Chapter 35
Chapter 35
Luwalhati's POV
"Where are you going, Manang?" walang gana niyang tanong sa akin nang makitang palabas ako ng bahay.
"Stay there, Hati. Huwag kang lalabas ng bahay," seryoso kong saad sa kaniya. She doesn't look ineterested. Tinitigan niya lang ako bago napakibit ng balikat. Nandito naman kami sa condo. Hindi naman siguro niya magagawa ang mga pagtatangka niya sa bahay.
Nanakbo na ako palabas habang hawak-hawak ang address kung saan magkikita si Mr. Chen at si Lisa. Kumuyom lang ang kamao ko habang naiisip ang manyakis na mukha nito.
"Saan ka pupunta?" tanong ko nang harangin si Lisa sa parking lot ng hotel. Nanlalaki ang mga mata niya nang mapatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo rito, Manang?" aniya na hindi ako makapaniwalang tinignan.
"Ikaw? Anong ginagawa mo rito, Lisa?" seryoso kong tanong sa kaniya. Nang tignan ko ang kaniyang kamay, kita ko ang yosi roon at ang panginginig nito.
"I'm going to sign a contract po," aniya na napahigpit pa ang hawak sa sigarilyo.
"Late at night?" tanong ko na nakataas ang kilay sa kaniya.
"Uh... Manang... I'm sorry kailangan ko na pong umalis," aniya na iniwas pa ang mga mata sa akin.
"Whatever you're going to do, stop it, Lisa." Seryoso ang tingin ko sa kaniya. Dumapo rin ang kaniyang mga mata sa akin dahil sa sinabi. Kita ko kung paano siya natigilan dahil do'n.
"Po?" nagtataka niyang tanong.
"You're going to meet Mr. Chen, not just for the contract, right?" tanong ko sa kaniya kaya kita ko kung paanong manlaki ang mga mata niya.
"How did you kn... Po? I... It's not like that..." aniya na lumayo pa sa akin. Tatakbo na sana siya paalis subalit agad kong nahawakan ang kaniyang palapulsuhan.
"Don't sell your soul for money and fame, Lisa..." I know she doesn't have a choice but I know how it changed her. She lost herself because of that. I just don't want it to happen again.
"Hindi mo ako naiintindihan, Manang. You'll never understand why I do this. This is not just for myself," aniya na hinila ang kaniyang kamay sa akin.
"Then for who?" seryoso kong tanong. Hindi naman siya nagsalita at inalis lang ang kamay sa akin.
"Please, bitawan niyo po ako." Nakikita na rin kung paano mangilid ang luha mula sa kaniyang mga mata.
Isang buntonghininga ang pinakawalan ko nang buong lakas niyang hinatak ang kaniyang kamay at nanakbo na patungo sa loob ng hotel. Hindi ako sumuko roon. Sumunod pa rin ako dahil alam kong hindi niya gusto kung ano mang gagawin. Wala namang kaso sa akin kung talagang gusto niya 'yon but I know how it ruined her.
"Ma'am, hindi po kayo pupuwede rito," anang babae na tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.
"She's pretty but Mr. Chen's type is not so old." Narinig kong bulong ng receptionist sa kaniyang kasama.
"Manager ako ng isang artist dito," seryoso kong saad. Kita kong nagtinginan sila at mukhang hindi naniwala sa palusot ko.
Right... Those type of people... 'Yong mukhang may asawa subalit sa huli'y nagagawa pa ring magbayad ng ibang tao para sa sariling kasiyahan.
"Fine. I don't supposely to tell you this but I'm Mrs. Chen..." seryoso kong saad. Hindi sila natinag, hindi pa rin naniniwala.
"If I ever find him cheating on me at nalaman kong pinagtatakpan niyo... I'll fucking ruin you all..." seryoso kong saad kaya agad silang nataranta.
"He's on his room, Ma'am. With a celebrity..." anila na hindi magkandaugaga sa ginagawa.
"Why did you tell her?"
"That's Mrs. Chen. She's the chairman of the board. Si Mr. Chen lang ang nagmamanage. Automatic na mas may kapangyarihan si Mrs. Chen. She was the one who made Mr. Chen today."
Disgusting piece of shit.
Nang magtungo ako sa kwarto'y galit pang binuksan ni Mr. Chen ang room.
"Let's go home, Lisa," seryoso kong saad kay Lisa na siyang nanigas sa kinauupuan nang pumasok ako sa loob. Ginawang pangtapis ang kumot. When she looked at me, kita ko kung paano tumakas ang hiya at sakit sa kaniyang mukha na unti-unting napalitan nang galit.
"Ano ba, Manang?! Hindi ka naman po dapat nangingialam sa buhay ko! Katulong ka lang nila Hati! Hindi kita kaano-ano o ano pa man! Lubayan niyo na ho ako!" galit niyang sigaw sa akin. Iwinaksi niya pa ang kamay ko na nakahawak sa kaniya. Kita ko ang panginginig niya at ang nangingilid na luha. I know that she's already frustrated right now...
Wala rin akong nagawa kung hindi ang magpahila sa mga gwardiya na pinapaalis ako. It's the same face expression years ago. Noong guilty siya sa ginawa sa akin.
I felt really bad lalo na nang tuluyan nang makalabas sa hotel. Tahimik lang ako habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko rin mapigilan ang masaktan para kay Lisa.
Hinintay ko lang siya kahit na anong oras pa siya lumabas. Nang lumabas siya at nakita akong nakaabang, iiwas na sana ng daan subalit agad akong humarang.
"Hate me all you want but I don't want you to do things that will just lose yourself," seryoso kong sambit.
"I don't want you to do things that you don't want."
"What do you know? I enjoyed these kind of things, Manang. Kaunting sarap lang, may project ka na," sabi niya na tumawa pa subalit walang kabuluhan. While looking at her eyes, I see emptiness. Ang mga mata'y nababakasan nang kalungkutan.
"Really? Your eyes said otherwise," sambit ko.
"Drink this instead. Stop smoking when you're stress." Iniabot ko lang sa kaniya ang pineapple juice na binili sa malapit na tindahan. Napatitig naman siya sa akin dahil do'n.
"Text me if you need someone to talk with," seryoso kong sambit. She's just looking at me. Hindi rin alam kung anong dapat na sabihin. She doesn't need to say anything because I already know.
Matagal niya lang akong tinitigan hanggang sa napabuntonghininga siya.
"Thank you po..." mahina niyang saad bago tumalikod sa akin. Kita ko ang bagsak ba balikat niya habang naglalakad palayo sa gawi ko. Pinanood ko lang siyang maglaho sa gawi ko.
Isang buntonghininga ang pinakawalan ko. Hindi rin talaga alam kung anong mararamdaman. Alam kong mabigat na rin kung ano man ang nararamdaman niya kaya hindi ko na rin maipilit pa ang gustong sabihin.
Matagal akong nag-iisip-isip lang habang pauwi sa bahay. Hindi ko rin talaga alam kung anong mararamdaman ko. Naawa ako kay Lisa at marami ring katanungan ang nasa aking isipan. She have a lot of project in Clouds now. Bakit pa siya humantong sa ganito?
"Saan ka po, Miss?" tanong ng driver sa akin nang makasakay ako sa taxi. Sinabi ko lang kung nasaan ang condo ni Tita.
"Bigla namang umulan, mahirap na naman umuwi nito sa madulas na kalsada," ani Mamong habang nakatingin sa kalsada nang bigla na lang lumakas ang maliliit lang na patak nito kanina.
"Kaya nga po, e," sambit ko na lang bago ibinaling ang mga mata sa labas ng bintana. Malapit na kami sa condo nang matigilan ako sa pamilyar na mukhang nasa gitna ng kalsada.
"Manong, para po!" natataranta kong saad kaya napatingin sa akin si Manong.
"Bawal kitang ibaba rito, Miss. Doon na lang po," aniya kaya tumango na lang ako. Hindi pa rin inaalis ang mga mata sa gawi ni Hati na siyang naroon lang sa labas. Ramdam ko ang kaba habang tinititigan siya. Right... she'll do anything to die...
Agad din akong tumakbo palabas ng taxi nang huminto. Palapit na ako kay Hati nang makita ang pamilyar na bultong lumapit sa kaniya para aalalayan siyang umalis doon.
Fate really know it's way to both of them. Kita ko kung paano humahagulgol si Hati habang sinisigaw ang pangalan ni Lola. Ramdam ko rin ang pangingilid ng luha dahil katulad niya'y hindi ko rin matanggap na wala na ang Lola sa piling ko.
She just cry kasabay ng malakas na ulan. Sa pagod kaiiyak na rin ay halos manghina siya sa kalsada. Lumapit na rin naman ako sa kanila ni Maurice. Ang mga mata nito'y nanatili lang sa mga mata ni Hati. Napangiti na lang ako ng tipid doon.
Alam ko naman na malaki ang tulong niya sa akin no'ng mga panahong kailangan na kailangan ko nang tao sa tabi ko. Mas lalo ko lang talagang napagtanto ngayon. But he still left me when he already know that he's already part of my life. When he already know that he was already part of the future I imagine spending with.
"I'm sorry about her," mahinang saad ko nang tuluyan nang makalapit sa kanila. Hinarap ko naman si Hati na siyang
"Uwi na tayo, Hati," mahina kong saad sa kaniya kaya unti-unti siyang tumayo. Mukhang pagod na pagod na rin talaga siya. Inalalayan lang siya ni Maurice.
"Manang..." mahina niyang bulong habang yakap-yakap na ako.
"Just cry... But please... Don't think of doing things you'll regret, Hati..." ani ko habang naglalakad na kami patungo sa condo ni Tita.
Tahimik lang kaming pareho nang makauwi sa condo. Napatitig lang din ako kay Hati na siyang nakatulala lang sa isang tabi.
"Take a bath. Magkakasakit ka sa ginagawa mo," seryoso kong sambit sa kaniya. Para siyang robot na tumango lang sa akin at nagsimula nang maglakad patungo sa bathtub. I kinda know what's running inside her mind kaya nagawa ko pang sumama sa loob.
"What are you doing here, Manang? Kaya ko naman po," aniya na napanguso sa akin. Tinitigan ko lang siya bago pinagkibitan ng balikat.
"Magtotoothbrush ako. Isa pa'y kanina pa humihilab ang tiyan ko. Huwag kang mag-aalala, hindi naman kita titignan. Kabisado ko na 'yan," bulong ko pa sa sarili ang huling pangungusap na sinabi.
"Manang! This will be uncomfortable!" reklamo niya sa akin.
"I know..." Ilang minuto lang akong nakaupo sa bowl kahit hindi naman talaga umebak. Ganoon din siya na nakaupo lang sa bathtub na wala namang tubig. Parehas lang kaming tahimik habang nakatingin sa kawalan. She's not saying anything and so I am. Parehas na malalim ang iniisip naming dalawa.
Matutuyuan siya kung hindi pa ako lalabas kaya nilingon ko siya.
"Do you want to learn how to bake cheesecake?" mahina kong tanong sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin nang basagin ko ang katahimikan naming dalawa.
"Should we?" tanong niya kaya ngumiti akonat tumango.
"I know you won't be able to sleep so let's just try baking," ani ko kaya unti-unti siyang tumango sa akin. As the times goes by, napagtanto na ako na lang mag-isa, na hindi na dapat pang umasa sa ibang tao, na hindi na dapat pang masanay na ang ibang tao ang gagawa para sa'yo.
"Take a bath. Huwag kang mag-isip ng kung ano. Lumabas ka rin agad," seryoso kong sambit sa kaniya. Nakakatitig lang siya sa akin hanggang unti-unting tumango.
"Opo, Manang," aniya na ngumiti pa. Nanatili rin ang tingin ko sa kaniya bago ako napakibit ng balikat na lumabas na ng cr.
I just waited for her. Hindi rin talaga mapakali sa kinatatayuan. Nang lumabas siya'y saka lang ako nakahinga nang maluwag.
I'm just teaching her on how to bake cheesecake. Nakatitig lang ako kay Hati kaya tinitigan niya rin ako pabalik.
"Manang, hindi ba talaga ikaw ang ina ko?" tanong niya kaya hindi ko maiwasan ang matawa. Hindi naman talaga siya interesado sa ina subalit kung makatingin sa akin ngayon tila ba gusto ng aruga.
"I'm not." Nailing na lang ako at tinignan ang microwave na tumunog na.
Napalingon ako kay Hati nang makitang titig na titig pa rin siya sa akin.
"Why do I feel like you know everything?" Seryoso ang mga mata habang nakatitig sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro