Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

Chapter 41

Luwalhati's POV

"Look at Lola's face." Hagikhikan mula sa gilid  ang narinig. Hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako o sadyang may nagtatawanan talaga.

"Shh... you're going to wake Lola!" sambit naman ng isang maliit na tinig.

Mukhang nanaginip nga talaga ako. Napangisi na lang ako sa sarili bago nagpatuloy sa pagtulog. Kung panaginip nga ito'y mukhang ayaw ko nang magising.

"Ano na naman 'yang ginagawa niyo? Aba't magsilabas na nga kayo! Ginugulo niyo lang si Lola!" sambit naman ng isang tinig. Unti-unti akong nagmulagat at nakita ang maliliit na batang nangangalumbaba habang nasa kama ko. Ang isa pa'y nagsusulat sa braso ko.

"What's happening?" mahinang bulong ko sa sarili.

"'Yan na nga ba ang sinasabi ko! Nagising niyo na si Lola. Labas. Ang kukulit niyo, ah? Bengga kayo sa mga Lola niyo niyan," natatawang sambit ni Amihan.

"Ayos ka lang po ba, Lola?" tanong ni Amihan sa akin. Bakas pa ang pag-aalala mula sa mukha niya habang pinagmamasdan ako. Hindi ko naman maiwasan ang pagkunutan siya ng noo.

"Anong ginagawa mo rito, Amihan?" tanong ko. Tapos na ba? Bumalik na ba ako sa dati kong buhay?

"Si Lola oh. Dalawang araw mo lang akong hindi nakita, parang ayaw mo na ako rito," natatawa niyang sambit kaya napaawang ang labi ko.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

"Dalawang araw ka na pong hindi lumalabas sa bahay niyo kaya sa sobrang pag-aalala namin ay tuluyan nang sinira ang screen door ng kwarto niyo po," aniya na napakamot pa sa ulo.

"Amihan!" ani ko na hindi mapigilan ang sermonan siya. Napanguso naman siya roon.

"Ikaw naman po kasi, Lola!"

"I thought something happened to you, Lola Hati," aniya sa akin.

"Nagpapahinga lang ako," ani ko kaya ngumuso siya.

"'Yon nga rin po naisip ko pero kasi ang tagal naman po nang pahinga niyo!" aniya kaya nginitian ko lang siya.

"Sa takot pa namin nina Lola Lisa'y wala kaming nagawa kung hindi ang tumawag na rin ng doctor!" Agad naman akong napatingin sa kaniya roon.

"Lisa?" Hindi ko mapigilan ang gulat. Hindi ba ako nanaginip? Ibig bang sabihin ay totoo rin ang mga nangyari nitong nakaraan? Totoo bang nakabalik ako sa dating buhay na mayroon ako.

"Opo, nandiyan nga po sila nina Lola Marco sa labas," aniya na tinuro pa ang labas ng pinto.

Nagmamadali naman ako nang kunin ang tsinelas para puntahan ang mga ito. Kusa na lang din ang pag-awang ng mga labi ko nang makita ko ang mga itong nagkakape sa loob ng sala ko.

May mga batang nagtatakbuhan din sa loob. Agad pa akong sinalubong ng maliliit na batang 'yon.

"Lola Hati!" nakangiti nilang saad bago kumaway sa akin.

"Anong... Paanong nangyaring..." Nakahawak lang ako sa bibig habang pinagmamasdan ang mga ito. Hindi pa rin makapaniwala habang nakatingin sa kanila. Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman.

"Amihan..." tawag ko kay Amihan na siyang nagtataka sa akin.

"Kurutin mo nga ako..." ani ko kaya agad na napaawang ang labi niya.

"Nako, Lola! Ayaw ko po nang ganiyan, ah!" reklamo niya kaya hinarap ko siya.

"Kurutin mo na ako, Amihan..." seryoso kong sambit kaya napakamot na lang siya sa kaniyang ulo bago unti-unti akong kinurot. Saka ko lang din nagpatantong totoo nga.

"Oh, gising ka na pala, Hati," ani Lisa na kumaway pa sa akin.

"Halika rito't uminom muna tayo ng kape," aniya na nginitian ako.

"Sarap na sarap ka naman sa pagtulog, Hati. Desidido ka pa atang manalo sa pustahan natin kung sino ang unang mamamatay," ani Ren kaya agad siyang kinotongan ni Lisa. Hindi ko akalain na makikita ko pa muli sila.

"Gago!" anito na napatawa pa nang mahina. Hindi ko naman sila makapaniwalang tinignan.

"Hoy, bunganga mo. Tanda-tanda na mura pa nang mura." Napakunot naman ang noo ko sa katabi ni Lisa.

"Sino 'yan?" tanong ko na nagtataka.

"Anong sino 'yan?" tanong niya na napakunot pa ang noo.

"Grabe naman, Hati! Natulog ka lang ng dalawang araw, nakalimutan mo na ako!" reklamo ng lalaki kaya hindi ko mapigilan ang isipin kung saan ko na ito nakita.

"Ako 'to si Daniel na mahal na mahal si Lisa," aniya kaya agad na napaawang ang labi ko at gulat na gulat na napatingin sa kanilang dalawa.

"Luh, gago, anong reaksiyon 'yan?" tanong ni Daniel kaya agad na tinapik ni Lisa ang bunganga nito.

"Bunganga mo, may mga batang nakakarinig," anito na ibinalik ang sinabi sa kaniya ni Daniel kanina.

"Paanong kayo ang nagkatuluyan?" naguguluhan kong tanong.

"Huh? Hindi mo na ba natatandaan na naging kami no'ng bumalik tayo sa pilipinas?" natatawang tanong sa akin ni Lisa.

"Matanda ka na talaga," aniya na napailing pa.

"Tara, magkape ka muna," anyaya nila sa akin.

"You hate coffee," sambit ko kay Ren na siyang ginagawa na atang tubig ang kape.

"When you grow older, 'yong mapait, nagiging matamis," natatawa niyang sambit.

"Saka grabe, natatandaan mo pa rin 'yon?" tanong niya na naguguluhan.

Nanatili lang naman ang tingin ko sa kanilang apat.

"Ang tanda niyo na. May wrinkles ka na, Ren. Samantalang gigil na gigil ka kapag may nakikitang maski isang kunot lang..." ani ko. Kulay black pa rin naman ang buhok nito. Hindi ko alam kung pinakukulayan niya lang ba o ano.

"Gagang 'to! Ikaw rin! Hindi lang ako ang tumatanda rito, Hati. Isa ka rin," aniya kaya napangiti na lang din ako. Hindi ko lang akalain na makikita ko pa ang mga mukha nila sa pagtanda.

"Kulay abo na ang buhok mo..." sambit ko kay Lisa kaya agad niya akong nginiwian.

"Nang-aasar ka ba, Luwalhati?" inis niyang tanong.

"Nah? You said when we're younger that you want it gray? Bakit napipikon ka?" nakanguso kong tanong kaya naman siniko ako ni Marco..

"You already know that's her insecurity now... Ayaw niyang nagmumukhang matanda..." bulong niya sa akin kaya hindi ko mapigilan ang mapanguso.

Noong bata-bata pa kami, gustong madaliin ang panahon para tumanda subalit ngayong nasa edad na'y gusto na lang ibalik ang panahon kung kailan hindi pa uugod-ugod.

Habang nagkukwentuhan. Titig na titig lang ako sa kanila na para bang anytime ay mawawala ang mga ito. Natatakot na baka nga panaginip lang talaga ang lahat.

"Hati, kung makatingin ka sa amin parang may ginawa kaming mali at plano mo na kaming ipakulam," ani Ren sa akin kaya agad na nanlaki ang mga mata ko.

"Siraulo!" ani ko kaya nagtawanan na lang ang mga ito.

"Ang weird mo, Hati," natatawa nilang sambit na napailing na lang din sa akin.

"Wala ba akong jowa?" tanong ko dahil lahat sila'y may partner. Napabuga naman si Lisa sa kaniyang iniinom. Habang hindi naman makapaniwalang nakatingin sa akin sina Ren. Natatawa na lang na napailing ang mga 'to.

"Seryoso ka ba riyan sa tanong mo, Hati?" Akala mo'y nagbibiro lang ako sa tanong ko sa paraan ng tingin nila sa akin.

"Sa sobrang taas ng standard mo, pinili mong huwag mag-asawa. Gagang 'to," natatawa nilang sambit sa akin.

"And you said that you're fine without one," sambit pa nila kaya natigilan ako.

"Ma." Napatingin naman ako nang may tumawag sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil sa isang lalaking lumapit sa akin.

"Ma, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya pa sa akin kaya nakaawang lang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. Ako ba ang kinakausap nito?

Nakatingin siya sa akin habang makikitaan pa nang pag-aalala mula sa mukha.

"Akala ko ba'y wala akong asawa?" tanong ko sa mga kaibigan.

"Oo pero may anak ka?" naguguluhan din nilang sagot kaya agad kong ibinalik ang mga mata sa lalaki.

"Mama, you're acting weird," anito na nangungunot pa ang noo sa akin. Sa itsura nito'y mukhang nasa bente anyos na.

"Ano pong gusto niyong kainin? Pinag-aalala niyo po ako," aniya na lumapit pa sa akin.

"Mabuti pa itong si Dylan ang bait-bait pa rin sa ina. Samantalang 'yong isa riyan, hindi man lang ako magawang kumustahin!" pagpaparinig ni Lisa sa kararating din na lalaki.

"Anak mo 'yan? Bakit kamukha ni Marco?" Kita ko ang agad na pagsimangot ni Daniel na nakaakbay sa asawa.

Hindi naman mapigilang mapahalakhak ni Ren at Marco.

"Gaga. Hindi ko alam kung nang-aasar ka na naman. Huwag mo nang ipamukha na si Marco ang pinaglihian niyang si Lisa." Humalakhak pa si Ren kaya nanliliit ang mga mata ko bago sila nginisiang dalawa ni Daniel.

"Hindi naman sa pinag-ooverthink ko kayo pero paano kung si Marco pala talaga ang am—" Agad na akong hinagisan ng kung ano mang hawak ni Lisa habang naiiling na lang si Marco.

"Ulol, patay na patay sa akin 'yan." Halos sabay pa si Daniel at Ren nang sambitin 'yon. Hindi ko naman maiwasan ang matawa lalo na nang mag-iringan ang mga ito.

"Sina Mama oh. Ang tanda na may asim-asim pa," anang anak ni Lisa.

"Punyeta ka, Danielo. Tigil-tigilan mo ako," ani Lisa kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan sila. Naiiling na lang din ang anak nina Marco na si Rena habang buhat-buhat ang isang batang babae.

"Mama, kumain ka na po muna. Ipagluluto ko po kayo," anang anak ko raw.

Sumunod naman ako sa kaniya sa kusina. Pinanood ko lang siya nang magsimula. Nakipagkwentuhan pa siya sa akin.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya habang nangangalumbaba sa countertop.

"Mama?" naguguluhan niyang tanong.

"Lola Hati!" Nagulat pa ako nang mapatingin sa batang babae na dumamba ng yakap sa akin. Nakasunod na rin ang mga batang kanina lang ay nasa labas ng bahay.

"Huwag niyo masiyadong pwersahin ang Lola niyo," anang sinasabi nilang anak ko. Hindi ko naman maiwasan ang mapatitig sa kanila.

"Apo ko kayong lahat?" naguguluhan kong tanong. Tumango naman sila sa akin at malapad na ngumiti. Paano'y nasa 5 ang mga ito. Lahat pa'y nagkukumpulan habang nakatingin sa akin.

"Ang dami mo naman palang anak," puna ko sa lalaking mukhang maweweirduhan sa inaasta ko.

"Po? Nag-iisang anak ko lang po si Andra, Mama..." aniya kaya hindi dahan-dahan naman akong napatango. So may apo nga talaga ako? Hindi ko mapigilan ang pagkurba ng ngiti mula sa aking mga labi nang malaman 'yon. Para akong nakalutang sa ideyang ganito nga ang buhay na gusto ko.

"Wow..." mahina kong bulong sa sarili. Parang ayaw ko nang matulog pa sa takot na mawala ang lahat ng ito sa akin.

Isa-isa pa silang nagpakilala sa akin kaya nakatitig lang ako habang pinakikinggan sila.

"Huwag niyo gaanong pwersahin si Mama at baka mabinat 'yan," anang isang babae na kasama rin nang lalaking sinasabi nilang anak ko.

Hindi ko mapigilan sa makulay na bahay ko. Napangiti na lang ako habang pinakikinggan ang maingay na paligid tila ba nagsilbing musika sa aking pandinig.

"Sigurado ka po bang ayos ka na, Mama? Magpacheck up po kaya muna kayo?" tanong ni Dylan sa akin. Nginitian ko naman siya bago umiling.

"Ayos lang ako," ani ko. Overfatigue ang sabi ng doctor na dahilan kung bakit ako nahimatay at nagpahinga ng ganoon katagal ngunit alam ko naman ang tunay na dahilan.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng 'yon. Hindi ko akalain na makikita ko sina Lisa at nakasabay pa sa pagtanda.

Napatitig naman ako sa mga litratong nakasabit sa pader. Ang dating walang kalaman-laman na pader, napuno ng maraming litrato ngayon. Hindi ko mapigilan ang ngiti mula sa mga labi ko.

Napabaling ako ng tingin kay Andrei nang makita ang isang litrato mula sa pader.

"That's the time when you decided to adopt me, Mama... I'm always thankful that you did..." aniya bago yumakap sa akin. Napaawang ang labi ko dahil sa gulat ngunit unti-unti ring napangiti habang hinahaplos ang buhok nito.

When I was in the middle of finding myself, it never really cross my mind that I should adopt dahil mismong sarili ko nga'y hindi ko kayang alagaan. Paano ko pa maatim na mag-alaga ng ibang tao?

But I'm glad that the younger Hati did have the courage to do so.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro