Chapter 34
Chapter 34
Luwalhati's POV
"Lola! Ako rin!" reklamo ni Hati na pumagitna pa sa amin. Inggitera rin talaga ang isang 'to. Nailing na lang ako nang mapatingin sa kaniya.
"Anong ibig mong sabihin, Lola?" Napatitig pa ako sa kaniya habang nagtatanong. Nilingon niya naman ako bago nagkibit ng balikat at si Hati na ang binalingan ng tingin.
"I also want a hug, Lola," reklamo ni Hati bago niya niyakap si Lola. Nilingon niya pa ako nang matapos 'yon.
"Manang, hindi ba talaga ikaw ang Mama ko?" tanong niya sa akin nang makaupo kami. Muntikan na akong masamid sa sarili kong laway dahil sa pinagsasabi nito.
"What are you saying, Hati?" Napailing na lang ako dahil mukhang seryoso pa siya sa pagtatanong.
"What, Manang? Most of my friends sinasabi na magkamukhang-magkamukha raw tayo. Para nga raw tayong mag-ina. Baka lang po totoo," aniya na ngumiti pa habang nakatingin sa akin.
"It's not true."
"Weh? Baka naman tinatago niyo lang sa akin ang totoo, Lola, ah? Hindi naman po ako magagalit, promise!" nakangiti niya pang saad kay Lola na siyang napailing na lang sa nonsense na pinagsasabi nito.
Mayamaya lang ay nakakawit na ang kaniyang mga kamay kay Lola.
"Ano ka bang bata ka? Ang init-init nakakapit ka nang nakakapit sa akin," reklamo ni Lola sa kaniya. Hindi naman siya nagpaawat subalit tumunog ang kaniyang phone kaya kinailangan niyang tignan.
Nakita ko pa ang pagriring ng cellphone niya. Right... hindi naman pupuwedeng kanselahin na lang bigla ang trabaho.
"Cia's calling. I'll just answer her call lang po," sambit niya. So Cia's still her manager. I'll think about it after Lola.
"I need to go to the shoot right now, Lola, Manang," saad niya.
"Go. It's important. Your dream is important. Don't worry about us. We'll be fine," sambit ni Lola sa kaniya. Hindi ko naman siya napigilan pa dahil mukhang nagmamadali na rin. Sabagay, ilang tao rin ang mapeperwisyo niya kung sakali but still... Napabuntonghininga na lang ako habang nakatingin sa kawalan.
"It's fine, we can just enjoy everything today," nakangiting saad ni Lola sa akin. Nanatili naman ang titig ko sa kaniya.
"Lola, what do you mean when you said that earlier?" tanong ko sa kaniya.
"Said what, Manang?" tanong niya na nagtataka. Hindi ko alam kubg umaarte lang ba subalit mukha namang hindi.
"Tara, kain na lang tayo," nakangiti niyang saad. Pinapanood ko lang naman siya dahil kung sakali ngang mangyayari pa rin ang mga mangyayari noon, ito ang huling beses ko siyang makikita. I don't want the Hati today to regret anything. I tried to called her kaya lang ay mukhang abala na talaga sa kaniyang shooting. Napabuntonghininga na lang ako at inabala ang sarili sa pakikipag-usap kay Lola.
Paalis na rin sana kami sa parke nang dumating ulit si Hati. Hinihingal pa ito nang lumapit sa amin.
"Bakit ka bumalik? Akala ko ba'y may shoot ka pa?" tanong ni Lola sa kaniya.
"Mayroon pa nga po, La, but I tried to cancel it. Manang has been calling me nonstop," aniya na nilingon pa ako. Nagkibit naman ako ng balikat sa kaniya.
Imbes na aalis na kami'y lumipat na lang sa malilim na parte ng lugar. Humiga lang din si Hati sa lap ni Lola nang matapos kaming kumain at nakaligpit na. She's smiling while talking with her. Hindi ko rin maiwasan ang ngiti mula sa mga labi ko lalo na't nakikita silang masayang dalawa. Tahimik ko lang silang pinagmamasdan. Hinahaplos lang ni Lola ang buhok ni Hati habang nakikinig sa mga kwento nito.
"Your happiness is what matter the most, Apo... Live your life in the fullest... Don't let those regrets change your intereception about life," aniya kay Hati subalit bakit pakiramdam ko'y para sa akin din 'yon.
Hinayaan ko naman na sumandal sa akin si Lola nang mangalay siya. She doesn't really want to burden me, the Hati years ago.
"I'll save you a seat to my runaway niyan, La," I used to say that to her. Ngayon ay hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniyang hindi ko 'yon natupad. My dream changed.
They just talked for a while hanggang sa umuwi kami'y hindi ko sila tinatantanan. Malayo lang nang kaunti si Hati'y agad ko ng pinupuna.
"Manang, you're really acting weird, you know," reklamo ni Hati sa akin.
"Minsan wala ka pong paki, ngayon ay ang kulit niyo na naman po," aniya na nakanguso sa akin.
"La," tawag ko kay Lola.
"Daan po tayo sa hospital," sambit ko sa kaniya.
"Huh? Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin. Tumango na lang ako kahit na hindi naman talaga. Alam kong hindi siya papayag kung para sa kaniya ang dahilan nang pagpunta sa hospital. I know that she'll die today but I still have a chance to change that.
We did go to the hospital.
"May sakit ako," sambit ko sa nurse na siyang nagsabing wala naman daw siyang nakikitang mali sa akin.
"I need to stay here for tonight," saad ko pa kaya napatingin ang nurse sa doctor. She said something to him kaya lang dahil nagpupumilit akong manatili'y wala silang nagawa kung hindi ang bigyan ako ng kwarto.
"Talaga bang masama ang pakiramdam mo, Manang? Ayos ka lang naman po kanina maliban sa actions niyo po," sabi ni Hati sa akin.
"Bibili lang ako ng prutas sa labas," ani Lola subalit agad akong umiling.
"Stay here, Lola. Ikaw rin, Hati." Napatitig naman sila sa akin at mukha ring naweweirduhan subalit nanatili lang ang tingin ko sa mga 'to. Sa huli'y ang mga laman na lang ng picnic basket ang ipinakain nila sa akin.
"Ikaw ang magbalat doon, Hati. Huwag mong pagurin ang Lola mo," bulong ko sa batang ako at tinuro si Lola na siyang abalang-abala sa pagbabalat ng mansanas. Kita ko ang palihim na pag-irap ni Hati subalit sa huli'y lumapit din siya kay Lola at yumakap dito habang nanlalambing. I can't help but to smile. Ganito lang kapayapa ang buhay namin noon.
But...
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung paano muntikang bumagsak si Lola kung hindi lang nakakapit si Hati sa kaniya. Kita ko rin kung paano siya nabato balani sa kaniyang kinatatayuan.
"Hati!" malakas na sigaw ko. Alam kong gulat siya ngayon. Alam kong kabado siya ngayon but she can't just stand there.
Agad kong inalis ang mga sabit-sabit sa akin bago ako nanakbo palabas ng kwarto.
"Nurse! Nurse!" May nurse naman na malapit sa kwarto kaya agad akong nakatawag nang tutungo sa kwarto kung nasaan si Lola. Nang pumasok kami sa loob. Nakahiga na sa lap ni Hati si Lola habang siya'y hindi makapagsalita kahit na nang kinukuha na si Lola ng mga Nurse.
Iniwas ko ang mga mata ko roon. Ang sakit-sakit pa rin pala. Napapikit na lang ako dahil sa paninikip ng dibdib. Nang lingunin ang batang ako'y kita ko ang panlalambot niya at ang unti-unting paghagulgol.
"Lola ko..." umiiyak niyang saad. I know how hard it is for her right now. Ang luha'y hindi ko na rin napigilan pa dahil kahit alam ko nang mangyayari ito'y hindi pa rin maiwasan ang kirot sa dibdib. Niyakap ko lang nang mahigpit si Hati. Iyak lang ito nang iyak. Nang unti-unti rin niyang napagtatanto ang nangyayari'y napatakbo na lang siya sa labas para sundan sila sa pagdala kay Lola sa emergency room.
Both of us are crying while we're waiting for a result. I just want everything to be fine. Sana naman ay mabigyan pa nang pagkakataon na makasama pa siya subalit... Hindi lahat ng gusto'y natutupad...
Umiling ang doctor nang lumabas mula sa emergency room. Nanghihina ang tuhod ko pero sinubukan kong magpakatatag lalo na nang makita ko si Hati na siyang tuluyan nang bumigay ang tuhod at napahagulgol na nang iyak. Ni hindi niya na naikalma pa ang sarili lalo na nang sambitin na ng doktor na wala na talaga.
I didn't say anything dahil kahit anong sabihin ko man ngayon, alam kong sakit ang kung ano mang nararamdaman niya. Walang kahit na anong salita ang magpapakalma sa kaniya ngayon. Instead of saying something, dahan-dahan ko lang siya niyakap.
"Manang, wala na ang Lola ko..." umiiyak niyang saad. Ang luha rin ay kumakawala na lang habang pinapanood siyang umiyak.
Buong gabi'y hindi siya huminto sa pag-iyak. Matutulala lang sandali at bumabalik din agad sa pag-iyak.
"Your Tita's calling. Hindi raw sila makakauwi," ani ko. Tumango lang siya habang tulala pa rin. She doesn't have any choice but to entertain every guest as if required din siyang ngumiti dahil automatic na ang ngiti sa mga labi niya kapag may mga taong nakatingin subalit kapag mag-isa na lang ay hindi na napipigilan pa ang maiyak.
Nang ilibing na si Lola'y ganoon pa rin siya. She's looks fine outside but deep down, I know that she's losing it.
"Manang?" gulat niyang tanong nang pabalik na sana siya sa puntod ni Lola't nakita na lang ako na nakatayo sa harap ng kotse habang hawak-hawak ang susi nito. I bought this car for many reason. Una na roon ang tignan siya. I know that she have the thought of suiciding. I want to travel her. Doon ko rin naman nahanap na bumangon muli.
"You'll going back to Lola's grave, right?" tanong ko kaya unti-unti siyang tumango. Nakatingin lang siya sa labas ng salamin habang pabalik kami sa puntod ni Lola.
Nang makarating doon ay tahimik lang kaming dalawa. Pinigilan ko naman ang maluha. Ayaw ko lang naidamay pa si Hati sa nararamdaman ko. Masiyado nang mabigat ang pasan-pasan niya. Ayaw ko nang dagdagan pa.
Mayamaya lang ay umiiyak na ito. I knew it. Habang pinagmamasdan ko siya'y dalawang tao ang bigla na lang naalala. Lola won't let her cry like that. Gusto lang niyon ay ang kasiyahan niya. I also remember Maurice... He was the one who's there for me when I needed someone the most. Kahit pilit ko mang itanggi sa sarili, I know deep inside that he was a great help for me. Deep down, I'm thankful that I met him.
Napailing na lang ako roon. I shouldn't think about it. I'm here now. I'm here to save myself.
I hugged her tight. Niyakap niya lang din ako pabalik habang umiiyak sa akin. We both stay like that. Being each other comforter.
Nang makauwi'y pabalik-balik ako sa kaniyang kwarto dahil alam ko kung anong kaya niyang gawin. Tinago ko pa ang ilang matatalim na gamit na alam kong maaari niyang gamitin. Tahimik lang ako habang tinititigan siya.
"Why do you keep looking at me like that, Manang? I'm fine," natatawa niyang saad sa akin nang mapansin niya ang titig ko sa kaniya. Kung hindi ko lang siya kilala'y iisipin na ayos lang ito but I know myself more than anyone else. Alam kong hindi ayos. Kahit nga ngayong matanda na'y ramdam na ramdam pa rin ang sakit.
"I'm really fine," natatawa niyang saad nang mapansin ang titig ko sa kaniya.
"Really?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya at ngumiti but I already know that smile.
"I'll start working tomorrow, Manang," aniya sa akin.
"What?"
"You'll start working?" tanong ko sa kaniya.
"Don't work with Cia," seryoso kong saad sa kaniya dahil napagtanto na si Cia nga talaga ang kaniyang manager.
"Huh? Bakit po?" tanong niya na naguguluhan.
"Basta. Malapit na rin naman matapos ang contract mo sa kaniya. Putulin mo na," ani ko kaya agad siyang napatingin sa akin.
"Bakit naman po, Manang? Okay naman po si Cia. Even Lisa said that Cia is really nice to work with," aniya kaya nahinto ako.
"She's even going to sign contract with Mr. Chen tonight for her hard work." Mas lalo naman akong nanigas sa kinatatayuan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro