Chapter 3
Chapter 3
Luwalhati's POV
"Hi, nandito ka pala!" nakangiti kong bati sa kaniya nang humupa ang mga tao dahil naglakad na siya paalis at naharang ko lang.
"Anong ginagawa mo rito? Nag-audition ka rin ba? Feeling ko hindi bagay sa'yo maging modelo," ani ko na tinignan pa siya.
"I don't plan to be one," iritado niyang saad.
"Mas bagay sa 'yong maging boyfriend ko." Tumawa pa ako kaya nanatili ang malamig niyang tingin sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang mapanguso nang lalagpasan niya na sana ako.
"Joke lang naman! Ang gwapo mo! Baka kapag kapasok pa lang sa loob ay desidido na agad sila," ani ko. Napatitig pa ako sa kaniya ngayon. Ang liwanag ay natural lang, hindi katulad ng ilaw sa bar. Mas gumwapo pa siya sa mga mata ko.
"Mukha kang greek god!" natutuwa ko pang saad subalit mukha siyang walang balak na pansinin ako.
"Congrats, Hati!" ani Lisa na agad na yumakap sa akin nang makita ako. Ngumiti naman ako sa kaniya at nagpasalamat. I don't really know how to bring it up kung sakali. I just don't want her to feel bad.
"Ang galing mo talaga," aniya na ngumiti pa sa akin.
"Thank you, Lisa," ani ko na nginitian din siya.
"Deserve na deserve mo naman kasi talaga!" aniya kaya ngumiti lang ako. Binati rin ako ni Marco. Isang ngiti lang ang iginawad ko. Nawala na rin naman sa mga mata ko si Maurice dahil ginamit niya ang tiyansang 'yon para makawala sa akin.
Nang makauwi ako'y proud na proud sa akin si Lola. Agad na naipagmalaki sa mga amigas niya. Natatawa na lang naman ako habang kumakain ng cheesecake.
After that, dahil sa pagkuha ng Clouds sa akin, bumuhos ang suporta mula sa mga tao. Ilang libo ata ang nadagdag sa followers ko sa IG at mayroon ding kumukuha sa maliliit na brand which is tinatanggap naman ni Cia dahil sayang din 'yon.
"Come on, ngayon na lang naman ulit ako lalabas," reklamo ko kay Cia na siyang pinagbabawalan akong magtungo sa bar.
"You're still 17, Hati! May pangalan ka nang binubuo!" aniya sa akin.
"18 na ako next next month!" reklamo ko dahil 18 naman na talaga ako sa Dec. 10.
"Ah, basta, hindi! Baka mamaya'y maissue ka pa riyan! Sayang ang ilang projects mo!" aniya sa akin.
Alam niyang pasaway ako kaya talagang binantaan niya rin si Ren subalit dahil nga matigas ang ulo, si Lisa ang niyaya ko na siyang gora lang naman. Hindi kami sa bar na madalas naming puntahan dahil paniguradong mawawarla ako ni Cia.
It was also an average bar. Ngayon na lang naman ako lumabas dahil ngayon lang nagkaroon ng oras. I just really want to rest. We party all night. Si Lisa ay nakailang shots ata. She's already 18 kaya naman puwedeng-puwede na.
"Tama na 'yan," ani ko na tumawa pang inagaw sa kaniya ang alak na tinutungga niya.
"You know, I really want to confess to Marco... I really really like him..." bulong niya sa akin. Lasing na lasing na. Pulang-pula na rin ang mukha at hindi na gaanong makamulagat.
"Come on, iuuwi na kita," ani ko.
"No, I want to go to Marco's house!" sigaw niya kaya napailing na lang ako at natawa na lang din nang mahina.
"Do that tomorrow then," ani ko.
"I want to do it now."
"I won't go home unless I see him." I don't want to her to regret anything after this night kaya naman hindi ko siya hinayaan na tawagan si Marco. I want her to he completely sane kung sakali mang may masabing kung ano.
"I won't go home," aniya na umiling-iling pa. Kahit anong pilit ko'y ayaw niyang nagpatinag kaya sa huli'y tinawagan ko rin si Marco para sunduin kami.
Baka dito na kami matulog kung sakaling hindi ko pa gagawin. Napailing na lang din ako. Wala pa namang kalahating oras ay narito na siya. Nagtataka ang mga mata habang nakatingin sa amin. Tumawa naman ako dahil halos hilain ko si Lisa para umuwi.
"Marco!" sigaw ni Lisa at humagikhik pa kaya natatawa kong tinignan si Marco.
"I'm really sorry to call you this late. Lasing na lasing na si Lisa. Ayaw umuwi," ani ko.
"It's fine, tara," aniya na hinawakan si Lisa bago binuhat. Pinanood ko lang naman siya nang gawin 'yon. Napaawng pa ang labi nang makitang ikinawit ni Lisa ang mga kamay kay Marco habang nakatitig sa mga mata nito.
"I think I need to go to the bathroom," ani ko na ngumiti lang. Bago pa ako maglakad palayo ay nakita ko kung paano maglapat ang labi nila. Ramdam ko ang pangingirot ng puso.
Nang nasa cr na'y tinext ko lang naman si Marco na hindi ako sasabay at magtataxi na pauwi. Ilang text ang natanggap mula sa kaniya na sinasabing sumabay na subalit hindi ko na pinansin pa.
Marco:
Let's go home. Baka mag-alala pa ang Lola mo sa 'yo.
Hindi niya naman alam na nandito ako.
Marco:
You shouldn't stay there. Baka mapahamak ka pa.
Marco:
Fine, stay there for while. Babalik ako. Ihahatid ko lang si Lisa.
Imbes na magpatuloy pa sa pagpaparty. Lumabas na lang din ako at naupo sa tapat ng kalsada. I don't really know why but I did wait.
Marco:
I'm sorry. Ayaw bumaba ni Lisa. Baka matagalan ako. Can you send me the plate number of the cab?
Napangiti na lang ako nang mapait doon habang pinagmamasdan ang mga daliri ko.
"Of course, sino ba naman ako para sunduin niya?" Natawa naman ako sa pinagsasabi sa sarili para lang mapagaan ang loob. Nababaliw na nga talaga ako.
Nahinto naman ako sa naiisip nang may tumapat sa harapan ko. Unti-unti akong napangiti nang akala'y si Marco na 'yon subalit nawala rin nang makitang si Maurice 'yon. Wait, Maurice? Ang nawalang ngiti ay bumalik at kumaway pa sa kaniya.
"Hi," bati ko.
"Tabi," malamig niyang saad. Napanguso naman ako dahil nakaupo nga rito sa tapat subalit ang lawak ng daan para lang mang-istorbo siya. Hindi naman siya umalis doon at nanatili pa ang taas ng kilay sa akin. Sa huli'y napatayo na lang din ako.
Napatingin pa ako muli sa kalsada bago ako sumunod sa papasok na si Maurice.
"What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.
"May nag-imbita ulit? Bakit hindi mo kasama ang mga kaibigan mo?" sunod-sunod ang tanong ko habang nakasunod din sa kaniya. Nilingon niya naman ako at pinagkunutan ng noo.
"What is it for you?" malamig niyang tanong.
"Mag-isa mo?" tanong ko pa dahil dumeretso siya sa bartender. Nagawa ko pang tumabi sa kaniya. I won't waste my time getting broken hearted because of someone I like.
"Mag-isa ko lang din." Ako na mismo ang nagkwento dahil hindi siya nagtatanong. Kinausap niya lang ang bartender at hindi man lang ako binalingan ng tingin.
"May kasama ako kanina kaya lang nalasing. Inuwi na no'ng crush ko," pagkukwento ko. Salubong lang ang kilay niya at mukha namang hindi nakikinig sa akin. Hindi naman ako napagtinag doon. Magmatigasan kami. Tignan natin kung sino ang unang bibigay.
"He said na babalikan niya ako rito but I doubt that. Baka busy na 'yon do'n," ani ko. Nakatingin lang siya sa martini niya na wari'y may ginawa ito sa kaniyang masama. Napatingin din naman ako roon. Sa huli'y um-order din ng para sa akin dahil nakakatakam pala 'yon. I don't really drink that much. Ang habol ko lang naman dito'y ang party.
Napangiwi naman ako sa pait bago ko ibinaba. Kita ko naman ang panonood niya sa akin, sa huli'y pinagtaasan pa ako ng kilay.
"May anggulo ba na pangit ka? Sarap siguro kapag paborito ka ng Diyos, no?" tanong ko sa kaniya habang nakangiti. Inirapan niya naman ako bago sumimsim sa kaniyang inumin.
"Anong type mo sa babae?" tanong ko.
"Pasok ba ako riyan?" Humalakhak pa ako bago umayos ng tindig. Pinagkunutan niya naman ako ng noo bago inirapan.
"You just said earlier that you have someone you like," malamig niyang saad.
"Main crush ko lang 'yon. May sub crush pa naman," ani ko na ngumiti pa sa kaniya. Kita ko naman ang pagsimangot sa mukha nito. Kanina pa naman siya nakasimangot lalo lang talaga ngayon. Tila may gusto siyang sabihin subalit tikom lang ang bibig.
"You mean to say that I'm just subtitute for your main fucking boy?" Mukhang hindi na napigilan pa ang magtanong.
"Depende siguro. Kapag nakita kita madalas baka ikaw na main," ani ko na nag-isip pa. Well, for the past month ay wala naman kasi akong naging kalandian kaya dalawa lang ang crush ko ngayon. Marco and him. I don't even know kung crush lang ang kay Marco.
"Pero baka ikaw lang pala ang crush ko. I like Marco. I think what I feel about him is more deep?" patanong na saad ko. Hindi rin talaga sigurado. Kita kong salubong lang ang kilay niya habang nakatingin sa baso ng alak na hawak. Magsasalita pa sana ako nang makita si Marco na papalapit sa gawi namin.
"Hey," bati ko rito bago ngumiti. Napatingin naman siya sa katabi ko na malamig din siyang tinignan.
"Uwi na tayo. Uminom ka pa? Lagot ka kay Lola kapag naamoy ka niyon," aniya sa akin na napatingin sa martini na nasa tapat ko.
"Kaunti lang. Sige, uwi na tayo," ani ko na ngumiti. Nilingon ko naman si Maurice na siyang hindi na nakatingin.
"Uwi na kami, Maurice. Thank you for keeping me company!" ani ko kahit mukha namang labag sa loob niya na kausapin ako. Ngumiti pa ako sa kaniya nang pasadahan niya ako nang tingin. Kumaway na rin ako bago kami umuwi ni Marco.
That's the last time I saw him for that month. Masiyado na rin kasi akong naging abala sa mga photoshoot at madalas pagod nang umuwi sa bahay. Madalas ay nakakatulugan ko na agad.
"As long as hindi nakakaapekto sa pag-aaral mo ayos lang," paalala sa akin ni Lola dahil nagkukwento ako sa mga nadagdag na project.
"Nakakaapekto naman sa pagfafangirl ko, La," reklamo ko dahil hindi ko na-meet ang gimme 5 dahil may biglaang pictorial. Hindi na rin gaanong updated sa exo. Tinawanan lang naman ako ni Lola dahil sa sinabi.
"Punta na po ako, La, bye!" nakangiti kong saad bago siya hinalikan sa pisngi. Sinusundo na ako ni Cia para sa photoshoot sa Clouds.
Nang makarating kami roon ay inayusan na rin ako ni Mae, ang make up artist ko. Sa ilang buwan na ang daming shoots na naganap, kanailangan na rin namin ng make up artist kaya kumuha na si Cia. Kaibigan niya si Mae kaya madali lang din pakisamahan.
Mabilis lang akong nag-ayos dahil tinawag na rin agad. Natural na natural naman akong ngumiti sa camera.
"You're really made to be a model, Hati. Ang natural lagi kapag ikaw na 'tong kinukuhanan!" sambit sa akin ni Cia.
"Bolera ka, Cia," natatawa kong saad.
"Ako lang 'to," sambit ko pa kaya napailing na lang siya sa akin.
Hindi naman kami nagtagal dahil madali ko namang nasusundan ang gustong mangyari ng photographer. Nang matapos ay tumayo na rin kami minor artist ako sa isang shoot. Palabas na kami ng Clouds nang makita ko si Maurice na siyang naka-uniform pa. Ang alam ko'y nag-aaral pa ito. He usually in his casual clothes kaya hindi ako sanay na makita siyang nakauniform pero hindi rin maitatanggi na ang gwapo at ang lakas din ng dating niya.
Nang madaan ako ng mga mata niya. Agad ko siyang nginitian. Nagawa ko pang lumapit para lang purihin siya.
"Ang gwapo mo rin pala kapag naka-uniform? Anong year ka na?" tanong ko.
"So you have the guts to talk to me again when you confess to me what you feel for that boy last time we saw each other," malamig niyang saad sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro