Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Chapter 26

Luwalhati's POV

"Good morning, Lola," bati niya pa kay Lola kaya hindi ko maiwasang mapangiti lalo na nang ilatag niya ang picnic mat sa damuhan.

It's been two years bago ako nakabalik at hindi ko maiwasan ang matuwa habang kinukwento kay Lola ang mga ganap sa buhay ko sa paglipas ng panahon. Maurice even open those photo album tila ba pinapakita rin kay Lola 'yon.

"I still remember when I met your Lola, she shows me your photo album. I still have your picture here," nakangiti niyang saad at pinakita pa ang wallet na siyang may litrato ko.

"Sus, parang hindi ko naman nakikita. Alam ko naman kung gaano ka kapatay na patay sa akin," natatawa kong sambit kaya inirapan niya ako.

"Yabang," aniya na may ngisi rin sa labi.

Ang tagal din naming nanatili sa puntod ni Lola saka lang napagpasiyahan na umuwi nang sumapit ang tanghali.

We decided to eat in some fastfood kaya inabala ko ang sarili habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. Traffic kaya hindi rin kami makausad. Mayamaya lang ay napabalik ako ng tingin kay Maurice.

"Love..." tawag ko sa kaniya kaya bahagya niya akong nilingon.

"Hmm?" patanong na saad niya.

"Thank you..." nakangiti kong saad kaya tinignan niya ako.

"That's nothing. Lakas mo sa akin." Napangiti naman ako roon. Hindi naman na nawala ang tingin ko sa kaniya.

"Maurice," tawag ko muli. Hindi naman niya ako malingon dahil umuusad na ang mga sasakyan.

"Hmm?" patanong na saad niya habang nasa kalsada ang tingin.

"Do you want to continue our wedding?" It's been 2 years since we postpone our marriage because of me. Siguro naman ay sapat na ang dalawang taon para ituloy ang naudlot na kasal.

I thought he'll be happy because of it but his expression didn't even change. Dahan-dahan namang nawala ang ngiti sa mga labi ko. Pakiramdam ko'y bigla akong na-reject.

"Ayaw mo ba?" Hindi na naitago pa ang disappointment sa aking tinig.

"It's not like that..." aniya na mukhang guilty dahil sa itsura ko.

"I just think that this is not a good time for a wedding... you know there's still a lot of problems in our company..." mahinang saad niya na halos hindi maituloy ang sasabihin. Disappointed ako subalit naiintindihan ko rin naman. Sa huli'y napatango na lang ako dahil alam ko naman na magpapakasal din talaga kami.

He waited for two years, ano ba naman ang ilang buwan na paghihintay para matapos ang problema nila, 'di ba?

"Are you upset?" tanong niya.

"I'm sorry..." mahinang saad niya kaya umiling lang ako.

"Ayos lang, sino ba naman ako para pakasalan mo?" natatawang biro ko kaya napaawang ang labi niya.

"Joke." Humalakhak pa ako dahil guilty'ng guilty ang mukha niya.

"Ayos lang, sa akin din naman bagsak mo," ani ko na ngumisi pa sa kaniya.

"But we'll get married after you solve your company's problem, right?" tanong ko sa kaniya.

"Gago, parang luging-lugi ka pa, ah!" reklamo ko nang makitang mukha siyang nag-iisip. Napatawa naman siya sa akin dahil do'n.

"We will..." aniya na ngumiti bago ginulo ang buhok ko.

But I never really thought na mas lalo lang palang lalala ang problema ng kompanya nila. To the point na wala na talaga siyang pahinga. Ni hindi man lang siya makapagday off sa dami ng gawain.

"Pupunta ka kay Maurice ngayon, Hija?" tanong ni Tita sa akin.

"Can you give this to him too?" tanong niya na iniabot sa akin ang snack for Maurice.

Ayaw ni Maurice na mamroblema rin ako kaya laging pinapaalala na huwag na akong magtungo sa office but I really can't take it anymore lalo na't nakikita ko lagi ang pagod mula sa mga mata niya. Panigurado ring hindi pa 'yong nagdinner ngayon.

Ako:

Love!

Ako:

Love hehe

Ako:

Love, I'll go to your office today. Mwaps!

Ako:

See you!

Malapad ang ngiti kong ibinulsa ang phone bago sumakay sa aking kotse. Hanggang sa makarating ako roon ay hindi pa nagrereply si Maurice kaya sa huli'y dumeretso pa rin ako. Binati naman ako ng ilang nakakilala sa akin. Tipid lang akong ngumiti.

"Nandiyan si Maurice?" tanong ko sa secretary niya.

"Oh, kanina pa po umuwi, Ma'am," anito sa akin kaya napaawang ang labi ko. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. Maurice always tell me kapag pauwi na siya. Paniguradong hindi rin no'n palalagpasin ang mag-dinner kasama ako kaya imposibleng umuwi na siya.

"Wala bang meeting?" tanong ko.

"Tapos na po 'yong tatlong meeting na sunod-sunod po kanina, Ma'am. Sir said that he'll go home po," anito na napakamot pa sa ulo dahil hindi alam kung paano magpapaliwanag sa akin.

Sa huli'y napatango na lang ako. Mukhang wala rin naman kasi siyang alam. Sa huli'y umuwi na lang ako para tignan kung nandoon si Maurice. Baka lowbat na naman ang phone nito. Minsan ay nakakalimutan na rin niyang mag-charge ng phone.

"Tita, nandiyan na po si Mau?" tanong ko subalit nagtataka naman akong tinignan ni Tita.

"I thought you'll go to him?"

"Umuwi na raw po," ani ko kaya napatingin sa akin si Tita.

"Saan naman nagpunta ang batang 'yon?" tanong niya na kunot ang noo.

Ngumiti na lang ako at nagkibit ng balikat. Nagpaalam na rin na tutungo sa taas. Hinayaan niya rin naman ako. I tried to text Maurice subalit wala namang reply mula sa kaniya. Kapagkuwa'y wala akong nagawa kung hindi ang maghintay. Hindi ko naman maiwasan ang mag-alala dahil bala kung ano ng nangyari rito. That guy never lied. Kung may pagkakataon ay mas gugustuhin niya pang manatili sa tabi ko kaysa ang magtungo sa kung saan.

Napatayo naman ako nang bumukas ang pintuan. Agad kong nakita si Maurice na siyang nagtatakang napatingin sa akin. Unti-unti naman niya akong nginitian.

"Miss mo agad ako?" tanong niya na naglahad na agad ng yakap sa akin subalit hindi agad ako lumapit dahil nanatili ang tingin sa kaniya.

"Saan ka galing?" tanong ko.

"Huh? Saan pa ba? Sa opisina," aniya na nangungunot ang noo.

"Hug ko?" malambing niya pang tanong habang naghihintay pa rin na yakapin ko.

"Galing ako sa opisina mo." Nahinto naman siya roon. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi at binaba na rin ang kaniyang mga kamay.

"What did you do there? Hindi ba't sinabi kong hindi mo na kailangan pang magtungo roon?" Napaawang ang labi ko nang tumaas ang tinig niya at ang bahagyang nakitaan ng iritasiyon ang mukha. Mukhang maski siya ay nagulat din sa pagtaas ng tinig.

"Why are you reacting that way? May tinatago ka ba?" tanong ko na masama ang tingin sa kaniya.

"Of course not, it's just that you should tell me first bago ka magtungo roon. I told you, I don't want you to be involve with my own problem..." sambit niya kaya tinitigan ko siya.

"Why? I thought you wanted me to be part of your life but can't even share your own problem? O baka naman hindi mo na ako gustong mapabilang sa buhay mo?" tanong ko na hindi maiwasan ang paninikip ng dibdib. Hindi ko naman gustong makipagtalo sa kaniya subalit hindi ko rin talaga maiwasan ang sama ng loob.

"I just don't want to put you on a hard-time, Hati... you already have a lot on your plate. Ang dami mo ng problema para dagdagan pa," sambit niya. Hindi ko naman maiwasan ang samaan siya ng tingin.

"I know that you already look out for me but can't you share it to me? Just like you, I'm willing to listen," seryoso kong sambit. Matagal lang kaming nagtitigan hanggang sa unti-unti na siyang lumapit sa akin.

"I'm sorry," mahinang bulong niya bago yumakap. Sa huli'y kinuwento niya rin ang problema sa kanilang kompanya. Talaga palang palala na nang palala ang problema rito.

"Do you want a massage so you can sleep," sambit ko sa kaniya subalit umiling lang siya.

"Yakap gusto ko," aniya kaya napangiti na lang ako bago siya niyakap nang mahigpit.

He just took his bath bago bumalik sa pagkakayakap sa akin.

"Saan ka nanggaling?" tanong ko sa kaniya dahil hindi niya nasabi kung saan siya nanggaling.

"I just try to unwind, nag-drive lang sandali." Pinanliitan ko naman siya ng mga mata dahil do'n.

"At hindi mo man lang ako sinama?" tanong ko na nakataas ang kilay.

"I'm sorry, I have a lot of things on my mind..." saad niya kaya ngumiti na lang ako. Sa ilang taon namin ni Maurice, naiintindihan ko na kapag marami siyang iniisip gustong-gusto niyang mapag-isa and I give him that. Basta ako lagi lang naghihintay sa kaniya na mag-open up sa akin kahit na gaano pa katagal 'yan.

"Bawi ako... let's have dinner date on Wednesday, I don't have a lot of meetings that time. Ang tagal na rin ng huling dinner natin..." aniya sa akin kaya napatango ako. Lagi kasi siyang may text sa akin na mauna na akong magdinner kaya hindi na rin kami nagkakasabay.

"I love you..." pabulong na saad ko sa kaniya subalit tulog na ito. Napangiti na lang ako dahil ang bilis din talagang nakatulog. Hinaplos ko lang ang buhok niya. He look so tired. Pumapayat na rin ito dahil sa pagod. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makatulog na rin ako habang nakayakap sa kaniya.

Sa mga sumunod na araw, as usual he's busy with his work while ganoon din ako. Naging abala ako sa pagbubukas ng another branch ng L. H. malapit sa amin para ako na mismo ang mag-aasikaso.

"Hi, Miss." Ngumiti lang ako sa ilang bumati sa akin sa restaurant na siyang pagkikitaan namin ni Maurice para sa aming dinner date.

"Kayo po ba si Ms. Hati?" tanong ng isang mukhang teenager sa akin.

"Ah, yes," sambit ko na lang at hindi na sana sila gusto pang kausapin. Baka mamaya'y basher ko pala. Mahirap na.

"Uhh... fan niyo po ako, Ms. Hati! Hindi po ako naniniwala sa sabi-sabi tungkol sa inyo!" saad niya pa.

"Pupuwede po ba akong magpapicture?" tanong niya pa kaya tumango na lang ako.

"Ang galing-galing niyo pong umarte! Sayang lang at wala na kayo sa showbiz," sambit pa niya. Ngumiti lang naman ako ng tipid doon.

"Babalik pa po ba kayo?" tanong niya pa.

"Ah, I don't have a plan on coming back." Malungkot naman siyang ngumiti.

"Awwe, sayang naman po," saad niya kaya napakibit na lang ako ng balikat. I'm actually enjoying with my job now.

"You still look pretty po," aniya pa bago tuluyang umalis. After quiting in showbiz, talagang sirang-sira ang pangalan ko dahil kina Cia. I don't really know where she is now. Basta ang akin masaya na ako sa buhay ko.

"Oorder na po ba kayo, Ma'am?" tanong ng waiter sa akin dahil mag-iisang oras na ata akong nakaupo at wala pa ring dumadating na Maurice.

"Can I order later? Hintayin ko lang 'yong kasama ko," nakangiti kong sambit kaya ngumiti na lang siya at tumango. Umalis na rin naman ito kaya nagsimula na akomg magtipa ng mensahe para kay Maurice.

Ako:

Where are you? d2 na me

Ako:

Mau

Ako:

Mau, kung nandiyan ka, pakigalaw ang baso

Ako:

Still busy?

Ako:

Call me when you're already done

Hindi ko naman siya magawang tawagan dahil baka mamaya'y nasa meeting na naman siya. Napabuntonghininga na lang ako dahil mukhang nasa trabaho pa rin ito. Masiyado ata akong maaga pero kanina pa ang oras ng pagkikita naming dalawa.

"Oorder na po ba kayo, Ma'am?" tanong ulit ng waiter nang lumipas muli ang ilang oras at wala pa ring Maurice na dumadating.

"Hintayin ko lang saglit 'yong kasama ko, Kuya," ani ko.

"Nako, Ma'am, baka inindian na po kayo. Baka 'di na 'yong dumating," aniya sa akin kaya matalim ko siyang tinignan. Napatikhim naman siya sa paraan ng tingin ko at halos masamid.

"Darating 'yon," malamig kong sambit but the thing is Mau didn't come...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro