Chapter 45
Chapter 45
Luwalhati's POV
Isang buntonghinga ang pinakawalan ko bago nagtungo sa labas.
"Nasaan si Hati?" tanong ko sa ilang kasambahay na nakakachikahan ko rin.
"Po? 'Di ba po may date sila ni Sir ngayon? Nasa resto na po," anila kaya nahinto ako. I was busy doing my research about Maurice's illness. Baka sakaling may magawa pa.
"Resto?" kunot noong tanong ko. Nagtataka naman silang tumango. Napatikhim ako nang may mapagtanto.
"That's today..." mahinang bulong ko sa sarili. Araw kung saan naghintay ako nang anim na oras kay Maurice.
I know how lonely it feels like. Namalayan ko na lang din ang sariling nagtungo sa resto kung saan sila magkikitang dalawa.
Hindi ko gustong maghintay nang matagal si Hati roon.
Nang makarating doon, agad kong nakita si Hati na kausap ang waiter. Mukhang kinukuha na ang kaniyang order. Tahimik lang naman ako habang pinagmamasdang magbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Mula sa ngiti'y napalitan na rin nang pagkasimangot dahil sa inip.
Lalapitan ko na sana siya nang may maalala.
"I forgot our dinner date..." mahinang bulong ko sa sarili nang maalala ang katagang binitawan nito na siyang nakasakit sa akin nang mga panahong ang tagal kong naghintay. Sa inis na nararamdaman ay hindi ko na kinwestiyon pa. Alam kong may nagbago. Akala ko'y nagbago lang ang pagtingin nito sa akin. Hindi ko alam na dito na pala nagsisimula ang lahat.
One of the brain tumor symptoms. Memory loss.
Agad akong nagtungo sa kompanya nila para lang ipaalala 'yon ngunit agad sinabi ng sekretarya niya na umalis na ito.
Hindi ko naman maiwasan ang mapabuntonghininga nang magtungo sa Sky dahil sigurado akong doon sila nagkayayaang magkakaibigan.
Nang makarating doon, nagdadalawang isip pa ang bouncer kung papapasukin ako o hindi.
"Aba't anong akala mo? Wala na akong kamandag?" tanong ko kaya agad itong napailing.
"Hala, hindi po! Sige po. Tuloy na po kayo, Lola," aniya na nataranta pa. May ilang napapatingin pa sa akin ngunit patuloy lang ako sa paghahanap kay Maurice.
Hindi ko naman sila nakitang magkakaibigan sa loob kaya agad ko rin napagtanto na yayamanin nga pala ang mga ito. Paniguradong nasa vip room.
Napabuntonghininga naman ako bago lumabas doon. Hindi rin ma-contact ang numero niya kaya si Hati ang tinawagan ko. Nagkwento lang ako nang nagkwento para malibang ito habang naghihintay ngunit bakas na sa tinig niya na badtrip siya. She's still trying to be nice kahit mukhang iritadong-iritado na ito. Napabuntonghininga ako.
"Umuwi ka na kaya, Hati? Baka hindi na 'yon dumating?" patanong na saad ko.
"Dadating po 'yon, Manang." Tumawa pa siya nang mahina. Hindi ko alam kung ako ba ang pinaniniwala niya o ang kaniyang sarili lang.
Nahinto ako nang makita si Maurice na siyang magmamadaling lumabas. Mukha pa itong natataranta habang nag-didial. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.
Nagpaalam na rin naman ako kay Hati bago binaba ang tawag.
Pinanood ko naman si Maurice, binasa niya lang ang kaniyang mga labi. Ibig sabihin lang ay kinakabahan ito o 'di naman kaya'y hindi na mapakali. Mannerism niya na talaga 'yon.
Mukhang si Hati rin ang tinawagan nito. Bagsak ang balikat niya nang mapatingin sa phone, binabaan na ata ito ng tawag ni Hati.
Napapikit na lang siya bago sumakay sa kaniyang kotse. Hindi naman na rin niya namalayan pa ang mga taong nasa paligid niya kaya hindi na rin ako nag-abala pang magtago.
Napabuntonghininga na lang ako bago sumakay sa cab. Ano bang ginagawa ko rito kung wala rin naman pala akong gagawin para sa kanilang dalawa?
Nang makarating sa bahay, alam kong nagtatalo na ang dalawa. Napabuntonghininga na lang ako dahil hindi ko rin naman magagawang magtungo sa kwarto nila para umawat.
Napaawang ang labi ko dahil ibang-iba na ang itsura ng bahay tila ilang buwan ang ang lumipas. Nang tignan ko ang kalendaryo'y kita ko nga ang pag-abante ng araw. Hindi ko mapigilan ang mapabuntonghininga. Paniguradong malala na ang away ni Maurice at Hati nito.
"Hala, malas nga ata talaga si Hati. Pati ba naman sa pag-ibig?" Ilang bulungan pa mula sa mga kasambahay ang narinig ko.
"Nag-away na naman ang magnobyo, Ate Ladia?" Napatingin ako sa ilang pamilyar na babaeng nasa malapit na pinto.
"Hala, si Manang Hate," bulong nila bago sila nagsikuhan nang mapatingin sa akin.
"Hindi namin pinagchischismisan ang alaga mo po, Manang. Napag-usapan lang," anila na awkward pang ngumiti.
Tinignan ko lang sila bago ako nagpatuloy sa paglalakad dahil tatawagin ko na san si Hati para kumain.
"Manang, nagtatalo pa po sila," anila kaya hindi ko maiwasan ang mapabuntonghinga.
Malapit lang sa gawi namin kaya narinig ko ang sigawan nila.
"Ang hirap kasi sa 'yo, lagi kang nakadada! Kaya ayaw ka nang uwian!" dinig kong sigaw ni Maurice kay Hati. He didn't say it directly to me but it still hurt. Kahit pala ang tagal-tagal na no'n, ang sakit-sakit pa rin ng mga salitang galing sa kaniya.
Agad nagsialisan ang mga kasama kong kasambahay na nakikichismis sa usapan nila nang bumukas ang pinto at niluwa niyon si Maurice na kunot na kunot ang noo. Mukhang nag-iinit talaga ang ulo.
Hindi naman ako nag-aksaya pang umalis. Napaiwas na lang siya ng tingin.
"Pasensiya na po, Manang..." mahina niyang saad kaya nilingon ko siya.
"Huwag ka sa aking manghingi ng tawad. Manghingi ka ng tawad diyan sa nobya mo," seryoso kong sambit. Nag-iwas lang siya ng tingin. Kita ko rin ang konsensiya mula sa mukha nito. Tila rin tuluyan nang nahimasmasan.
Napapikit na lang siya bago nilingong muli ang pinto.
"Palamig lang po ako saglit," aniya.
Dumeretso rin ako sa kwarto ni Hati. Agad ko siyang nakitang patuloy ang pag-iyak habang nasa gilid.
"Umalis ka na. Ang sabi mo'y aalis ka, 'di ba?" Nahinto naman siya nang mapatingin sa akin. Pinigilan niya lang ang maiyak habang nakatingin sa akin.
Napatitig naman ako sa kaniya. Bakas sa mukha ang lungkot. Naninikip naman ang dibdib ko habang nakatingin sa kaniya. Para ko lang ulit naramdaman ang sakit nang kahapon.
"They said you haven't eat yet. Kumain ka na muna," ani ko kaya unti-unti na siyang napahagulgol ng iyak. Napaupo na lang ako bago siya hinarap.
"Shh... Everything will be fine..." bulong ko sa kaniya bago siya niyakap nang mahigpit.
"Am I not worth the love, Manang?" Kita ko ang luha mula sa mga mata niya.
"You're always worth it, Hati..." Hindi ko alam kung sa kaniya ko ba sinasabi o sa aking sarili.
"May babae si Maurice, Manang..." umiiyak niyang saad.
"Wala." Umiling pa ako. 'Yon ang sigurado ko.
"He only loves you," seryoso kong saad sa kaniya kaya mas lalo naman siyang naiyak.
"I don't think so, Manang..." mahina niyang saad kaya naman hinaplos ko lang ang buhok nito.
"I visited his office, Manang. Hindi na raw ito pumapasok samantalang hindi na niya magawa pang bumalik dito," ramdam ko ang frustration ni Hati habang sinasabi 'yon.
"He's probably in the bar again. Having fun with his friends." Kita ko kung paano niya sinubukang huwag maiyak ngunit hindi rin siya nagtagumpay.
"Maybe it's not like that Hati. Baka katulad mo'y nasasaktan din ito..." ani ko dahil nararamdaman ko rin ang sakit kay Maurice.
"We'll visit him in Sky." I never really visited Maurice. Baka wala rin talaga akong pinagbago noon. Takot itong makitang masaya habang ako'y nagmumukmok lang sa isang kwarto.
Unti-unti namang napatango si Hati roon. Kahit na gabi na'y nagtungo pa rin kami sa bar kung nasaan ang mga ito. Hindi ko naman maiwasan ang mapabuntonghininga dahil mukhang mahihirapan din kaming hanapin ito. Paniguradong nasa VIP room na naman. Sinubukan kong tawagan si Daniel ngunit katulad noong nakaraan out of reach din ito. Laging nakapatay ang cellphone ng hinayupak na 'yon.
"Hati?" Pareho kaming napatangin sa tumawag ng pangalan namin. Agad kong nakita si Joaquin na siyang malapad ang ngiti.
"Si Maurice?" tanong ni Hati.
"Ah, hindi ba nagpaalam sa 'yo?" naguguluhang tanong nito.
"'Yon, oh," tinuro niya si Maurice na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan. Panay pa ang hiyawan ng mga ito. Sila-sila lang namang magkakaibigan ang nasa iisang table habang chinicheer si Daniel na hataw na hataw sa dance floor.
Nang tignan ko si Hati'y dire-diretso na siya sa paglabas. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nito. Hindi ko mapagilan ang mapabuntonghininga. Imbes ata na maipakita ko sa kaniya na nasasaktan din si Maurice ay mas lalo ko lang siyang nasasaktan ngayong nakikita itong masaya.
"I'm sorry..." mahina kong saad nang nasa sasakyan na kami.
"Para saan po, Manang? Wala naman po kayong kasalanan doon," natatawa niyang saad bago pa napakibit ng balikat na para bang wala lang 'yon ngunit kabisado ko na ang lahat dito. Pansin ko rin ang panginginig ng tinig na para bang pinipigilan ang maiyak.
Sinubukan kong pagaanin ang nararamdaman niyo ngunit mukhang malalim na talaga ang iniisip nito. Tulala lang siya nang umuwi kami sa bahay.
"Do you want to sleep in my room?" tanong ko sa kaniya. Sunod-sunod naman ang naging pagtango niya kaya sa kwarto ko nga talaga natulog.
Parehas naman kaming hindi nakatulog. Hindi siya gumagalaw kaya alam kong gising din. Sobrang likot ko kaya matulog.
Kinabukasan, mukhang ayaw niya nang lumabas pa ng kwarto ko kaya napabuntonghininga na lang ako.
"Dito ka na kakain?" tanong ko. Sunod-sunod naman ang naging pagtango niya.
"Hati..." tawag ko sa kaniya. Nilingon niya naman ako.
"Manang?" patanong na saad niya.
"Do you remember what Lola said?"
"You won't be able to fix something if you keep on being angry and not even try to listen," ani ko. Alam kong nasasaktan din siya at ganoon din si Maurice. Alam kong matagal bago ko sinubukang ayusin kaya malaki na ang lumot.
"Calm yourself first and think hard before you say something. Just like Lola said, it will hurt you and the other person too." Napakagat naman ako sa aking labi nang umiyak ito. Naalala na naman si Lola. Napapikit na lang tuloy ako dahil do'n.
"Gutom na po ako," aniya na mukhang nahihiya na umiiyak na naman.
"Shh..." Mahigpit ko lang siyang niyakap at hinayaang umiyak sa akin. Nang kumalma'y natatawa na lang din.
"Ayos na ako, Manang. Bakit ba almusal ko na ang pag-iyak?" natatawa niya pang tanong.
"Manang, kakain na po ako," aniya pa kaya tumango ako.
Nang lumabas ay nakita ko si Maurice na mukhang kauuwi lang. Hindi ko mapigilan ang pagmasdan siya. Malungkot ang mga mata nito habang nakatingin lang sa kwarto nila ni Hati.
"If you're planning to talk to her. She's in my room. Dalhan mo ng breakfast o kahit na ano," seryoso kong sambit sa kaniya.
"You're hurting her." Umiwas lang siya ng tingin kaya hindi ko mapigilan ang mapabuntonghinga.
"And I know that this is hurting you too." Ngumiti lang ako nang tipid bago naglakad na patungo sa kusina.
"Kumusta po si Hati, Manang?" tanong ni Tita sa akin.
"Iyak lang din po nang iyak kagabi at kanina, Ma'am," ani ko na napabuntonghininga pa.
"Ang tagal nang pagtatalo nilang dalawa. Miss ko na ang ngiti ni Maurice at ni Hati. They are so good together... I wonder how did everythings goes wrong..." aniya kaya malungkot akong nangiti. I always wonder about that but now I already know why... Hindi ko lang alam kung paano ako papasok. Hindi ko lang alam kung paano ko sila maayos.
Napatitig naman ako kay Tita. Parang noong nakaraan lang ay kausap ko 'to. Walang palya pa rin ang ganda. I know she also regret not being there with her son.
"Ma'am, paano kung may tinatago po pala si Maurice sa inyo?" tanong ko sa kaniya.
"Hay nako. Malihim talaga ang batang 'yan noon pa! Tignan mo nga ngayon, ni hindi nagsasabi sa akin kahit ilang beses na silang nagtatalo ni Hati."
"Tignan mo pa ito. He wanted to give Hati a cheesecake pero nagagawa pang itago. Parang sira," ani Tita na tinuro pa ang cheesecake na nasa ref. Napatikhim naman ako roon.
I always thought that Tita was the one who always bake the cheesecake para lang pagaanin ang loob ko... But he never really forget about me, huh?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro