Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Chapter 32

Luwalhati's POV

When we got home, Lola's just reading under the room. Hindi siya nagtanong tila alam na rin niya ang sagot.

"May cheesecake diyan sa ref." Hindi ko naman mapigilan ang mangiti nang yumakap si Hati sa kaniya.

"Thank you po, Lola," nakangiti niyang saad. Hinaplos na lang din ni Lola ang buhok nito dahil alam na agad niya na masama ang loob ng apo.

"Ayos lang 'yan, Apo. Bawi ka na lang next time," nakangiti niyang saad sa batang ako. Hati's really lucky. When things got wrong, she have a grandma who's just always there for her. The Hati right now doesn't really have someone who can she be clingy with.

"I love you," bulong niya kay Lola.

"Mahal din kita." Ginulo niya lang ang buhok ni Hati bago siya nakangiting tinignan.

"There will be new opportunity that will knock. Don't worry about it," nakangiti niyang saad kaya naman napatango lang si Hati.

"Of course, Lola. Kapag wala, edi don't." Napailing na lang ako habang pinagamasdan siyang naglalambing kay Lola.

They can call me weird all they want but I still want to hug both of them. Nakiyakap naman ako kaya natawa silang dalawa. Hindi rin naman ako tinaboy.

Nagtungo naman ako sa kusina at kinuha ang cheesecake sa ref. Iniabot ko 'yon kaya Hati subalit hindi rin maiwasang mapatitig doon. I miss Lola's cheesecake.

"Manang, oh. Hati po tayo," nakangiti niyang sambit bago ako inabutan. Hindi naman ako tumanggi pa.

After we ate, nakita kong kinuha lang ni Hati ang cellphone niya at nagsimulang manood ng contents ng exo. Napangiti naman ako dahil do'n. She's been a great fangirl noon pa man.

Mayamaya lang ay napunta na kay Nash Aguas ang pinapanood kaya naman nagsalita ako.

"Magiging sila ni Mika," sambit ko sa kaniya kaya naman napakunot ang noo niya.

"Po?" nagtatakang tanong ni Hati sa biglaang balita ko.

"Sabi ko si Nash at Mika magkakaroon ng relasiyon kaya mapapasabi si Alexa nang 'Inside the 13 years I was there. So, when you say '13 years and I still love you', where was I?'" panggagaya ko pa sa tinig ni Alexa kaya kunot noo akong tinignan ni Hati. Sa huli'y napailing na lang siya na para bang nagsasabi lang ako ng kapraningan. Napatawa na lang din ako ng mahina. I just really felt that I can be myself because Hati won't really care. She will just say 'Weird' but will just forget about it the next day.

Kapagkuwan ay binaba niya na ang kaniyang phone at napatingin na lang sa kisame.

"Bumabagabag pa rin sa'yo ang hindi pagkakuha bilang modelo ng Clouds?" Umiling naman siya sa akin dahil do'n.

"No po, I was just glad that you're fine and Lisa finally one step away from her dream," nakangiti niyang saad.

"Huwag mo akong lokohin. Medyo naiinggit ka, 'no?" tanong ko. Napanguso naman siya bago pinakita ang kamay.

"Slight," aniya kaya hindi ko maiwasan ang tawa ko.

"Tara sa labas. Pahangin," sambit ko. Tumango naman siya. Dumeretso naman kami sa bilihan ng tela. Nagtataka pa siya ng naroon na kami.

While I'm here, mind as well gives her the chance to fulfill her dream as of now. I know it will change someday pero someday pa naman.

"What are we doing here, Manang?" tanong niya.

"I'll make you a clothes," sambit ko. Nang matapos mamili ng tela. Iginala ko lang siya bago napagpasiyahan na ring umuwi.

We slept peacefully that night to have energy for the next day. I thought I'll wake up from that dream but I was still here. Napangiti ako nang makita ang pamilyar na palabas sa television.

Nagtungo ako sa sala para maupo sa sofa at manood ng tv dahil ganito naman ang gawain ko.

"Aba't, Luwalhati, baka naman gusto mo nang tumayo riyan. May pasok ka pa!" ani Lola sa akin kaya napalingon ako. Simesermonan na nito ang batang ako na wala pang balak bumangon. Nang bilangan siya'y saka lang tumayo.

"Ito na po, La, kikilos na," natatawa niyang saad. Tamad na tamad naman siyang lumabas. Nag-almusal lang kami habang chinichikahan niya si Lola. I really miss these.

Nang matapos ay tumayo na ako para magtungo sa kwarto ni Hati. Naikwento niya ang mga trabaho ko rito. Isa pa, napagtanto ko rin nang tumanda na mahirap pa lang maging matanda. That's why I want to help Lola while I was still here.

Inayos ko lang ang mga gamit na nasa kwarto ko dati. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga 'yon. Ang poster, ilang merch at iba-iba pang kachecheburechehan noon.

"You're really sentimental, Hati," bulong ko sa sarili nang makita ang memory box ko. I don't really have this now. Hindi ko na naitabi pa simula noong umalis ako. Bahagyang nanikip ang dibdib sa isipang makikita ko na naman kung paano siya mawala. I don't want that to happen. I don't want to see that again.

"Bakit po, Manang?" tanong niya nang makitang nakatitig ako sa mga gamit niya

"I wish you can always bring these things," sambit ko kaya nangungunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Po?" nagtataka niyang tanong.

"Treasure your things. Nah, treasure every little thing that is important to you," sambit ko kaya napatitig lang siya sa akin bago nagkibit ng balikat.

"I always do po?" nagtataka niyang tanong sa akin. Nanatili lang naman ang mga mata ko sa kaniya bago napakibit ng balikat.

Pumasok na rin si Hati kasama si Marco kaya naman nang matapos ako sa pagtulong kay Lola. Lumabas na rin ako ng bahay habang pinagmamasdan ang buong paligid.

I feel nostalgia for the warmth of this place or maybe because of all the people I interact with. It's just that I miss the old days. Lola's here with me today but every time I think about her leaving me behind, parang paulit-ulit na tinutusok ang puso ko. Maybe, I just also know that all these things are just from my memories. Seems real but this is not my life anymore.

Napangiti pa ako nang marinig ang tugtugin sa clubhouse. Ang nostalgic ng pakiramdam habang pinagmamasdan ang mini stage na madalas naming pinagpeperform-an.

Nobela by Join The Band

At aalis, magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako'y magbabalik

"Tita Glory!" malakas kong sigaw nang makita si Tita Glory, ang Mommy ni Marco na siyang nakikipagchikahan sa mga kapitbahay namin. Sinubukan ko pang yumakap sa kaniya subalit kitang-kita lang sa mukha nito ang pagtataka.

Yeah, right. I'm alread old...

"Manang Hate?"

"Hehe, Glory, kumusta?" natatawa ko na lang saad. Awkward naman silang ngumiti sa akin. Napapikit na lang din ako sa sarili. Pinairal na naman kasi ang excitement na nadarama.

Mabuti na lang ay mababait din ang mga kapitbahay ko dahil nagawa rin akong kausapin.

Nang matapos akong mamasyal ay sinulit ko na ang oras na kasama si Lola. Sunod lang ako nang sunod dito kaya naman kita kong nagtataka na lang siya sa kinikilos ko.

"Gusto ko lang pong matuto, Lola," sambit ko.

"Why do you keep on calling me 'Lola', Manang? You use to call me 'Ate'." Kunot pa ang noo nito habang sinasabi 'yon sa akin. That will be weird.

"Hindi naman ako ganoon katanda!" reklamo niya pa sa akin kaya napahawak na lang sa aking batok. Sa huli'y hindi na rin naman niya pinansin pa ang pagtatawag ko sa kaniya ng Lola. She just shrugged it off and continue with her works. Kahit na may katulong na ito'y hindi pa rin talaga mapakaling nakaupo lang sa iisang tabi. Hindi talaga mapipirmi kailangan lagi'y may ginagawa.

I spend my time with her.

"La, gusto mo bang alisan kita ng kulot na buhok?" tanong ko sa kaniya kaya agad siyang napatingin sa akin. I used to hate doing that when I was in high school. No'ng college ay wala na rin namang oras at hindi na nabigyan pa ng tiyansa.

"Hindi na, Manang. Magpahinga ka na lang ho," sambit niya na nginitian ako.

"But you like it when Hati's doing that," mahina kong saad na siyang narinig niya.

"Yup. Panlalambing ko lang 'yon do'n. Magrarant pero sa huli'y susundin din naman," natatawa niyang saad kaya hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha. Nakakainis dahil paulit-ulit na naman na nagrerewind sa utak ko kung paano ko nakita si Lola na siyang nakahiga sa sahig habang wala ng buhay.

"Hala, bakit ka umiiyak?" tanong niya na nag-aalala. Ngumiti lang ako at nagkibit ng balikat.

"Wala po," sambit ko na umiling na lang. Buong araw ko lang ata siyang sunusundan.

"Do you want to do something, Lola? Wish or something like that?" tanong ko kay Lola.

"I just want Hati to fulfill her dreams. I want her to be happy... Gusto ko lang laging makita ang ngiti mula sa kaniyang mga labi," ani Lola na malapad ang ngiti habang magkukwento. Napangiti lang din ako roon. It's really always been me.

"For yourself po, Lola?" tanong ko. Umiling naman siya.

"I'm really contented with everything. I'm happy that I was still able to look at the sky right now. Masaya ako. Kung kukunin man ako'y wala na akong panghihiyang at hiling pa," sambit niya. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kaniya dahil do'n.

I wish I was also like her. Walang regrets o kung ano pa. She seems ready to go...

Napanguso naman ako dahil paano naman ako? She's good but what about me?

Napatingin ako kay Hati na siyang patalon-talon pa habang papunta sa gawi namin. I just feel sad about her.

Nadatnan niya kami habang nakaupo sa tapat ng bahay at pinagmamasdan ang pagbaba ng sikat ng araw. I don't really remember if I did look at the sky with Lola. I used to go home and wait for the stars so I will be able to go to bar and party.

"How's your day?" tanong ni Lola sa kaniya. Pinanood ko lang sila habang nagkukwentuhan. Hindi ko na rin namamalayan pa ang ngiti habang nakatingin sa kanila.

"I'll design your clothes now. Magsusukat tayo," saad ko nang dalhin siya sa kwarto na para sa akin dito sa bahay.

"You changed your interior design, Manang? I kinda like it," aniya na pinagmamasdsn pa ang buong kwarto. Nang matulog si Lola'y sinubukan kong mag-ayos. Luckily maliit lang ang kwarto kaya nagawa kong ayusin sa ilang oras. Sa totoo lang ay natatakot din akong pumikit. Baka bigla akong sa kung nasaan dapat ako.

"Don't you really have a family, Manang?" nagtatakang tanong niya habang sinusukatan ko siya. Nagkibit lang naman ako ng balikat. I have one right now but if she'll ask about my real life. I don't think I have one.

"It's fine. Pamilya mo naman po kami," malapad pa ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. Nanatili rin naman ang mata ko sa kaniya bago napagpasiyahan na sukatan siya. If I know it's 10 days from now, that fashion show...

Buong gabi kong tintrabaho ang damit niya. Kinabukasan tuloy ay late na akong nagising. Ganoon lang ang sumunod na araw. Nagagawa ko ring harangin si Hati na magbar dahil abala kaming dalawa s pagdedesign.

Nang dumating ang araw na pinakahihintay naming dalawa'y nagtungo kami sa street runway na naalala ko subalit parehas nalaglag ang panga namin nang makitang tapos na 'yon.

"Manang!" reklamo niya sa akin kaya napanguso ako. Malay ko bang tapos na!

Medyo na-guilty naman dahil napaasa ito. Hindi tuloy alam kung paano pagagaanin ang loob niya lalo na't ilang araw din naming pinaghirapan 'yon.

Habang pareho na nakasimangot, nagkatinginan kaming dalawa. Pareho na napaawang ang mga labi nang may mapagtanto. Kalaunan ay napangiti na lang din. Well, that's the Hati years ago. The one who look at life positively.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro