Chapter 37
Chaptet 37
Luwalhati's POV
"Manang!" Agad akong sinalubong nang nag-aalalang si Hati nang makauwi sa condo.
"Saan ka po nanggaling? Bigla ka na lang nawala!" aniya sa akin.
"Nagmessage ako sa 'yo," ani ko kaya agad na naningkit ang kaniyang mga mata.
Makikitaan pa rin ng takot mula sa mukha nito. Napayakap pa siya sa akin kaya dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya.
"Akala ko'y iiwan niyo na rin po ako..." mahinang saad niya. Kitang-kita pa ang pangingilid ng luha ngunit agad niya rin namang pinigilan ang pagtulo niyon. Bahagya akong napangiti dahil ang babaw pala talaga ng luha ko nang mga panahong ito.
"Sorry. May pinuntahan lang..." ani ko kaya agad niya akong sinimangutan.
"Pinag-alala niya po ako, Manang!" reklamo niya pa kaya nginitian ko siya.
Naupo naman kami sa sofa habang naniningkit ang mga mata niya sa akin.
"Saan ka po galing?" Hindi ko naman siya nasagot agad dahil napasandal na lang din sa sofa. Nananakit ang likod ko.
"Diyan lang," ani ko kaya humalukipkip pa siya habang nakatingin sa akin.
"Manang, baka mamaya'y may kinikita ka ng foreigner diyan, ah?" tanong niya na naniningkit ang mga mata sa akin. Bahagya pa akong natawa dahil do'n. Sa huli'y napangiti na lang din siya baho ikinawit sa aking braso ang kaniyang kamay.
"Pasensiya na. Nadala ko rin ang sasakyan mo. Nakadalo ka ba sa shoot?" tanong ko. Tumango naman siya sa akin at ngumiti.
"Yes po. Inihatid ako ni Maurice." Nahinto naman ako roon bago napatingin sa kaniya. Hindi naman ako nagsalita at malalim lang ang iniisip. Nothing's going on my way. Napabuntonghininga na lang ako roon.
Matagal ang katahimikan na bumalot sa aming dalawa habang nakalingkis lang siya sa akin.
"Hati..." tawag ko sa kaniya kaya nilingon niya ako.
"Po?"
"If you want to have a happy life. Pipiliin mong layuan 'yang si Maurice," ani ko kaya nanatili naman ang kunot mula sa kaniyang mga noo.
"Po? Para kang si Ren, Manang." Natatawa pa siyang nailing.
"Para namang kasalanan ang magka-crush kay Maurice, huh?" natatawa niyang tanong. Alam kong tumatak na sa kaniyang isipan si Maurice.
Hindi na rin naman ako nagsalita at pinagmasdan lang siya. She looks brigther today but I know. I know that she's been hiding what she feel all day.
Hindi na ako nagtaka nang marinig ang iyak niya nang makapasok na sa kaniyang kwarto. Nanatili lang akong nakatayo roon.
Kanina lang, iniisip kong sabihin sa kaniya ang tungkol kay Lisa but I don't think I can still do it lalo na't dumating din ako sa puntong parang masisiraan nang bait. I don't know what to do anymore. I don't want her to regret something again but at the same time I don't want her to lose herself.
Sa huli'y hindi ko rin nagawang sabihin sa kaniya ang gustong sabihin.
"Good morning, Manang!" Hyper na agad ito kinabukasan. Pasimple ko naman siyang tinignan bago siya kumaway sa akin. Malapad na agad ang ngiti na wari ba'y hindi naman umiyak kanina.
"Good morning," bati ko sa kaniya. Alam kong papasok pa rin ito kahit na ano pang pigil ko. Pinabaunan ko na lang din siya. Ang pinagkaiba namin. Magaling na akong magluto samantalang siya naman ay nasusunugan pa ng itlog.
"Wow! Thank you, Manang!" aniya na yumakap pa sa akin. Napangiti na lang ako dahil sobrang lambing ko pala talaga noon.
Nakahanda na rin ako sa mga gagawin ngayong araw. Una, I should go with Lisa. Pangalawa, ilayo si Hati sa tukso. In short, ilayo si Hati kay Maurice. Pangatlo, let Hati know the true nature of Cia.
"Kapag umalis ako. Huwag mo akong hanapin," ani ko kay Hati kaya agad siyang napatingin sa akin.
"Po? Saan ka po pupunta, Manang?" tanong niya na naguguluhan pa. Nagkibit naman ako ng balikat kaya agad siyang humalukipkip habang nakatingin sa akin.
"Don't tell me you really have a double life, Manang?" tanong niya na naniningkit pa ang mga mata sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang matawa roon bago napailing.
"Ewan ko sa 'yo. Pumasok ka na," ani ko dahil tinatawag na siya sa loob para sa contract signing sa runway na magaganap sa susunod na buwan. She was pick by a famous designer.
"Good morning, Manang..." bati sa akin ni Lisa. Bahagya naman akong nagulat nang makita siya.
"What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.
"I have s contract signing po," aniya. Nakasunod naman sa kaniya si Mae na siyang make up artist niya.
Nanatili ang tingin ko kay Mae kaya nagtataka siyang napatingin sa akin lalo na't pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos niya. I forgave them years ago but seeing them doing this again makes me really mad. I know karma works towards them but still I hate the fact that they are doing this.
Naghihintay lang ako sa labas nang marinig ko ang sigaw ni Hati. Agad naman akong kinabahan doon kaya agad na nagtungo sa loob.
"What?" galit niyang sigaw na bakas ang iritasiyon sa mukha habang nakatingin kay Lisa, Cia at Mae.
"How can you do this to me? I trusted all of you! This is my dream project! Alam na alam mo 'yon, Lisa!" galit niyang saad kay Lisa na dinuro pa ito.
"It suit Lisa better, Hati..." anila kay Hati na siyang makikitaan ng inis mula sa mukha.
"Palamig ka muna. We'll talk again later," sambit pa nila kaya nag-walk out si Hati.
"Anong nangyayari?" tanong ko. Isang buntonghininga ang pinakawalan ni Cia.
"Uh... Manang... We decided to take Lisa with us. She's going to be the one who will model Chuang's clothes..." ani Mae kaya seryoso ko silang tinignan.
Nilingon ko naman si Lisa na siyang nakayuko lang at hindi rin sigurado sa sasabihin. Napabuntonghininga na lang ako bago napagpasiyahan na lumabas.
I know that this is important to my old self but maybe this will be a big break for Lisa. Baka sakaling hindi niya na gagawin pa ang lahat ng 'yon.
Agad kong nakita si Hati na siyang iritadong-iritado habang nakaupo sa bench. Nilapitan ko naman siya habang may hawak-hawak na chuckie. Alam kong masamang-masama ang loob nito.
"They're so annoying, Manang! How can they do this to me?" inis niyang tanong.
"Akala mo'y hindi kaibigan! Kainis!"
"Ano ba namang ibigay mo lang ang isang project mo sa kaniya, Hati?" patanong na saad ko kaya agad siyang natigilan at napatingin sa akin. Kita ko ang agad na pagsimangot nito.
"Seryoso ka po ba, Manang?"
"Manang! Bakit niyo po ba kinakampihan si Lisa? Hindi naman po tama na bigla na lang sa kaniya ang project gayong pangarap ko na 'yon noon pa!" aniya na nakasimamgot.
"Hindi lahat ng pangarap, nakakamit. Nag-iiba ang pangarap," malamig kong saad. Hindi naman matamis ang buhay na pupuwedeng lahat ng gusto'y makukuha. I didn't even fulfill that dream. Ni isa sa mga pangarap na pinaghahawakan ko'y walang natupad. Pangarap kong maging runway model pero saan nga ba ako dinala niyon? Pangarap kong bumuo ng pamilya kasama ang iisang tao pero ano nga bang nangyari?
Napangiti na lang ako nang mapait.
"Hindi naman po ibig sabihin na mapait ang buhay sa inyo, ganoon na rin sa akin, Manang," aniya na iritadong tumayo at nagmartsa palayo sa akin.
"That's what I keep on wishing, Hati... I want you to live a happy life..." pabulong na saad ko habang pinapanood siyang maglaho mula sa kinaroroonan ko.
Matagal akong nanatili lang na nakaupo roon hanggang sa mapabuntonghininga na lang dahil hindi ko rin magawang baliwalain ang nararamdaman ng dating ako. I know how crazy she is chasing after her dream. Lahat ay gagawin para sa bagay na 'yon.
Sinubukan ko siyang hanapin para kausapin subalit nahinto lang nang makitang kausap niya si Maurice.
Kita ko kung paano niya pahirin ang luhang kumawala mula sa mga mata ni Hati. Pinanood ko lang silang dalawa. They're so good together.
But not all things that are good together, stay forever.
I thought it will be better not to know him but here he is, slapping me the fact that he was always there when I needed him the most. That he's the one who kept me going, the one who makes me alive, the one who help me to fall in love with life again. That he's too good to the point that you'll never forget about him once he enters your life.
I said I want him out of my life. But who am I kidding? I was dead all along if it weren't for him but... I did die. Not even wanting to live anymore because of him. I wish I didn't meet him.
Imbes na lapitan pa sila upang paghiwalayin. Hindi ko rin nagawa kaya hinayaan ko na lang din.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago ko sila iniwan doon.
Sakto namang nakita ko rin si Lisa na nakaupo lang sa isang tabi habang nakasubsob ang mukha sa kaniyang palad.
Naupo lang ako sa kaniyang tabi habang naririnig ko ang mahinang paghikbi niya. She's probably feeling guilty now.
"Do I look like a pushover to you, Manang? Wala ba ako kahit katiting man lang na talento?" tanong niya na nilingon ako.
"Huh? You're talented, Lisa. Kaya ka nga napili sa Clouds, 'di ba?" ani ko na nginitian pa siya. Nanatili lang ang tingin niya sa akin bago nag-iwas ng tingin.
"You should be mad at me. Inagawan ko ng project si Hati," sambit niya pa. Hindi naman ako nagsalita roon. I know how important it is for Hati and I know what it means to her too.
"I want the two of you to talk about it, Lisa. Huwag niyong hayaang masira ang pagkakaibigan na mayroon kayo ngayon," ani ko sa kaniya kaya isang buntonghininga ang pinakawalan niya.
"I'm sorry po..." mahinang saad niya bago tumayo.
"I should go now, Manang," aniya na nginitian ako ng tipid. Pinanood ko lang siyang tuluyan na makaalis sa gawi ko.
Nakita ko ring pabalik na si Hati. Kitang-kita agad ang simangot mula sa mukha nito ngunit wala rin siyang nagawa kung hindi ang maupo sa tabi ko. Iritado man, hindi pa rin ako magawang tiisin kaya hindi ko maiwasan ang pasimpleng pagngiti. Ganiyan na ganiyan din ako kay Lola noon.
I was about to say something nang marinig ang pamilyar na tinig. Si Cia at Mae.
"Are you really sure on what are you going to do, Cia? Kawawa naman si Lisa," ani Mae na napabuntonghininga.
"I don't know... Ang Mama na rin naman niya ang kumausap kay Mr. Chuang and knowing Mr. Chuang? Paniguradong susubukan ding galawin si Hati kung sakali. Edi roon na muna sa willing! Saka na kapag alam na ni Hati ang madilim na parte ng pagmomodelo," natatawang saad ni Cia.
Tinakpan ko ang bibig ni Hati nang magtatangka sana siyang magsalita. Agad ko rin siyang hinila palayo roon. Kuyom na kuyom naman ang kamao ko habang pinapakinggan kung gaano sila karuming mag-isip.
Naririnig pa rin naman sa pwesto namin ang usapan ni Cia at Mae.
"Nasaan na sila ngayon?" tanong ni Cia.
"Ayon nagpapakasarap na!" natatawang saad ni Mae.
"Sinundan mo sana. Make sure that Lisa won't back out. Sayang ang project, kaunting giling at sarap lang ay ayos na," ani Cia.
Hindi ko na rin napigilan pa si Hati dahil maski ako'y napalabas din. Hindi ko na maatim na ganito pala talaga ang tunay na kulay nila. Hindi ko maatim na kaya nilang gawin ito gayong kung wala ang trabaho'y magkakaibigan kami.
Agad naman silang natigilan nang mapatingin sa gawi namin.
"Anong ibig mong sabihin, Cia?" tanong ni Hati na kunot na ang noo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro