Chapter 29
Chapter 29
Luwalhati's POV
"Lola Hati!" tawag ni San sa akin. Malapad siyang ngumiti at kumaway.
"Mamalengke po kayo?" tanong niya kaya tumango ako.
"Pupuwede po ba akong sumama?" tanong pa niya kaya nilingon ko siya.
"Paniguradong pagagalitan ka ng Lola at Mama mo," ani ko dahil hindi gusto ng mga tao ritong nakikita nila ang anak na kasama ako.
Napanguso naman ito at napakamot sa kaniyang pisngi.
"Bibilhan na lang kita ng pasalubong," saad ko kaya napatango siya.
"Sige po, Lola!" maligalig na saad niya.
"Ingat po kayo!" nakangiti niyang saad bago kumaway sa akin. Nginitian ko lang din siya bago nagpatuloy sa paglalakad.
Pinagmasdan ko lang ang dagat habang naglalakad patungo sa bayan. Ang esmeralda na may halong asul na karagatan ay nakakatunaw ng mata.
Napangiti ako nang may makitang mag-asawang nagtatakbuhan sa dalampasigan habang buhat-buhat ang isang batang babae. Unti-unti namang nawala ang ngiti sa aking mga labi nang may mapagtanto at maalala. Napaiwas na lang ako nang tingin dahil naalala na naman ang dapat kinakalimutan na.
Maurice.
I still vividly remember how he promise me that we will have our own family together but maybe he already made one with someone else.
Hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko pa rin pala talaga ang mga pangako niyang hindi na natupad pa.
When he told me he doesn't love me anymore, It didn't end there. I tried again. Baka kasi pupuwede pa pero magigising ka na lang pala isang araw at matatauhan na wala na talaga, na hindi na pagod ka na at masiyado ng masakit.
After I finally broke up with him. Lahat tinalikuran ko na. Nagtungo sa Haiti for two months. It's really hard that time. Talking to people and the part wherein I don't want to live anymore. Ayaw ko nang magpapasok ng tao buhay ko at lumapit muli sa Peru. Palipat-lipat ng lugar.
That's make me alive. Having a new environment, finding new hobbies. Masakit pa rin pero parang nasasanay na mag-isa na lang.
Nang hindi na rin kaya pang magtravel, bumalik na lang sa pilipinas. Dito rin pala talaga ako dadalhin ng mga paa ko. Ilang taon na ako rito sa Panay. Tahimik at payapa lang ang buhay.
Wala akong balita sa mga taong naging parte ng buhay ko. Sina Ren at Marco, hindi ko alam kung nasaan sila. Si Maurice at ang pamilya ni Tita? Ang huling balita ko lang ay ang tuluyang pagbagsak ng Clouds. Simula noon ay wala na.
Hindi ko na rin sinubukan pang alamin dahil takot akong masaktan na totoo ngang nakahanap siya ng iba samantalang ako'y narito sa isang isla habang hindi pa rin nakakalimutan ang pagmamahalan naming dalawa. Na hanggang ngayon pinanghahawakan pa rin bawat pangakong narinig sa kaniya. Na tumanda na't lahat-lahat, hindi pa rin siya napapalitan.
Siguro'y kaya madalas akong ganito mag-isip dahil inggit na inggit sa mga tao sa paligid ko. Isa pa naman sa nakikinita kong mangyari sa hinaharap ay ang magkaroon ng anak at apo but I ended being alone.
Nang matapos ako sa pamamalengke'y bumalik na rin ako sa bahay ko. Agad naman akong sinalubong ng mga bata sa dalampasigan.
"Lola Hati!" nakangiti nilang saad. Nginitian ko naman ang mga ito bago ginulo ang mga buhok.
"Nandito na naman kayo, tanghaling tapat ay nasa arawan kayo," saad ko sa kanila.
"Naghahanap po kami ng shell, Lola!" nakangiti nilang saad sa akin.
"I found you one, Lola!" nakangiting saad nila na inabutan pa ako. Hindi ko naman mapigilan ang ngumiti bago tinanggap 'yon. Inabutan ko rin sila ng mansanas na pinamili.
"San! Bakit nandiyan ka na naman? 'Di ba't sinabi ko na sa'yong umuwi ka?" Nagmamadaling lumapit ang ina ni San bago kinuha ang mansanas na hawak nito at basta na lang tinapon sa buhangin.
Hindi nito gustong nakikihalubilo ang anak sa akin dahil maraming sabi-sabi na aswang, mangkukulam at kung ano-ano pa ako. Minsan ay natatawa na lang talaga ako sa mga ito.
May mga kapitbahay rin namang nakikipagchismisan sa akin doon kahit anong taboy ko.
Maglalakad na sana ako at magpapatuloy dahil maski ang ilang bata'y nagsialis na nang makita ang isang matandang babae na nakaupo sa gilid. Mukhang mas matanda ng sampung taon sa akin. Hindi ito pamilyar sa akin at mukhang bago lang dito.
"Gusto niyo po ba?" tanong ko sa kaniya na iniabot ang mansanas. Tinitigan niya lang ako bago niya tinanggap 'yon at nagpasalamat sa akin. Pinagmamasdan niya lang ang karagatan kaya hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kaniya. Why does she looks like me? Bakit parang nakikita ko ang mata sa kaniya.
"May problema ka po ba? Nawawala?" tanong ko.
"Wala," nakangiti niyang saad at umiling. Naupo naman ako sa tabi nito bago tinignan ang karagatan.
"I just miss my old life," nakangiti niyang saad.
"Kapag tumanda ka nga talaga'y magbabalik tanaw sa kung sino ka noon," sambit niya bago ako nilingon.
"Sa tingin mo ba'y mababalik ang oras?" tanong niya sa akin bago ibinalik na rin ang mga mata sa karagatan.
"Kung mababalik lang ang oras, marami na sigurong gumawa," nakangiti kong saad.
"Sana..." ani ko at ngumiti.
"You do have so much worry in your life, huh?" sambit niya.
"How I wish I can turn back time too... I'll choose not to meet him... I'll choose not to fall in love with him. I wish I can turn back time and be with Lola's side when she had... her heart attack... And save my bestfriend from pain..." nakangiti kong saad. Ang dami kong regrets. Kung ibabalik ko ang panahon, maybe I should be more focus from the people around me.
Kung hindi ba ako nahulog sa kaniya, may pamilya at masaya ako ngayon?
Napatawa na lang ako sa naiisip. I'm saying nonsense again. Ang totoo'y hindi ko siya gustong makilala dahil malala ang pagmamahal na naparamdam niya. Para bang isang mamahaling alak na nauna mong nalasahan kaya naman nang ipatitikim ang panibago'y hindi mo na gusto.
"I wish for your happiness," sambit niya bago ako tinapik sa balikat. Pinanood ko lang itong maglakad papalayo sa gawi ko hanggang sa tuluyan na siyang maglaho sa aking paningin.
For days, I was thinking about my life without Maurice again. Kapag talaga'y may nakikitang nakapagpaapalala sa akin sa kaniya, hindi na ako matigil sa kaiisip.
"Lola Hati," tawag ni Amihan sa akin. Edad nito'y 18. Ganito rin siguro ako kaganda noong bata-bata ako. Nilingon ko siya habang nagdidilig ng halaman.
"Bakit takot ka pong magpapasok ng ibang tao sa buhay niyo po?" tanong niya sa akin.
"Sabi ni Lola, noong bago ka raw po rito'y kahit may edad na'y pinagkakaguluhan pa rin ng mga kalalakihan," sambit niya na nangalumbaba pa habang pinagmamasdan ako.
"Well, true naman po dahil hanggang ngayon ay naaninag pa rin ang ganda niyo," anito kaya napailing na lang ako.
"Binobola mo ba ako, Amihan?" tanong ko sa kaniya bago siya pinagtaasan ng kilay.
"Hala, hindi po!" natatawa niyang saad at umiling pa. Nangulit lang siya nang nangulit habang pinagmamasdan akong nagtatrabaho.
"Uuwi na po ako, Lola Hati. Baka makurot na ako sa singit ni Mama nito," natatawa niyang saad.
"Ito, idagdag mo sa baon mo para bukas," ani ko na kumuha pa sa bulsa para iabot sa kaniya.
"Nako, huwag na po, Lola! Sobra-sobra naman na po ang baon ko." Hindi ko naman siya tinantanan hanggang sa kunin niya na lang din.
"Thank you, Lola Hati! The best ka po talaga!" aniya na nagthumbs up pa. Napangiti na lang ako nang pinagmasdan siyang umalis.
Siguro kung may apo lang ako, kasing hyper ni Amihan. Paniguradong tuwang-tuwa rin 'yon kapag may perang ipinabubulsa sa kaniya.
Nang matapos sa trabaho'y naupo na lang din sa hardin habang nakatingin sa kalangitan.
Pinagmasdan ko kung paanong maghalo ang kulay kahel, dilaw at rosas mula sa kalangitan. Nakakahanga naman talaga dahil iba't iba sa bawat araw.
Minsan pinaghalong kahel at dilaw. Minsan makikita mo ang kulay ube at rosas. Minsan pula na wari'y naghahamon ng madugong labanan. Minsan kulay asul lang. Subalit iba't iba man ang kulay, isa lang ang patutunguhan. Ang pagkain ng dilim sa maliwanag na kalangitan. Ang pagtatapos.
Same with me. I'm just waiting for my life to end. I just don't find meaning anymore. Tila ba nabubuhay na lang sa paghihintay ng pagtatapos.
Napangiti na lang ako nang makita ang tuluyang pagbaba ni haring araw. Tumayo na rin ako at pumasok sa loob.
Natigilan lang ako dahil katulad sa labas? Madilim din ang bahay. Walang anak na nandito. Walang apo na nakikipagtakbuhan din sa loob. Pawang dilim at lamig lang ang yumakap sa akin.
Dumeretso lang ako sa aking kwarto. Ayaw pang mag-isip ng kung ano subalit binigo rin ako nito bandang huli. Hindi ako agad nakatulog sa pag-iisip.
Napatingin ako sa album na nasa gilid lang ng lamesa. Kahit anong gawin ko'y hindi ko rin talaga magawang buksan ito. I said to myself years ago na babalikan ko ang lahat ng alaalang mayroon ako noon but now... Inggit lang ang mararamdaman ko sa kung sino ako noon.
Napabuntonghininga na lang ako bago bumalik sa pagkakahiga at hinayaan na kainin na lang ng antok.
Nagising kinabukasan na mabigat ang dibdib. I dreamed about having a kids. Ni walang ganang tumayo subalit lumabas pa rin para diligan ang mga halaman ko. Mayamaya lang din ay nagtungo ang mga kapitbahay ko sa amin. Gusto nila rito dahil sa lawak ng hardin.
"Uy, Mars, buti ka pa paupo-upo lang dito samantalang ako'y stress na stress na sa mga anak ko!" ani Gina sa akin. Tinignan ko naman siya roon. I mean that's my insecurity at alam kong alam nila 'yon.
"So, is it my fault na marami kang anak?" tanong ko dahil para bang kasalanan ko pa ang nakaupo sa bakuran ko.
"Hindi naman sa ganoon! Ito naman!" Tumawa pa siya.
"Ang sungit mo talaga! Ganiyan ba talaga kapag matandang dalaga? Dapat kasi'y nag-anak ka para naman hindi ka ganiyan kasuplada! Ang sarap kaya ng may anak at apo!" Nagtawanan pa sila subalit nanatili lang malamig ang tingin ko.
"Oo nga. Ikaw rin ang magsisisi dahil sa taas ng standard mo. Tumanda ka tuloy na mag-isa at walang mag-aalalaga," sambit naman ni Cath.
"Who told you so? Sino naman ang nagsabi sa inyong aalagaan kayo ng anak niyo sa pagtanda? Hirap sa inyo ginagawa niyong investment 'yang mga bata," ani ko na umirap pa. Sa huli'y sila rin ang napikon kaya nagsilayas sa bahay ko. Oh well, I would like to let them go. Hindi ko kailangan ng atribida sa buhay ko.
Naglakad na lang ulit ako papasok sa loob ng bahay na masama ang loob. I also want a child not because I want to be take care for but because I want to take care of someone. Gusto ko rin naman ng maingay na apong mahilig magtakbuhan dito sa loob. I want to spoil them dahil sayang naman ang pera kung hindi.
"I wonder where did I go wrong?" bulong ko sa sarili. Saan nga ba nagsimula? Hindi ko rin sigurado. Or maybe I know. I just denied that it was the case. Regrets came into the picture. How I wish I can change everything.
Umupo ako sa sofa ko at sinindi ang television subalit napaawang ang labi ko nang sa pagsindi'y tila ba nag-iba 'yon. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ng mga mata ko but this was our tv when I was still young.
Crush na, Crush na, Crush kita!
Di mo ba nadarama.
Crush mo rin kaya ako?
Napaawang ang labi ko dahil that was Luv U theme song. Nasa television din 'yon. Tutok na tutok ako habang nanonood. Baka naman nanaginip lang ako? Paano naman magkakaroon ng "Luv U" ngayon? That's imposible. Ang tagal na nitong natapos.
"Hati! Ang tagal mo! Tara na!" Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko. Dahan-dahan akong lumingon doon. Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin kay Marco.
Ang first love ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro