Chapter 27
Chapter 27
Luwalhati’s POV
Ilang oras ang lumipas na wala na akong ganang kumain. Sa huli’y nagtake out na lang at lumabas ng resto. Maybe Maurice really have so many things to do. Sabay na lang kaming kakain sa bahay.
Pasakay na ako sa kotse nang makita kong may tawag galing sa kaniya.
“Hello.” Nahinto ako nang marinig ang ingay mula sa likod niya. Ang ingay ng tugtugin at ng mga tao. Alam na alam ko ang lugar na ‘yon.
“Where are you?” tanong ko.
“I’m sorry I forgot our dinner date…” saad niya.
“Where are you?” I know where he is but I just want to know galing sa bibig niya.
“Uhh… nasa Sky… Joaquin drop by in my office… nagkayayaan lang,” sambit niya kaya kumuyom ang kamao ko.
“Ge,” ani ko bago siya pinatayan ng tawag.
I don’t really have to say kung sakaling abala lang siya sa trabaho but heck. I waited for almost 6 hours waiting for him there when he’s out there having the best time of his life with his friends. Tangina lang.
Kita kong tumatawag muli siya subalit hindi ko na pinansin pa. Masiyado akong galit at ayaw ko siyang kausapin. Baka may masabi lang ako na hindi maganda. Ayaw kong magsalita kapag ganitong iritadong-iritado ako.
Sa iritasiyon, nagawa ko ring patayin ang cellphone bago dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay para maglinis ng katawan. I wanted to sleep but my mind won’t let me. Para bang gusto munang manumbat bago ako patutulugin. Sobrang sama ng loob ko na ang bigat-bigat sa dibdib. Ang haba ng lintayang nasa utak ko subalit nang makita ko siya’y hindi rin naman pinansin.
“Hati… Sorry…” mahinang saad niya subalit tinalikuran ko lang.
“Love…” tawag niya pa sa akin.
“I’m going to sleep…” malamig kong saad at nahiga na sa kama. Sinubukan niya pa akong lapitan subalit nanatili ang malamig kong tingin bago pumikit.
“Don’t touch me, amoy usok at alak ka,” iritado kong saad. Inis na inis sa amoy na nanggagaling sa kaniya. Pinaghalong mabangong amoy at alak. Narinig ko naman ang malalim na buntonghininga niya bayo nagtungo sa banyo. Rinig na rinig ang ragasa ng tubig. I want to fall asleep habang naroon siya subalit hindi rin ako pinagbibigyan ng utak ko. Hanggang sa makabalik siya’y gising na gising pa ang diwa ko. Tinabig ko pa ang braso niya nang mahiga na sa tabi ko. Usually talagang magkalapit lang kami but because I hate touching him right now. Talagang lumayo pa ako.
“I’m sorry, Love…” Sinubukan niya pa ring manlambing dahil alam na gising pa ako. Hindi naman kasi ako gumagalaw kapag tulog. I usually settle in one place.
“Love…” tawag niya pang muli subalit hindi ko na siya pinapansin pa. Sa huli’y hindi ko rin natios dahil hindi rin ako makakatulog hangga’y hindi nasasabi ang saloobin. Umupo ako bago siya nilingon, umupo rin naman siya sa kama bago niya ako tinignan.
“I know that you have problem in your company but is it really fine to forget about our dinner date? Pero ‘di mo naman nakalimutan ang makipagkita sa mga kaibigan mo?” iritado kong tanong sa kaniya.
“I’m sorry,” aniya na napapikit na lang.
“You’re being asshole, right now! How can you party with your friends not even thinking about me? Isang oras lang na dinner ‘yon, Maurice!” iritado kong saad.
Hindi ko na lang sana kinausap kung makakarinig lang ng salitang hindi ko inexpect na manggagaling sa bibig niya.
“Dinner date lang ‘yan, Hati. Ilang beses na nating nagawa samantalang ngayon ko lang nakita ang mga kaibigan ko,” aniya sa akin kaya nilingon ko siya. I don’t know why I saw him being iritated. Ni hindi ko siya makapaniwalang tinignan. Napangisi pa ako dahil do’n.
“Nice, dinner date lang,” ani ko na tumango pa.
“You know me, Maurice, hindi naman kita pinagbabawalan sa kahit na ano. Kung tutuusin ay pupuwede mo naman akong sabihan, papayag naman ako. Hindi ‘yong paghihintayin mo ako roon! Ang akin lang, nangako ka, Mau. Nangako ka,” iritado kong sambit. Unti-unti namang napalitan ang iritadong mukha niya ng pagkaguilty.
“I’m really sorry,” mahinang saad niya bago lumapit sa akin. Sinubukan niya pa akong hawakan subalit inilayo ko ang kamay niya sa akin. Hindi naman siya huminto roon dahil talaga purisigidong manlambing.
“I’m not going to give some excuses because it’s really my fault… I’m sorry if I forgot about our plan…”
“I’m sorry. Babawi na lang ako, Love,” malambing na saad niya. Kumuyom lang ang kamao ko dahil nadadaan niya na naman ako sa mga mata niya.
“Siguraduhin mong totoo na ‘yan, Maurice,” banta ko sa kaniya bago siya inirapan.
“Yes, Ma’am,” aniya na ngumiti pa at hinalikan ang pisngi ko subalit nilayo ko lang ang mukha. Bumalik na rin ako sa pagkakahiga. Sinubukan niya akong yakapin subalit inaalis lang ang kaniyang kamay. Ilang ulit naman siyang sumubok at sa huli’y nakabig niya rin ako. Kahit paano’y gumaan naman ang pakiramdam ko subalit that didn’t end there.
Ang sabi niyang babawi’y hindi niya rin nagawa. Mas lalo lang din dumalos ang tampuhan at away namin.
“Alam mo, Maurice, huwag ka na lang humingi ng tawad kung patuloy mo lang ding gagawin,” seryoso kong saad sa kaniya.
“I’m trying my best here, Hati. Sinusubukan ko naman,” iritado niya ring saad.
“Really? Bakit parang hindi ko nakikita? Huwag ka na lang mangako dahil alam mo namang pinanghahawakan ko lahat ng salitang galing sa’yo,” malamig kong saad bago siya tinalikuran. Dire-diretso na ako sa pagbaba. Nakita kong nagsi-iwas ng tingin ang mga kasambahay na siyang mukhang nasaksihan ang pagtatalo naming dalawa.
Hindi naman na ako nagsalita pa at dumeretso na sa hapag, hindi na hinintay pa si Maurice. Tahimik lang ako nang maupo sa tabi ko si Tita.
Hindi siya nagsalita. Alam kong madalas din niyang mapakinggan ang madalas na pagtatalo namin ni Mau nitong mga nakaraang buwan subalit hindi naman siya nakikialam.
"Do you want cheesecake, Hija? Mayroon diyan sa ref," ani Tita kaya agad akong tumango. Lumapit naman siya para iabot sa akin 'yon.
“I love the both of you… you know that, right?” nakangiti niyang tanong sa akin. Mukhang hindi na rin kayang manahimik na lang.
“Wala akong pinapanigan sa inyo. Alam kong matatanda na kayo, kaya niyong ayusin ‘yang gusot niyo,” sambit niya.
“Ang akin lang, you can talk to me, Nak…” ani Tita sa akin.
“Parehas niyong dinidibdib ang lahat at alam kong mabigat ‘yan. Ayaw kong dumating kayo sa puntong parang tubig na iniipon sa balde ang sama ng loob. I want you to know that you can bend over your pain to me,” sabi niya na nginitian ako. I know Tita loves me too but I don’t really want to say bad things about Maurice kahit pa kina Marco at Ren.
“Thank you po, Tita, but I’m fine po,” sambit ko na nginitian siya. Napatingin pa ako nang makita kong dire-diretso na sa paglabas ng bahay si Maurice na hindi na nagtangka pang suyuin ako katulad ng madalas niyang ginagawa. Imbes na lingunin pa siya’y nanatili na lang ang mga mata ko sa pagkain. Ramdam ko naman ang pag-aalala sa mga mata ni Tita kaya nginitian ko lang siya.
Maski sa trabaho’y hindi ko maiwasang isipin si Maurice. Hindi naman kami dating ganito. Sana pala’y nanatili na pang kami sa New York…
“Ito namang si Hati, nandito na kami’t lahat-lahat! Kami na ang bumisita pero mukhang wala man lang kainteres-interes!” Napatingin ako kay Ren nang pitikin niya ang noo ko.
“Hoy, nandito na pala kayo!” ani ko na nginitian siya.
“Kumusta? Na-miss ko kayo!” sambit ko na niyakap pa silang dalawa ni Marco.
“Ulol mo! Na-miss pero hindi magawang makipagkita? Ilang buwan ka na rito sa pilipinas, hindi mo pa rin kami magawang kitain!” ani Ren na nailing pa sa akin.
“I told you I’m really busy,” nakanguso kong saad. Nanatili naman ang pagtaas ng kilay ni Ren sa akin kaya natawa na lang akong napailing.
“Marco! Bestfriend!” ani ko na mapang-asar pang nginisian si Ren bago niyakap si Marco.
“Pakihanap paki ko? Kahit maglampungan pa kayo’y wala akong pakialam basta salamat na lang sa lahat,” ani Ren kaya hindi ko maiwasan ang mapahalakhak sa kaniya. Napairap pa ako dalhin mayamaya lang ay sinusuyo na siya ni Marco. Inirapan ko na lang sila dahil do’n. Anh lalandi.
Panandalian namang nawala ang iniisip dahil sa pagkukwentuhan sa kanila. Saka lang bumalik nang mabanggit ni Ren ang tungkol sa Clouds.
“Some of the stockholder in Clouds want to withdraw their shares. Alam naman nating malaking kompanya ang Clouds subalit isang taon o ilang buwan pang ganiyan, hindi malabong bumagsak,” ani Ren kaya hindi ko maiwasan ang maisip si Mau. I felt like I was too hard on him. Masiyado na siyang pagod at nagtatalo pa kami dahil sa mga maliliit na bagay na lumalaki.
“Hoy, nawala ka na naman sa ulirat,” ani Ren sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.
“Ayos ka lang ba? Mukhang ang dami mo masiyadong dinadala. Pupuwede namang bawasan.” Napatingin naman ako kay Marco roon. Nginitian ko lang siya at nagkibit na lang ng balikat.
“I’m fine,” natatawa kong saad.
“Ren, kabahan ka na. First love pa naman ako niyan,” biro ko kay Ren na siyang pinagtaasan lang ako ng kilay.
“As if. Ako naman mahal ngayon, duh,” aniya na mayabang pa akong tinignan. Maghapon silang nandito sa L. H. kaya kahit paano’y gumaan ang pakiramdam ko. Hindi naman nila ako pinilit na magkwento subalit alam kong kahit paano’y pinapagaan nila ang loob ko.
Nang makaalis ang mga ito’y agad ko ring napagpasiyahan na magtungo sa bahay para magluto ng sinigang. Nang matapos ay dumeretso rin ako sa opisina ni Maurice.
“Saan ka pupunta, Nak?” tanong ni Tita sa akin na tinignan pa ang bitbit ko.
“Bibisitahin ko lang po si Mau, Tita,” ani ko kaya agad na kumurba ang ngiti niya.
“Sana’y maayos niyo na ‘yan. I know how much you love each other,” sambit ni Tita sa akin kaya napangiti na lang din ako. I hope so too…
I even wrote a letter in the sticky note na nilagay ko sa lunchbox.
“Good evening po, Ma’am,” bati sa akin ng secretary niya.
“Nandiyan pa ba si Maurice?” tanong ko.
“Nako, Ma’am, halos hindi na po pumapasok si Sir. Minsan na lang po. Hindi niya na po nadadaluhan maski ang ilang meetings niya po,” sambit niya kaya nahinto ako. Wala naman na akong masabi kaya naman umuwi na bigo. Disappointed sa kaniya.
Sinalubong naman ako ng tanong ni Tita subalit nang makita ang mukha ko’y hindi na rin tinuloy pa.
Hinintay ko lang si Maurice. Hindi ko na hinintay pang ibaba niya ang kaniyang mga gamit sa opisina at agad ko na siyang pinuna tutal ay hindi na rin naman niya sinusubukan na manuyo kapag nagtatampo ako.
“Saan ka galing? Galing ako sa opisina mo. Sabi ng secretary mo’y hindi ka naman dumadalo sa mga meeting,” salubong ko sa kaniya. Salubong na rin agad ang kilay nito.
“Anong gusto mong palabasin ngayon?” tanong niya.
“May babae ka ba?” Nahinto naman siya dahil sa tanong ko. Tumawa lang ito at napailing.
“You’re going insane,” saad niya.
“Oh? Bakit hindi mo masagot? Ang sabihin mo totoong may babae ka nga!” sigaw ko sa kaniya.
“I don’t have one. Kung may babae man ako, ikaw lang ‘yon,” aniya na iritado pa akong tinignan.
“Now, I’m too tired to have a fight with you. Let me sleep.” Hindi naman ako tumigil doon.
“I know you have one. Saan mo tinatago? Saan ka naman pupunta kung hindi sa opisina? Tangina naman, Maurice. Sinusubukan ko namang ibalik ‘yong dati pero mukhang hindi mo na ata gusto!” sigaw ko sa kaniya.
“Alam mo kaya hindi na kita magawang uwian! Panay ka dada!” sigaw niya kaya nahinto ako sa mga pinagsasabi. Napangisi na lang ako bago nag-iwas ng tingin.
“Wow…” There you are.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro