Chapter 33
Chapter 32
Luwalhati's POV
"Should we just post it?" tanong niya sa akin matapos ko siyang i-video habang rumarampa ss daan. Her clothes really look nice. Simula noong magtungo kami sa Paris naiba ang landas ko and kahit na sabihin kong hindi. Alam kong kahit paano'y masaya ako roon.
Parehas naman kaming kinabahan nang i-post niya 'yon. I don't really know why I feel excited about it when the thing is I don't find life exciting anymore. Hindi ko alam kung dahil ba sa bata ako but I really find comfort in her smile.
"I just wish for your genuine happiness, Hati," mahinang bulong ko. Hindi ko alam kung sa batang ako o sa akin mismo ko sinasabi. Siguro pareho?
When we're already done with our thing. Nakita ko siyang patakas na naman at mukhang balak na naman magparty.
Agad naman akong napasunod sa kaniya. Nagtataka niya rin akong tinignan kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Manang! Sasama na naman po ba kayo?" reklamo niya sa akin.
"Yup, anong akala mo naman? Bagets lang pupuwedeng magparty?" tanong ko na nagtaas pa ng kilay. Napanguso naman siya roon at mukha pang gustong umalma subalit sa huli'y wala siyang nagawa dahil nanatili lang ang tingin ko sa kaniya.
Nagsabi lang akong mag-aayos sandali. Muntikan na siyang umalis kung hindi ko lang naharang. Kita ko naman ang pagsimangot niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ko.
"Ay, hindi po. Masaya po ako, Manang. Nakangiti pa nga po, oh," sambit niya kaya nanatili ang mga mata ko.
"Talaga lang, huh?" nakangisi kong saad dahil alam na alam na ang style nito.
Mayamaya lang ay nakarating kami sa bar. Kahit na anong bawal ko sa kaniya ay hindi siya nakikinig.
Kita ko naman ang tingin nang mga tao sa amin. Pakiramdam ko'y alam na ang mga ibig sabihin ng tingin nila subalit wala naman akong oras para pansinin 'yon.
Luminga-linga na ako para hanapin si Maurice. Laking pasasalamat ko na lang na wala ito sa buong gabi naming nanatili ni Hati roon.
Subalit sa sumunod na araw ay hindi akalain magkakatagpo ang landas nila.
"You ditched me here!" reklamo ni Hati habang kausap niya sa telepono si Lisa.
"Ang daya!" Tinignan ko naman kung paano siya mag-alburuto.
"Lisa and Marco's togther, Manang." Para siyang batang nagsusumbong kaya hindi ko maiwasan ang matawa.
"Sus, you'll just reject Marco when he'll confess to you," sambit ko kaya napatingin siya sa akin.
"Manang, I know I'm pretty but I don't think Marco likes me and you know naman po, 'di ba? Lisa likes him." She look upset subalit mayamaya lang ay ibinaling niya muli ang mga mata sa akin.
"Bakit kung magsalita kayo para kayong manghuhula, Manang?" tanong niya sa akin na siyang tinawanan ko lang. Nailing pa ako nang itakip niya ang kamay sa mga labi.
"Don't tell me may lahi po kayong manghuhula?" She's even saying nonsense now. Nailing na lang ako at hinayaan siyang magsalita ng kung ano-ano dahil alam na nililibang niya ang sarili. Paniguradong nag-ooverthink about kay Marco at Lisa.
"Bili tayong cheesecake diyan sa tabi," anyaya ko sa kaniya na siyang agad ding pinagsisihan. Bakit nga ba nakalimutan ko na sobrang linaw ng nga mata ko noong kabataan lalo na kung titingin ng gwapo?
"Uy, 'yong crush ko 'yon, Manang. Wait lang po," ani Hati at agad nanakbo patungo sa gawi ni Maurice na siyang mukhang may dadaanan lang dito. Kita kong bahagya siyang nagulat dahil bigla na lang may tumapik sa kaniya. Narinig ko naman ang mga korning banat ni Hati. Hindi ko mapigilan ang pagngiwi. Ganiyan ba talaga ako kakorni noon. Nakakahiya naman pala.
Kita ko lang ang kunot na noo ni Maurice habang nakikinig sa kaniya. We're really great together but he fell out of love...
"She's just 17," sambit ko kay Maurice nang lumapit ako sa gawi nila. Naalalang doon siya huminto no'n. Kita ko namang natigilan siya bago napatingin sa batang ako.
"You're just 17?" nagtatakang tanong ni Maurice na nakatingin na sa batang ako. Just like before. He really did want to ban Hati in every bar in Manila.
"I'm sorry po. I'll make sure that she won't be able to step on any bar here in Manila," sambit niya.
Now that I looked at Maurice. I soften a little bit. Right... he's my greatest match. He'll never tolerate my wrongdoings.
I know that deep inside I want him in my life but still I don't want him. Kung hindi rin naman pangmatagalan, salamat na lang sa lahat. Huwag na lang.
After a while, kita ko ang pagsimangot ni Hati. Alam kong napipikon na 'yan sa akin.
"Why do you look like you're ready to kill me?" natatawa kong tanong sa kaniya.
After that, Maurice go to his car. Ni hindi niya na sinulyapan pa si Hati. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil alam ko ang frustration na nararamdaman ng batang ako ngayon.
Minsan talaga ay matatawa na lang sa mga bahay na iniiyakan at kinagagalitan mo noon. Someday you'll just realize how immature you're back then. Minsan pa nga'y mapapangiwi pa at mapapaisip kung bakit nga ba ginawa ang bagay na 'yon noon.
"Good night," mapang-asar ko pang saad sa kaniya nang makita siyang nakasimangot dahil sa ginawa ko.
I thought everything will end there. I thought that I won't meet Maurice anymore and have my happy ending but that's just what I thought.
Nagising ako kinaumagahan na nasa bahay pa rin. Nang tumayo'y hindi ko mapigilang mapatingin sa paligid. It looks the same but also looks like it's not. Para bang may bago. Napabuntonghininga na lang ako bago nagsimulang maglakad palabas ng kwarto ko.
Nahinto naman ako habang pinagmamasdan ang buong paligid.
"Tita's condo?" pabulong na saad ko.
"What are you doing, Manang? Naninibago pa po ba ulit?" Halos mapatalon ako sa gulat nang mapatingin sa batang ako na may mask for her skin habang nakatingin sa akin.
"Is this your Tita's condo?" tanong ko sa kaniya.
"Yes po?" nagtataka niyang tanong sa akin.
"Good morning, Manang!" nakangiti niya pang saad habang naglalakad papunta sa kusina.
"What are we doing here?" tanong ko sa kaniya.
"Where's your Lola?" tanong ko ulit.
"We're staying here po? And pinasama ka po ni Lola rito? Lola's at home, Manang?" naguguluhan niyang sagot sa mga tanong ko.
"Bakit ka lumipat?" She's looking at me as if I'm weirding her out. Hindi ko naman siya tinantanan ng tingin at nanatili lang na kuryoso ang mga mata sa kaniya.
What the heck happened? I just sleep at lahat ay nagbago sa isang pikit?
"I already told you na po, 'di ba? Masiyado pong pagod sa mga shooting po. Masiyadong malayo sa bahay po ang mga 'yon kaysa rito sa condo ni Tita po," pagpapaliwanag niya.
"Huh? I thought Clouds didn't choose you?" tanong ko.
"Opo, Manang? But thanks to you po! I got in sa Paradise," nakangiti niyang saad.
"And luckily, some of the endorsement boost din po and I'm a celebrity now!" aniya pa. Nanlalaki naman ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.
"Really? I'm happy for you..." mahina kong saad habang nakangiti sa kaniya. I'm happy for her. I just want to see her smile.
"Wait nga po, Manang, bakit ba parang hindi niyo po alam?" tanong niya na kumunot pa ang noo. Hindi ko naman mapigilan ang mapanguso.
"You're acting weird again sa paraan nang pagtingin niyo po," sabi niya na naniningkit pa ang mga mata sa akin.
"Anong date ngayon?" tanong ko dahil pakiramdam ko talaga'y marami na akong na-missed sa buhay nito. Sa biglaang boost din ba naman ng career niya. So, it's really her fate to be in showbiz, huh?
"And who's your manager?" Agad na nanlaki ang mga mata ko na mapagtanto na ang manager pa nga rin pala ni Lisa ay si Cia. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya pero ganoon na nga.
Of course, who will trust her after what she've done to Lisa and to me? I know karma just work it's way to her but still. I don't want to be connected with her ever again. Agad na akong nag-iisip kunh anong pupuwedeng gawin kay Lisa dahil paniguradong si Cia ang manager nito.
"It's May 27 po? Why?" Nahinto naman ako sa sinabi ni Hati.
"W-what?"
"2016?" paglilinaw ko pa. Dahan-dahan naman siyang tumango bago nagtataka akong tinignan. It's Lola's death anniversary...
Tila nawalan naman ng lakas ang tuhod ko. Akala ko'y okay na ako subalit ramdam ko na lang ang pangingilid ng luha mula sa mga mata ko. Agad ko namang pinigilan ang maiyak lalo na nang mapatingin kay Hati. Right... I should worry about her more.
She'll probably want to kill herself after this.
"Hati..." mahinang bulong ko sa kaniya.
"Manang?" nagtatakang tanong niya.
"Go to your Lola today," saad ko sa kaniya.
"Po? I still have 3 shoots po today." Nanatili naman ang seryosong tingin ko sa kaniya.
"Just go, Hati." Ni hindi na ako makapag-isip pa nang maayos dahil hindi ko lang akalain na darating ako bigla sa puntong 'to.
"You'll regret it if you won't," seryoso kong saad kaya unti-unti na lang siyang napatango. Mukha siyang nagtataka subalit sa huli'y sinunod niya rin ang sinabi ko.
Sumakay lang kaming taxi habang siya'y todo tago lang ng mukha. Tahimik lang naman ako habang nanatili ang mga mata sa harapan. Parang nagrereplay na naman sa utak kung paano ako tuluyang iniwan ni Lola.
When we got there, maligalig na pumasok si Hati sa loob ng bahay.
"Good morning, Lola!" nakangiti niyang bati at hinalikan pa si Lola sa pisngi.
"What are you doing here?" tanong niya sa akin.
"Manang said that I'll regret it if I won't go here today," aniya na napanguso pa akong nilingon.
"Why, Manang?" nagtatakang tanong ni Lola sa akin.
"Advance celebration po ng birthday ko. Picnic tayo," sambit ko kaya agad na napatingin sa akin si Hati.
"Po? Dec. 10 din po ang birthday niyo, 'di ba? Kapareho ng akin?" nagtataka niyang tanong.
"Yup, I want it to celebrate today." Wala akong maisip na kahit anong okasiyon kaya sa huli'y kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig.
"Alright, we'll celebrate your birthday today. Sakto at may cheesecake akong binake para sa inyong dalawa," ani Lola na nginitian kami.
"Wow, the best ka po talaga, Lola!" nakangiting saad ni Hati bago niya niyakap si Lola nang mahigpit. Napatitig lang ako sa kanilang dalawa. I wish it can remain this way.
Maybe I'm really selfish to wish that Lola shouldn't die but just like what they say, lahat ng tao'y lilisan subalit hindi pa ako handang panoorin muli si Lola na umalis.
Maybe it won't happen? I didn't meet Maurice... I didn't go to Maurice's graduation. Funny how I make funny excuses so things won't happen.
"Tara na," nakangiting saad ni Lola sa akin. Tumango naman ako bago binuhat ang picnic basket. Ikinawit naman ni Hati ang magkabilang kamay niya sa aming dalawa ni Lola habang pakanta-kanta pang lumabas ng bahay.
We go to the nearest park here. I can't even smile.
"Ilalatag ko na rito, Manang! Relax ka na po. I will help you na," nakangiting saad nito. After this, I don't think I'll be able to see that genuine smile again. Nanatili lang ang titig ko sa kaniya nang magsalita si Lola.
"Hati," tawag niya. Napatingin naman ako kay Hati dahil akala ko'y ito ang tinatawag niya subalit nakatitig lang siya sa akin.
"Luwalhati," tawag niya muli.
"Lola?" naguguluhan kong tanong dahil sa akin ang titig niya. Napaawang lang ang labi ko dahil do'n.
"Just like what I told you before. As long as you're happy, I am too... I wish you to find to contentment and happiness in your life. Mahal kita, Apo ko," bulong niya sa akin nang yakapin niya ako nang mahigpit. Hindi ako makagalaw. Para lang akong nabingi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro