Chapter 28
Chapter 28
Luwalhati’s POV
Naging malamig ang trato namin sa isa’t isa. Hindi na niya na rin sinusubukang manlambing.
“Hija, kain ka na,” nakangiting saad ni Tita sa akin.
“Thank you po.” Sa mga nakaraang araw, naging malamig din ang trato ni Tita kay Maurice. Narinig ko rin na sinasabihan niya ang anak na hindi siya tumatanggap ng manloloko sa pamilya nila.
Nalaman ko rin no’ng nakaraang buwan na sa Sky siya tumatambay. Wala namang babae. I think he’s just really resting his mind. Pakiramdam ko’y sobrang overwhelm na niya sa mga nangyayari ngunit I just hate the fact that he’s lying to me saying na nagtatrabaho siya. Although may trabaho rin naman siya roon but can he tell me everything just like before?
Ni parang wala na lang ako sa kaniya. Para bang abubot na lang sa buhay niya. Naghihintay pa rin naman ako subalit parang pareho kaming nawalan na ng gana. Wala na ‘yong saya kapag magkasama kami. Hindi na kami katulad no’ng dati. Hindi ko alam kung saan kami nagkamali but those month become year. Ni hindi na kami halos nagkikita kahit nasa iisang bahay lang.
I waited for him to open up subalit palala lang nang palala.
“Can’t you see that I’m trying?” Kita ko ang iritasiyon mula sa mga mata niya kaya maski ako’y naging iritado na rin.
“Then you should try harder! Talaga bang sinusubukan mo? Halos sa Sky ka na nga lang tumambay! You probably hiding a whore there! Baka naman may binabahay ka na?” galit kong tanong dahil hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi na ako ang pahinga niya.
“Ito na naman tayo. Kailan ka ba titigil sa ilusiyon mo?” tanong niya na iritado rin ngayon.
“Sinusubukan kong uwian ka kahit na kapag umuuwi rito’y nasasakal na lang!” sambit niya na tinalikuran ako.
“Saan ka pupunta?” tanong ko nang makitang palabas na siya ng kwarto.
“I still have a lot of works to do,” aniya sa akin. Malamig na ang tinig.
“Talaga? Kauuwi mo lang! Aalis ka na naman! Ni hindi ka na natutulog dito!”
“Fine! I’ll go! Nagsasawa na ako sa nakakarindi mong bunganga! Nagtataka ka pa kung bakit hindi umuuwi gayong panay ang dada mo!” galit niya ring saad. Kung noong unang beses kong narinig ay lubusan akong nasaktan subalit sa dalas na naririnig sa kaniya. Parang manhid na.
“I hate you!” malakas kong sigaw nang tuluyan na siyang umalis. Binato ko pa ang hawak-hawak na suklay sa may pintuan habang pinapalis ang luhang kumawala dahil sa frustration na nadarama.
“I hate you…” mahinang bulong ko bago nagtungo sa kama na masama ang loob.
Did we change? Or it’s just our love that changed? I don’t really know.
I used to like it when I’m looking at his eyes subalit ngayon? Sakit na lang ang nararamdaman.
“Hey, Tulala ka na naman,” ani Ren na siyang tambay na sa shop ko.
“Hindi pa rin ba kayo ayos ni Maurice?” Hindi naman ako nagsalita. Alam nilang hindi kami ayos sa lamig din naman kasi ng trato namin sa isa’t isa.
“Ang tagal na niyang away niyo samantalang hindi ka naman niya matiis noon,” ani Ren sa akin kaya agad akong napatingin sa kaniya. Tama siya roon. Mau never fail to talk to me lalo na kapag masama ang loob ko subalit ngayon ay natitiis niya na. Para ngang wala na itong pakialam pa sa nararamdaman ko.
“Did our love fail?” patanong na saad ko.
“Girl, love never fails… maybe it’s you who failed?” Natuahan naman ako dahil do’n.
Right…
Sa mga sumunod na linggo. Ang madalang na pag-uwi ni Maurice ay nagtuloy-tuloy at kung umuwi man ay nagtatalo lang kami.
"Ma'am, may cheesecake po riyan sa ref. Pagkuha ko po kayo?" tanong sa akin ni Bianca, isa sa mga kasambahay namin.
"Ayos lang, Bianca," ani ko na nginitian siya nang tipid.
Didiretso na sana ako patungo sa kwarto dahil sa pagod nang mahinto at mapatingin kay Maurice na nakaupo sa sofa rito sa sala.
“Parang waiting shed mo na lang ang bahay, huh?” puna ko. He is probably waiting for his Mom. Ni hindi na umakyat pa sa kwarto para silipin man lang kung buhay pa ba ako. Ang kalmado niyang mukha’y unti-unting napalitan ng iritasiyon.
“Hindi naman kasi ako nagliliwaliw lang katulad mo. Abala ako,” aniya kaya nahinto ako.
“So ako pa ang masama ngayon?” tanong ko na nakataas ang kilay sa kaniya.
“I can give you all my time! Ikaw ‘tong hindi na umuwi!” Matapang ko ring saad.
“Eat. Mukhang hindi ka naalagaan ng bago mo,” ani ko na itinulak pa sa kaniyang dibdib ang pagkain. Minsan na nga lang umuwi’y parang hindi pa kumakain. Sana naman alagaan niya rin ang sarili.
“Hipokrita ka rin e,” sambit ni Ren na ginawa na talagang tambayan ang L. H.
“What should I do? I hate him but I also hate the fact that I want to save our relationship and heck, I still love him,” ani ko na nag-iwas ng tingin. Napailing naman siya sa akin dahil dito.
“Baka naman ikaw rin ang problema? Maybe you’re putting too much pressure on him? You said na tuwing umuuwi siya’y you always says something to make him go…” Laging sinasabi sa akin ni Ren ito. He’s always rational with his thought na hindi porket kaibigan niya ako’y kakampihan na and most of the time ang mali ko lang naman ang maikukwento sa kaniya.
Talking to Ren makes me realize that I still want to keep him. I still want to go back to the time that we’re both inlove, that we both care with each others feelings. I still want to try.
When he came home that night, hindi ako nanumbat. He didn’t also say anything.
“You can take a bath now. Nakaayos na ‘yon pati ang pajama mo’y nasa kama na rin,” sambit ko kaya nilingon niya ang pajama’ng nasa kama. Tumango naman siya bago nagtungo sa cr.
We sleep peacefully that night without even fighting.
Kinaumagahan, alam kong aalis siya agad kaya maaga akong nagising para magtungo sa kusina at ipagluto siya ng paborito niyang sinigang.
Nang makita si Tita’y kita ko ang kuryosidad sa kaniyang mga mata subalit hindi rin naman nagtanong.
Nang matapos ako’y saktong paalis na rin si Maurice.
“Mau,” tawag ko sa kaniya. Tinignan niya naman ang lunchbox na hawak ko.
“I cooked siningang,” ani ko.
“Thanks,” mahinang saad niya bago ‘yon kinuha sa kamay ko. It was a very peaceful day dahil hindi kami nagtalo man lang na dalawa.
Maski sa mga sunod na pag-uwi nito’y sinubukan ko lang na maging maayos ang tungo namin sa isa’t isa.
Pinigilan ko ang mangiti nang payapa kaming kumain. It’s our first dinner for how many months. Tahimik lang kami pareho. Ang mga nadadaan ding kasambahay ay halos hindi na huminga sa katahimikang bumabalot sa amin.
“I miss us,” mahina kong saad kaya napatingin siya sa akin. Nahinto naman ako nang makitang tapos na agad siya tila ba nagmamadali. Pinagmasdan ko lang siya nang magpaalam na aalis. Napangiti na lang ako nang mapait. Maybe I shouldn’t say anything? Ayaw na ba nitong naririnig ang tinig ko? Noon gustong-gusto niyang naririnig ang mga walang saysay na kwento ko.
Imbes na isipin pa ‘yon, I just think positively. Masaya ako na nakapagdinner kami nang payapa.
Kapag may mga tiyansa’y sinusubukan ko naman na gawin lahat ng makakaya ko para bumalik kami sa dati.
“Maurice,” tawag ko sa kaniya kaya nilingon niya ako.
“Do you want to go to greenland?” tanong ko sa kaniya. Narinig naman ni Tita ‘yon na siyang napadaan lang sa gawi namin.
“I don’t have time to travel,” aniya kaya disappointed akong napangiti.
“Pumayag ka na, Nak. Minsan lang naman. Sigurado namang papayag ang Lolo mo,” ani Tita kaya napatingin akong muli kay Maurice.
“No, My. Marami pa akong kailangang gawin,” sambit niya kaya tumango na lang ako subalit napapayag din siya ni Tita kaya laking tuwa ko.
“Thank you,” nakangiti kong saad sa kaniya. Tinitigan niya lang ako bago minadali na lang na magtungo na sa kung saan man kami mamasyal. I tried to enjoy myself kahit na pa mukhang atat na atat na siyang umuwi. Talaga ngang hindi na nag-eenjoy na kasama ako.
“That was fun,” nakangiti kong sambit nang makarating kami sa hotel room na para sa aming dalawa. Hindi naman siya nagsalita tila ba napipilitan lang talagang samahan ako ngayon.
“What should we eat for dinner?” tanong ko sa kaniya.
“Ikaw na ang mamili,” malamig niyang saad bago nagtungo sa banyo para maglinis ng katawan. Napangiti na lang ako nang mapait dahil noon ay nag-aagawan pa kami sa kung anong kakainin naming dalawa.
Tahimik lang ako habang pinag-iisipan ang mga gustong sabihin hanggang sa makalabas siya sa cr. Kinuha niya ang laptop sa gilid ko. He’s going to work all night again saka lang tatabi kapag tulog na ako.
“Mau…” mahinang tawag ko sa kaniya kaya nilingon niya ako. Hindi siya nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa akin, hinihintay kung ano mang sasabihin ko.
“Balik tayo sa umpisa, Mau,” sambit ko na hinawakan ang laylayan ng damit niya.
“I don’t think we can go back from the start, Hati…” aniya sa akin. Hindi niya inalis ang mga mata sa akin. Iniwas ko lang ang mga mata sa kaniya’y dahil may pakiramdam akong alam na ang sasabihin nito.
“Tulog na pala ako. Nakakapagod kanina,” natatawa kong saad at sinubukang takasan ang mga mata niya.
“Luwalhati…” tawag niya sa pangalan ko. Ni hindi na makatingin pa sa kaniya. Isa pang tawag mula sa kaniya ang narinig kaya wala akong nagawa kung hindi ang lingunin siya.
“Hindi na kita mahal,” anito sa seryosong tinig. Kung makikitaan man ito ng emosiyon, awa na lang. Kayang-kaya ka pala talagang wasakin ng isang salita lang…
Akala ko maayos pa namin ‘yong relasiyon na mayroon kami subalit mukhang desididong-desidido na siya.
“Joke time ba tayo rito?” natatawa kong saad. Pinapagaan ang atmospera sa aming dalawa. Nanatili lang ang tingin niya sa akin tila ba sinasabing hindi siya nagbibiro. Hindi siya nagsalita kaya humalakhak ako.
“Imposible ‘yan. Hindi ba’t nangako ka? You want to spend your life in this lifetime with me…” ani ko.
“I’m sorry…” mahinang bulong niya at kita ang awa mula sa kaniyang mga mata. Pinalis ko ang nag-uunahang luha mula sa mga mata ko. Tangina naman. Bakit na lagi akong iniiwan? Hindi ba talaga ako kamahal-mahal? Madali lang ba talagang kalimutan ako… bakit?
“Sinungaling ka pala…” ani ko na pinigilan ang humikbi subalit hindi ko magawa.
“Sinungaling ka!” galit kong saad sa kaniya. Ilang hingi lang nang paumanhin ang sinabi nito. With that? I know he wasn’t kidding. Hindi na nga talaga niya ako mahal.
“Bakit?” tanong ko.
“May bago na ba?” Umiling lang naman siya. Alam kong hindi ito magsisinungaling kaya naniwala ako.
“Kung ganoon… bakit?” tanong ko na pinipilit patatagin ang sarili.
“I don’t know… everything just started to fade away… gumising na lang ako isang araw na… hindi na pala kita mahal,” aniya sa akin. Napaawang lang ang labi ko at napangiti na lang nang mapait. I know that some changes happened. Hindi ko lang lubos na maisip na iiwan niya rin pala ako… na totoo palang nawawala ang pagmamahal.
“I’m sorry… I tried my best to love you just like before… but it didn’t work… I’m sorry…” mahinang saad niya na hindi makatingin sa mga mata ko.
“I’m sorry… I didn’t want to spend the rest of my life regretting a decision. You deserve a love that will stay longer, Hati… I’m sorry…” aniya na sinubukan pang palisin ang luha ko subalit tinabig ko ang kamay niya.
“Hindi mo na lang sana ako sinanay na ikaw ang tiga-pahid ng luha kung sa huli’y ikaw rin ang magiging dahilan nito,” ani ko bago siya tinalikuran.
How can this world be so fuck up? Bakit ba lagi na lang akong naiiwan?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro