Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Chapter 40

Luwalhati's POV

"Call 911, please," seryoso kong sambit. Natataranta naman na akong sumakay ng elevator.

Tinawagan ko rin si Hati na siyang nataranta nang marinig ang ibinalita ko.

Nang makarating doon, agad kong nakita si Hati na siyang hinihingal habang papalapit sa gawi ni Lisa na siyang humahagulgol ng iyak.

"I'll kill myself..." ani Lisa.

"I don't want to do this anymore..." mahina niyang saad na hindi na rin alam kung paano pakakalmahin ang sarili.

"I... want to end this... Hindi ko na kaya, Hati..." Kita ko kung paanong nag-unahan ang luha mula sa kaniyang mga mata. Ganoon din kami ni Hati na pinagmamasdan siya. Nag-unahan din sa pagbabalik ang mga alaala. Mga panahong tuluyan na siyang sumuko. Mga panahong iniwan niya na lang kami bigla.

"Shh... We'll end this together, Lisa..." Naglahad pa ng kamay si Hati habang sinusubukan ang ngitian si Lisa na siyang nakatingin lang sa kaniya at umiiling.

Hahawakan na sana niya ang kamay ni Hati na nakalahad nang bumukas muli ang pinto at niluwa niyon ang ina niyang nakatingin sa amin ngayon.

"Anong ginagawa mo, Lisa? Bumaba ka na riyan!" galit na sambit nito.

"Ulit-ulit mo na lang ginagawa 'yan. Hindi ka na ba nagsasawa? Hindi mo rin naman magawang ituloy! Bumaba ka na riyan at nagsasayang ka lang ng oras. May trabaho ka pa," anito na sinubukan pang lumapit kay Lisa kaya agad itong napaatras.

"Can you please shut the fuck up, Tita?" Hindi ko na mapigilan pa ang sigawan ito lalo na't kita ko kung paanong bumalik ang pagiging desidido ni Lisa na tumalon.

Paano niyang naatim na isipin ang trabaho gayong nasa bingit ng kamatayan ang anak niya ngayon.

"Huwag kang makialam ditong matanda ka! Saka bakit ba Tita ka nang Tita?" tanong niya na nginiwian pa ako.

"Bumaba ka na riyan, Lisa. Sinasayang mo lang ang oras ko. Huwag mo nang subukan pang galitin ako. Halika na," galit niyang sambit na nagpatuloy sa paglapit.

"Shut up, Mommy!" Napatili pa si Lisa na siyang napaupo na lang habang nakahawak sa kaniyang tainga.

"Tita!" sigaw ni Hati nang susubukan pa nitong lumapit. Napatayo na rin si Lisa at sinusubukan ang umatras kada lalapit ang ina niya.

"Ano na ba kasing pinuputok ng butsi mo? Tungkol na naman sa trabaho mo?"

"Isang kembot mo lang ay may project ka na, Nak. Walang masama roon lalo na't pinaghirapan mo naman," pagkukumbinsi pa ni Tita sa kaniya. Napangiwi na lang ako roon. Hindi rin maiwasan ang iritasiyon na nadarama habang nakatingin sa kaniya. How can she say that to Lisa. Nanay ba talaga siya?

"Para sa 'yo naman ang lahat ng 'to, Lisa... Halika na, Nak... Bumaba ka na riyan..." aniya pa na ngumiti rito.

"Talaga bang para sa akin 'yan, Mommy? Para sa akin ba talaga? O baka naman sa mga luho mo? Hindi ako machine, Mommy!" Tila ba bulkang ang tagal na nag-ipon ng sama ng loob at ngayon lang tuluyang sumabog.

"Hindi ako bangko na pupuwede mo na lang kuhanan nang kuhanan ng pera para lang sa pansarili mong kasiyahan!"

"Hindi na tayo kasing yaman katulad noong mga panahong nandito pa si Daddy kaya puwede bang tigilan mo na, My? Pagod na ako! Pagod na pagod na akong intindihan ka!" Napahagulgol na lang din ng iyak si Lisa habang nakatingin sa kaniyang ina.

"Pagod na ako, My..." mahinang bulong niya.

"Anong pinapalabas mo ngayon? Na maluho ako? Aba't kung hindi ka dumating sa buhay ko, edi sana'y maayos ang buhay na mayroon ako ngayon!" galit na sambit nito.

"Tama na po, Tita!" ani Hati dahil mas lalo lang naaapektuhan si Lisa.

"Edi sana hindi niyo na lang po ako niluwal!" Humahagulgol ding saad ni Lisa.

"Sana nga! Kung alam ko lang sana'y pinaputok na lang kita sa kumot!" aniya. Hindi ko alam kung nasisiraan na ba siya ng bait ngunit nang lumapit siya at tinulak si Lisa'y doon ko na siguro na may sayad nga talaga ito.

"Lisa!" malakas naming sigaw ni Hati na parehong napahagulgol ng iyak nang tuluyan na siyang bumagsak sa baba.

Nang tignan si Tita, tumatawa-tawa ito habang may luha mula sa mga mata. Kita ko rin kung paano niya hawakan ang kaniyang buhok na para bang tuluyan nang nasiraan ng bait.

Nilingon niya pa kami ni Hati at masamang tinignan.

"Kasalanan niyong dalawa ito!" galit na sigaw niya na sinubukan pang hilain ang buhok ni Hati at kinaladkad patungo sa railings. Kusa na lang napaawang ang mga labi ko nang subukan niya itong itulak doon.

Hindi ko naman hinayaang mangyari 'yon at nakipaghilaan kay Tita.

Laking pasasalamat ko na lang din nang dumating ang ilang tauhan sa condominium na ito. Kahit na pagod at nananakit na ang katawan, hindi pa rin ako nagpaawat at nagtungo na sa baba para tignan ang bangkay ni Lisa.

Hindi ko na namamalayan ang luha mula sa mga mata sa takot na makita na naman ang multo nang kahapon.

Napaawang ang labi ko nang walang makitang katawan doon bagkus ay agad na nakita ang isang giant inflatable cushion na inaalisan na nila ngayon ng hangin. Marami ring nakikiusisa roon.

"Lisa!" malakas na sigaw ni Hati nang makita si Lisa na kausap ng ilang pulis. Kita kong nakatulala lang ito sa isang tabi. Wala naman nang paawat ang luha ko dahil hindi na mapigilan pa ang pagtulo. Napahagulgol na lang din ako ng iyak nang makalapit sa kanila.

Ang tulalang si Lisa, unti-unti na lang din napaiyak.

"Do I deserve to live?" tanong niya na malungkot pang ngumiti.

"Of course... Of course, Lisa..." ani Hati na hinawakan ang pisngi nito.

"I'm glad you're alive..." mahinang bulong niya bago ito niyakap pang muli.

Palakas lang nang palakas ang iyak nila kaya maski ako'y nahahawa na lang din. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga ito. Kahit paano'y nakahinga nang maluwag. I'm happy that she's here...

Ilang minuto rin silang nanatiling nakayakap lang sa isa't isa bago kinausap Lisa ng isang pulis.

Dinala rin siya sa hospital para tignan kung may mga fracture din sa kaniya. Hindi na rin kami nakauwi pa ni Hati dahil ayaw niya ring iwanan si Lisa. Pumayag din naman ako dahil hindi rin ako mapapakali kung iiwanan ko lang silang dalawa rito.

Hinaplos ko lang ang mga buhok ng mga ito nang tuluyan na silang makatulog sa kakaiyak at pati na rin sa pagod.

I know how painful it is for the two of them. Hindi ko maiwasan ang maawa na nararanasan na nila ang lahat ng 'yon sa murang edad.

For days, pareho lang silang natutulala at nakikita na lang din na umiiyak sa gilid. Nakaantabay lang naman ako sa mga ito.

"Sigurado ka bang ayos ka na?" tanong ko kay Lisa nang paalis na kami sa hospital. Pinilit lang namin itong manatili rito kahit na pa unang araw pa lang ay ayos naman na talagang lumabas siya. We just want to make sure.

"Ayos na po ako, Manang. Huwag po kayong mag-aalala para sa akin," natatawa niya pang saad ngunit nanatili lang naman ang nag-aalalang tingin namin sa kaniya lalo na't nang sabihin niya pang bibisitahin niya ang Mommy niya.

"Are you sure you can face your Mom—" Bago pa matapos ni Hati ang tanong niya'y agad nang pinutol 'yon ni Lisa.

"Wala na akong ina ngayon, Hati. Simula nang gawin niya 'yon, pinutol ko na ang ugnayan naming dalawa. This will be the last time I'll talk to her," seryoso niyang sambit. Kahit na sabihin niya pang ayos lang siya, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-aalala lalo na't dumating na rin ako sa puntong 'yan.

Kahit na galit na galit ako. I still want to hear the other side... na baka naman kaya niya lang 'yon ginawa para sa akin... na baka may rason pa siyang mas maganda... na baka naman hindi naman talaga niya intensiyon na gawin 'yon.

Galit ako pero dahil mahalaga ang opinyon nito para sa akin, nasasaktan pa rin ako. That's why I want to be there for her. Ayaw kong isipin niyang mag-isa siya.

"Ang kulit ni Manang, oh," natatawa niyang sambit nang maski nasa mental hospital na kami'y nakasunod pa rin kami ni Hati sa kaniya.

Hindi naman kami sumunod ni Hati sa loob, hinintay lang nami na matapos ang usapan nila. Pagkapasok niya pa lang ay maririnig na ang sigawan. Ilang minuto ang nagtagal na ganoon lang ang nangyari. Mas lalo pa kaming kinabahan nang matahimik ang mga ito. Papasok na sana kami ngunit siya namang labas ni Lisa.

Hindi namin mapigilan ang mag-aalala nang bigla na lang itong napaupo dahil na rin sa panghihina ng tuhod. Napahagulgol na lang din ito ng iyak kaya niyakap ko lang silang dalawa ni Hati. Matagal din kaming nanatili sa ganoong posisyon.

Alam ko ring hindi magiging madali para kay Lisa at Hati ang lahat kaya ako mismo ang naghanap nang pagkakaabalahan nila habang hinahanap muli ang sarili.

"Hati... Lisa..." tawag ko sa kanilang dalawa nang makauwi matapos kong kausapin ang isang sikat na kakilalang designer, hindi naman ako nito kilala dahil sa Paris ko siya nakausap.

I know her taste in her models. Mapagkakatiwalaan din kaya nasisigurado kong tama ako nang pinaghingian ng tulong.

"I found you a gig!" nakangiti kong saad kaya napatingin sila sa akin. Kinuha ko pa sa mga kamay nila ang mga cellphone na hawak.

Parehas kasi silang usapin ngayon. Parehas na nag-quit kay Cia kaya agad itong gumawa nang paraan para wala silang makuhang projects.

But in Paris, it doesn't matter.

"We're going to live in Paris!" nakangiti kong sambit sa kanila.

Nagtataka naman nila akong tinignan.

"Ano pong ibig niyong sabihin, Manang?" naguguluhan nilang tanong.

"You know Jenilyn Fox, right?" tanong ko. Nagkatinginan naman silang dalawa bago ako nilingon.

"The famous designer, Manang?" nagtataka nilang tanong. Ngumiti naman ako at tumango.

"Omg!" Napatawa na lang ako nang magtatatalon sila sa tuwa. Kusa na lang ding kumurba ang ngiti sa akin lalo na't nakikitang masaya ang mga ito.

"Totoo ba, Manang? Paano po?" Tila hindi pa sila makapaniwala habang nakatingin sa akin. Nagkibit naman ako ng balikat doon.

"May lahi ka bang magician, Manang?" tanong ni Lisa kaya hindi ko maiwasan ang matawa at mailing sa mga ito.

"Gaga, anong magician ka riyan? Mafia boss 'yang si Manang," ani Hati kaya naghagikhikan sila. Ang sarap kotongan. Hindi ko naman mapigilan ang mangiti dahil kahit paano'y nagagawa na rin nilang magbiro ngayon.

I was really happy when they recover. Habang pinapanood ko sila, masaya ako na naisalba nila ang kanilang pagkakaibigan.

"Tara na," ani Hati na hinawakan na sa palapulsuhan si Lisa nang makita itong nanonood pa sa News. Paano'y naroon si Cia at Mae, natimbog daw na gumagamit ng pinagbabawal na gamot. Karma is a real bitch, huh?

"Uy, crush mo!" natatawang saad ni Hati kay Lisa nang makita si Marco at Ren na patungo sa gawi namin. Malapad naman ang naging ngiti namin habang kumakaway sa kanila. Hindi niya na kami naihatid dahil ang balak namin wala nang paalam-paalam tutal ay magkikita rin naman kaming muli.

"Gaga, ingay mo," natatawang saad ni Lisa bago nginitian si Marco.

"Marco... Gusto kita," nakangiting saad ni Lisa habang nakatingin sa kaniya. Napaawang naman ang labi ni Marco dahil sa biglaang pag-amin nito.

Malapad naman ang naging pagngisi ni Hati roon. Hindi ko alam kung nasasaktan ba ito o masaya para kay Lisa.

Parang gusto ko na lang ding kotongan si Marco dahil sa sobrang pagkataranta niya, hindi niya rin alam kung paano lulusutan 'yon. Sa huli'y napaamin din ito kay Hati tulad noon. Naiiling na lang ako habang pinagmamasdan silang tatlo.

Mabuti na lang din ay nabanggit na ang fligjt namin kaya iwas awkward.

"I'm sorry, Lisa..." mahinang saad ni Hati kay Lisa na natawa lang.

"Gaga! Aware naman ako sa nararamdaman para sa 'yo ni Marco. Kung paano ka niya tignan, alam na alam ko na..." aniya na malungkot pang ngumiti.

"Ikaw, Hati? Paano na happy crush mo? Hindi ka man lang nakaamin," natatawa niyang sambit kaya agad na napailing si Hati.

"Gago, hindi ko crush si Maurice," aniya kaya agad naningkit ang mga mata ni Lisa.

"Wala akong binanggit na pangalan," nakangisi niyang saad.

Napatingin ako kay Hati. I know that she's already catching up feelings for him. I'm probably selfish for saying that I'm glad that everything will end here. Maybe I can live a happier life now...

"This is the day, I'll be the one who will let you go, Mau..." pabulong na saad ko sa sarili bago tuluyang nawalan nang malay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro