Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

Chapter 46

Luwalhati’s POV

“Manang, patulong po,” ani Bianca sa akin kaya tinulungan ko siyang buhatin ang ilang libro na dadalhin sa study room ni Maurice. General cleaning ang bahay kaya halos lahat ay abala. Lagi talagang gusto ni Tita na naiiba ang atmosphere ng bahay.

“Ang yaman talaga nina Sir, Manang, ‘no? Pangarap ko ring magkaroon nang ganito kalaking study room!” nakangiting saad ni Bianca nang magsimula na kaming maglinis. Napangiti na lang ako roon bago inayos ang ilang nakikitang kalat.

Mayamaya lang ay may tawag na mula sa kaniya kaya nagmamadali niyang sinagot.

“Manang, may parcel po ako sa labas. Teka lang!” ani Bianca na nagmamadali pang tumakbo patungo sa labas. Napailing na lang ako dahil usong-uso talaga ang order online nitong mga panahon na ‘to.

Habang naglilinis, napakunot ang noo ko nang mapatingin sa baba ng lamesa niya. May mga dokumentong nahulog mula roon. Pinulot ko naman para sana iayos na sa lamesa ngunit nahinto ako nang makita ang laman ng dokumento. Yes, I heard it from her doctor pero iba pala kapag ikaw na ang nakakakita. How can he… how can he hide it from me? Wala ba siyang tiwala? Bakit?

I know that he died from sickness but I can’t still believe it right now. He already know when we were abroad. Doc. Railey, kapatid ni Doc. Finley ang pumirma niyon.

Paano niya nagawang itago sa akin nang ganoon katagal? Masiyado ba talaga akong makasarili to the point na hindi ko na napansin pa?

Awang na awang lang ang labi ko habang nakatingin dito nang may humablot sa mga dokumentong hawak ko.

“Why are you touching my things, Manang?” galit nitong tanong. Hindi na napigilan pa ang sumigaw.

Saka niya lang din napagtanto ‘yon. Katulad kapag kausap si Hati’y saka lang din mahihiasmasan.

“I’m sorry…” aniya na dire-diretso na sanang lalabas nang magsalita ako.

“Mood swing. Kasama sa sintomas ng sakit mo, ‘di ba?” tanong ko sa kaniya. Now, that I think of it. Patpatin na rin ito. Akala ko’y masiyado lang nalulong sa problema ngunit hindi pala ganoon ‘yon. Hindi ako nagtanong. Hindi ko sinubukang intindihin.

“What are you saying, Manang?” Umawang pa ang kaniyang mga labi at bakas din ang balisa mula sa kaniyang mukha.

“You are dying.” Pinili kong gawing kalmado ang tinig kahit na hindi ko rin talaga alam kung paano siya kauusapin nang hindi nababasag ang tinig.

Kita ko kung paano siya nahinto. Ni hindi niya magawang magsalita nang mag-iwas na ng tingin sa gawi ko.

“Please don’t tell Hati and Mama, Manang…” mahina niyang saad na halos hindi na rin mabuo ang mga salita. Ako naman ang nahinto roon.

“I don’t want them to put in pain… please…” mahina niyang saad. Napaawang pa ang labi ko nang makita ko siyang lumuhod bago umiiyak na nakiusap.

“Please, Manang…” Hindi ko naman makuhang magsalita.

“I don’t want them to get worried. Ayaw kong dagdagan pa ang problemang mayroon sila…” Gusto kong pahirin ang luha mula sa kaniyang mga mata.

“But you’re hurting them by not saying anything. You’re making them worried in doing that, Maurice,” seryoso kong sambit sa kaniya. Umiling-iling naman siya habang nakatingin sa akin.

“No, you don’t understand, Manang…”

Magsasalita na sana ako nang may excited na tumawag habang papasok sa loob ng study room. “Manang!”

Agad na nawala ang ngiti mula sa mga labi ni Bianca nang mapatingin sa nakaluhod na si Maurice. Tila nabato balani pa siya sa kinatatayuan habang hawak-hawak ang parcel.

“Huwag kang maingay, nagdadasal si Sir,” sambit ko na lang na awkward na tumawa.

“I won’t tell right now but I won’t promise you that I really won’t,” bulong ko kay Maurice nang madaanan.

Hinila ko naman na rin palabas si Bianca na para bang nalagutan ng hininga nang sa wakas ay nakalabas doon.

“Nakakagulat naman si Sir, Manang! Bakit doon pa nagdadasal?” Mabuti na lang din talaga’y kinagat ni Bianca ang sinabi ko.

Matapos ang araw na ‘yon. Halos hindi na talaga nagpapakita si Maurice sa bahay kaya naman galit na galit din si Hati sa kaniya. Hindi na rin talaga natapos ang pag-aaway ng mga ito kapag umuuwi si Maurice.

Katulad na lang ngayon, parehong mainit ang dugo kaya nang magkatagpo’y agad na namang nagkagulo. 

Lagi tuloy silang usap-usapan ng mga kasambahay dahil todo sigawan na a

Napabuntonghininga ako habang pinagmamasdan ang kalangitan.

Bahagyang nagulat si Maurice nang makita ako. Todo ang iwas niya na makausap ako dahil sa nalaman.

“Is it fine for you to smoke?” tanong ko sa kaniya. Napabuntonghininga siya at hindi rin naman tinago ang sigarilyong hawak.

“Ayos lang po siguro. Mamamatay rin naman po, Manang,” natatawa niyang saad ngunit nanatili lang ang walang kaekspresiyon-ekspresiyon kong mukha.

“I’m sorry po if I’m hurting your Hati…” mahina niyang saad.

“You should say your sorry to her.” Bakit ba ang dali niyang humingi ng tawad sa akin ngayon samantalang hindi niya magawang humingi ng tawad noon?

“Is it easy to say sorry to others but not to her?” seryoso kong tanong. Kuryoso rito.

“I always want to say sorry to her… for hurting her… for saying words I didn’t really mean… for being an asshole to her… I really want to…”

“But you didn’t…” Malungkot naman siyang ngumiti bago niya binuga ang sigarilyong hawak.

“I want her to hate me… I want her to let go of me… Sana mapagod na siya…” Hindi ko na namalayan ang namumuong luha mula sa akin.

“Pagod na ‘yon pero dahil mahal ka bawal sumuko…” mahinang saad ko.

“Sana sukuan niya na ako… Gusto ko nang bumitaw pero ang hirap-hirap niyang bitawan… Gustong-gusto kong alisin niya na ako sa buhay niya dahil isang araw hindi na rin naman niya ako makakasama sa lahat pero puwede bang saglit lang? Kahit kaunting panahon pa… I still want to see her…” Ni hindi ako makatingin sa kaniya kahit naririnig ko ang garalgal na tinig nito dahil pinipigilan ko na ang mahikbi.

“When she ask me to marry her? Noong araw na ‘yon gusto kong ipaharurot ‘yong sasakyan sa harap ng simbahan para lang maitali siya sa akin… Para lang kahit minsan sa buhay ko ikinasal ako sa kaniya… But maybe I’ll ask for too much… Maybe I’ll be greedy to the point that I’ll wish that no one will be able to marry  and love her like I’ll do…” Matagal akong natulala bago nagkaroon nang lakas ng loob para magsalita.

“Why don’t you just say it to her? You’re too selfish for deciding on your own,” seryoso kong sambit. Umiling naman siya roon.

“It will be too much for her, Manang…” aniya na ngumiti lang nang tipid.

“I hope you won’t leave her too po…” mahina niyang saad para bang anytime ay magpapaalam na ito.

“Can you check on her, Manang? She’s probably crying her eyes out again…”

“Check her out yourself. Ikaw nanakit,” ani ko na napangiwi pa sa kaniya. Tahimik lang naman itong nag-iwas ng mga mata. Tumalikod na rin naman ako para tignan si Hati. Bago pa ako tuluyang umalis doon ay nilingon ko na siya.

“Huwag kang mag-aalala natupad na pangarap mo,” ani ko na natawa pa. I never been able to marry someone else because like what he wanted to wish.

Nang magtungo ako sa kwarto ni Hati. Agad kong nakita ang ilang gamit nilang nakakalat. Kita ko siya na nasa isang gilid habang tulala lang.

Ni hindi niya na namalayan pa na pumasok ako sa loob dahil tulala lang siya sa isang tabi. Tinabihan ko lang siya at hindi rin nagsalita. I know her. I know myself. Ayos na ako basta alam kong may karamay ako sa tabi.

“Manang… Maybe I was really being a bungangera to the point na hindi na niya ako gustong uwian, ‘no?” tanong ni Hati sa akin.

“Should I try to change? Should I try to act like we don’t have problem at all?” Hindi naman ako nakapagsalita. I know that she wanted to go back to the time when they’re still good together. To that time when everything is alright.

And she did try…

She tried not to nag Maurice when he home late. Laging may pagkain na pabaon kahit na minsan lang ito umuwi. She’s trying eventhough everything is just hurting her.

“Maurice,” tatawagin ko sana si Maurice na dire-diretso sa paglabas ng bahay para kausapin kaya lang agad na nahinto ako nang makita ang lalaking kausap nito habang naghihintay sa kaniya sa labas. Pamilyar ito kaya matagal kong pinag-isipan kung saan ko nga ba nakita.

Napaawang ang mga labi ko nang mapagtanto na ito ‘yong private investigator na sinubukan kong kunin para lang makita ang mga pinagkakaabalahan ni Maurice. What the heck? That fucking guy betrayed me?

Agad akong nagtawag ng cab para pasundan ang sasakyan ng mga ito.

Huminto sila sa isang pribadong hospital kaya hindi ko rin alam kung paano magrereact. So all the time that I thought he’s in the bar, he’s staying here…

So that’s the reason why he’s not always home? Bakit hindi niya sinabi? Bakit hindi siya nagsabi?

Nang tuluyan siyang makapasok ay saka naman ako sumunod sa loob. Sinubukan ko pang magtanong sa nurse ng impormasiyon tungkol sa kaniya ngunit confidential kaya wala akong nagawa kung hindi ang mapatango na lang din.

“Si Sir Maurice ba, Misis?” tanong no’ng guard sa akin.

“Kung hindi lang napilit ang isang ‘yan ay wala na sanang balak magpagaling dito. Hindi ata maiwanan ang nobya,” aniya sa akin.

“Kaano-ano po pala kayo ni Sir Maurice?” tanong niya pa.

“Ah, anak ko ang nobya niya,” ani ko dahil hindi rin alam ang isasagot. Mabuti na lang ay hindi na ito nang-usisa pa.

Habang pauwi naman ay hindi ko rin sigurado kung sasabihin ko ba kay Hati. Kung hihintayin ko pang sabihin ni Maurice, baka wala na siya nang mga panahong ‘yon. Wala siyang balak umamin.

“Manang, maganda po ba?” Malapad ang ngiti ni Hati habang pinakikita ang ilang damit na dadalhin niya sa trip nila ni Maurice. Hindi ko tuloy magawang ipasok sa usapan ang tungkol sa sakit nito.

Ngayon ko na lang ulit siya nakitang nakangiti at alam kong masisira rin ‘yon kapag umuwi na sila rito sa pilipinas.

“Huwag ka na kayang tumuloy, Hati?” tanong ko sa kaniya.

“Manang naman. Hindi po pupuwede. Kung kailan ko naman po napapayag si Mau saka ako aatras,” natatawa niyang sambit. Alam kong matigas ang ulo niya. Hindi makikinig lalo na kapag nakaset na ang utak sa isang bagay.

“Paano kung…”

“Manang, huwag niyo na pong ituloy! Baka ma-jinx!” natatawa niya pang saad sa akin.

She was looking forward to that day not even knowing that he will broke her heart.

Nang sumapit ang araw na ‘yon, nakangiti lang siya nang magpaalam sa amin ngunit sa pagbabalik nito’y parang dala-dala na niya ang lahat.

“What happened?” tanong ni Tita sa kanilang dalawa ni Maurice.

“Nagkaayos ba kayo?” tanong pa ni Tita na ngumiti sa mga ito. Nang mabasa ang atmospera ay unti-unting nawala ang kaniyang mga ngiti.

“I won’t go home now, My… Sa condo po siguro muna ako,” ani Maurice kaya napatitig ako sa kaniya. Sa condo o sa hospital?

Hindi naman nagsasalita si Hati. I know that she’s still shock on what happened pero sigurado akong babalik din sa dati. Maghihintay kay Maurice at susubukang ibalik ang kung anong mayroon sa kanila.

I think I know how all of this ended…

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro