Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Chapter 39

Luwalhati's POV

"You're here again! Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na hindi kita kailangan? Puwede ba, Hati? Lubayan mo na ako!" malakas na sigaw ni Lisa sa kaniya bago siya tinulak.

Lagi.

Lagi kaming nandito ni Hati sa hotel para lang abangan si Lisa. Madalas silang nagtatalo ngunit hindi sumusuko si Hati hanggang hindi napapaamin si Lisa.

"It's fucking easy to tell me that you're enjoying this job. Lalayuan kita kung oo," galit na saad ni Hati sa kaniya. Nahinto naman si Lisa roon at hindi na naman nakasagot. Maybe deep down she wanted someone to be there for her. She wanted someone to join her with her pain.

"Shut up!" galit niyang sigaw na tinulak si Hati bago nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa hotel.

Napapikit na lang din si Hati bago sumimsim sa kaniyang inumin.

"Uy, nandito ka ulit!" nakangiting bati ni Daniel na kumaway pa rito. Napatingin naman ako sa likod niya. Naroon si Maurice na siyang nakatingin kay Hati ngayon.

"Are you okay?" tanong niya kay Hati. Simple lang naman itong tumango.

Katulad nga nang inaasahan ko, kumalat ang usapin tungkol kay Hati. Mula sa hindi magandang pagtrato sa mga tao sa paligid niya hanggang sa mga bagay na hindi naman niya ginawa.

Ang dami tuloy usapin tungkol sa kaniya na nagsasabing mapagmataas na kahit bago pa lang sa showbiz. Nakakainis na nakakatawa dahil ang bilis pala akong talikuran ng mga tao.

"The news are too much. Ang daming sinasabi na hindi naman totoo," ani Daniel. Tipid lang sila nitong nginitian bago nag-iwas ng tingin at pumasok na sa sasakyan.

Nilingon pa nila itong muli bago napabuntonghininga na lang na ngumiti sa akin.

"Pasok na po muna kami," paalam pa nila sa akin. Tipid lang din akong ngumiti bago sumunod kay Hati sa loob.

"I'm sorry, Manang... nadamay pa po kayo sa problema ko," aniya sa akin kaya napailing na lang ako.

"Sana'y nagpahinga na lang po kayo sa condo..." aniya pa. Hindi rin naman ako mapapakali kung mananatili lang sa bahay. Paniguradong mag-iisip lang din nang mag-iisip.

Ilang oras lang kaming nanatili roon. Sinusubukan ko ring makipagkwentuhan kay Hati dahil alam kong sobrang dami na nang iniisip nito.

"I also want to visit greenland, Manang! Parang ang ganda-ganda po kasi roon!" aniya kaya nahinto ako. Tipid lang akong napangiti dahil hindi ko gustong balikan pa ang lugar na 'yon. Lugar kung saan tuluyang nagwakas ang lakas.

"Sure... Let's visit that next time..." Ngumiti pa ako sa kaniya. I don't want to go there again but I want Hati to have nice memories in that place.

"We'll travel together po!" aniya na malapad ang ngiti sa akin. Napatitig lang ako sa kaniya. She looks fine but everytime she's already alome. Alam ko kung gaano kabigat ang nararamdaman nito na tipong gugustuhin na lang ang maglaho.

Agad na nawala ang mga ngiti sa kaniyang labi nang makita ang palabas na si Lisa. Pareho kaming nagmamadaling lumabas nang makita itong nagsusuka habang humahagulgol ng iyak.

"Ano ba? Sinabi ko nang tantanan mo ako, 'di ba?" galit niyang sigaw kay Hati bago niya iwinaksi ang kamay nito.

Nagmatigasan naman silang dalawa. Nanatili lang na nakahawak si Hati sa kaniya at ayaw siyang bitawan. Sa huli'y nanghihina na lang na nagpatianod si Lisa. Nang nasa sasakyan na'y walang kangiti-ngiting inabutan siya nito ng tubig. Tahimik lang naman ako habang pinagmasdan sila.

Hindi naman agad pinaandar ni Hati ang sasakyan. Pinapakalma ang kaniyang sarili.

"You're right..." ani Lisa na nag-iwas ng tingin.

"I don't like it. It disgust me everytime I feel their touch." Kita ko ang pagtulo ng luha mula kay Lisa. Kumuyom naman ang kamao ko habang pinipigilan ang luhang gusto na ring kumawala mula sa aking mga mata.

"I fucking hate it. Starting that day... I started questioning my worth... Baka hanggang dito na nga lang talaga ako... Baka pangkama lang talaga ako..."

"I... I fucking hate myself. Everytime I looked at myself? Pakiramdam ko sobrang dumi ko na tipong hindi kayang linisin ng ligo lang... Gusto ko na lang kumawala..." mahinang saad niya.

Hahawakan na sana siya ni Hati nang tabigin niya ang kamay nito.

"Now, go! I'm disguting piece of shit," galit niyang sambit.

"Lisa..." ani Hati trying to reach Lisa's hands but she was the one who let go.

"Now, please... Let me go... I don't want you to see me in my lowest..." Binuksan pa nito ang pintuan ng sasakyan bago tuluyan ng lumabas doon.

Hindi ko naman pinigilan si Hati nang subukan niyang habulin si Lisa dahil alam kong ganoon din ang gagawin ko.

Narinig kong sinisigawan siya nito. Nanatili lang akong nakatingin hanggang sa nakitang unti-unti siyang niyakap ni Hati. Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan sila. They're too young to experience this cruel world.

Pinanood ko lang kung paanong humagulgol si Lisa habang yakap-yakap ni Hati. Kita rin ang panghihina nito. Pinalis ko lang ang luhang tumutulo mula sa aking mga mata. Masaya ako na sa nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon at sa pangalawang pagkakataon na ito, hindi ko na sasayangin pa. I want to help Lisa have a happy life. I want them both to have one.

Nang ihatid namin si Lisa sa kanilang bahay. Kitang-kita pa rin ang pamamaga ng mata nito.

"Salamat..." mahinang saad niya bago pumasok. Sa unang pagkakataon ay hindi niya tinaboy si Hati.

Tahimik lang si Hati hanggang sa makauwi kami. Wala rin naman akong ganang magsalita kaya nanahimik lang din talaga.

Nang nasa condo na'y kita kong nakatulala na lang din si Hati.

Pumasok lang ako sandali sa kwarto'y naririnig ko na agad ang hikbi nito. Hindi ko na rin tuloy napigilan pa ang nararamdaman.

Nilapitan ko siya bago niyakap nang mahigpit.

"Don't worry about anything. We'll get through these..." mahina kong saad.

Pinalis ko ang luha mula sa kaniyang mga mata. Para bang pinapalis ko rin ang sarili kong luha. Sinusubukang iligtas ang sarili.

Nang kumalma siya'y saka lang ako nakatungo sa kusina. Kaya lang nang matapos magluto'y wala na siya sa sala.

"Hati?" tawag mo sa kaniya sa kwarto ngunit walang sumasagot. Nang buksan, nakitang wala rin siya roon kaya naman agad akong napalabas ng condo tila alam na kung saan ito pupunta. Bake shop. Maghahanap ng cheesecake.

Nang nasa labas na'y sasakay na sana ng cab ngunit nakita ko siyang nasa gilid ng kalsada habang umiiyak.

"Bakit ba walang stock ng cheesecake?" Ayaw huminto ng luha kaya patuloy siya sa pagpalis.

Napatingin naman ako sa katabi nito. Hinawakan na ang kamay niya at siya na mismo ang nagpalis sa luha ni Hati.

"I'll try to bake you one..." aniya na sinubukan pang ngumiti rito.

Sadyang paborito pala talaga kaming paglaruan ng tadhana.

Naglahad pa siya ng kamay kay Hati at dahan-dahan niya naman 'yong tinanggap. I know that Hati needs him right now but Hati only need herself. Iiwan niya rin naman. Bakit niya pa nga ba sasayangin.

"Hati, luto na ang ulam. Isa pa, pinag-bake kita ng cheesecake," ani ko na nginitian siya bago hinawakan ang palapulsuhan niya at nilayo kay Maurice.

"We'll go now. Thanks for accompanying her," malamig kong saad kaya yumuko lang siya. Magalang talaga sa nakatatanda. No wonder Lola likes him for me.

"Bakit bigla ka na lang lumalabas ng condo nang hindi man lang nagpapaalam, Hati?" Masama ang tingin na ibinigay ko kay Hati kaya agad siyang napakagat sa kaniyang labi.

"Pasensiya na po, Manang. Magpapahangin lang po sana..." aniya kaya tinignan ko lang siya. Napabuntonghininga na lang din.

Nang nasa hapag na'y bumalik na ang pagiging hyper nito tila ba walang nangyari kanina. That's my coping mechanism. Umaarteng ayos lang ang lahat ngunit bandang huli'y iisipin din nang iisipin.

Pinagmamasdan ko lang siya nang makatulog siya matapos naming kumain.

"Manang, malusaw po ako niyan," aniya na bahagya pang natawa sa akin. Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya bago hinaplos ang kaniyang buhok.

"Can I sleep with you?" tanong ko kaya unti-unti siyang tumango at ngumiti pa sa akin. Matagal bago siya nakatulog habang nanatili lang akong nakamasid sa kaniya.

"You did well today, Hati..." mahinang bulong ko bago nakatulog.

Nagising lang ako kinabukasan nang marinig ang malakas na katok mula sa labas. Pareho naman kaming pahikab-hikab pa ni Hati nang tumayo. Nauna akong naglakad doon habang nakasunod lang sa akin si Hati.

Nang tuluyan ko nang buksan ang pinto, isang palad ang muntikan nang dumapo sa mukha ko kung hindi ko lang nahawakan.

"Tita?" naguguluhan kong tanong nang makita si Tita Beth, ang Mommy ni Lisa. Nasa likod niya lang din si Lisa na siyang nakahawak sa laylayan ng damit ng kaniyang ina habang sinusubukan itong hilain paalis doon.

"Tabi! Ilabas mo si Hati!" anito na sinubukan pa akong itulak. Napaawang naman ang labi ko dahil maayos naman ang trato niya sa akin noon.

"Ano pong problema, Tita?" naguguluhang tanong ni Hati na mukhang nagising na rin ang diwa dahil sa pambubulabog ni Tita.

"Huwag mo akong matita- Tita riyan, Luwalhati," ani Tita na sinubukang hilain si Hati.

"Mama!" malakas na sigaw ni Lisa na hinihila na si Tita.

Hindi naman kami nakapagsalita nang isang malutong na sampal ang pinakawalan niya kay Hati. 

"You're poisoning my daughter's mind!" malakas na sigaw nito na wari'y walang pakialam sa mga nakakarinig.

"Ano pong ibig niyong sabihin, Tita?" naguguluhang tanong ni Hati.

"Mag-usap na lang po muna tayo rito sa loob." Sinubukan ni Hati ang magpakumbaba ngunit nanatili lang ang galit mula sa kaniyang mukha.

"Huwag mo akong hawakan!" Napapikit na lang ako at napahawak sa sentido. Alam na alam ko rin kung gaano kamaldita si Tita lalo na kapag ganitong may atraso ka sa kaniya.

"Hindi porket kaibigan ka ng anak ko, pupuwede mo nang pagbawalan ang anak ko sa gusto niyang gawin!" galit na sambit ni Tita kaya hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo.

"Minamaliit mo ba ang anak ko dahil lang ginagamit niya ang kaniyang katawan para magkaroon ng project?" Napaawang ang labi namin ni Hati roon. Alam niya...

Makikita ang sakit mula sa mukha ni Lisa. Unti-unti na lang din siyang napayuko dahil do'n.

"Hindi rin ibig sabihin na lugmok na 'yang career mo, pupuwede mo nang idamay ang anak ko!" saad niya pa. Magsasalita na ako nang magsalita si Hati na siyang nakabawi na rin sa pagkagulat.

"So aware din po ba kayo na hindi gusto ni Lisa ang ganoong trabaho?" tanong niya. Natahimik naman si Tita roon bago kumunot ang noo.

"Anong hindi gusto? Ang sabihin mo nilalason mo lang ang utak ng anak ko!" malakas niyang sigaw kay Hati kaya hindi ko mapigilan ang mapangisi.

"Oh baka naman kayo ho ang lumalason sa utak ng anak niyo?" balik tanong ko naman sa kaniya.

"Kung matino kayong ina. Hindi niyo gagamitin 'yang anak niyo para sa ganiyang bagay," ani ko na masama ang tingin sa kaniya.

"Huwag mong kwestiyonin ang pagiging ina ko rito at sino ka ba? Bakit ka ba nangingialam?" galit niyang tanong na tila ba handa nang sumugod.

"Para sa anak ko kaya ko 'to ginagawa!" galit niyang sigaw na hindi na napigilan ang maging bayolente. Napaawang ang labi ko nang sinubukan niya kaming sabunutan na dalawa ni Hati. Years ago, I don't really know how to protect myself but when I was alone? I realize that I just have me.

Natigilan lang ako sa panlalaban nang makitang wala na sa likod ni Tita si Lisa. Hindi ko mapigilan ang panlalaki ng mga mata bago napatakbo palabas.

"Si Lisa!" Ramdam ko ang pag-aalala para rito.

Nagtanong agad ako sa isang guard sa baba kung may napansing matangkad at magandang babae na may kulay pulang ribbon.

"Ah, wala naman pong lumabas dito, Ma'am," aniya kaya napatango na lang ako. Agad naman ang pag-awang ng mga labi ko nang marinig ang sigaw nila at tinuturo ang babaeng nasa railings ng rooftop.

Parang huminto ang puso ko habang nakatingin sa kaniya.

Si Lisa...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro