Chapter 30
Chapter 30
Luwalhati’s POV
“Manang?” Bakas sa mukha ni Marco ang pagtataka habang nakatingin sa akin.
“Manang, bakit po?” nagtatakang tanong sa akin ng isang babae. Halos atakihin ako sa puso nang makita ko ang isang batang babae na kamukhang-kamukha ko noong mga panahong bata-bata pa.
Nanatili lang naman ang tingin ko sa kaniya. Ni hindi ako makagalaw sa kinauupuan. I don’t know what’s going on subalit napatayo na lang ako bago siya nilapitan.
“Are you real?” naguguluhan kong tanong na hinawakan pa ang pisngi nito. Kunot naman ang noo niya sa akin at mukhang nawiweirduhan subalit ganoon din ako.
“Sino ka?” tanong ko sa kaniya kaya tinawanan niya ako. Kuhang-kuha pati ang tawa ko.
“Si Manang naman! Sino pa po ba? Si Hati po! May amnesia ka ba, Manang? True po ba talaga ‘yon?” sunod-sunod pa ang tanong niya. Kamukhang-kamukha ko siya. Kuhang-kuha niya rin ang pagsasalita ko. Sa kagustuhan ko bang magkaanak ay napapanaginipan ko na ito?
“Kurutin mo mga ako,” ani ko kaya nanlaki ang mga mata niya.
“Nako, Manang. Baka gusto mo lang pong umalis dito, ah? Tapos ang sasabihin mo’y sinasaktan ka ng amo mo po!” aniya pa sa akin na naniningkit ang mga mata.
“Kurutin mo na lang, dami pang sinasabi.” Nanlaki naman ang mga mata niya dahil do’n.
“Marco, si Manang ang nagsabing kurutin ko siya, ah?” sambit niya pa kay Marco na nagtataka lang na nakatingin sa akin. Ginawa niya ngang kurutin ako. Saktong paglabas ng taong hindi ko inaasahang makikita pang muli.
“Hati! Anong ginagawa mo! Hindi kita pinalaking ganiyan!” sigaw ng isang tinig. Agad kong nakita si Lola Marga na mabilis na nagtungo sa gawi namin at natataranta pa nang lumapit sa amin. Mas lalo naman akong natulala lang makita ko ang lola ko.
“Ano? Anong problema? Anong nangyari? Aba’t, Hati, hindi na tama ‘yang ginagawa mo!” galit na saad ni Lola Marga habang nakatingin sa gawi namin. Sa isang iglap ay bumuhos ang luha mula sa mga mata ko. Dahan-dahan akong lumapit dito.
“I didn’t do anything, Lola! Manang is acting weird!” anito na napanguso pa habang nakatingin sa akin.
“Lola ko,” ani ko na niyakap siya nang mahigpit. My grandma died from heart attack when I was 18. Simula noon ay hindi ko na siya nakita pa. Now, she’s here… If this is a dream I don’t want to wake up. Kahit gaano na katagal araw-araw ay naalala ko pa rin ito.
“Lola, sorry po. Sorry po sa lahat. You’re right all along… May mga desisyon ngang hindi ko ba maitatama pa… May mga desisyon na pagsisisihan ko but still I need to live with it… I realize that you’re really right sa mga turo mo,” sambit ko na humagulgol ng iyak sa kaniya.
“Lola, sorry po… Nahal na mahal kita,” ani ko na walang humpay sa paghikbi.
“Sabi sa ’yo, Lola! There’s really something wrong with Manang!” sigaw ng batang kamukha ko habang nakatingin sa akin.
“Manang, ayos ka lang po ba?” tanong ni Lola sa akin.
“Anong problema, Manang?” naguguluhan pa nitong tanong. Maski ako’y gulong-gulo na rin sa buhay ko kaya quits lang.
“Gusto mo bang dalhin ka namin sa hospital?” tanong pa nito sa akin. Nanatili lang naman ang tingin ko sa kaniya. Ang luha’y hindi pa rin humihinto sa pagtulo hanggang ngayon. Those eyes… I miss that so much.
“Can I hug you again, Lola?” tanong ko sa kaniya. Naguguluhan man, hinayaan niya na lang ako. Ang sarap nang yakap ng Lola.
“Magpahinga ka muna ngayong araw, Manang. Ako ng bahala sa ’yo,” aniya sa akin.
Hindi ko naman nasundan pa ang sinasabi nito sapagkat naglilibot na ang mga mata sa paligid. I can’t help but to look around. Nakakamiss talaga ang bahay naming ito.
Tinitignan ang mga litrato ko rito ang ilang family picture namin nina Lola samantalang sa bahay ko’y wala man lang akong kahit isang maisabit na litrato. Napangiti na lang ako nang mapait doon.
Nahinto naman ako nang mapatingin sa salamin. It is still my face but why am I here? And why do they keep on calling me Manang?
Buong araw atang hindi ako makapaniwala habang pinagmasdan ang buong bahay.
“Manang, baka gusto niyo munang magpadala sa hospital,” sambit sa akin ni Lola sapagkat hindi ko siya nilulubayan. Sunod lang ako nang sunod dito dahil hindi rin makapaniwala habang nakatingin sa kaniya ngayon. Ayaw kong pumikit sa takot na baka nanaginip lang talaga ako.
“Hindi pa rin ayos si Manang, Lola?” tanong ng batang babaeng kamukhang-kamukha ko.
“Ganiyan na ganiyan ako no’ng kabataan ko,” sambit ko sa kaniya kaya kita ko ang titig niya sa akin. Mayamaya lang ay natawa rin ng mahina.
“Manang, lagi ko na po ‘yang naririnig sa ibang tao,” natatawa niyang saad na napailing pa.
“Manang! Bakit ganiyan po kayo makatitig?” tanong niya pa na sinubukan pang pakurapin ako. Nakita ko pa kung paano siya lumapit kay Lola at bumulong dito.
“Magtigil ka nga riyan, Luwalhati,” ani Lola. Hindi ko naman mapigilang isipin na ako ang tinawag nito.
“Kain na tayo, Manang,” tawag nila sa akin. Nakaayos na ang hapag. Hindi ko naman maiwasang samaan ng tingin ang batang ako nang makita siyang abala sa pagtitipa sa kaniyang cellphone kaysa ang kausapin si Lola.
“Manang, natatakot na po talaga ako sa inyo,” aniya na tinakpan pa ang mukha subalit nakasilip pa rin naman habang nasa akin ang tingin. Hindi ko mapigilan ang mapailing habang tinititigan siya.
“You should enjoy talking with your grandma instead of doing nonsense things,” malamig kong saad sa kaniya. Para ko ring pinagsasabihan ang aking sarili. Ito ‘yong mga bagay na pinagsisihan ko rin noon.
“This is not nonsense po! It’s a step for me to my dream to be a runaway model,” aniya na nakanguso habang nagpapaliwanag.
“Hayaan mo na lang siya, Manang, alam mo naman na ang isang ‘yan. Hindi hihinto hangga’t hindi nakukuha ang gusto,” natatawang saad ni Lola. Kita ko ang ngiti sa mga labi niya habang pinagmasdan ang batang ako. Napangiti na lang din ako roon dahil totoo namang ganoon na ganoon ako no’ng bata-bata subalit nang tumanda’y napagtanto rin na may mga bagay rin pala talagang hindi mo makukuha kahit anong pursige mo. May mga bagay na hindi aayon sa ’yong kagustuhan.
Nanlaki ang mga mata ko nang magsimula siyang magkwento tungkol sa audition niya sa Clouds.
“What? Bukas ang audition mo?” naguguluhan kong tanong.
“Yes po?” nagtataka niya namang tanong kaya napatitig ako sa kaniya bago napatingin sa kalendaryo. 2015. I’m really back in 2015? Seryoso ba ‘to? Baka naman joke time lang?
Hanggang sa paghuhugas ng pinagkainan ay tulala lang ako habang iniisip na bukas ang audition ko sa Clouds. Teka… Kung bukas ang audition ko sa Clouds edi ngayon ko makikilala muli si Maurice?
Napaawang ang labi ko bago inayos ang ilang nahugasan na.
I shouldn’t meet him. Kung makikilala ko siya’y mananatiling ganoon ang buhay na mayroon ako.
Agad kong inabangan ang sarili sa labas. Alam kong tatakas na naman ito ngayong araw.
“Pst,” tawag ko nang pasimple pa siyang tumitingin-tingin sa kaniyang gilid. Napahawak naman siya sa kaniyang dibdib nang makita ako.
“Manang!” aniya na nanatili ang hawak doon. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil do’n.
“Saan ka pupunta?” tanong ko.
“Diyan lang po, Manang, maglalakad-lakad lang,” saad niya sa akin kaya nanatili ang titig ko sa kaniya.
“Lokohin mo na lahat, huwag lang ang sarili mo. Susunduin ka nila Lisa at magtutungo kayo sa bar,” ani ko kaya napatingin siya sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Napahawak pa siya sa kaniyang labi bago ako pinanliitan ng mga mata.
“Don’t tell me you’re stalking me, Manang?” tanong niya na tila ba hinuhuli ako.
“Why would I? Lalo na kung alam ko naman na lahat tungkol sa ’yo?” natatawa kong tanong kaya nanlaki na naman ang mga mata niya. Kung makahugot pa ng hininga’y akala mo’y may napatay ako. She’s so dramatic. Ganiyan ba ako noon?
“Manang, you’re creeping me out, ah,” aniya na umatras pa sa akin kaya nailing na lang ako at bahagyang natawa. I didn’t know that talking to myself is kinda entertaining.
“Umuwi ka na, Ineng. Minor de edad ka pa lang at ang lakas na ng loob mong magparty party na ganiyan, wala ka namang mapapala,” sambit ko sa kaniya kaya napanguso siya. Mukhang wala na agad balak sundin ang sinasabi ko. Nailing na lang ako dahil ako nga pala ‘yan. Hindi talaga nakikinig hangga’t hindi niya nararanasan. Kapag pinagbawalan? Mas lalo pang susubukan.
“Matulog ka na lang at magpatangkad,” sambit ko sa kaniya. Kita ko naman ang mahinang pagpadyak niya. Napatawa ako dahil paniguradong naiinis na.
“Manang, matulog na lang po kayo. Huwag na po kayong magpa-stress sa akin. Hindi naman po kayo madadamay kapag napagalitan po ako ni Lola hehe.”
“Sasama ako sa’yo kung ganoon,” ani ko kaya agad na nanlaki ang mga mata niya.
“Manang?!” malakas na sigaw niya. Eskandalosa ba ako noon?
“Ano?” tanong ko na nakataas ang kilay.
“Tara kung ayaw mong umuwi,” sambit ko. Agad naman siyang nanakbo dahil hinaharangan ko siya. Kulang na lang ay mag-acrobatic ito sa pagmamadali. Lahat talaga’y gagawin para lang sa party.
“Akala mo ata’y porket 61 na ako’y hindi ko kayang makipaghabulan sa ’yo,” ani ko na alam kung saan siya magtatago. Nanlalaki naman ang mata niya nang mapatingin sa akin.
“Manang!” reklamo niya na nangingilid na ang luha sa frustration. Sa huli’y nagmatigasan lang kami. Wala rin siyang nagawa kung hindi ang isama ako.
Nang makita si Ren at Lisa’y hindi ko naman mapigilan na dambahin sila ng yakap.
“Namiss ko kayong dalawa,” sambit ko na parehas pang ginugulo ang mga buhok nito. Hindi rin naiwasan pa ang maluha nang makita si Lisa. Pabalik-balik naman ang tingin nila sa akin at sa batang ako. Kita ko pa ang pag-uusap nila gamit ang mata. Akala mo naman ay hindi ko maiintindihan.
Nagbulungan pa ang mga ito kung paano nila magagawang paalisin ako. Nakatitig lang naman ako kay Ren at Lisa. I miss them both so much.
Napatawa pa ako nang tumikhim ang mga ito. Nanatili lang ang mga mata ko sa bintana at nagkunwaring hindi sila nakikita.
“Manang, baka mapagod lang po kayo roon,” sambit nila sa akin. Pinagtaasan ko lang naman ang mga ito ng kilay.
“Ayos lang,” sambit ko kaya kita ko ang pagpikit nila. Mayamaya ay nakarating na kami roon.
“Pumasok na kayo. Dito muna ako sa labas,” sambit ko nang may maalalang gagawin. Tinignan naman nila ako bago sila nagkatinginang tatlo.
Kinuha ko naman ang silk hermes tower ni Ren na siyang pinahiram niya sa akin kanina. Maski ang shades ay kinuha ko rin. Pinauna ko silang pumasok bago sinuot ‘yon at pumwesto rito sa labas.
Nang makita ang sasakyan ni Maurice ay agad akong napadiretso ng tayo. Hinintay ko naman na makalabas ito mula sa kaniyang sasakyan.
Unang lumabas ay si Daniel na inaayos pa ang buhok. Naweweirduhang napatingin sa gawi ko bago dire-diretsong pumasok sa loob.
Mayamaya lang ay lumabas mula sa kotse niya si Maurice habang pinaglalaruan ang susi ng kaniyang sasakyan.
Nabato-balani ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko mapigilan ang luhang bigla na lang ding kumawala sa akin. Kung nanatili lang sana ang pagmamahal niya… sana’y hindi na lang niya ako sinanay na nasa tabi ko siya. Napangiti na lang ako nang mapait. Wala na rin namang saysay pa ang panghihinayang.
What I need to do is to let Hati handle her own life. May makikilala pa naman siguro siyang bago kahit hindi kasing gwapo, talino, bait at sarap magmahal ni Maurice. ‘Yong hindi siya iiwan. ‘Yong hindi siya hahayaang mag-isa.
To my 17 years old self. I know you’ll understand what I'll do… Someday, you’ll thank me for doing this.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro