Chapter 36
Chapter 36
Hati's POV
"Anong palagay mo sa akin, Luwalhati? Diyos?" natatawa kong tanong sa kaniya at nag-iwas ng tingin. Ibinaling na lang ang ayensiyon sa cheesecake na binibake namin.
Matagal na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa kaya kita ko ang paninitig sa akin ni Hati.
"I miss Lola..." mahinang saad ni Hati nang ilabas ko na ang cheesecake galing sa microwave.
"I miss her too..." mahina kong bulong sa sarili subalit iniwas din ang tingin. I miss her every single day.
Pareho kaming napangiwi nang sabay na tikman ang binake na cheesecake.
"Ang alat..." reklamo namin kaya bahagya kaming natawa. I was wondering if why do they say that I looked much prettier when I'm smiling, I think I finally understand it.
"You suit your smile, Hati..." ani ko.
"Manang..." tawag niya sa akin.
"Hmm?" patanong na saad ko sa kaniya.
"Huwag niyo rin po akong iiwan..." pabulong na saad niya kaya napatitig ako sa kaniya. Bahagya ring nalungkot dahil alam ko kung ano ang nararamdaman nito.
"Hati..." tawag ko sa kaniya kaya nilingon niya ako.
"Let's learn taekwondo," ani ko kaya nahinto naman siya sa pagsubo ng pagkain bago ako nilingon.
"Manang, baka masama po ang pakiramdam niyo." Kinapa niya pa ang noo ko kaya hindi ko maiwasan ang matawa.
Ilang beses ko pa siyang pinilit bago ko siya napapayag.
"Come on," natatawa kong saad nang makita siyang nakahiga na sa dojo mat matapos ang match naming dalawa. Hinihingal naman siya habang nakatingin sa akin. Nanliliit pa ang mga mata nito.
"What's with you, Manang? Dati ka bang mafia boss?" Nakasimangot pa siya habang nakatingin sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang matawa sa kaniya.
"Anong pinagsasabi mo riyan?" natatawa kong tanong bago siya naglahad ng kamay.
"O baka naman double life niyo po ang pagiging gangster?" tanong niya pa na nanliliit ang mata sa akin. Hindi ko naman pinansin ang mga pinagsasabi nito dahil natatawa na lang din.
"I know how much you trust Cia but..." Napatingin naman siya sa akin nang magsimula akong magsalita. Napabuntonghininga ako dahil sigurado ring hindi ito papayag sa gusto kong mangyari. Kahit anong sabihin kong umalis siya roon, hindi pa rin ito hihinto lalo na't tiwala ito sa kaniya. Hindi pa naman basta-basta naniniwala ang isang 'to hanggang hindi niya nakikita gamit ang dalawang mata niya.
"I'll be your PA." Agad naman na nanlaki ang mga mata niya sa akin.
"Manang?" gulat niya pa akong tinignan.
"I just want to fulfill what I promise to your Lola," seryoso kong sambit sa kaniya kaya nilingon niya ako. She wants me to have a happy life. I need to do this to be able to do so.
"Manang, you don't have to! Kaya ko po ang sarili ko," aniya na napakamot pa sa ulo. Nagkibit naman ako ng balikat doon.
"Basta. I'll be your PA starting today."
Pareho kaming nagmatigas at walang manalo-nalo sa isa't isa kaya naman bandang huli'y gumawa pa siya ng kontrata na hindi ako mangingialam sa bawat desisyon niya sa shoot. Pumayag na rin ako dahil paniguradong pahirapan kung sakali.
After that day, I became her PA.
"Manang! You're really going to look like that?" tanong niya sa akin kaya pinsgkunutan ko siya ng noo.
"Look what?" tanong ko. I'm just wearing my usual clothes.
"Mas magmumukha ka pa pong may-ari ng malalaking kompanya sa mukha niyo pong 'yan," aniya na tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.
Hindi ko naman na siya pinansin pa lalo na nang dumating si Cia. Nagtataka niya akong tinignan at binalik ang mga mata kay Hati tila nagtatanong. Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay agad na napaiwas ng tingin dahil sa paraan ng pagtingin ko sa kaniya.
"Did I do something wrong to Manang Hate?" pabulong na tanong ni Cia na narinig ko. Tumawa naman si Hati.
"Wala, gaga. She's just acting weird lately," ani Hati na ngumiti pa nang tipid. Hindi ko naman maiwasan ang mapairap lalo na habang pinagmamasdan si Cia na nakahawak na kay Hati habang may binubulong dito. Akala mo'y mabait na kaibigan kung umasta. When in fact she's just nice when things are good.
Nang pumasok kami sa loob ay agad akong natigilan nang makita si Maurice. Naningkit naman ang mga mata ko kay Hati nang ngumiti siya rito at kumaway pa. Hindi ko mapigilan ang mapabuntonghininga dahil pakiramdam ko'y tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para lang magkasalubong ang kanilang landas.
"Hati, you already know Mr. Ruiz, right? We will have a collaboration with Clouds," anila kaya nahinto ako.
"No!" Lahat sila'y napatingin sa akin. Si Hati'y naniningkit ang mga mata tila ba pinapaalala sa akin ang napagkasunduan namin.
"No, I need to go to the bathroom." Napahawak na lang ako sa aking sentido.
Nang palabas ay bahagya pa akong napatingin kay Hati at Maurice. Nakita ko ang supladong mukha ni Maurice bago niya tinanggap ang nakalahad na kamay ni Hati. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait sa sarili. I wish they didn't meet. I wish I haven't met him. I want to have a peaceful life without thinking about those what ifs.
Matagal akong nanatiling nakatingin sa salamin. Tinitigan ang sarili.
Nang makalabas doon, agad ko ring nakita si Maurice at Hati na seryosong nakatingin sa kontrata. Hindi ko naman mapigilan ang pagtaas ng kilay nang mapansin ang pasimpleng tingin ni Maurice sa kaniya. Alam kong maganda ang batang ako subalit ang pagkakatanda ko'y ako itong naghahabol sa kaniya.
Agad naman siyang napatingin sa kontrata nang sulyapan siya ni Hati at walang hiya-hiya na pinagmasdan ang mukha nito. Hindi ko maman maiwasan ang mailing dahil para akong nanonood ng telenovela habang pinagmasdan sila. Napangisi na lang ako dahil sa una lang naman masaya ang lahat.
"Hati, tara na. May next schedule ka pa," ani ko nang matapos ang contract signing at nagbabalak pa siya na lumapit kay Maurice. Dahil matigas ang ulo nito, walang balak sumunod sa akin. Magmamatigas din sana ako nang mapatingin ako sa isang taong sakay ng elevator. Si Lisa! Nakita ko pa ang bahagyang pagtakip niya ng mukha nang makita si Hati.
Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kaniya lalo na't nang makita siyang may kasama sa elevator. Bago pa ako makahabol doon ay nagsara na ang elevator kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang sumakay sa escalator. Kung minamalas ka pa, ngayon pa sumumpong ang pananakit ng tuhod. Napapikit na lang ako sa sakit pero nagpatuloy pa rin.
Napasakay ako sa kotse ni Hati nang makitang sumakay si Lisa sa kotse ng isang lalaki habang hinahaplos-haplos siya nito sa braso. Makikita rin sa mukha ni Lisa ang pagiging hindi komportable. Nagmamadali ko namang sinundan ang kanilang sasakyan.
Mayamaya ay huminto sa parehas na hotel na pinasukan niya nitong nakaraan. Makikita rin ang pag-aalangan sa mukha ni Lisa. Napakuyom na lang ang kamao ko bago ako lumabas ng kotse. Bago pa sila tuluyang makapasok ay nahawakan ko na si Lisa.
"Manang!" gulat niyang sambit. Awang na awang ang labi at hindi alam kung anong sasabihin ngunit sa huli'y napalitan ng pagka-insulto.
"I already told you Manang that you shouldn't meddle with my business!" Bakas sa kaniyang mukha ang inis.
"Who's that, Baby?" tanong ng lalaki. Napatingin pa siya sa akin. Ibang lalaki ito. Mas matanda pa nang kaunti kay Mr. Chen. Parang Lolo na ito ni Lisa. Napangiwi naman ako roon. Nakakainsulto ko pa siyang tinignan.
"Helper lang po ng kakilala ko," ani Lisa na ngumiti.
"I told you to stop using 'po', Baby," malanding saad ng lalaki. Halos masuka ako dahil sa tinig nito.
"Can I talk to her po? Sunod na lang ako," ani Lisa na ngumiti pa rito nang tipid.
"Sure, Baby," aniya na kumindat pa.
"Manang, please lang po. Tigilan niyo na po. This is my life. I don't want someone to meddle with my decision."
"Is this really what you want?" seryoso kong tanong sa kaniya kaya nahinto siya. Bumuka ang labi subalit sa huli'y hindi rin itinuloy ang sasabihin.
"I..." Hindi rin itinuloy ang sasabihin at dumeretso na sa pag-alis.
Hindi ako umalis doon hangga't hindi siya lumalabas. It took her six hours before going out. Hating gabi na. May hawak-hawak pa siyang yosi nang lumabas. Nanatili lang akong nakatayo sa tapat ng kotse ni Hati habang pinagmamasdan siya. She looks like she's in the verge of crying. I won't bother her if I know that she's enjoying this but she's losing her self. I don't want it to happen.
Nakita ko kung paano siya nagsuka sa gilid. Hindi ko naman napigilan pa ang lapitan siya. Iniabot na rin ang bottled water. Napatingin naman siya sa akin at bahagyang nagulat. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya.
"Manang, please... Huwag niyo naman po akong pahirapan..." Halos wala nang lumalabas na tinig mula sa kaniyang mga labi.
"I'm sorry... But I don't think I can stop bothering you... I just don't want to regret something again..." ani ko. Nanahimik kaming pareho. Naupo lang siya bago sinindian ang yosi niya.
"Fine, if you can stop that, I'll join you," ani ko na kinuha pa ang yosi sa kamay niya. Napatingin siya sa akin nang makitang sinindian ko 'yon. Bahagya pa akong naubo kaya napatitig siya. Mayamaya'y bahagyang napangisi bago kinuha ang yosi sa kamay ko. Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin nang patayin niya 'yon saka lang siya nagsalita.
"You remind me of Hati, Manang..." tanong niya sa akin. Of course, it's me.
"I remember when we're in high school... she's excited to buy her peanut butter cake. Halos maglaway pa siya nang makita sa cafeteria 'yon but because I'm allergic to it and also want to try... hindi na siya kumain. That's when she started to like cheesecake because she said that she just felt guilty every time she ate peanut butter cake..." aniya kaya hindi ko maiwasan ang mangiti. That's right...
"I remember that," ani ko kaya agad siyang napatingin sa akin. Napatikhim naman ako roon at halos masamid sa sariling laway.
"Naalala kong umuwi si Hati na naghahanap ng cheesecake. Naikwento niya. Hehe," ani ko kaya bahagya siyang nangiti.
"Hati is really lucky to have you and Lola po," aniya na ngumiti pa habang nakatingin lang sa kung saan.
"You're lucky to have a mom who thinks a lot for your sake, Lisa. Always remember that..." Naalala ko kasi bigla ang mga panahong galit na galit ang Mommy niya sa akin dahil sa nangyari kay Lisa. She really care a lot about her daughter.
Natahimik naman si Lisa kaya nilingon ko siya. Tahimik lang siya nang tumayo.
"I need to go, Manang. Baka hinihintay na rin po ako," aniya na tipid akong nginitian.
"Ihahatid na kita," seryoso kong sambit. Sa huli'y napatango na lang din siya sa akin.
"You can always talk to me. Lalo na kay Hati. Magkaibigan kayo," seryoso kong saad sa kaniya. Tipid lang siyang ngumiti.
"Can I ask for a favor, Manang? Don't ever tell Hati about it." Tinitigan ko naman siya bago ako nagbuntonghininga.
"I can't promise you about that," ani ko bago nag-iwas ng tingin. Ayaw ko siyang lamunin ng kalungkutan.
"If you can't find your peace of mind in that job, Lisa. Quit that immidiately. Hinding-hindi ako magsasawa kakukulit sa 'yo."
"Thank you po sa paghatid, Manang. But I hope this will be the last time. I don't know if I can still face you if we continue this way." Ngumiti pa siya bago tuluyang umalis sa harapan ko. Bagsak ang balikat habang papasok sa loob ng bahay nila.
Why did I never see it? Ang tanga ko para hindi mapansin. She's slowly changing. Our friendship is slowly fading. I can't afford to see it happen again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro