Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

Chapter 44

Luwalhati's POV

Pinagmasdan ko ang paligid. Bahay nina Maurice! Kabisadong-kabisado ko pa rin ang lugar na ito kahit na ilang taon na ang lumipas.

"Kawawa naman talaga si Hati, 'no? May balat ata sa pwet ang batang 'yon. Iniwan na halos ng lahat." Nahinto naman ako sa paglalakad nang marinig 'yon.

"Oo nga, maaga nga raw iniwan ng Lola niya 'yan kaya parang naging anak-anakan na nina Ma'am. Idagdag mo pa ang ginawa sa kaniya no'ng kaibigan niya! Mabuti nga'y nakarecover siya roon," anang mga ito.

So, the Hati today experience all of that. I'm back to square one...

Malungkot na lang akong napangiti. So mag-isa na naman ako sa hinaharap? Kahit ano nga talagang desisyon ang gawin ko, magsisisi at magsisisi lang ako.

"Manang!" anila na agad nagkumpulan palapit sa akin. Natatandaan ko ang mga ito! Ang mga kasambahay ni Tita noon.

"Nasaan si Hati?" tanong ko sa kanila kaya agad silang nagkatinginan.

"'Di ba po nagpaalam sa inyo na aalis? Kasama niya po si Ma'am. Nagtungo po ata sa L. H. po," aniya kaya napaisip ako.

"Makakalimutin ka na, Manang Hate!" natatawa nilang saad.

"Manang, favor naman po," anila na iniabot sa akin ang ilang lunch box. Pinagkunutan ko naman sila ng noo kaya awkward silang ngumiti.

"Manang, makukurot kami ni Manang Felicity hanggang hindi pa namin natatapos 'tong paghihiwa ng mga gulay," anila na pinakita pa ang mga hinahawa.

"Pinabibigay po kasi ni Ma'am sa Papa niya kaya lang ay ang dami talagang need gawin. Hindi na po maharap..." Napanguso pa sila habang pinagsasaklop ang mga palad. Napatawa na lang ako bago napatango.

"Fine... ang sabihin niyo'y hindi niyo lang gustong magsilabas," ani ko dahil mukhang libang na libang ang mga ito sa pagchichikahan.

"Parang ganoon na rin po. Nakakahiya namang maghunting ng boylet gayong haggard na haggard kami ngayon, Manang!" natatawa nilang sambit.

Nailing na lang ako nang lumabas. Kababalik ko lang ay nautusan na agad ako. Wala ring sasakyan kaya naman nag-cab lang ako papuntang Clouds.

Nasa lobby na ako nang mahinto sa paglalakad dahil nakita ko si Maurice na naglalakad palabas.

Inalala ko naman ang date ngayon. L. H. Ah! Ito 'yong mga panahong masama ang loob ko dahil nakasalubong si Tita sa Mall.

Napakunot ang noo ko nang makitang may kasamang babae si Maurice nang lumabas ng Clouds. Hah! Huwag mong sabihing nagsayang lang ako nang panahon na bumalik dito gayong babaero naman pala ang lalaking 'yon!

Napatawa na lang din ako sa sarili dahil imposible 'yon. Patay na patay sa akin si Maurice dati. Inisip ko naman kung saan nakita ang babae.

"Ah! Daniel's sister!" pabulong na saad ko sa sarili. Isang beses ko lang nakita 'yon. Noong nakibirthday kami kina Daniel.

Hindi ko na lang din namalayan ang sariling nakasunod na sa sasakyan nito. Nahinto lang ako sa lahat nang iniisip nang huminto ang mga ito sa tapat ng isang hospital. Ramdam ko ang pagkabog ng puso nang sundan ang mga ito sa loob.

"The result is out, Maurice," anang babae sa kaniya. Binati rin ito ng mga nurse at staff na nakasalubong.

"Good evening po, Doc."

Agad naman akong napatago nang tumingin sa gawi ko si Maurice. Nagkunwari akong isa sa mga pasiyente at naupo pa sa isang wheelchair. Napapikit na lang ako roon. Hindi ko alam kung ano ba itong ginagawa ko.

Nagawa ko pang sumunod sa opisina nito at nakatago lang mula sa gilid habang nag-uusap sila. Sa tagal niyon ay ramdam ko ang paninikip ng dibdib.

"You only have months to live, Maurice..." mahinang saad nito. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. Pinigilan ko rin ang maglikha ng ingay mula sa pwesto ko.

What?

Paanong nangyari 'yon?

"You should tell Tita about this," seryosong sambit ng Ate ni Daniel. Hindi naman nagsalita si Maurice doon bago siya tipid na ngumiti lang sa Ate ni Daniel.

"I should go now. Don't tell Daniel about this," aniya kaya kita ko ang tingin sa kaniya ng Ate ni Daniel.

"I can't promise you about that," anito na nagkibit pa ng balikat.

Nang lumabas na si Maurice, hinintay ko lang na umalis ang Ate ni Daniel sa loob. Natagalan pa 'yon ng kalahating oras kaya bumibigat na nga ang dibdib dahil sa nalaman, sumasakit pa ang likod at katawan sa pananatili roon.

Agad akong naglakad patungo sa table nang makitang wala na ito. Napaawang ang labi ko nang makita ang result na sinasabi nito. Brain tumor. Glioma. Paanong hindi ko man lang napansin 'yon?

Matagal akong napatulala sa papel na hindi ko na namalayan ang pagpasok ng isang nurse.

"Patient po, Ma'am? Upo na lang po kayo rito. Babalik din po agad si Doctora," aniya na mukhang naawa sa akin nang makita ang papel na hawak ko.

Nagawa kong lumabas doon na parang walang nangyari. Ramdam ko ang panghihina ngunit nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Palabas na ako ng hospital nang makita ko si Maurice na nakaupo lang sa lobby habang nakahilamos ang kamay sa kaniyang mukha.

Tahimik lang akong naupo malayo sa tabi nito. Mayamaya lang ay nakita kong may kausap na siya sa kaniyang cellphone.

Nang tumayo siya'y agad din akong tumayo para sumunod.

"Manong, pakisundan po 'yon," ani ko. Kita ko naman ang pagkunot ng noo sa akin ni Manong. Tinignan niya pa ako na para bang nawiwierduhan sa akin.

"Anak ko po 'yon, Manong!" ani ko kaya dahan-dahan siyang napatango sa akin.

Dumeretso ito sa Sky kaya nahinto ako sa labas. Kita kong bagsak ang balikat niya nang pumasok doon. I think I know now the reason why he ended up drinking that night. Napabuntonghininga ako habang nasa labas.

Ilang oras din akong nanatili roon bago siya tuluyang lumabas. Siya pa ang umaalalay sa mga kaibigan.

"Tangina niyo. Imbes na nakauwi na ako," reklamo niya sa mga ito kaya tumawa lang sila nang mahina.

"Ito naman, ayaw na ayaw mahiwalay sa jowa! Minsan ka lang naman namin makita!" natatawa sambit ni Daniel sa kaniya na siyang akbay-akbay rin ang ilang kaibigan nila.

Hindi ko na rin hinintay pang umalis ang mga ito. Nauna na akong umuwi ng bahay.

"Manang!" sigaw ng ilang kasambahay.

"Saan ka po nanggaling? Hindi raw po naihatid 'yong lunchbox!" reklamo nila kaya agad akong natigilan.

"Oo nga pala," bulong ko sa sarili na napakamot pa sa palad.

"Hala kayo, Manang! Buti na lang ay hindi nagalit si Mr. Trinidad," anila na nakabguso na.

"Pasensiya na," ani ko. Kaya pala ngalay na ngalay na ang kamay ko. Nawala sa isip ko sa sobrang pag-iisip tungkol kay Maurice.

"Hinahanap po pala kayo ni Ma'am Hati," anila na tinuro pa ang kwarto ni Hati. Sigurado akong hindi pa kumakain ang isang 'yon hanggang wala pa si Maurice. Sa huli'y nagtungo ako sa kaniyang kwarto para dalhan siya ng pagkain.

Agad niya akong nginitian nang makita. Hindi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kaniya. Hindi ko maiwasan ang malungkot habang pinagmamasdan ang mga mata nito.

"Ayos lang po, Manang. Busog pa naman po ako."

"Kain ka na, nakakasaya ang pagkain," nakangiti kong saad sa kaniya. Tumawa lang siya roon bago tumango.

Nang lumabas ako ng kaniyang kwarto at tumambay sa bolkanahe, agad kong nakita ang sasakyan ni Maurice mula sa labas. Napakunot ang noo ko nang makitang nakaupo siya sa hood ng kotse niya habang may hawak na sigarilyo. Nakasindi lang 'yon. Hinahayaan niya lang atang maubos.

Nang tuluyang maubos saka lang siya pumasok sa sasakyan. Matagal pa siyang nanatili roon bago tuluyang nagtungo sa loob ng bahay.

Hindi ko mapigilan ang paninikip ng dibdib nang makita ko kung paano siya ngumiti sa mga kasambahay at umarte na parang walang bago.

"Good evening, Manang. Nasa loob na po si Hati?" tanong niya sa akin. Matagal ko lang siyang tinitigan. Ngayon ko masasabi na hindi nga talaga ako manghuhula. Alam kong nag-iba ang mga mata nito. Akala ko noon hindi na lang niya ako nakikitang kasamang tumanda ngunit ngayon na alam ko ba ang dahilan? Parang gusto kong sisihin ang sarili dahil hindi nagtanong.

"Manang?" tanong niya na sinubukan pang ngumiti sa akin. Unti-unti akong tumango kaya nagtungo sa loob ng kwarto nila ni Hati.

Bakit nga ba hindi ko napansin noon? Do I really deserve to be love by him?

Hindi naman na ako nagtagal pa roon. Mukhang nagkaayos na rin naman sila kaya hindi na ako umeksena pa.

Sa sumundo nga lang na araw, hindi ko mapigilan ang titig ko kay Hati. Gusto kong banggitin sa kaniya ang alam ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan.

"Bakit ganiyan ka po makatitig sa akin, Manang?" tanong niya sa akin habang kumakain. Kasabay namin sina Tita at Maurice na kumain dito sa hapag. Napatingin naman sila sa akin.

Umiling naman ako kaya pinagkunutan niya ako ng noo bago napanguso. Sa huli'y nagpatuloy na lang din siya sa pagkain.

Isinama rin nila ako sa pagbisita kay Lola. Pumayag naman ako dahil ngayon lang ulit makakabisita roon. Tahimik lang ako habang nasa sasakyan. Nakamasid lang sa kanilang dalawa.

Natahimik ako nang magtungo kami sa nitso ni Lisa. Parang ilang punyal ang tumama sa akin habang nakatingin sa puntod nito. Hindi ko na rin napigilan ang luha mula sa mga mata ko. It's all my fault. Pinalis ko lang ang luha nang mapatingin si Hati at Maurice sa akin.

Nang matapos kausapin ni Hati si Lisa, nagtungo na rin kami sa puntod ni Lola. It was nice seeing Lola again. Ang tagal na noong huling beses na dinalaw ko ito saka lang din nitong nagbalik ako sa nakaraan. Kahit matagal na'y miss na miss ko pa rin talaga ito.

Mabilis lang din kami dahil may trabaho pa si Maurice. I can't help but to appreciate him even more. Kahit na gaano pa karami ang problemang mayroon siya, hindi niya pa rin talaga ako nakakalimutan.

"Maurice," tawag ko ni Hati sa kaniya nang nasa sasakyan na kami.

"Do you want to continue our wedding?" Kita ko ang pagkahinto ni Maurice doon. I wondered why he doesn't look happy that time but I think I know the reason why.

"Ayaw mo ba?" Hindi na naitago pa ni Hati anh disappointment sa kaniyang tinig. I understand  Maurice but I can't invalidate what the younger Hati's feeling right now.

Wow, Hati. You don't want to invalidate Hati's feeling but you're invalidating what you feel...

"I just think that this is not a good time for a wedding... you know there's still a lot of problems in our company..." And you also have a problem that you suppose to tell right now.

"Are you upset?" tanong niya.

"I'm sorry..." mahinang saad niya. Nagawa pang magbiro ni Hati habang nakatingin dito. Coping mechanism na talaga ang tumawa kahit na ang totoo'y nasasaktan.

"Ayos lang, sa akin din naman bagsak mo," anito na ngumiti pa sa kaniya.

"But we'll get married after you solve your company's problem, right?" tanong niya pa kay Maurice na kita kong napaisip.

"We will..." Sinungaling. Iiwan mo nga lang si Hati. Iiwan mo lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro