Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Chapter 31

Luwalhati's POV

"What the heck?!" Halos mapatalon sa gulat si Maurice nang hawakan ko ang palapulsuhan niya. Kita ko ba ang kaba sa mukha niya at takot kaya bahagya akong natawa.

Binitawan ko rin naman agad dahil siguradong magmumukhang weirdo.

"Hijo, kung ako sa 'yo, hindi ako tutuloy ngayon sa loob," sambit ko sa kaniya. Kita ko naman ang pagtataka sa mukha niya.

"Po?" naguguluhan niyang tanong.

"Matatagpuan mo ang malas sa buhay mo," sambit ko. Sorry, Hati.

"Nakakulay itim na damit na siyang hapit na hapit sa kaniyang katawan. Nakalugay ang buhok habang ang kuko'y kulay puti. Lalapitan ka niya sa second floor kaya huwag kang magtungo roon," sambit ko. Kita ko naman ang ngisi niya at napatawa pa nang mahina tila ba hindi naniniwala sa pinagsasabi ko. Hindi ko naman mapigilan ang mapakunot ng noo dahil mukha siyang hindi naniwala sa pinagsasabi ko.

"Lola, huwag po kayong manggulo rito," sambit ng isa sa mga bouncer sa akin habang nilalayo na ako kay Maurice.

"Hindi ako nanggugulo, Kuya Gilbert," sambit ko kaya agad na nanlaki ang mga mata ng gwardiya. Hindi ko naman maiwasan ang matawa dahil sa ekspresiyon ng mukha nito.

"Hati ang pangalan niya!" sigaw ko pa dahil inilalayo na nila ako sa gawi ni Maurice. Nilingon lang ako sandali nito bago naiiling na pumasok na sa loob.

"Kuya, hindi ako nanggugulo," reklamo ko nang mailayo nila ako. Tinignan niya lang ako nang mapanghusgang tingin. Inalis ko lang ang pagkahawak niya sa akin bago siya sinamaan ng tingin.

"Pasensiya na ho, Ma'am, ginagawa ko lang po ang trabaho ko," aniya na binitawan na ako at bumalik sa kaniyang pwesto.

Ang sama naman ng loob ko nang hindi ako papasukin sa loob. Akala ata'y porket matanda na'y hindi na pupuwedeng pumarty. Aba't babalik talaga ako ulit dito.

Hinintay ko lang na makalabas ang batang ako habang isip nang isip kung nagkausap o nagkakilala ba kaming dalawa ni Maurice.

Habang pauwi'y tinititigan ko si Hati kaya naman nagtataka niya akong tinignan. Nagkunwari naman siyang hindi 'yon napapansin at nanatili ang mga mata sa labas ng bintana.

"May hinarot ka ba kanina sa bar?" tanong ko kaya halos mabuga niya ang iniinom.

"Manang!" aniya na hindi pa ako makapaniwalang tinignan. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay dahil do'n.

"Maurice ba ang pangalan?" tanong ko kaya agad siyang napatingin sa akin habang nanlalaki pa rin ang mga mata.

"Paano niyo po nalaman?" naguguluhan niyang tanong at hindi pa makapaniwala habang nakatingin sa akin.

"Layuan mo. Pagsisihan mo lang din na nakilala mo," sambit ko sa kaniya. Tinignan niya lang naman ako na para bang hindi naniniwala.

"Manghuhula po ba kayo, Manang?" tanong niya sa akin. Tumawa pa siya na akala mo'y nagbibiro ako.

"Kinuwento po ba ni Lisa? Kahit kailan talaga ang isang 'yon chismosa," natatawa niyang saad na nailing pa. Nakita ko pang nagtipa siya ng mensahe para kay Lisa. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti roon. Where did our friendship goes wrong?

"Hati..." tawag ko sa kaniya kaya nakangiti niya akong nilingon.

"Po?" nagtataka niyang tanong.

"Hmm, I wish you can learn to treasure those people around you. Ang Lola mo... mga kaibigan... lalo na ang 'yong sarili," seryoso kong saad. Nahinto naman siya roon. Kilala ko ang sarili. Mukha lang na hindi nakikinig subalit bawat salita na galing sa ibang tao'y tinatatak sa isipan kaya hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang mga turo ng Lola ko.

"Manang, you're really acting weird!" reklamo niya na napanguso pa bago siya nailing sa akin. Nanatili naman ang titig ko bago malungkot na nginitian lang siya.

"I wish your happiness will just remain the same," mahina kong saad kaya nagtataka lang siyang nakatingin hanggang sa makauwi kami sa bahay.

"You shouldn't audition to Clouds..." sambit ko sa kaniya. Agad naman niya akong tinignan nang hindi na naniniwala at mukha pang gustong umalma. Hindi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kaniya at sa huli'y napabuntonghininga na lang.

"You're just going to waste your time..." Really, Hati? Tumatanda ka atang paurong, you're more coward now than before.

"Po? Manang, si Lola nga po sinusuportahan ako," reklamo niya. Kita ko pa ang palihim na pag-irap niya sa gilid.

Parang gusto kong mangotong ng sarili. Ganiyan ba ako kamaldita noon? Parang hindi naman, ah.

"Kotongan kaya kita?" tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang napahawak sa kaniyang ulo.

"Hehe, joke lang naman po! Your opinion matters. Kaya lang, Manang, pangarap ko po 'yon. I don't think I'll waste time for that dream," sambit niya na umiling pa.

I wish I was still the same Hati back then. The girl with a positive mindset, the one who treasures her dream, strong woman who makes things possible especially when she likes it.

I sleep that night admiring the girl I uses to be. She's really strong.

"Lola," tawag ko kay Lola habang nasa sala.

"I saw Hati last night sneaking to go out to bar," pagsusumbong ko sa batang ako kaya agad siyang napatingin sa akin habang nanlalaki ang mga mata.

"Manang!" reklamo niya na napanguso pa sa akin. Sinamaan naman siya ng tingin ni Lola kaya agad siyang napanguso bago nakasimangot akong tinignan. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay at mapang-asar pang nginisian.

"What? You're going to tell me again na you're already 18 next year? Huwag ka ng magtangka pang magpalusot," ani Lola sa kamiya na sinamaan ako nang tingin. Nahinto naman ako dahil sa kaniyang sinabi. That's right. When I was still minor, I keep on waiting for me to turn 18 but when I did, hindi ako akalaing pagsisisihan ko ang pagmamadali ng oras.

"Osiya, magsi-alis na kayo," ani Lola sa kanila nang matagal-tagal din siyang sinermonan.

"Manang?" nagtatakang tanong ng batang ako sa akin.

"Sasama ako, Hija. Tutulungan kitang mag-retouch," sambit ko kaya agad na nanlaki ang mga mata niya.

"Manang!" reklamo niya na napanguso pa sa akin. Natawa na lang naman si Lola.

"Isama mo na si Manang, mukhang bored na rin dito sa bahay," sambit niya. Lola's really good with everyone. Lumabas naman na kami ng bahay habang patingin-tingin silang tatlo sa akin ni Lisa.

They randomly talk about something hahabang nakikinig naman ako sa mga ito. Napapatawa rin kapag naririnig ang mga kwento nila tungkol sa classmate at funny experience no'ng college. I miss everyone. Good old days...

Huminto kami sa tapat ng isang agency. Nakaramdam ako nang kakaibang excitement. I thought I'll never feel this way again. Well, this is the start of my career. Dito ako nakilala.

"You know what, hindi naman sa pagyayabang pero makukuha si Hati rito," nakangisi kong saad sa kanila. Nagkatinginan naman sila bago nahihiyang napatikhim si Hati.

"Manang, audition pa lang po," aniya na napanguso pa habang nahihiyang nag-iwas ng tingin. Ang humble ko pala noon.

Nang pumasok kami sa loob ay kita ko agad ang mga naggagandahang modelo sa harapan ko. Nakita ko na ang mga ito noon subalit hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha. They have the body and face.

Napatitig naman ako sa batang ako nang makita siyang ngumingiti sa mga taong nakakasalubong. Ang ganda ko pala talaga noong kabataan ko. Ang freckles ay lalo pang nadepina sa make up na hindi gaanong halata. Nang ngumiti'y bahagya pang namangha dahil kumpleto pa ang ngipin at ang dimple ay malalim.

Talaga ngang humuhupa ang ganda ng tao. Tinititigan ko ang sarili sa salamin. Hindi na kasing kulay ng porselana ang balat. Naging tan simula nang manirahan sa Panay. Kulubot na rin ang balat at hindi na kasing saya niya kung ngumiti.    

Ang ganda mo, Hati? Paano ka nga ba tumandang dalaga kung ganiyan kaamo ang mukha mo?

Unti-unting nawala ang ngiti mula sa mga labi ko dahil doon. Iniwas na lang din ang mga mata nang mapatingin sa akin si Hati at nakangiting kumaway sa akin. Nginitian ko lang siya pabalik.

Lumabas na lang din ako at bumili ng inumin because I know that they'll need it. I also bought ice cream for Lisa dahil paniguradong bad mood ito kapag in-announce kung sino ang kukunin.

Patawid na ako nang makita ko si Hati na siyang nasa labas habang palinga-linga.

"Manang!" malakas niyang sigaw nang makitang patawid na ako.

"Bakit?" nagtataka kong tanong nang tuluyang makalapit sa kaniya.

"Pinag-alala mo po ako!" reklamo niya na napayakap sa akin.

"Huh? Bakit?" Naguguluhan ko pa siyang tinignan.

"They said may naaksidente sa labas! I thought it was you lalo na't sinabi ni Cia na lumabas ka raw po!" sambit niya na nakahawak pa rin sa kaniyang dibdib tila ba hanggang ngayon ay naninikip pa rin 'yon.

"Ayos lang ako," nakangiti kong saad subalit nanatili pa rin ang tingin niya sa akin. Sa huli'y napasabunot na lang sa kaniyang buhok.

"May audition ka pa. Na-missed mo na!" hindi ko mapigilang sambitin lalo na't nang makita ang orasan.

"It's fine po... There's so many opportunity out there," saad niya na nag-iwas ng tingin. I know that she's the type of person who will do things for someone she cares about subalit tao rin ito kaya naman manghihinayang pa rin sa mga nasayang na oportunidad. And knowing her? I know how hard she chase after her dreams.

Nang mabalitaan niya na si Lisa ang nakuha. She smile genuinely at her. Alam kong talagang masaya siya lalo na nang yakapin niya ito but I know her for sure. Siguradong kahit paano'y mayroong panghihinayang at kakapiranggot na inggit sa kaniya.

I don't know if it's a good thing because Lisa is already one step away from her dream so she won't need to feel jealous about the young me. So she won't need to go do things she hates for money and fame. She won't need to do that.

"May binake na cheesecake ang Lola mo," nakangiti kong saad kay Hati kaya nilingon niya ako.

"And if you want I know a street gig runaway that will peak someone's attention," mahina kong bulong sa kaniya kaya agad siyang napatingin sa akin.  

Naalala ko kasi noon na mayroong sumikat na street runaway dito sa Manila after kong makuha sa Clouds.

"Can I be your make up artist for that one? And your fashion designer," tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.

"Wait, so you really graduated from college, Manang?" tanong niya sa akin.

"Yes?" naguguluhan ko ring sagot. Hindi ko alam kung anong alam niya tungkol sa akin.

"Anong pangalan ko?" Akala nito'y nagbibiro ako kaya hindi niya maiwasang matawa.

"Seryoso po?" natatawa niya pang tanong.

"Hati but because we have the same name you said we should call you Hate po?" tanong niya sa akin.

"Manang Hate," aniya pa kaya nanatili ang tingin niya sa akin.

"Paano ako napadpad sa inyo?" tanong ko.

"I don't know po. Ang sabi ni Lola since I was young you're already there," sambit niya kaya napakamot na lang ako sa aking ulo.

"Manang, may amnesia ka ba? Dementia? Ano? Should we go to the hospital? Pacheck up ka na po kaya?" naguguluhan niya pang tanong sa akin. Umilimg naman ako roon.

"Tara na," sambit ko sa kaniya nang makitang papasok na ang taong gusto kong ilayo sa landas ni Hati. Napatingin pa siya sa tinitignan ko kaya mas lalo naman akong humarang. Sa huli'y napasimangot na lang ito at hindi na sinubukan pa.

"Tara na po, Manang," aniya na nakangiti na ngayon at malapad pa ang ngiti nang sumabay kay Marco at Lisa. Umakbay pa siya sa dalawang 'to habang maligalig na nangongotong kay Lisa na manlibre ito.

"Shut up, Hati," natatawa niyang saad kay Hati nang mang-asar pa ito na ito na ang tamang panahon para umamin kay Marco. This idiot. She knows that it will put pain on her pero sa huli'y ginagawa pa rin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro