maurice, Manang," natatawa niyang sambit. Hindi ko alam kung talaga bang masaya ito o umaarte lang.
"Tinanggap niya po 'yong orange na dala ko," aniya na malapad pang ngumiti. Napangiti naman ako roon. Maurice is really hard-headed ngunit hindi rin naman magawang tiisin si Hati. Ayaw pa kasing bumitaw.
Kumain lang kami sa bench kahit na pinagtitinginan ng ilang nurse at staff sa hospital. Usap-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa ni Maurice ngayon.
"Manang, you can always go home. Hindi niyo naman po kailangang maghirap na magbantay po rito," aniya sa akin ngunit umiling lang ako.
"I also want to be here. Don't worry about me." Kung umuwi man ako, kinukuhanan ko lang ito ng damit at ilang gamit sa bahay. Parehas kaming natutulog lang sa hall ng hospital.
"I'll bring you some clothes. Dito ka lang muna," ani ko na nginitian siya. Tumango naman siya sa akin.
Nang umuwi'y agad na nausosiyo ang ilang kasambahay.
"Manang, ano na po? Kumusta na po si Sir?" tanong nila. He's getting worst. Madalas ang pagsakit ng ulo. Pagkahilo at minsan-minsang nasusuka. Hindi niya rin maigalaw ang kaliwang kamay. Papayat na rin ito nang papayat. It's killing me watching him like that. I expected when we broke up that he's already meeting another girl. Having a happy life. Partying with his friends.
Lahat pala nang 'yon katang-isip ko lang. Lahat pala nang 'yon kabaliktaran. Sana pala noong mga panahong 'yon kahit na taboy siya nang taboy sa akin, kinumusta ko siya.
"Ikumusta mo na rin kami, Manang. Bibisita rin po kami bukas," anila kaya tumango ako bago nagpaalam.
Nang makarating doon, dire-diretso na ako sa pagbalik sa bench kung nasaan si Hati ngunit agad ding nahinto nang makita si Maurice na nakatayo sa tapat nito. Mahimbing na natutulog si Hati habang nakasandal lang sa upuan.
Kita ko kung paano inayos ni Maurice ang kumot bago siya naupo sa tabi nito habang pinagmamasdan ang mukha ni Hati.
Ngayon ko lang napagtanto na talaga ngang nagsasalita ang mga mata. Kahit walang tinig na lumalabas mula rito'y tila ba nababasa ko na ang gusto nitong sabihin.
Matagal siyang nanatiling nakatingin lang dito kaya naman hindi pa rin ako nagtangkang bumalik sa gawi ni Hati.
Nakita ko ring hinawakan niya ang pisngi nito. Nang bahagyang gumalaw si Hati'y agad siyang napabitaw.
Tumayo na rin ito para umalis doon. I don't understand him at all. He doesn't want to hurt Hati but that's what he doing right now.
"Manang," ani Maurice nang makita ako.
"Kumusta ka?" Hindi ko alam kung bakit ko pa ba ito tinatanong gayong alam ko naman na ang lagay niya.
"Are you the one who told them, Manang?" tanong niya kahit sigurado akong alam naman na niya. Napatango na lang din siya nang sabihin kong ako nga.
"But I don't want to see them hurting because of me..." mahina niyang bulong.
"Hiding that to them will just cause them pain..."
"You probably also know that you're already causing too much pain to Hati, right?"
"I just want her to move on quickly. I want her to be happy. Find new hobbies and have her own family... I know how hard it is for her. Life fuck her so bad, Manang. And now, I'll be one of the reasons why she hates life now..." mahinang bulong niya.
I also tried to have that. New Hobbies, have my own family, find a reason to live but I just ended up thinking about him. Kahit anong gawin ko, he still occupied my mind.
"But that's not a good reason to break her heart, Maurice. She'll move on someday but please... Let her take care of you..." sambit ko pa kaya natahimik lang siya. I don't really know kung nakapag-isip-isip ba siya roon ngunit para nang naglalakbay ang utak niya nang pumasok sa kaniyang silid.
After that day, malamig pa rin naman ang trato niya kay Hati ngunit madalas ko rin siyang nakikitang nakatitig dito lalo na kapag tulog si Hati. Hindi na rin siya nagrereklamo kapag pumapasok ito sa loob para bantayan siya. Katulad ngayon, Hati's the one taking care of him dahil kumuha ng damit si Tita.
"Hati." Napatingin naman ako sa kaniya nang tawagin niya ang pangalan ko. Mahinahon ang tinig nito at walang halong pagsusungit hindi tulad sa lagi niyang ginagawa.
"Can we talk?" Kita ko ang tingin niya kay Hati kaya naman tumayo rin ako para lumabas. Dinig pa rin naman ang usapan nila mula sa pintuan.
"I know I've been an asshole to you... I know how much I hurt you for how many months now... I'm sorry for acting like that... I... I want you to be happy, Hati..." Naririnig ko na ang hikbi mula sa loob. Hindi ko rin namalayan ang luha mula sa akin. That's sorry I want to hear. Taon ang lumipas and I'm happy that I heard it now...
"I... I also want to marry you, Hati... Gustong-gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka... I always imagine myself waking up next to you... Having our breakfast together... Sabay na manonood ng movie kahit hindi ka naman talaga mahilig doon. Magkasamang hihintayin ang oras nating dalawa... Panonoorin ang mga apo natin mula sa bakuran... Sabay maglalakad sa gilid ng dalampasigan habang pinapanood ang pagsilip at paglubog ng araw... Things I want you to do eventhough I'm gone..." Ramdam ko ang paninikip ng dibdib habang pinapakinggan 'yon.
"Nah... You should create another memory with someone else... Have the best of your time in this lifetime..." aniya pa.
"You're saying nonsense. My time with you was the best time of my life..." ani Hati na siyang humahagulgol habang kausap ito.
"Meet someone who will make you feel love, Hati. Someone who will understand how hard-headed you are. Someone who will love you because that's what you deserve," aniya. Then it's you... ikaw lang naman ang nakakatiis sa akin. Ikaw lang...
"Someone who wouldn't leave you like I'll do..." Ang luha'y nag-uunahan na sa pagtulo.
"If you have a chance to fall inlove again, lose your heart with someone else." Narinig ko pang saad niya kaya unti-unting nanghina ang mga tuhod habang umiiyak sa labas ng kwarto niya. Pigil na pigil ang paghagulgol ko. Nakatakip lang ang mga kamay. I did. I tried really hard but he's still the one I love. Kahit anong gawin ko'y hindi na siya maalis pa sa sistema.
"I love you, Hati... Sobra... But let's end it here... I'm sorry for all the pain that I cause you..." aniya pa kaya mas lalong naluha si Hati.
"Gago ka ba? Sa dami nating napagdaanan, nagyon pa ba kita iiwanan?" Narinig kong tanong ni Hati.
Tahimik ko lang pinapahid ang luha dahil sa ilang nadaan. Hindi ko maiwasan ang maluha habang pinapakinggan ang
"I won't leave... Kahit anong taboy mo... Dito lang ako..." seryoso ang tinig ni Hati nang sambitin 'yon.
"You said you would like to spend the rest of your life with me, right? You should fulfill that..."
"Can I really be selfish, Hati?" Ramdam ko ang panghihina mula sa tinig ni Maurice.
"Can I wish for that?"
"Can I really do that? I always want to do that... My Love..." aniya kaya parang huminto na rin ang mundo ko dahil sa sinabi nito. It's been too long since I heard that. Narinig ko na ang hagulgol ni Hati dahil do'n.
"What's happening?" tanong ni Tita na kararating lang. Agad napaawang ang labi niya dahil naririnig ang hagulgol ni Hati at nakita pa akong umiiyak dito sa hamba ng pinto.
Agad siyang napapasok sa loob sa sobrang taranta. Ni hindi ko na siya napigilan pa kaya napasunod na lang din ako.
"Maurice!" Sa sobrang kaba niya'y napayakap na lang sa anak.
"Mama?" naguguluhang tanong ni Maurice sa kaniya.
"I thought something bad happened to you!" anito.
"Why are you crying, Hija? Did you say something again, Mau? I told thay you should be nice to Hati..." Nagawa niya namang pakalmahin ang sarili. Mahinahon niya ring pinagsabihan ang anak.
"I'm sorry, Tita. I was just really overwelhm..." ani Hati kaya hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kaniya. Magang-maga ang mga mata nito habang may luha pa rin. Ganoon din naman si Maurice na hindi na rin ata namamalayan ang likidong tumulo mula sa kaniyang mga mata.
"Why are you two crying?" naguguluhang tanong ni Tita. Para lang silang tangang dalawa na napatawa. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti mula sa mga labi ko.
Ang nagtatakang mukha ni Tita'y nagpabalik-balik ang tingin kay Maurice at Hati na pinapalis pa ang luha ng isa't isa. Unti-unti namang napangiti si Tita habang pinagmamasdan sila.
"So, are you two okay now?" tanong ni Tita. Hindi ko naman mapigilan ang matawa at mailing nang makita silang nagkatinginan bago unti-unting napangiti.
"I love you, Mau." I heard Hati whisper to Maurice.
"I love you always, My love..." Napatikhim naman si Tita roon kaya napangisi na lang ako. Para bang nag-I love you ulit ito sa akin.
Simula nang araw na 'yon, hindi na rin talaga sila mapaghiwalay ni Maurice. Laging nandito si Hati para mag-alaga sa kaniya.
"Sana all na lang talaga ako kay Sir Maurice at Ma'am Hati," anang ilang nurse na nakasalubong ko. Madalas kasi nilang napag-uusapan si Maurice at Hati. Para ngang nagkaroon ng hospital romance dito dahil may mga nakasilip pang nurse paminsan-minsan.
Kapag hindi rin nakasumpong ang sakit ni Maurice, nagtutungo sila sa garden ng hospital para makalanghap naman ng sariwang hangin. I'm glad everytime I saw the two of them looking so happy. Hindi naman naiiwasan na bigla-bigla na lang nagbabago ang mood ni Maurice pero hindi naman nagpapatinag si Hati roon.
"They really complement each, 'no, Manang?" nakangiting saad ni Tita habang pinagmamasdan si Maurice at Hati na pabalik na rito.
"If Mau just—" Hindi na tinapos pa ni Tita ang sasabihin dahil nangingilid na ang luha mula sa mga mata.
We all know that someday Mau will leave but we're trying our best not to show that we are sad about it. We're trying our best to act like everythings normal kahit alam naming isang araw ay lilisan din ito.
"Why are you looking at us like that, Mommy?" natatawang tanong ni Maurice nang makalapit sa gawi namin.
"Wala, you two just look good together," aniya na nginitian pa ang mga ito.
"Kami lang 'to, My," natatawang saad ni Maurice. Nagagawa pang magbiro ngayon. Ang laki nang pinagbago ng timbang niya but he still look good.
After a while ay pumasok na rin sila sa loob. Pinaglalaruan lang ni Hati ang kamay ni Maurice habang nagkukwentuhan sila.
"Parang mas bagay kapag pinalitan ng wedding ring 'yang engagement ring mo," ani Hati habang nakangiti. Natahimik naman kaming tatlo roon. Tumawa lang naman si Maurice matapos sabihin ni Hati 'yon.
"Nagpaparinig ka ba? If ever someone change your engagement ring to wedding ring, ayos lang sa akin. Remember that I will always be happy with your decision. As long as you're happy, walang problema sa akin," ani Maurice na nginitian pa ito.
Agad naman siyang nginiwian ni Hati. "Bakit ba someone ka nang someone? Hindi ba pupuwedeng ikaw ang magpalit ng wedding ring sa daliri ko?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro