Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Chapter 47

Luwalhati’s POV

“Let’s leave, Manang.” Ngumiti pa siya kaya agad kong nahawakan ang kaniyang palapulsuhan.

“No, hindi pupuwede, Hati!” seryoso kong sambit sa kaniya.

“Bakit hindi, Manang? Pagod na ako. Pagod na pagod na po akong intindihin siya! Pagod na pagod na akong ako na lang nang ako ang gumagawa nang paraan para magkaayos kami. Pagod na ako, Manang… Ako na lang po ang may gustong ayusin ang relasiyon na ‘to. He doesn’t want me anymore… He probably want to marry someone else now…” aniya na umiling-iling pa.

“Maybe you also need to understand him…” seryoso kong sambit sa kaniya.

“But what about me, Manang? I’m also in pain! Lagi! Araw-araw pabigat nang pabigat. Kung hindi pa ako aalis dito baka tuluyan na akong masiraan ng bait. Ang sakit-sakit na po…” Nahinto ako roon. Right… I always think about what Maurice feels but what about me? Paano naman ako? Paano naman ‘yong nararamdaman ko?

Nang kumalma ito’y tinitigan ko siya. It will be another regret again if I won’t tell her this time.

“You shouldn’t leave…” seryoso kong sambit sa kaniya. Alam kong kahit na nagmamatigas ito’y hindi naman talaga buo ang desisyon sa pag-alis.

“Maurice is dying,” ani ko. Unti-unti naman siyang natigilan at naguguluhang napatingin sa akin. Tumawa pa ito na para bang nagbibiro ako.

“You’re saying nonsense now just to make me stay, Manang,” natatawa niyang tanong. Nanatili namang seryoso ang mukha ko kaya unti-unting nawala ang ngiti mula sa kaniyang mukha.

“He have a brain tumor…” Nanatili ang mga mata niya sa akin. Sinubukang ibuka ang bibig ngunit tinikom din agad. Halo-halong emosiyon ang mababasa mula sa kaniyang mukha. Takot, gulat, at sakit.

“What… what do you mean, Manang?” naguguluhan niyang tanong.

“What are you talking about?” tanong ng tinig mula sa hamba ng pinto. Agad kong nakita si Tita na naroon.

“That’s impossible… No way… He just want to find someone else… Hindi niya lang ako mahal… You’re lying…” ani Hati na umiling-iling pa sa akin tila ba hindi niya tatanggapin ang sinasabi ko.

“What are you talking about, Manang?” ulit pa nilang tanong sa akin.

“He’s currently confine in Paradise Hospital kaya lagi siyang wala. He’s sick. A serious one—“ Ni hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang nagmamadaling tumakbo palabas ng kwarto si Hati habang si Tita’y panandaliang natulala sa tabi ko bago lumabas ng kwarto na para bang robot.

Napasunod din ako sa kanila habang ang ilang kasambahay ay nagtataka sa mga itsura ng kanilang amo.

 “Ako na,” seryoso kong sambit kay Hati nang inilalagay ang susi sa sasakyan ngunit nanginginig ang mga kamay nito.

Tahimik na umiiyak si Tita habang si Hati’y nakatingin lang sa kalsada. Hindi ko mapigilan ang maawa sa kaniya. I think it will be hard for her again… Iisipin na kaiwan-iwan talaga siya.

Nang makarating kami sa hospital ay agad silang bumaba ni Tita sa sasakyan. Lahat ng pintong makita ni Hati’y sinubukan niyang pasukan samantalang si Tita’y kalmadong nagtanong sa isang nurse kung nasaan si Maurice.

Nang makarating sa room nito, ang kalmado at eleganteng si Tita’y parang batang naiyak na lang sa anak habang si Hati na siyang kakatakbo lang patungo sa gawi namin ay napaupo na lang sa labas habang tahimik na umiiyak.

“No way… That’s not fair… How about me? Paano naman ako? Maiiwan na naman ako?” Hindi ko naman mapigilan ang maluha roon.

Kita kong pinipigilan ni Maurice ang maiyak habang nakatingin sa dalawang babaeng pinakamamahal niya. Tahimik lang naman ako habang nakamasid sa kanila. Pinili ko na lang maging matatag para sa kanila.

Matagal bago nagawang pumasok ni Hati sa loob. Titig na titig ito kay Maurice na kunot ang noo habang nakatingin sa kaniya.

“Anong ginagawa mo rito? Hiwalay na tayo, hindi ba?” tanong niya kay Hati na para bang gusto na itong itaboy palabas.

“Maurice…” ani Tita na binabantaan ito ngunit nanatili lang din ang tingin sa anak.

“You’re really unfair…” nanghihinang saad ni Hati na sinusubukang pigilan ang maluha ngunit hindi na rin niya napigilan pa.

“Iiwan mo rin pala ako…” aniya na hindi na napigilan pa ang mapahagulgol ng iyak nang hawakan niya ang mukha nito.

“Akala ko ba magtatravel pa tayo? Pakakasalan mo pa ako, ‘di ba? Sasamahan mo pa ako sa pagtanda… paanong nagbago ang lahat nang plano?” Hindi makatingin sa kaniya si Maurice. Ang mga mata nito’y diretso lang sa kisame.

Hindi ko na rin maiwasan pa ang mag-iwas ng tingin dahil para akong madudurog habang pinagmamasdan ko si Hati.

“You said na kahit talikuran na ako ng lahat, hindi ko mo ako iiwan… Maurice naman… Paano na ako?” tanong ni Hati na sinubukan pang hawakan si Maurice ngunit inalis niya lang ‘yon.

“Umalis ka na. Kahit iwan kita ngayon, wala nang tayo, Hati,” aniya na hindi rin naman magawang tignan si Hati. Para akong madudurog habang pinagmamasdan kong lumuhod si Hati.

“No… Please… Huwag mo akong iwan… Hindi ko na alam kung paano pa magsisimula muli… Maurice… Magpapagaling ka, ‘di ba? Sabay pa nating tutuparin ang lahat ng pangarap na mayroon tayo…” ani Hati na ngumiti pa kay Maurice na siyang inalis lang ang kamay ni Hati sa kaniya.

“Kahit gumaling pa ako, hindi na ikaw ‘yomg gusto kong kasamang gawin ang lahat ng ‘yon. Hindi na kita gusto… Ano bang mahirap intindihin sa salitang hindi na kita mahal?” tanong niya pa. Umiling-iling naman si Hati tila walang naririnig.

“Ayos lang… Basta magpapagaling ka… Ayos lang, Maurice…” Nakangiti pa siya habang sinasabi ‘yon ngunit kita ko ang luha niyang wala nang humpay sa pagtulo. Hindi ko na rin namalayan ang luha mula sa mga mata ko. Abg bigat-bigat sa dibdib.

“Go… I need to rest…” aniya na tinalikuran pa ito.

Nakangiti pa rin si Hati bago tumayo. Alam ko rin kung gaano siya nasasaktan dahil sa mga salitang binitawan ni Maurice.

“I’ll be back, Later. I’ll cook you sinigang,” ani Hati kahit hindi na nakatingin sa kaniya si Maurice.

Nang lumabas kami’y para itong nawalan ng lakas. Halos bumagsak kung hindi ko lang nahawakan. Tahimik lang ang pagbagsak ng mga luha niya habang nakatingin sa kawalan.

“I need to go… I need to cook his favorite dish po…” Nanatili naman ang titig ko sa kaniya.

Bago tuluyang makaalis doon, napasulyap ako sa kwarto ni Maurice. Kita kong nakatingin lang siya sa pintuan habang tahimik na lumuluha. Si Tita’y pinagmamasdan lang din ang anak at humahagulgol ng iyak.

Pinigilan ko lang ang sariling maluha. I already expected this. Dapat hindi na ‘to masakit. Dapat wala na lang ‘to pero bakit ganito? Parang ilang punyal ang tumama sa aking dibdib.

Nang nasa bahay na kami’y nananatili lang ang pagkatulala ni Hati. Ni hindi na ata nito namamalayan pa ang namamasang pisngi dahil patuloy pa rin sa pagtulo ang luha.

“When did you know about this, Manang? Bakit hindi mo ako sinabihan?” tanong niya sa akin habang nasa kalsada ang mga mata. 

“I’m sorry…” Ni hindi ko na magawa pang magpaliwanag dahil maraming beses ko ring puwedeng sabihin ngunit ngayon ko lang din tuluyang nabanggit.

Para lang siyang nakalutang sa ere habang niluluto ang paboritong ulam ni Maurice. Nang matapos, ang nasa isip ay ang magtungo muli sa hospital. Pinagdrive ko lang naman siya dahil wala na talaga siya sa wisyo.

Dire-diretso siya sa loob ng kwarto ni Maurice nang makarating. Ngumiti pa siya nang mapatingin sa kaniya si Maurice. Para bang walang nangyari kanina at umarte itong ayos lang ang lahat.

“Kain ka na habang mainit pa ang sinigang,” ani Hati na iniayos pa ang pagkain ngunit pare-pareho kaming nagulat nang tabigan ni Maurice ang pagkain kaya naman agad na napaso si Hati. Bahagya pa itong napatili roon.

“Maurice!” Halos sabay kami ni Tita sa pagbanggit ng pangalan nito.

Kita ko ang bahagyang pag-aalala ni Maurice ngunit iritado na lang na ibinigyan ng tissue si Hati na ngumiti lang sa kaniya.

“Ayos lang ako,” sambit pa nito na para bang wala lang ‘yon.

“I don’t want to eat,” inis na saad ni Maurice bago na napapikit na lang din.

“And I don’t want to see you… go away…”

“Sige, sa labas lang ako. Sabihan mo ako kapag gusto mo nang kumain,” ani Hati na nginitian pa ito. Lumabas ng kwarto si Hati. Sumunod lang din ako palabas.

Nagtungo ako sa nurse station para magrequest ng cold compress. Nagawa pang makinig sa usapan ng ilang nurse.

“Nagpapadala ng cold compress si Mr. Ruiz. Dalian niyo,” anang isang nurse.

“Gaga, nagpunta na si Jorie. Type niya ‘yon,” naghagikhikan pa sila. Nailing na lang ako dahil kahit saan talaga ito magpunta’y may mga nabibingwit.

“Wala na siyang pag-asa. Para sa girlfriens nga ata ‘yong hot compress! Grabe! Ang ganda no’ng girlfriend. Parang pamilyar nga, eh! Artista ata ‘yon. Kahit do’n lang siguro ako magpapatapak,” anang isa pang nurse.

Nang bumalik ay mayroon nang hawak si Hati na cold compress. Nakatulala lang habang nakaupo sa bench na malapit lang sa room ni Maurice. Tahimik lang siya roon habang may ilang nurse

“Manang… bakit lahat ng mahalaga sa akin nawawala? Do I even deserve to be happy?” tanong niya. Mayamaya’y natawa na lang din.

Minsan ko na ring naitanong sa sarili ‘yan. Siguro nga…

“Everyone just really like on leaving me,” aniya pa

Tignan mo lang ang mga mata nito’y para ka na ring madudurog.

“Maybe all of this have the reason why?” patanong na sagot ko kahit ang totoo? Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang rason.

Natahimik naman kaming dalawa. Parehong tulala na lang din sa kawalan.

“Hija,” tawag ni Tita sa kaniya.

“He’s already asleep. You can go inside…”

“I’m sorry if I can’t be on your side earlier.” Bakas sa mukha ni Tita ang guilt ngunit agad na umiling si Hati.

“No po, Tita. It’s completely fine. Naiintindihan ko po,” ani ko na tipid na ngumiti.

“Pasensiya na…” ulit niya pa ngunit umiling lang si Hati. Malungkot naman na yumakap sa kaniya si Tita kaya napatitig lang ako sa kanila.

I know how shock are them right now.

Inanyayahan din nila akong pumasok sa loob ngunit pinili kong huwag na lang. Nanatili lang ako sa labas ng kwarto. Tahimik na inaalala ang lahat.

Kahit na gaano pa katagal ang lahat nang nangyari, sariwang-sariwa pa rin ang lahat. Masakit pa rin hanggang ngayon.

Maybe I was glad that even in just short period of time, ako naman ‘yong nasa tabi nito. Na kahit panandalian lang I was here. Na kahit sandali lang nakita ko ulit ito.

Nagpatuloy ang mga araw na hindi umaalis si Hati sa hospital kahit ano pang pananaboy ang gawin sa kaniya ni Maurice. She’s always trying her best kahit alam kong durog na durog na ito.

Kahit na nasa labas lang siya ng kwarto ni Maurice, hindi siya nagpapatinag. Uuwi lang kung sakaling magluluto at magdadala ng pagkain kay Maurice na hindi naman nito tinitikman man lang. Laging sinusungitan si Hati at sinasaktan gamit ang matatalim niyang mga salita. But I know deep down that he’s just saying that. He doesn’t really mean anything.

I tried to look out for the both of them. Alam kong parehas silang nahihirapan ngayon. Hindi ko rin maiwan si Hati because I know that she’s in her lowest. Ilang tao na ang nang-iwan sa kaniya. Ilang taong mahahalaga sa kaniya… sa amin.

“I told you that I don’t want you here. Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang ‘yon?” galit na tanong ni Maurice sa kaniya.

Ngumiti lang naman si Hati at inilabas pa ang mga prutas na pinamili.

“What do you want? Apple? Orange?” tanong ni Hati sa kaniya habang nakangiti. Malamig lang siyang tinignan ni Maurice.

“I don’t want anything.” Hindi niya na binalingan pa ng tingin si Hati. Nadala na rin naman siya noong nakaraan at hindi na tinatabig ang mga iniaabot sa kaniya. Hindi niya nga lang kinakain. Ending ay naroon lang sa lamesa.

“Get out. I don’t like to see your face,” aniya pa na hindi naman makatingin kay Hati nang sabihin ‘yon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro