Chapter 24
Chapter 24
Luwalhati’s POV
“We’re on our way to Doctor Finley, My. Yup. Opo.” Nilingon ko si Maurice nang makita siyang kausap si Tita.
“Okay, see you, My,” aniya rito.
“Bibisita raw si Mommy sa susunod na mga araw. She have a business meeting here in Paris,” Maurice said kaya naman napanguso lang ako para pigilan ang ngisi.
“Sus, miss lang tayo niyon,” ani ko sa kaniya na siyang sinang-ayunan niya naman.
“That’s kinda true,” natatawa niyang sambit.
After staying here in Paris for two years. Madalas kaming kinukulit ni Tita kung kailan daw ba uuwi while me and Maurice still enjoying our lives here travelling and creating our name in business industry.
“She’s been saying that we should go back,” aniya kaya napakibit ako ng balikat.
“I don’t mind going back,” ani ko kaya napatingin siya sa akin. Kita ko agad na dumaan ang pag-aalala mula kaya nginitian ko siya.
“It’s been two years, I’m fine now,” seryoso kong sambit. I spend one and a half year conquering my trauma. I was diagnosed with post traumatic stress disorder and thanatophobia. It was hard. I thought I’ll end up not wanting to live anymore but because of the people who wanted me alive, I stay…
Nagawa kong malagpasan ‘yong point ng buhay ko na ‘yon.
“Gusto mo na bang umuwi?” tanong ko sa kaniya.
“Hmm, let’s travel first and go back if you want,” aniya kaya tumango ako. Balak pa kasi naming magtungo sa greenland after i-open ang branch ng clothing brand ko.
After we visit Doctor Finley for my check up, umuwi na rin agad kami. Parehas naming day off ni Maurice kaya naman balak lang naming tumambay sa bahay.
“Produce x na naman,” ani Mau nang makita ang pinapanood sa television. Nang lumabas doon si Hangyul ay agad siyang humarang.
“Ano ba, Maurice?” Binantaan pa siyang ihahagis ang unan na katabi.
“Ano bang gusto mo riyan? ‘Di hamak na mas gwapo ako,” aniya na sumimangot pa. Inirapan ko naman siya dahil do’n. Asa.
“Alam kong si Maurice Ruiz ka pero mas gwapo ‘yan, Bhie,” ani ko kaya natatawa niya akong inirapan.
“Mabait ba? Mabait din ako,” sambit niya pa.
“Dancerist? Magaling din akong sumayaw,” aniya na nagsimulang sumayaw ng ‘love shot’ kaya hindi ko maiwasan ang mapahagalpak ng tawa lalo na nang ginaya niya pa ang produce x version. Talagang sa akin pa siya tumapat para lang sumayaw.
“Alam mo, buti na lang gwapo ka!” Humagalpak pa ako ng tawa kaya naman natawa rin siya nang mahina bago natatawa na lang na lumapit sa akin at niyakap ako.
I never thought that I’ll laugh again this way. I thought I won’t enjoy any hobby now but look at me stanning new set of people. Enjoying the best time making clothes and travelling. Having my best time making friends and taking pictures.
Ikinulong na lang ako ni Maurice sa kaniyang bisig habang nakikinood din sa television. Kunwari pa, pick din naman si Seungwoo. Natahimik na kami habang nanonood bago siya nag-aya ng random na gala which is napilit niya rin ako.
Nagtungo kami sa Time Square para kumain. We just ate pizza and enjoy the sunset. It was pretty fun. Ganoon naman din kasi ang nakasanayan naming dalawa. Kapag walang magawa’y namamasyal lang sa kung saan.
Dumaan na rin kami sa L. H., ang clothing company ko. Through years ay talaga ngang nagbabago ang gusto ng tao. I change my career after what happened. Alam ko na gusto ko ang pagiging fashion designer noon subalit higit ko lang talagang gusto ang pagiging runaway model. Hindi ko na rin naman tinuloy, sometimes I think about it but most of the time alam ko na hindi ko na rin naman talaga gusto.
I just want a peaceful life away from a toxic community. Sa paglipas ng taon naging mas mahalaga na sa akin ang peace of mind.
“You’re working again?” tanong ko sa kaniya nang makaidlip na ako’t nakita ko siyang abalang-abala sa kaniyang laptop. Kita ko pa ang paghilot niya sa kaniyang noo kaya nginitian ko siya bago nilapitan.
“Kaya nga may day off, Mau, hindi ba?” natatawa kong tanong dahil sobrang workaholic nitong fiancé ko.
“I just can’t sleep so I tried to work a little bit,” aniya. Lumapit naman ako para hilutin ang ulo niya. Sa huli’y binitawan na rin ang kaniyang laptop at sa lap ko pa humiga. Ang ngiti niya’y hindi na nawawala.
“Sarap naman mabuhay,” bulong-bulong niya kaya napatawa ako nang mahina.
“I’ll cooked, anong gusto mo?” tanong ko sa akin kahit alam ko naman na kung anong irerequest ng isang ‘to. Hindi talaga siya nagsasawa sa sinigang kahit na nandito na kami sa New York at ang dami-dami niyang pagkain na pupuwedeng subukan.
He fell asleep after the massage kaya naman hinayaan ko na siyang manatili roon. Nagtungo na ako sa kusina para magluto.
Ganoon lang ang nakasanayan naming gawin. We both enjoy doing our job, kapag may mga oras ay lumalabas din.
Sa mga sumunod na araw, excited ako dahil tutungo na kami sa greenland. Ang dami kong naiayos na bag subalit wala pa rin si Maurice. Hindi pa nakakauwi galing sa kaniyang trabaho. Well, naayos ko na rin naman ang gamit niya at bukas na kami aalis subalit kailangan din niya ng pahinga. Masiyado na siyang pagod sa buhay.
“Late ka na nakauwi,” ani ko na nakanguso nang dumating siya. Nagawa ko na ngang magshopping bago pa siya makauwi.
Hinalikan niya lang ako sa pisngi bago tuloy-tuloy nang pumasok sa loob.
Naupo siya sa sofa kaya napataas ang kilay. Kita ko kasi ang pagod mula sa kaniyang mukha.
“Kumusta, Love?” tanong ko sa kaniya. Matagal lang siyang nakatingin sa kisame. Alam ko na agad na may problema sa kompanya nito. Ganiyan na ganiyan siya kapag napepressure ng kaniyang Lolo o ‘di naman kaya’y may problema roon.
“Hmm, I just think we can’t go to greenland,” aniya na nakasimangot.
“There’s a problem in Clouds, pinapauwi ako ni Lolo.” Napatango naman ako roon. Mukhang seryoso nga ang problema nito dahil pinapauwi siya. Kapag mayroon naman kasig maliliit na problema kahit dito lang siya’y ayos lang.
“Then we’ll go home saka na lang tayo magpunta sa greenland kapag ayos na,” nakangiti kong saad sa kaniya. Napatitig lang siya sa akin bago unti-unting ngumiti.
“Thank you, Love…” aniya kaya umiling ako. There’s nothing he should be thankful about. Dapat nga’y naroon siya sa pilipinas ngayon subalit dahil sa akin ay na-stuck na siya rito sa Paris.
Hindi na nga kami tumuloy pa sa greenland dahil dumeretso na rin kami sa pilipinas matapos ang ilang oras na pahinga at tulog but Maurice looks like he didn’t even get a sleep. Mukhang problemado talaga.
“Sleep, Mau, problema rin ang sasalubong sa ’yo roon,” ani ko na tinapik pa ang braso ko. Sa huli’y dahan-dahan lang siyang lumapit para sumandal sa akin. Nakatulog din naman siya kahit paano bago.ksmi nakarating doon.
“Omg! I miss the two of you!” sigaw ni Tita na nanakbo pa habang patungo sa amin. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti mula sa mga labi ko lalo na nang yakapin niya kami.
“Kumusta, Nak? May cheesecake sa bahay! Pinag-bake kita! Marami tayong gagawin nito!” excited niyang saad nang tignan ako. Napatawa naman ako nang mahina roon dahil iniirapan kami ni Maurice.
“My! Grabe! Parang hindi mo ako anak, huh?” reklamo niya na nakasimangot pa. Napatikhim naman si Tita dahil do’n.
“Nagkita tayo noong nakaraan! Si Hati hindi ko man lang nasilayan ang batang ‘to,” aniya kaya napangiti na lang din ako nang ang dami niya agad kwento sa akin.
“We should do shopping. Ang dami kong gustong bilhing damit para sa ’yo, Nak,” sambit niya sa akin kaya tumawa si Maurice sa gilid. Inirapan ko naman siya dahil do’n.
“Mommy, she already have a lot of clothes. Nakatambak lang sa bahay!”
“Excuse me! I wore that once.” Tumawa naman siya tila ba nang-aasar kaya hindi ko maiwasan ang samaan siya ng tingin. Si Tita naman ay mahinang natawa at kinampihan din ako.
“She’s supposed to spoil herself too,” ani Tita kaya nginisian ko si Maurice. Akala mo naman ay hindi rin ako binibilhan ng gamit at damit. Halos kalahati nga’y galing sa kaniya.
Nang nasa sasakyan na kami, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Two years ago when I was here, I still remember how I can’t even look at someone’s eyes.
Hindi ko akalaing nandito akong muli. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa paligid. So many things changed. Nakikipagkwentuhan ako kay Tita nang tumunog ang phone ko. Nag-excuse lang ako na sasagutin ‘yon. Agad akong napangiti nang makitang video call from Marco at Ren.
“Hey,” bati nila sa akin bago kumaway.
“You’re really back here?” tanong ni Ren kaya ngumisi ako at ipinakita pa ang labas ng kotse.
“Let’s see each other! Grabe miss na kita!” saad niya sa akin. Pinakita ko naman si Mau na siyang nasa harap namin. Kumaway lang ito sa kanila. After I go abroad, I thought all of my friends hated me. Bahagya akong natahimik nang maalala kung paano ako tignan ng mga kaibigan noon at kung paano ako pinagtabuyan sa burol ni Lisa.
“Natahimik amp. Hindi mo man lang ba kami na-miss?” tanong niya kaya tumawa ako.
“Of course I miss you too! See you!” nakangit kong sambit. They actually visit me in Paris kaya maski si Maurice ay naging kaibigan na rin nila.
“Look at Rena,” anila na pinakita pa ang anak-anakan nilang dalawa. I don’t know how it started but they developed feelings with each other. Nitong nakaraang taon naging sila and they adopt a daughter which is si Rena.
“Hello po, Tita!” Kumaway pa ito kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti. Gusto na agad na panggigilan.
We stop talking na rin nang mapagpasiyahan kung kailan magkikita.
“Invite your friends in our house para naman mabuhay ang bahay,” ani Tita sa akin.
“I’ll let them now po, Tita,” ani ko kaya tumango siya at nagpaplano na agad. Nagchikahan lang kami hanggang sa makarating sa kanilang bahay.
Napangiti na lang din ako dahil madaming pagkain sa loob. Marami rin ang paborito ni Maurice kaya hindi ako naniniwalang hindi siya pinaghandaan ni Tita. Siya lang kaya ang nag-iisang anak nito.
“Your room is already clean,” ani Tita kaya napatango kami.
“My, baka umuwi po kami sa bahay,” ani Maurice kaya agad naman nagtampo si Tita.
“Minsan na nga lang kayo umuwi’y may balak pa kayong sa ibang bahay,” aniya na nagsusuplada. Hindi ko naman maiwasan ang matawa dahil do’n.
“It’s completely fine if we stay here, Mau,” ani ko na tumango pa. Kita ko naman ang tingin niya sa akin dahil do’n. Unti-unti siyang ngumiti bago napatango.
“We’ll stay here, Mommy,” saad nito kaya agad na napapalakpak si Tita.
“Dapat lang,” aniya pa kaya hindi ko maiwasan ang matawa.
“You’re here na pala, Mga apo!” nakangiting bati ni Lolo na siyang lumapit sa amin. Nagmano kami ni Mauruce sa kaniya bago nagsimulang kumain. We just randomly talk about how life went by sa mga nakaraang buwan.
Nang matapos, nag-ayos na rin naman agad kami ng nga gamit sa taas. Nang nasa kwarto na ako’y hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. It didn’t change that much, nadagdagan lang ng ilang litrato namin ni Mau sa Paris, mukhang si Tita ang nagpapaframe.
“Tita really know us, 'no?” nakangiti kong tanong. Pakiramdam ko’y kasama talaga ako sa pamilya nila dahil sa turing sa akin ni Tita. Para ko na siyang nanay and I’m really thankful to have them in my life.
And I didn’t know that instead of being happy with them here in the Philippines, I’ll just lost them all for coming back…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro