Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Chapter 23

Luwalhati’s POV

“Subukan mo,” ani ko nang lumapit pa siya sa akin. Hawak-hawak ko na ang kutsilyong panghiwa ng steak.

“You’re the one who need my favor, Hija,” nakangising saad nito.

“Ms. Lopez, I think you have a hardheaded artist here,” natatawang saad niya pa kay Cia na pumasok nang marinig ang tili at sigawan.

“What are you doing, Hati?” galit na sambit sa akin ni Cia.

“Ibaba mo ‘yan,” aniya subalit umiling ako at nanatiling hawak pa rin ang kutsilyo.

“I’ll just talk with her, Mr. Chen. Pasensiya na po sa inaasta niya,” anas niya kay Mr. Chen bago ako hinawakan. Nabitawan ko rin ang kutsilyong hawak bago sumunod kay Cia sa labas.

“Ano ba naman ‘yan, Hati? Anong ginawa mo?” galit niyang sambit sa akin.

“Papahipo ka lang! Pagkatapos ay bongga na ang project mo! Minsan gamitin mo rin ‘yang kokote mo, Hati,” aniya kaya hindi ko siya makapaniwalang tinignan. What the… fuck? How can she say that as if ganoon lang kadali ‘yon.

“Gago ka ba?” tanong ko sa kaniya. Nanatili lang ang malamig na tingin niya sa akin.

“Hindi ako puta… modelo ako, Cia. Hindi ganiyang trabaho ang gusto—” Bago ko pa matapos ang sasabihin ay nagsalita na siya.

“That’s right model ka! Model na pawala na sa idustriya! Wala ng tumatanggap sa’yo, Hati! Halos lahat ay nagbaback out na! So if you still want to be a model, lumuhod ka roon at magmakaawa kay Mr. Chen na bigyan ka ng project!” aniya sa akin.

“Kaunting hipo lang ‘yon, Hati. Hindi naman ipapasok!” Hindi ko siya makapaniwalang tinignan. Lahat ba talaga ng kaibigang mayroon ako masasahol ang ugali?

“Hipo lang! Hindi mo ata alam ang sinasabi mo, Ciandria! Hipo lang, gago ko nga. Hindi mo ata alam epekto ng ‘hipo lang’ na ‘yan!” Araw-araw. Kada oras ramdam mo pa rin ‘yong mga kamay na humawak sa’yo tila ba naroon pa rin sa katawan at balat mo. Tanginang hipo lang na ‘yan…

“Ganoon lang! Lisa even do things more than that to gain a project! Hindi mo tularan ang kaibigan mo!” aniya sa akin kaya nahinto ang nagpupuyos na galit mula sa akin.

“What?” tanong ko. Gulat sa rebelasiyon na narinig.

“Ang sabi ko’y you should wake up! Hindi ka na ganoon kasikat na pupuwedeng magmalinis. Nagback out na ang ibang brand dahil sa mga issue mo!” aniya sa akin.

“What did you do to Lisa?” mariing tanong ko. Nilingon niya ako dahil doon. Kita ko ang pagtaas ng kilay niya.

“I didn’t do anything. She was the one who wants that dahil lang gustong makipagsabayan sa’yo!”

I know that there’s a dirty side in this business but I just didn’t know that she’ll do it. I don’t know…

“Ano natauhan ka na ba? Not everyone is lucky like you! Kaya kung gusto mo pang mapanatili ‘yang kasikatan na mayroon ka, bumalik ka roon! Do whatever Mr. Chen told you to do,” aniya sa akin. Nilingon ko siya at tinignan sa mga mata.

Ang daming bagay na gumugulo sa isipan ko but there’s one thing na tumatak sa akin. I jusy want to end everything.

“You know what, Cia, I quit,” ani ko. Agad na nanlaki ang mga mata niya dahil do’n.

“What the heck is wrong with you, Hati? Yiu can’t do this. You sign a contract!” sigaw niya sa akin subalit wala na akong iba pang naririnig. Gustuhin ko man siyang sumbatan, I’m too tired to do that.

“My contract will be done weeks from now, Cia,” malamig kong saad bago siya tinalikuran.

“You won’t be able to find another agency, Hati! I’ll make sure of that,” banta niya pa sa akin. Hindi ko na pinansin pa ang mga banta nito at nagtuloy-tuloy na sa pag-alis.

I texted Maurice number.

Ako:

I’ll go home now. See you.

“What’s wrong? Where are you? Are you done?” sunod-sunod na agad ang tanong nito.

“I’m fine. I’ll take a cab. I’ll see you at home. I’m little bit tired today,” ani ko subalit agad siyang nagsalita.

“No. Susunduin kita. Malapit lang ako,” aniya. Kapagkuwan ay dumating din agad. Nag-aalala niya naman akong tinignan kaya nginitian ko siya.

“Don’t worry. Ayos lang ako.” Nanatili pa rin ang tingin niya at hindi ako nilulubayan. Ngumiti lang ako bago ibinaling ang paningin sa bintana.

“Can we visit prison right now?” tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin. Nag-aalala siyang napatingin sa akin subalit sa huli’y napabuntonghininga na lang siya.

“We can visit tomorrow morning,” aniya dahil ‘yon ang visiting hour doon.

Kinaumagahan ay maaga rin akong gumayak. I just need to talk with Lisa. Ni hindi ako makatulog sa isipang ‘yon.

“Are you sure you’ll be fine?” tanong ni Maurice sa akin. Tumango naman ako kaya hinayaan niya ako.

He came with me subalit hindi ko na rin siya hinayaan na lumapit sa gawi namin. Nang lumabas si Lisa, nakitaan ko ng gulat ang kaniyang mukha subalit unti-unti ring napilitan ng pagkunot ng noo.

“Why are you here?” tanong niya sa malamig na tinig.

“I already regret what I did… hindi mo na kailangan pang ipamukha sa akin,” aniya na nag-iwas ng tingin.

“Did you really do it?” tanong ko. Namamaos ang tinig at hindi alam kung paano pakakalmahin ang sarili.

“Did what?” tanong niya.

“I did it kaya nga ako nandito, ‘di ba?” aniya na ngumiti sa akin nang tipid.

“I’m sorry…” mahinang saad niya.

“I shouldn’t do it…. Hindi ko dapat ginawa sa’yo ‘yon… I’m really sorry… I just hate myself from doing it…” mahina niyang saad.

“Did you sell your soul for fame, Li?” tanong ko na nagpahinto sa kaniya. Ang guilty mula sa mga mata niya ay napalitan ng pagkagulat. Unti-unting namuo ang luha mula sa kaniyang mga mata.

“I… I did…” aniya na iniwas ang mga mata sa akin. Kita ko kung paanong namasa ang pisngi. Kinakagat na ang kuko ngayon. Napaawang ang labi ko bago unti-unti rin ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata.

“I’m sorry…” mahina kong saad bago siya nilapitan. She was scared at first but when I hugged her unti-unti ring kumalma.

“I’m sorry…” Ulit-ulit ang paghingi ng tawag dito. I didn’t even notice that she slowly changing. I… felt bad about everything.

“Why are you saying sorry? It’s my choice,” aniya na nginitian ako. Mas lalo lang napahagulgol ng iyak dahil dito.

“It’s not your fault that I wanted to survive… don’t feel bad about it… please… it just made me hate myself more…” aniya na iniwas lang ang mga mata sa akin. Pinigilan lang din ang maluha.

“Hate me instead…” sambit niya pa subalit hindi na ako makapagsalita sa kaiiyak habang yakap-yakap siya. Lisa has been friends for years. Alam kong hindi matatama ang pagkakamaling ginawa niya and I hate her for that but she’s my friend. Kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin maiiwasan ang mag-alala rito.

Kahit nang makaalis na kami roon, tulala pa rin ako.

“You should eat, Hati,” ani Maurice sa akin nang makitang hindi ko man lang nagalaw ang pagkain na nasa tapat. Tumango lang ako habang sumusubo roon.

“Just rest, don’t turn on the television,” ani Maurice na siyang nakasunod sa bawat galaw ko. Nilingon ko siya dahil do’n. Isang masamang tingin lang ang iginawad dahil masiyado siyang halata kapag may tinatago. Sinindi ko lang ang tv. Agad na nakita ang mukha ni Mae.

“She treated me badly. Minsan kapag katapos ng shoot bigla-bigla na lang akong sinisigawan,” ani Mae. Is it about me?

“She’s different from the girl you all know. She treated those people around her differently. Mas masahol pa sa hayop ang tingin niya sa amin. Naalala ko po no’ng nagkasakit ang Mama ko, kailangan ko pong umuwi pero dahil pinapaulit niya ang make up niya, hindi ko man lang po nagawang makita ang Mama ko nang mamatay.” Humagulgol pa ito ng iyak. Hindi ko naman mapigilan ang pag-awang ng mga labi dahil do’n. Did her mom died? Ang alam ko’y matagal ng patay ang Mama niya?

“I’ll quit showbiz,” ani ko kaya agad na napatingin sa akin si Maurice.

“But you enjoy doing that?” tanong niya sa akin kaya ngumiti lang ako at nagkibit ng balikat. I tried my luck there because of Lola. I want her to see me.

Now that I think about her. Bumigat lang ang kung ano mang nararamdaman.

“I’ll sleep,” ani ko na nag-iwas ng tingin. Nagtungo na rin ako sa aking kwarto. Tulala lang habang nakatingin sa kisame. Takot na ipikit ang mga mata dahil hahabulin lang ng masasamang alaala.

I thought it was the end of all but world really wants to fuck with me.

“I already made you a breakfast. Let’s eat,” ani Maurice sa akin kaya tumango ako at sumunod sa kaniya.

“You had a call from Ren earlier…” mahinang sambit niya nang makakain kami. Hindi ko gusto ang tinig nito kaya naiinip ko siyang tinignan.

“What is it, Maurice?” tanong ko na nakakunot ang noo.

“Lisa… committed suicide…” ani Maurice na siyang nagpahinto sa akin. Ang tissue na hawak ay nabitawan na lang.

“W-Wha—” I can’t even say a word. I can’t even cry.

“I’ll go to their house,” ani ko subalit umiling si Maurice.

“Her mom is furious, that’s what Ren said. Mas mabuti kung dito lang muna,” aniya pa sa akin subalit nanatili ang malamig na tingin ko.

“I… I’ll still visit her…”

“Stay here for a while, Hati… please…” He looked so worried but I don’t really think about anything else. Gusto ko lang talagang makita ang kaibigan.

“Saglit lang tayo,” aniya kaya tumango ako. When we came in their house, marami na ang mga sasakyan na pakalat-kalat sa labas. I don’t know if her body’s already here. I just want to see her.

“What are you doing here, Hati? Hindi ba’t sinabi na sa’yong huwag ka munang bumisita?” tanong ni Ren sa akin. I don’t know if he’s mad at me or he’s worried.

“Kaibigan ko rin si Lisa, Ren!” ani ko na nanatili pa ring nakatayo roon.

“I know… but Tita’s mad at you—” Bago niya pa matapos ang sasabihin, bumukas ang pinto ang inilabas niyon ang Mommy ni Lisa.

“Why are you here? It’s your fault why my daughter end up dead! It’s your fault that she’s now gone! If you just didn’t go here that day!”

“You framed her up, right?! Kaya nga nakulong! Kaya nagpakamatay!” malakas niyang sigaw. Kita ko rin ang tingin ng mga taong narito. Those friend who used to adore me look at me as if I’m such a disgusting piece of shit. Those people who I don’t know looks at me with insult in their face. But I don’t have time to care. I just want to see Lisa.

“You’re the one who cause my daugther to take her life! Ang kapal din ng mukha mong magpakita pa rito!” sigaw niya. Ni hindi ko na nasundan pa nang masulyapan ang wala ng buhay na kaibigan na siyang payapang nakapikit. I thought I can’t cry anymore but I just saw myself crying. Ang tuhod ay hindi na nakayanan pa.

“I’m sorry po… It’s my fault… kasalanan ko nga… pasensiya na po.” Tuloy-tuloy na ang paghagulgol at tuloy-tuloy ang paghingi ng tawad. May humawak na sa braso ko para itayo subalit wala na akong lakad para gawin pa ‘yon.

“I’m sorry po…”

“Maibabalik ba ng sorry mo ang anak ko? Umalis ka rito! Huwag ka ng magpapakita pa! Kasalanan mo kung bakit nawala ang anak ko!” galit na galit niyang sigaw. Kita na ang mga guard na palapit sa akin para paalisin ako.

Nakita na lang ang sariling hawak-hawak ng kung sino at inaalis doon. Ni hindi na alam kung ano na ang sunod na nangyari, napagtanto na lang na nasa kwarto na. Bawat araw, pasakit nang pasakit. Bawat araw, nakikita na lang ang multo ng lahat. 

“Eat, Hati… Ilang araw ka nang hindi kumakain…” anang isang tinig. Sinubukan pa akong hawakan nito kaya agad na napatili.

“It’s Maurice, Hati…” mahinang anas niya. Kita ko ang pag-aalala mula sa mga mata niya. Iniwas ko lang din ang paningin at nanatiling sa kawalan ang mga mata. If I was more focus on people around me baka nandito pa si Lisa at Lola. Kung naging mabuting apo at kaibigan lang sana ako… Why do everyone keeps on leaving me? Everything is just my fault… Baka hindi ako sapat… Naybe I was too much? Sana nakinig ako kay Lisa… sana hindi ko iniwan si Lola no’ng araw na ‘yon… Sana nandito pa sila.

“Hati, do you want to travel?” tanong ni Maurice habang nakatingin sa pinggan ko na siyang wala pang bawas.

“Para saan pa?” mahinang tanong ko.

“Let’s go abroad, Hati…” aniya sa akin.

“You said you wanted to be a model in a runaway, right?”

“I don’t want it anymore,” sambit ko na nag-iwas ng tingin. I just don’t feel on living anymore.

“Alright… But let’s find something you’ll enjoy, Hati…”

“Let’s go to psychiatrist,” aniya kaya natigilan ako sa pagkain. Nang tignan ko siya’y kita ko ang mga mata niya. Mga matang para bang kinakausap ako.

“I don’t want to lost you… I know how much you want to solve it in your way but reach someone hand when they want to help you… Hindi mo kailangan sarilihin ang lahat, Hati… nandito ako… Please… Let me help you,” he said while trying to let me reach his hand and I did…

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro