Chapter 4
Chapter 4
Luwalhati's POV
"Saan kayo?" tanong ko kay Ren nang makarating sa club na madalas naming puntahan.
"Our usual sit. Hihintayin ka na lang namin dito," ani Ren sa akin mula sa kabilang linya.
"Alright, see you," ani ko bago pinatay ang tawag. Katatapos lang ng klase ko. Panggabi na ang schedule ngayon dahil nga madalas na sa umaga nagaganap ang ilang photoshoot para sa ilang brand.
Sa huli'y sinundo rin ako ni Ren dahil baka hindi ako papasukin sa loob. Nang makapasok ay hindi ko maiwasang mapangiti nang may ilang bumati sa akin. Binati ko naman sila pabalik.
"Lalong gumaganda, Hati!" anang ilang nakasalubong sa akin.
"Ako lang 'to." Humalakhak pa ako kaya natawa na lang din sila.
I was about to go to our table nang makita ko si Maurice na siyang nasa second floor. Katulad nang dati'y nakahilig siya sa railings habang pinaglalaruan ang alak na hawak. Nagkasalubong ang mga mata namin, pinagtaasan niya lang ako ng kilay kaya hindi ko maiwasan ang matawa at ngitian pa siya lalo. Nagawa ko pang kumaway kaya inirapan niya ako.
Madalas ko siyang nakakasalubong sa Clouds kaya madalas ko siyang kinukulit. Pagsusungit naman lagi ang ganti niya sa akin kaya mas lalo akong ginaganahan na pikunin siya.
"Saan ka na naman pupunta, Hati? Kararating mo lang, huh?" tanong sa akin nina Ren.
"Cr lang, kanina pa ako naiihi," ani ko subalit kita ko ang tingin nila sa akin tila ba hindi naniniwala.
"Tigilan mo kami, Hati, hindi bumebenta 'yang palusot mong 'yan," ani Ren sa akin kaya tumawa lang ako at nagkibit ng balikat. Kumaway lang ako at nagpaalam bago nagtungo sa second floor.
Agad ko namang nakita si Maurice doon. Malapad agad ang ngiti ko habang papalapit sa kaniya.
"Hi!"
"Nandito ka pala!" As usual para ko lang kausap ang hangin.
"Nagustuhan mo na rito or wala ka na bang pera pang-Sky?" biro ko sa kaniya kahit mukha namang hindi mangyayari 'yon. Ang sabi ni Ren ay mayaman siya saka ang dami niya ring project sa Clouds. Lagi ko siyang nakikitang may photoshoot doon. Hindi nga ako nagtaka na nakuha agad siya. Sabi ko na nga ba'y tama rin ako nang hinuha.
Hindi niya naman pinansin ang tanong ko but I'm too persistent kaya naman mas lalo pa akong lumapit.
"Do you want to dance?" tanong ko na nginitian pa siya.
"Sayaw tayo, sayang naman kung hindi," ani ko.
"Tayo na lang, Hati. Hindi mo mapapasayaw 'yang si Maurice," ani Chester na kararating lang.
"Oh! Nandito ulit kayo!" nakangiti kong sambit. Ngumiti siya at pasimpleng nilingon si Maurice.
"Mau like it here," aniya kaya agad akong napatingin kay Maurice.
"Wait, don't tell me you're still infuated with Sandara?" natatawa kong tanong kay Maurice. Kinunutan niya naman ako ng noo. Tumawa naman si Chester doon bago niya ako inaya muling sumayaw.
"Tara, Hati, sayaw tayo. Medyo boring dito sa taas," ani Chester sa akin. Nilingon ko naman si Maurice.
"Sasayaw ka ba?" tanong ko. Umiling siya kaya napanguso ako.
"I'll stay with Maurice," ani ko na ngumiti.
"So you're just like the other girls," natatawang sambit ni Chester kaya nilingon ko siya. Ngumiti lang siya sa akin. Nanatili lang naman akong nakatingin bago siya umalis. Natawa na lang din ako kalaunan.
"So marami bang nangungulit?" tanong ko na mabilis na nakuha ang gustong iparating ni Chseter.
"Why don't you go there? Just like what Chester said. It's boring here," malamig na sambit ni Maurice kaya napakibit ako ng balikat.
"Hindi ka naman boring kasama. Mapapanisan man ng laway, ayos lang, busog naman ang mata," ani ko kaya agad niya akong nilingon. Kita ko pa ang pagsimangot niya kaya tumawa ako.
"Joke! Mukha ba akong mapapanisan ng laway sa kadaldalan ko?" natatawa kong tanong.
"You know what, may chika ako," ani ko kaya nilingon niya ako. Hindi siya nagsalita subalit mukha namang nakikinig siya.
"May nanliligaw sa akin," panimula ko. Kita ko namang sinulyapan niya ako dahil sa sinabi.
"Gusto agad na sagutin ko! Sa chat nga lang sinabing gusto niya ako," ani ko na napairap.
"He's not serious enough," side comment niya. Wow? Nagsasayang siya ng laway para sa akin ngayon?
"And he's even planning marriage? Can you believe that? Nakilala ko lang sa shoot tapos ganoon na? Ang ganda ko naman pala talaga, 'no?" natatawa kong sambit.
"17 pa lang ako and who would want serious relationship nowadays? Madalas ay laro-laro lang," ani ko kaya nilingon niya ako. Salubong na ang kilay ngayon tila ba may nasabi akong mali.
"You're just 17?" kunot noong tanong niya.
"I'm 18 next month!" ani ko.
"You're still 17," aniya na umirap pa.
"Go home, Kid. This is not a playgroud for you," malamig niyang saad sa akin. Hindi naman ako nagpatinag at walang balak sundin ang sinasabi niya.
"Uuwi ka or you wanted me to drag you out of this place?" Para bang hindi siya nagbibiro nang sambitin 'yon.
"Fine! I'll go home! Babalik ako bukas!" ani ko kaya tinignan niya ako nang masama.
"You won't. After this day, you're banned in every bar here in Manila."
"Sus! That's impossible. Kayang-kaya kong tumakas," ani ko na humalakhak pa subalit hindi nga talaga siya nagbibiro dahil to the very next day, I was really banned on every bar na pupuntahan. Mahigpit na mahigpit na ang seguridad nila. Ni hindi ako makatakas kahit pa kasama si Ren. Mas lalo pa pala nang kasama ko siya!
At si Maurice? Hindi ko na nakita pa kahit sa Clouds gayong madalas naman ay nagkakasalubong kami. Hindi ko alam kung tapos na ba ang mga project niya o sadyang hindi lang nagkakatugma ang schedule namin, hindi tulad noon.
I don't know if he was the one who do made it happen pero may pakiramdam ako na siya ang may pakana ng lahat.
Kaya ko rin namang magtiis kahit paano dahil isang buwan na lang ay 18 na ako at may maipakikitang valid ID. Mabuti na lang din ay naging abala ako sa buwan na 'yon.
I kept looking forward on my 18th birthday at kinukulit ko rin si Lola na gaganapin ko rin 'yon sa gabi. Pumayag naman siya dahil excited na excited ako tuwing maiisip na makakabalik na ako sa pagpaparty and this time legally na.
Nitong mga nakaraan, nang huminto sa pagpaparty, naisip ko rin na mali pala ako. Kaya nga may legal age to do those things samantalang ang galing-galing kong tumakas. Saka ko lang din naipasok sa kokote ang madalas na isermon ni Lola. Kaya hindi na rin ako sumubok pang muli pagkatapos ng ilang attempts.
"La, will you be happy kapag nakita mo ako sa tv?" tanong ko kay Lola habang nakayakap sa kaniya. Nilingon niya naman ako dahil doon.
"Will you be happy? Kung saan ka masaya, roon ako," aniya na nginitian pa ako habang hinahaplos ang buhok. I'm not really planning to enter showbiz but I want Lola to be proud of me. Sa ilang taon ko sa mundo panay pasakit lang sa ulo ang ibinibigay ko sa kaniya. I also want to spoil her like she does to me. I want to give her the best.
"Then, wait for it, La. Makikita mo rin ako sa tv," nakangiti kong saad kaya tumawa lang siya sa akin.
"Don't pressure yourself, okay? Your time will come. Just wait for it," aniya na ginulo ang buhok ko. Napatango naman ako bago ngumiti.
"La, payag ka na ba? Party kami after dito po," paalam ko kaya umirap siya.
"Kaya ka lang nanlalambing para diyan!" aniya na sinamaan pa ako nang tingin.
"Of course not," natatawa kong sambit.
"Fine, basta huwag kang masiyadong magpakalasing." Hindi mo lang po alam, La.
Nang dumating ang araw na 'yon, excited ako dahil ang tagal ko ring hindi nakadalaw roon. Talagang pati ang kuko'y pulang-pula. Syempre, birthday ko. May aangal ba?
"Saan na kayo?" tanong ni Lisa sa akin.
"Paalis na kami ni Marco," ani ko na tinignan si Marco na siyang pinagbuksan ako ng pinto.
"Alright! I'll wait for you and Marco!" aniya. Nang patayin ko ang tawag ay pinagkunutan ko ng noo si Marco dahil sa paraan nang pagtingin niya sa akin.
"What?" tanong ko. Nakataas pa ang kilay.
"So are you going back to being a party girl?" tanong niya kaya napakibit ako ng balikat.
"I'm legal now," ani ko na ngumisi pa. Inirapan niya naman ako dahil do'n. Tumawa lang naman ako. Nang dumating si Lisa, lumipat ako sa backseat because she always want to be with Marco which is really fine with me.
"Finally, after a month!" natatawang saad ni Lisa na nilingon ako. Tumawa rin ako dahil para bang ang tagal ng isang buwan.
Mayamaya lang ay nagkwentuhan na rin sila ni Marco. Nagkakamabutihan sila for the past month. Minsan para bang may sariling mundo. Hindi ko naman maitatanggi na minsan ay nakakaramdam ng kirot pero kaya ko namang indain dahil mahal ko silang pareho. I don't really mind it at all. Lalo na umpisa pa lang naman ay alam ko na ang limitasyon ko.
Nang makarating sa bar, nang makita ako ng bouncer agad silang napatayo nang diretso. Napataas naman ako ng kilay roon.
"Ma'am, sabi ko naman sa 'yo, bawal minor dito," anila sa akin. I know that they will tell me that kaya nga nagdala ako ng ID.
"Here," ani ko na pinakita pa 'yon sa kaniya.
"See, I'm 18 now!" Malapad pa akong ngumiti kaya wala silang nagawa kung hindi papasukin ako. Para bang nag-aalinlangan pa subalit nakataas ang kilay ko dahil hindi nila ako mahaharang.
Nang makapasok, nagtungo agad kami sa table ng mga kaibigan. Malapad agad ang ngiti nang salubungin nila.
"Ang pretty naman!" anila sa akin.
"Happy birthday," bati ni Abi sa akin bago niya ako niyakap.
"Omg, you look so good!" ani Juliane kaya tumawa ako at nagpasalamat.
We exchange greetings bago namin mapagpasiyahan na kumuha ng ilang litrato. Mayamaya lang ay nagsimula na ang party. I don't know why I kept looking around. Nandito naman si Marco sa table namin pero linga pa rin ako nang linga. Well, I know who I'm looking for kahit na malabo namang nandito 'yon ngayon.
"Looking for Mau?" tanong ni Ren sa akin nang mapansin 'yon. Tumawa naman ako at nagkibit ng balikat.
"Hindi na 'yon bumalik dito. Sa Sky ang tambayan nila," ani Ren.
"But he likes Sandara. Nandito siya ngayon," ani ko nang makita si Sandara na nalilibang sa pagpaparty. Hindi naman maitatanggi na maganda ito at mayaman din ang sabi ni Ren.
Nang magawi ang mata ko sa entrance, agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Maurice kasama sina Chester. Agaw atensiyon sila at marami ring bumabati. Agad naman kumurba ang ngiti sa mga labi ko. Not bad naman pala na nagtungo ako rito ngayon. Dumeretso ang mga kaibigan ni Maurice sa taas habang siya'y dumeretso sa bartender. Agad naman akong nagpaalam sa mga kaibigan ko. Nagtataka naman nila akong tinignan subalit sa huli'y hinayaan din.
Bago pa ako makalapit ay may mga babae nang lumapit sa kaniya. Napanguso naman ako at hinintay na lang na humupa subalit mukhang hindi na huhupa pa kaya nauna na ako para um-order ng maiinom.
"Mojito po," ani ko na ngumiti.
"Oh, you're back. I never thought that you're just 17," anang bartender nang mamukhaan ako. Hindi ko naman mapigilan ang mapanguso dahil hindi alam kung kanino nila nalaman na 17 lang ako. Ngumiti lang naman ako at tinanggap ang order.
Nakipagkwentuhan pa ako nang makita si Maurice na paupo na sa isang upuan na medyo malayo sa akin. Agad ko siyang kinawayan at kinuha pa ang inumin para makatabi sa kaniya.
"What? 18 na ako!" reklamo ko sa kaniya nang lingunin niya ako na para bang bawal pa rin dito. Nakataas ang kilay niya habang tinititigan ako. Akala ko'y paalisin niya ako subalit mayamaya lang ay nagsalita ito.
"Happy birtday," bati niya. Napaawang naman ang labi ko at dahan-dahang kumurba ang ngiti.
"Crush mo ako, 'no? Bakit mo alam, huh?" mapang-asar kong tanong. Hindi na maalis pa ang ngiti sa mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro