Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

Chapter 43

Luwalhati's POV

"Teka lang, ho! Ale!" tawag ko rito habang nagmamadaling maglakad patungo sa gawi niya. Nilingon niya ako nang makita.

"Luwalhati." Napaawang ang labi ko dahil hindi sigurado kung paano niya nalaman ang pangalan ko.

"Do you want to go back?" tanong niya sa akin. Mas lalo akong nagulat nang itanong niya 'yon. Paano niya nalaman? Bakit parang alam niya ang lahat?

"To that day... The day that you can still say your goodbye to him... The time when you can still take good care of him..." aniya pa.

"Can I do that?" naguguluhan kong tanong.

"Do you want to?" Mabilis ang naging pagtango ko.

"But can you let go of your life that you keep on dreaming of before?" Nahinto naman ako roon.

"Every choices comes with consequences. Life is always full of regret. Choose carefully, Luwalhati." Nakangiti niya akong tinignan bago siya tuluyang nawala sa aking harapan.

Nanatili lang akong nakatayo roon. Hindi alam kung paano igagalaw ang paa. Hindi sigurado sa desisyon na gagawin.

"Mama, nakadalaw ka po?" tanong ni Dylan nang makauwi ako. Tulala lang ako nang maupo sa sofa rito sa hotel.

"Lola! Look what I brought for you!" nakangiting saad ni Andra na tumakbo patungo sa gawi ko habang hawak-hawak ang isang beret.

Napatingin ako sa kaniya at napangiti na lang nang tipid nang mapatingin sa kaniya.

"Salamat, Apo ko..." Apo ko. May sarili na akong apo. Apo na noon pa man ay hinahangad ko.

Hinaplos ko lang ang buhok nito bago siya tinitigan.

"What's wrong po, Lola?" tanong niya na napatitig pa sa akin.

"May problem ka po?" Tinignan niya pa ako gamit ang inosente niyang mukha. Ngumiti lang naman ako bago umiling.

"May problema ba, Mama?" tanong sa akin ni Dylan.

"Wala naman, Nak..." Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Panay ang tanong nito sa akin, pareho lang din naman ang sinasagot ko.

Pinasyal namin si Andra sa Manila habang madalas na malalim lang ang iniisip ko.

Hanggang ngayon ay nilalamon pa rin ng lungkot na hindi ko man lang nagawang alagaan si Maurice.

Noong mga panahong kailangan na kailangan ko ng tao sa tabi ko, naroon siya. Akala ko iniwan niya ako pero ngayon ko napagtanto na sa aming dalawa ako itong nang-iwan... na sa aming dalawa, ako 'tong sinukuan siya.

"Hoy, anong problema niyang Mama mo?" Napatingin ako kay Lisa nang malakas niya pang itanong 'yon kay Dylan.

"Simula nang bumisita siya roon sa kakilala niya'y ganiyan na po siya, Tita," ani Dylan kaya pinagkunutan ako ng noo ni Lisa.

"Ayos lang ako." Inirapan niya naman ako dahil do'n.

"So, ang ibig mong sabihin ay gandang-ganda ka lang talaga sa akin?" Hindi ko naman mapigilan ang ngiwian siya.

"Kanina mo pa ako tinititigan! Hindi lang pala ako, lahat kami'y parang mawawala sa paningin mo," anito.

"Dahil ba sa prutas? Kalahati pa lang naman ang nakakain ko!" Nailing na lang ako habang nakatingin sa kaniya.

"It's not like that." Napabuntonghininga na lang ako bago kumagat sa cheesecake na nandito sa table.

Gusto kong bumalik ngunit ayaw kong mawala ang mga bagay na mayroon ako ngayon. Ayaw kong bumalik sa malungkot na nakaraan subalit gusto kong balikan ang isang tao. Gusto kong alagaan ang isang tao. Gusto kong naroon ako sa tabi nito.

Pareho kong gusto ngunit ayaw kong magdesisyon. Ayaw kong mamili sa dalawa.

"Gagang 'to. Para namang may sikreto pa sa atin," ani Ren na siyang nakikichismis din sa amin.

"If you choose between two things, how will you decide?" tanong ko sa kanila.

"Ano ba 'yan? Pera o bayong?" Sinamaan ko naman ng tingin si Ren kaya agad siyang napanguso. 2078 pero stuck pa rin ito sa pera o bayong.

"Ano bang choices?" tanong nila.

"Living your life in the present or going back to the past?" Napatitig naman sa akin si Lisa bago malungkot na ngumiti.

"I won't never go back to the past, Hati. I don't want to live in that hell. The time when you always worry about everything. Oras-oras pasakit nang pasakit. Palala nang palala." She's right. Bakit nga ba gugustuhin ko pang bumalik doon kung panay pasakit lang naman ang naranasan ko nang mga panahon na 'yon? Araw-araw hindi mo alam kung paano mo aalisin ang bawat punyal na tumatama sa 'yo. Bawat segundo gusto mo na lang matapos ang lahat.

I already know that but... why do I still want to go back to that day? I still want to go back in his arms.

Maybe that's what I really want. Baka simula't sapul 'yon naman talaga ang gusto kong mangyari. Napuno lang lahat nang paninisi upang hindi na umasa pa.

"But that's just one choice, Hati?" Napatingin ako kay Ren nang magsalita siya.

"If going back to the past is the only answer for you to be able to live in the present, do it," aniya kaya nahinto ako bago napatingin sa kaniya. Ren always been the rational type. Noon hanggang ngayon, ganoon pa rin siya.

Napatikhim ako bago nag-iwas ng tingin. Hindi ko na alam.

"Wala rin naman nakakabalik sa nakaraan kaya ang gawin mo'y mabuhay ka na lang dito sa kasalukuyan, Hati. Halika na't kakain na! Nagluto si Amihan!" nakangiti nilang saad kaya napatango na lang ako bago nagtungo sa kusina.

Punong-puno ang tao sa hapag. Hindi tulad noon na kung wala pa si Amihan, mag-isa ko lang na kumakain dito. Walang kaingay-ingay, kubyertos lang ang maririnig. Ngayo'y nagagawa ko ring makipagtawanan at makipagkwentuham sa mga ito.

Alam ko naman ang dapat piliiin. Alam na alam ko ngunit ito ako, nagdadalawang isip pa rin.

"I should remain here..." mahinang bulong ko sa sarili habang nakatingin sa pamilyang mayroon ako ngayon.

"Huh? Gutom lang 'yan, Luwalhati," natatawang saad ni Lisa sa akin. Nailing na lang din ako roon.

Nang matapos kaming kumain ay dire-diretso na rin ako sa paglabas ng bahay para magtungo sa dalampasigan.

"Lola! Saan ka po pupunta?" tanong ni Andra sa akin kaya naman agad ding napasilip si Dylan.

"Mama?" patanong na saad nito.

"Diyan lang sa dalampasigan, magpapahangin lang sandali," ani ko kaya agad nangunot ang noo nito.

"Samahan ko na po kayo..." anito kaya umiling ako.

"Ayos lang. Kaya ko naman ang mag-isa." Gusto pa sanang mamilit nito.

"Ayos lang ako. Hindi pa naman ako baldado para bantayan nang bantayan," natatawa kong sambit kaya napabuntonghininga ito. Sa huli'y lumapit siya sa akin para isuot ang jacket.

"Huwag ka pong gaanong magpagod, Mama. Kagagaling niyo lang po sa sakit," seryoso niyang sambit sa akin kaya napatitig lang ako sa kaniya bago napangiti.

Sino bang gugustuhing bumalik sa nakaraan kung ganito ang buhay na mayroon ako ngayon?

"Balik din po agad kayo, Mama," aniya sa akin kaya ngumiti lang ako bago tuluyan nang umalis.

Nang makarating ako sa dalampasigan, hinanap ko ang matandang babae ngunit hindi ko ito mahanap.

"Nakapagdesisyon ka na ba?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita mula sa likod ko. Agad kong nilingon ang matandang babae na dahan-dahang umupo sa buhanginan.

"I..." Alam ko na ang desisyon ko ngunit bakit parang hindi ko na naman magawang sabihin. Pinagkunutan niya ako ng noo kaya napakagat na lang ako sa aking labi.

"I'm going to stay here..." mahina kong bulong kaya ngumiti siya sa akin at tumango.

But why do I feel sad? Bakit parang ang bigat? Bakit parang gusto kong bawiin? Hindi ko na alam.

"Sigurado ka na ba?" tanong niya. Hindi naman ako nakapagsalita roon. I want to go back but my mind keep on saying no. Matagal ko nga naman kasi talagang pinangarap ang lahat ng ito para lang bitawan na naman.

Pero binitawan ko rin si Maurice noon, ayaw ko na siyang bitawan muli...

"Sigurado na po ako..." mahina kong saad na halos ako lang ang makarinig.

"Ganoon ba? Sige..." Tumayo siya bago ako nginitian.

"I wish for your happiness, Luwalhati..." Napatingin naman ako sa kaniya nang magpatuloy na siya sa paglalakad.

"I..." Ni hindi ko maituloy ang sasabihin.

"I want to—" Huminto naman siya bago ako nilingon.

"Do what you wanted to do, Hati. No matter what your decision is, regret is always in the corner. What I want for you is to have your peace... And happiness," aniya na nginitian ako.

"Hanggang sa muli..." Ngumiti pa siyang muli bago siya kumaway.

"I want to go back." Hindi ko na rin namalayan pa ang sarili na sabihin 'yon.

"You will probably regret that," sambit nito. Hindi naman ako nagsalita. Maybe I will but what about the Hati today? I'll also regret it.  

"Lola!" Napatingin ako sa tumatakbong si Andra. Malapad ang ngiti niya habang nakapaa.

"Anong ginagawa mo rito, Apo?" tanong ko sa kaniya.

"Sinundan ko po kayo." Humagikhik pa ito kaya ngumiti na lang ako sa kaniya.

Nang linguning ko ang matandang babae. Wala na ito sa pwesto niya kanina. Napapikit na lang ako bago nilingong muli si Andra.

"Tara na, Apo..." ani ko na nginitian siya. Tumango naman siya sa akin at malapad na ngumiti.

Paalis na sana ako nang makita ko ang isang notebook na nasa lapag ng dalampasigan. Pamilyar iyon.

"Bakit nandito ang diary ko?" mahinang bulong ko sa sarili. Inuwi ko na lang din 'yon bago ako nagtungo sa bahay.

Tulala lang ako nang nasa higaan na. Napabuntonghininga ako bago naupo. Napaawang ang labi ko nang makita ang parehong notebook mula sa gilid ng salamin. Napatingin naman ako sa napulot na notebook. Kinuha ko 'yon at tinignan. Agad na nakita ang sulat at pangalan ko sa cover ng notebook. Parehong-pareho sa diary ko. Mukha lang lumang-luma ang notebook na ito.

I was about to open the notebook nang mapatingin ako sa papel mula sa harapan ng salamin.

"Your mind already decided but your heart said otherwise..." Napaawang ang labi ko nang makita 'yon.

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o mamangha sa mga nangyayari sa akin ngayon.

Nang tignan ko ang notebook na kapareho ng akin, hindi ko maiwasan ang magtaka. Paanong mapupunta 'yon sa dalampasigan?

Sinubukan ko itong buklatin. Nahinto ako nang makitang punong-puno na 'yon, kumpara sa notebook ko na nasa kalahati pa lang.

Dec. 23, 2076

Maurice probably has his own family now. Siguro'y kahit na matanda na'y may itsura pa rin ito. It's probably time to finally let go. I want to see him again. One last time before I go... Before I die...

Dec. 24, 2076

It took me five-decade to finally have the courage to let him go but he's dead... I'm not even there when he needed someone the most...

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko habang nakatingin sa ilang sulat mula sa diary ko. Hindi ko alam kung paano.

I think I know who wrote this. Is this from the future Hati?

Napaawang ang labi ko nang mapagtanto kung sino ito.

She wish for my happiness eventhough she's full of regret herself. Malungkot akong napangiti habang nakatingin sa bawat sulat na naroon. Bawat sakit at poot na nararamdaman nito.

I know I should just focus on my future and not dwell on my past. Alam ko na hindi ko naman na kailangan pang mamili dahil una pa lang ay alam ko na kung saan ako sasaya. Alam na alam ko ngunit hindi na rin namalayan ang sariling maibulalas ang ilang salita na sinisigaw ng puso ko.

"I'll go back..." mahinang bulong ko sa sarili.

The next thing I know, mahihinang bulungan na mula sa labas ang naririnig.

Nang mapatingin sa buong paligid. Alam ko na agad.

"I'm back in the past..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro