Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Chapter 25

Luwalhati’s POV

“Are you going to your company?” tanong ko. Tumango naman siya kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa pagkain niya na nasa hapag. It’s been 2 weeks since we came back at mukhang mas lalo lang lumalala ang problema nila sa kompanya.

“Pero hindi ka pa tapos kumain?” patanong na puna ko. Nilingon niya rin naman ang tinititigan ko bago niya binalik ang mata sa akin.

“I’m already done, Hati. Hmm, I’ll just drink my coffee,” aniya subalit agad akong tumayo.

“Wait, let me pack you up a snack and lunch,” sambit ko kaya nahinto naman siya bago napatingin sa akin. Sa huli’y napatango na lang din siya at hinintay ang ipababaon ko.

“Don’t forget to rest, Mau,” bulong ko sa kaniya bago ko siya hinalikan sa pisngi.

“Yes, Ma’am,” nakangiti niyang sambit. Nagnakaw pa ito ng halik sa labi bago niya ako binitawan.

“I’ll go now,” aniya na nakangiting kumaway bago umalis. Hinayaan ko naman na siya habang ako’y nagsimula na ring maglinis ng ilang pinagkainan kahit na pa pinipilit ako ni Tita na hayaan na lang ang mga katulong doon.

“Where are you going today?” tanong ni Tita sa akin. Sa ilang araw kasi’y nanatili lang ako rito sa bahay but now I decided to visit my clothing brand today.

“Sa L. H .po, Tita,” ani ko.

“Sabay ako, I’ll go to mall today,” aniya sa akin. Napatango naman ako. Mukha namang hindi pa ganoong kalala ang problema ng kompanya nila lalo na’t panay pa rin naman ang shopping ni Tita. Sabagay, hindi naman basta-bastang mapapatumba ang mga Trinidad sa dami ba naman ng business nila. Mau also have one.

Imbes na diretso lang ako sa L. H, napasama rin kay Tita sa mall. Sa huli’y napagastos din tuloy.

“I like this, Nak, what do you think?” tanong ni Tita na tinuro sa akin ang isang bag.

“It suits you, Tita,” ani ko subalit bago niya pa mahawakan ay may isang kamay na rin ang humawak doon.

“I’ll have this,” anito. Bahagya naman na nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na ang Mommy ni Lisa ‘yon. Hindi ko naman magawang makaalis sa kinatatayuan ko.

“Uhh… Miss, do you have another one for this?” tanong ni Titaa na elegante pa rin ang tinig subalit hindin naman binibitawan ang bag na hawak.

“Ay, wala na po, Ma’am. Limited edition lang po kasi ‘yan,” anang babae.

“I’ll take it then,” sambit ni Tita Sarah.

“Alright,” nakangiting saad ni Tita Beth. Ang bait talaga nito.

“Thanks then. You probably can’t afford this, huh?” Narinig ko pa ang mahina niyang bulong nang sambitin ang huling mga kataga.

Ni hindi ko magawang makapagsalita lalo na nang magkasalubong ang mga mata naming dalawa. Ang salubong na kilay niya’y mas lalo pang nagsalubong nang mapagtanto na narito ako. Kita ko rin ang galit mula sa kaniyang mga mata.

“What are you doing here? Akala ko ba’y nabulok ka na sa kung saan ka man nagtatago?” galit niyang tanong sa akin.

“You know her, Nak?” tanong ni Tita sa akin. Unti-unti naman akong tumango. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Tita Sarah.

“So you’re living happily when in fact you killed my daughter,” galit niyang sambit habang nakatingin sa akin. Walang tunog na lumabas mula sa aking bibig. Ni hindi ko alam ang sasabihin.

Napatingin ako kay Tita Beth nang hawakan niya ang kamay ko. Nginitian niya pa ako bago hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay tila ba sinasabing nasa tabi ko lang siya.

“Excuse me, Miss, but you’re being really rude right now. She didn’t kill your daughter,” ani Tita Beth na siyang nakataas ang kilay habang nakatingin sa kaniya.

“Why don’t you ask her? Nabilog din ba ang utak mo katulad ng pagbilog niya sa anak ko? She killed her! She was the reason why she died!” malakas na sigaw nito kaya napatingin na sa amin ang ilang tao sa loob ng shop. Kita ko rin ang ibang kumukuha ng litrato, mukhang namukhaan ako.

“Sana ikaw na lang ang namatay!” malakas niya pang saad bago hinila ang buhok ko. Kung hindi lang siya naawat ni Tita’y baka nakaladkad na niya ako dahil nanatili lang ang mga paang ayaw pa ring kumilos. Tila ba nabato balani na sa kinatatayuan.

“How dare you say that to my daughter! How can you wish someone to die when you know how painful it is? Tao ka ba?” tanong ni Tita Beth sa kaniya. Alam kong hindi si Tita ang tipo ng tao na talagang nakikipag-away kaya gustong-gusto ko ng umalis nang makita si Tita Sarah na galit na galit. Alam ko rin kung paano ito magalit.

“Bakit ba nangingialam ka rito? Iniwan nga lang ‘yan ng Nanay niya! Balang-araw iiwan mo rin dahil kaiwan-iwan naman talaga ‘yang batang ‘yan!” anito na sinubukan pang makipag-away muli sa pisikal na paraan subalit may mga guard agad na nakaharang.

“Subukan mo,” ani Tita na nakataas pa ang kilay.

“Why would I leave her when she’s already part of my family? She’s not. She deserve to be love at madali lang siyang mahalin kaya tigilan mo ako,” ani Tita na umirap pa. Hindi ko siya kailanman nakitang nagsungit kahit na pa sa harap ng mga kasambahay. She treated them as her family kaya ngayong mukha siyang galit na galit, hindi ko maiwasang matakot.

“We’ll take the bag,” utos niya pa sa saleslady na siyang agad naman na kinuha ‘yon.

“I said I’ll buy that!” galit na saad ni Tita Sarah na ayaw ring magpatalo subalit mukhang kilala si Tita Beth rito dahil kita ko kung paanong mataranta ang saleslady nang tignan siya ni Tita.

“Sorry po, Ma’am, VVIP po kasi si Ms. Trinidad,” anito na natataranta pang lumayo. Nang makuha ang bag ay nginisian pa ni Tita si Tita Sarah bago siya eleganteng tumalikod. Hinawakan niya na rin ang kamay ko paalis doon.

“Are you okay, Nak?” tanong ni Tita sa akin. Dahan-dahan naman akong tumango.

“Don’t think about what she said, she’s blabbering nonsense,” ani Tita na umirap pa.

“Let’s try the spa, you want?” nakangiti niya ng sambit. Balik sa normal na.

“Na-stress ako roon, I deserve a spa!” aniya kaya ngumiti na lang ako at tumango. Ang planong pagbisita tuloy sa L. H. ay hindi ko na naituloy pa. It’s fine tho, next week pa naman kasi talaga ang start ng trabaho ko.

Nang makauwi’y hinintay ko na lang din si Maurice.

“Let’s eat na, Nak,” ani Tita sa akin.

“Tita, I’ll wait for Mau na lang po,” ani ko kaya tumango siya sa akin. Dumeretso naman na ako sa kwarto para hintayin si Maurice. Medyo late na rin kaming nakauwi ni Tita that’s why I thought he’ll be here kaya lang mukhang late na maman siyang makakauwi. Masiyado siyang abalang-abala sa gusot ng kompanya nila. Isa huli’y napagpasiyahan kong ayusin na lang ang pagliliguan niya at damit sa higaan.

Tapos na akong maglinis ng katawan at nakailang tawag na rin sina Manang para pakainin ako.

“Nak, kain ka na kaya muna? Baka hindi pa makauwi si Mau,” ani Tita sa akin.

“Pauwi na rin po ‘yon. He texted me naman po,” ani ko kahit isang oras na ang nakalipas nang magtext si Maurice na pauwi na. Siguro’y masiyado lang traffic. Walang nagawa si Tita kaya hinayaan niya na lang din ako. 

Hindi ko naman na namalayan na natulog ako sa paghihintay. Nagising lang ako nang maramdaman ko na may tumabi sa akin. Nakita ko naman si Maurice na namumungay ang mga mata habang nakatingin sa akin. Agad kong naamoy ang alak mula sa kaniya.

“You just got home?” tanong ko. Dahan-dahan siyang tumango.

“Uminom ka?” tanong ko muli.

“Daniel called me. Biglaang yayaan lang,” aniya na napahawak sa kaniyang batok. Hindi ko maiwasang titigan siya. Bahagyang napasimangot kahit na hindi ko naman gustong magsungit.

“Sana nagtext ka,” sambit ko.

“Sorry, nalowbat din bigla phone ko,” aniya na pinakita ang cellphone na lowbat na. Nanatili ang matalim na mga mata ko at ang kaniya naman ay namumungay habang nakatingin sa akin. Hirap magalit sa kaniya kapag ganiyan siya.

“Kumain ka na?” tanong ko kaya tumango siya.

“I ate a little bit.” Bahagya pa akong natawa nang ginawa niya pa sa daliri. Hindi ko rin talaga matiis.

“How about you, Love? Have you eaten?” tanong niya. Dahan-dahan naman akong umiling kaya napabuntonghininga siya.

“Sana hindi mo na ako hinintay,” sambit niya na nakanguso.

“It’s fine, hindi pa rin naman ako gaanong gutom dahil kumain din kami sa mall ni Tita,” pagpapaliwanag ko kaya napatango siya.

“We should eat then. Tara sa jollibee,” nakangiti niyang sambit. Agad naman akong napatango. Hinila niya na ako kahit na nakapajama pa. Ang ingay niya pa habang sinasabi ang mga gustong kainin. Nakakahiyang magising ang mga tao sa bahay. Ni wala na kayang pakalat-kalat na gising sa loob maliban sa amin.

“I saw Lisa’s Mom today,” mahinang pagkukwento ko kaya agad siyang napatingin sa akin.

“What happened? Are you okay?” Kita ang pag-aalala mula sa kaniyang mukha kaya naman ngumiti lang sa kaniya.

“I’m fine but it kinda feel heavy here,” ani ko na tinuro ang dibdib.

“I just miss Lisa…” mahina kong sambit.

“It still painful that she’s gone now and that I didn’t even see her for the last time…”

Minsan kapag binibitawan, gumagaan.

I’m really glad that I can talk about this now.

“Do you want to visit her?” tanong niya sa akin.

“We’ll visit her grave,” aniya kaya dahan-dahan akong napangiti.

“Thank you, Love,” bulong ko sa kaniya bago siya hinalikan sa pisngi. Nginitian niya lang ako bago ginulo ang buhok.

“Anything for you, My love.”

We just talk in beneath the stars habang kumakain ng jollibee noong gabing ‘yon.

“Love…” I’m light sleeper kaya naman nagising agad sa tawag ni Maurice.

“I already found your friend’s grave. We can visit it right now,” aniya sa akin kaya agad akong natigilan. Nag-loading pa sa utak ko bago ako unti-unting natauhan.

“What?” Hindi ko siya makapaniwalang tinignan.

“I said we’ll visit your friend’s grave today,” saad niya kaya nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. Sa huli’y natatawa niya na lang sinenyas ang banyo nang makaligo na kami. Nang matapos ay hindi pa rin ako makapaniwala dahil kakasabi niya lang ‘yon kagabi. Paanong ito na kami ngayon at papunta na roon?

 “Wala ka bang trabaho?” tanong ko sa kaniya nang tuluyan nang matauhan at nasa sasakyan na kami. Nagkibit lang siya ng balikat.

Napanguso pa ako nang pati bulaklak ay mayroon na rin sa kotse.

“Natulog ka man lang na, Maurice?” tanong ko sa kaniya kaya tinawanan niya ako.

“Of course. Ganito ba ako kagwapo kung hindi?” tanong niya.

“Yabang mo!” ani ko na napatawa pa sa kaniya. Kahit naman talaga wala siyang tulog ay gwapo pa rin. Unfair.

Nang makarating kami roon ay hinawakan niya lang nang mahigpit ang kamay ko kaya hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kaniya. Tipid kaming ngumiti sa isa’t isa. Nilingon ko naman ang libingan ni Lisa. I thought all my tears are already gone but when I looked at her grave, hindi ko na namalayan pa ang mapaiyak.

“I’m sorry…” ulit-ulit lang ang sinasabi ko subalit ang gaan sa dibdib.

I just talked with Lisa for a while habang si Maurice ay hinayaan lang ako. Nang matapos kami sa kaniyang puntod, nagtungo kami sa kung nasaan si Lola.

Maurice already know what to do dahil may dala-dala na rin agad na pagkain. Idagdag mo pa ang lahat ng photo album naming dalawa na siyang hindi ko alam na nasa sasakyan niya rin pala.

“Come here, let’s talk to your Lola. You need to tell her our journey in new york,” aniya na nginitian pa ako nang maiayos niya ang lahat ng ‘yon.

God, gustong-gusto ko talagang maglakad sa pasilyo ng simbahan habang siya ang naghihintay sa akin sa dulo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro