Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

Chapter 38

Luwalhati’s POV

“Hati!” Bakas ang gulat mula sa kanilang mga mata at hindi alam kung ano ang sasabihin.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong nila at pabalik-balik pa ang tingin sa amin.

“Anong ibig mong sabihin doon, Cia?” galit na tanong ni Hati.

“Anong ibig sabihin?” Tumawa pa ito habang nagmamaang-maangan kaya hindi ko maiwasan ang iritasiyon na nadarama habang nakatingin sa kaniya.

“Huwag kang magmaang-maangan, Cia! Narinig ko kayo ni Mae!” Ang nagmamaang-maangan na itsura nila’y napalitan ng pagngisi.

“Ah, ‘yon ba? You won’t probably want to know, Hati. Just focus on your other projects. May shoot ka pa, ‘di ba? Manang, kayo na po ang maghatid sa kaniya.” Nilingon pa ako nito kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Huwag mo akong utusan,” ani ko kaya agad siyang napatikhim.

“Answer me, Cia.” Napatikhim naman sila dahil kita ang seryosong mukha ni Hati. Hindi ko tuloy alam kung kakabahan din ako para sa kanila.

“Fine. Lisa’s using her body to have a project—” Agad na napaawang ang labi ni Hati roon.

“What—” Ni hindi niya matapos-tapos ang gustong sabibin at nakatingin lang sa mga ito.

“What are you talking about?” Pinagdiinan niya ang bawat salita at makikita rin ang galit mula sa mukha nito.

“Normal lang ‘yon sa industriya, Hati. Huwag kang magulat. Galingan mo na lang habang naayon pa sa ‘yo ang swerte. Baka sa susunod ay pati ikaw—” Isang malutong na sampal na ang pinakawalan ko.

“Shut up,” galit kong saad.

“You mean to say that Lisa’s having sex… with…” Napahawak pa siya sa kaniyang bibig. Kita ko ang pagakawala ng luha mula sa mga mata ni Hati bago niya nilingon si Cia.

“I can’t believe that you’re letting this happen, Cia! Magkakaibigan tayo! Paano mo naatim na gawin ‘yan sa kaibigan mo?” galit na sigaw ni Hati bago niya kinwelyuhan si Cia na siyang ngumisi lang.

“Walang pagkakaibigan sa business, Hati,” aniya kaya isang malutong na sampal ang natanggap niya galing kay Hati.

“Nasaan si Lisa ngayon?” galit pa nitomg tanong.

“Nasaan si Lisa?!” Malakas ang naging sigaw nito. Nilingon naman ni Hati si Mae nang wala siyang narinig na sagot mula sa mga ito. Wala itong nagawa kung hindi ang sagutin ang tanong ni Hati. Kita rin ang takot mula ss kaniyang mukha.

Alam ko ang galit na nararamdaman ni Hati kaya napasunod lang din ako sa kaniya. Hindi ko rin naman siya magawang pigilan dahil sigurado rin akong walang makakapigil sa kaniya lalo na’t ganitong galit na galit siya.

Nang makarating kami sa hotel na madalas na pinupuntahan ni Lisa, dire-diretso lang siya sa pagpasok. May ilang guard na humarang kaya hindi niya nagawang pumuslit.

“What’s happening here?” Napatingin naman ako mula sa tinig sa likod.

“Daniel,” ani ko kaya agad itong nagtataka nang mapatingin sa akin.

“Kilala niyo po ako?” naguguluhan niyang tanong.

“Oo, kaibigan ka ni Maurice. Kaibigan niya si Hati,” ani ko dahil wala ring maisip na palusot. Semi lie na lang naman ‘yon.

“Uy, Hati!” Bahagya pa siyang nagulat nang mapatingin kay Hati.

“I need to go inside,” ani Hati kaya nagtatakas siyang tinignan ni Daniel. Sa huli’y ngumiti na lang siya at tumango.

“Sure, I’ll talk to them,” aniya. Nilingon naman ang guard.

“I’m with her,” anito kaya walang nagawa ang nga guard kung hindi ang papasukin si Hati. Nagawa rin siyang tulungan ni Daniel na nakitanong pa ng confidential na tanong sa hotel clerk. Natatandaan kong sila naman ang may-ari nito kaya sa huli’y sinagot din ang tanong niya.

“She’s in room no. 263,” bulong ni Daniel kay Hati kaya nagpasalamat lang ito sandali bago dire-diretso sa paglalakad. Ni hindi naman ako makahabol dahil halos tumakbo na siya.

Napatingin ako kay Daniel nang may tinatawagan siya.

“Hello, Mau. Hulaan mo kung sino kasama ko sa hotel?” Kumunot naman ang noo ko roon.

“Paki ko sa kamasa mo.” Narinig ko pa ang tinig ni Maurice mula sa kabilang linya.

“Si Hati.” Tumawa pa si Daniel na parang nang-aasar.

“Gago, pinatayan ako,” natatawa niyang saad. Halatang tuwang-tuwa na nakapang-asar.

“Ay, sorry po!” aniya na nagulat pa sa akin.

Hindi ko naman maiwasan ang mailing bago sumakay ng elevator. Hinuha ko’y nasa pangatlong palapag na si Hati sa sobrang pagmamadali.

Nang makarating doon, hindi na ako nagulat nang makita siyang kumakatok sa room number na ibinigay sa kaniya kanina. Hindi lang basta katok ang ginagawa nito. Para bang handa na siyang gibain ang pinto.

Nang bumukas ang pinto, iniluwa niyon si Lisa na bakas na bakas ang gulat mula sa kaniyang mga mata.

“What are you doing he—" Hindi niya pa natatapos ang sasabihin ay nahila na siya ni Hati.

“We’re going home,” malamig na saad ni Hati. Nakaroba lang si Lisa kaya agad na napatalikod si Daniel.

“Shut up, Hati! Bitawan mo nga ako!” Makikitaan ng inis mula sa mukha ni Lisa. Parehas silang galit.

“I’m not going home! I still have some work here!” galit na saad nito na iwinaksi pa ang kamay ni Hati.

“Let go, Hati,” galit niyang sambit.

“Bitawan mo sabi ako…” anito na nangingilid na ang luha ngayon.

“I won’t… Uuwi tayo sa ayaw o sa gusto mo…” Desididong-desidido ito sa gustong mangyari.

Hinubad din ni Hati ang blazer na suot bago ipinasuot kay Lisa na ayaw pa ring sumama. Inis na inis ito habang nakatingin kay Hati.

“Uh… I have some clothes in my hotel room,” ani Daniel.

Malamig lang siyang tinignan ng dalawa kaya agad siyang nagkunwaring zinizipper ang bibig.

Sa huli’y doon siya dinala ni Hati para bihisan.

“Mag-usap kayo. Sa labas lang ako,” sambit ko nang makapagbihis na si Lisa. Hindi naman pumasok sa loob si Daniel at nanatili lang sa labas ng hotel room niya.

Imbes na tuluyang lumabas. Nanatili lang ako sa tapat ng pintuan habang pinakikinggan sila.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa kanila bago ko narinig ang malakas na paghikbi ng mga ito.

“Why are you doing this?” Narinig ko agad ang tinig ni Lisa.

“You want your project back? Sorry ka na lang pero wala akong balak ibigay ‘yon pabalik sa ‘yo,” ani Lisa.

“Of course not. Lisa! Wake up! You don’t have to do this!” galit na sigaw ni Hati sa kaniya.

“Sadly, I need to.” Narinig ko pa ang munting halakhak ni Lisa. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila.

“Hindi naman kasi ako swerte katulad mo na hindi na kailangan pang gawin ito para lang sumikat, para lang tuloy-tuloy ang project,” ani Lisa.

Narinig ko pa ang pagtatalo nila kaya napapikit na lang ako. Mukhang walang magandang patutunguhan ang pag-uusap nila dahil pareho din talagang galit. Nagsisigawan na ang mga ito at may nasasabi na ring nakakasakit sa isa’t isa kaya naman napabuntonghininga ako bago nagtungo palapit sa kanila.

“Matatalim ang bawat salita kaya kung pagsisihan din sa huli, itikom na lang ang mga labi,” seryoso kong sambit kaya naman pareho silang natigilan. Kita ko pa kung gaano kasama ang tingin nila sa isa’t isa. Kulang na lang ay magpatayan sila gamit ang mga mata.

“She’s saying nonsense when in fact I’m doing my best to understand her!” galit na sambit ni Hati.

“Understand nga ba talaga o sadyang gusto mo lang talagang kunin ang project sa akin?” tanong naman ni Lisa na nakataas ang kilay.

“Tangina. Kahit isungalngal ko pa sa ‘yo!” aniya.

“Oo nga pala, sikat ka na. Ikaw na ang hinahabol. Ano ba naman ang itapon mo lang ang isang project, ‘di ba?” mapang-asar naman na saad ni Lisa.

“Shut up! Hindi ko kasalanan na hindi ka sumikat!” pikon na saad ni Hati.

“Tama na. Punyeta.” Pareho ko silang sinamaan ng tingin kaya napatikom ang mga bibig ng mga ito.

“I’m sorry, Manang. Uuwi na po ako.” Lalabas na sana si Lisa ngunit agad siyang nahila ni Hati.

“Ihahatid ka namin,” aniya na masama ang tingin dito.

“Ano ba? Sabing uuwi na nga ako!” galit na saad ni Lisa na sinubukan pang alisin ang pagkakahawak ni Hati.

“Sinabi ko ring ihahatid ka namin.” Walang katapusang pagtatalo ang nangyari hanggang sa makarating kami sa sasakyan.

Parehas naman silang natahimik habang nasa loob. Seryosong nagmamaneho si Hati habang si Lisa’y nakatingin lang sa labas ng sasakyan. Pabalik-balik lang naman ang tingin ko sa kanila.

“Huwag ka nang babalik pa roon. Subukan mo lang,” galit na saad ni Hati sa kaniya.

“Nanay ba kita?” tanong naman ni Lisa na masama rin ang tingin sa kaniya.

“Don’t even try to meddle with my life.” Masamang tingin ang ibinigay niya bago ibinalibag nang malakas ang pintuan ng kotse. Pinanood lang namin siya ni Hati na tuluyan nang makapasok sa loob ng bahay nila.

Sabay pa kaming napabuntonghininga ni Hati kaya tipid pa kaming nagngitian.

Umuwi na rin kami. Hindi na siya dumeretso pa sa kaniyang shoot. Nang makapasok sa condo, dire-diretso lang na nahiga si Hati sa sofa. Napahilamos na lang siya sa kaniyang mukha.

Nang nagtungo ako sa kusina para magluto, agad kong narinig ang hagulgol nito. Ramdam ko rin ang namumuong luha sa akin. Para bang binabalik ako sa mga panahong hindi ko alam ang gagawin. Mga panahong gustong-gusto kong tulungan si Lisa subalit hindi ko alam kung paano.

Matapos kong magluto, tumabi lang ako sa nakatulalang si Hati. Alam ko na mabigat ang nararamdaman nito. Kawawala lang ni Lola at may panibago na naman siyang problemang kinakaharap.

“Manang…” tawag niya sa akin kaya nilingon ko siya.

“I’ll quit my job…” aniya. Hindi naman na ako nagtaka pa roon kaya nginitian ko siya.

“Do what you think is right, Hati. I’ll support you…” ani ko kaya kita ko ang pagingilid ng luha niya.

“I don’t think I’ll be able to pay you… iiwan niyo po ba ako?” tanong niya kaya hindi ko maiwasan ang matawa bago pinitik ang noo niya.

“Anong pinagsasabi mo riyan? Hindi kita iiwan.” Agad naman siyang yumakap sa akin bago umiyak.

“Thank you po, Manang,” aniya na pinipigilan ang mahikbi.

That night, nakatulala lang siya madalas. Kapag kauusapin, matagal bago sumagot tila ba hindi naman talaga nakikinig.

“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kaniya kinabukasan nang makita siyang nakaayos.

“I thought you’ll quit your job?” Tumango naman siya roon.

“Kahit dito na lang po kayo, Manang… ayos lang po…” aniya na nginitian pa ako. Hindi naman ako makalma kaya lang alam ko ring siya naman talaga dapat ang haharap sa mga ito.

Sila ang nag-usap ni Cia habang nakaabang lang ako sa pintuan. Narinig ko na agad ang sigaw ni Cia mula sa loob. Lahat ba talaga sila’y hindi kayang makipag-usap nang mahinahon? May mga anger issue ba ang mga ito?

Nailing na lang ako habang naghihintay na lumabas si Hati. Nang lumabas ito’y agad kong narinig ang galit na sigaw ni Cia.

“You think everything will end here? Asahan mong wala ka ng career na babalikan!” malakas niyang sigaw kaya napatingin ako kay Hati. Kahit paano’y alam kong mahalaga sa akin ang career ko. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala lang sa akin na nasira sa harap ng madla. Kahit paano’y alam ko sa sarili na nasaktan ako roon.

“Make sure to ready yourself in this battle, Hati,” sambit ko kay Hati kaya agad siyang napatingin sa akin.

“Hindi magiging madali ang lahat…” paalala ko pa sa kaniya kaya ngumiti siya sa akin.

“Before I make my decision, I already ready myself, Manang…”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro