Chapter 22
Chapter 22
Luwalhati’s POV
“Can we talk?” I asked when she finally answer the call.
“Hey, Hati. Bakit napatawag ka?” Nakikita ko na ang ngiti mula sa mga labi nito.
“We should talk,” ani ko.
“Huh? Bakit? Is this still about Marco? Okay lang, Hati! Tapos na ‘yon. Ayos naman na tayo, ‘di ba?”
“But if you really insist on talking. Kita na lang tayo rito sa bahay,” aniya nang hindi ako marinig na nagsalita.
“Okay, let’s meet in your house,” ani ko kaya napatingin sa akin si Maurice. Kita ko ang galit, takot at pag-aalala mula sa kaniyang mga mata. Iniwas ko lang ang paningin doon.
“Okay, see you, Hati! I miss you, Girl!” Pinatay ko na ang tawag nang malaman ang oras.
“Are you really going in her house, Hati? I told you that she’s the prime suspect on what happened to you. She’s the reason why you almost got…” Ni hindi niya magawang tapusin ang sasabihin. Nginitian ko lang naman siya dahil do’n. I know… but I still want to know it from her.
Maraming ebidensiyang nagtuturo na siya nga ang mastermind dahil siya rin ang tinuturo ng mga hayop na ‘yon. Mau’s team also raid the bar. Nakuhanan din sa cctv kung paano niya lagyan ng kung ano ang inumin ko. They’ll take her to custody ngayong araw to interview but still… I want to know it from her. Alam ko rin na siya ang nagpakalat ng ilang litrato ko dahil ang iba roon, siya lang ang kasama ko.
Sana hindi. Sana mali lang ako. I don’t want to lose someone again. I just don’t want it to happened.
“I’ll come with you,” ani Maurice sa akin. Umiling lang ako.
“No, I’ll do it myself, Mau,” ani ko kaya isang buntonghininga ang pinakawalan niya bago tumango.
“Kahit sa labas lang, Hati…” anas niya pa dahil alam na desidido ako sa gagawin. Sa huli’y tumango na lang din.
Kinahapunan, agad ding nagtungo sa bahay nina Lisa. Akalain mo na ‘yong bahay na pakiramdam mo’y bahay mo rin noon makes you feel suffocated right now. Kumuyom lang ang kamao ko habang hinihintay sa sala si Lisa.
“Why are you here, Hati? Idadamay mo rin ba ‘yang anak ko sa paglugmok mo?” tanong ni Tita Sarah sa akin. Kung noon, lagi’y welcome sa bahay nila. Ngayon, pakiramdam ko’y hindi. Hindi rin naman ako nagsalita at hinintay lang na lumabas si Lisa. Nang makita ko siya’y nanatili lang ang malamig na tingin.
“We’ll talk lang, My. Sa kwarto ka na po muna,” malambing niyang saad sa kaniyang ina.
“What brought you here, Hati? Ano bang pag-uusapan natin?” tanong niya na nakangiti pa sa akin nang umalis ang Mommy niya.
“Is it you?” tanong ko. Hindi na nag-aksaya pa ng oras na makipagplastikan sa kaniya.
“Huh?”
“Is it you who almost got me raped?” diretsang tanong ko kahit nanginginig na ang kalamnan sa pandidiri at galit.
“What are you talking about?” aniya na tumawa pa. Umiling-iling pa siya tila ba I’m saying nonsense.
“Why would I do that… magkaibigan tayo,” sambit niya kaya napatango ako. Para ring nakahinga ng maluwag.
“Right… you won’t do that. We’re friends, right?” ani ko napatango. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.
“Don’t act like you fucking trust me! You… you don’t care about me… so don’t look at me like that…” aniya na umiling-iling pa. She seems really different from Lisa I know.
“Right… I was the one who did that! I want to your life to be miserable! I want you to end just like me! I did it! I insert a drug in your drink. Tanga ka, ininom mo!” Humalakhak ito ng tawa habang nakatingin sa akin. Imbes na takot ang maramdaman, sakit at galit ang nanguna sa akin. Ramdam ko ang kirot ng puso nang sambitin niya ‘yon.
“No… you won’t do that to me… magkaibigan tayo…” mahina kong saad subalit mas lalo pang lumakas ang tawa niya.
“I already did…” aniya na para bang nasisiraan na ng bait subalit nganuna na ang poot sa akin. She did… I… almost got rape because of her… is she really my friend?
“I fucking got sexual assault! Tangina! Kaibigan ba talaga kita? I can’t believe you’ll do this to me!” malakas na sigaw ko. Ang luha’y walang humpay sa pagtulo. Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib habang nakatingin sa kaniya na hindi man lang makikitaan ng awa at maski konsensiya’y wala rito. Mukha pa siyang tuwang-tuwa sa dinanas ko.
“Deserve!” natatawang sambit niya.
“Hindi ba’t ‘yan naman talaga ang gusto mo? You wanted guys all over you! Ganiyan ka kalandi! Kunwari pang ayaw gayong ikaw na mismo ang nakipag-inuman sa kanila! Ikaw ‘tong tangang hindi man lang nagtaka na halos puro lalaki ang bisita ko,” aniya sa akin.
“At kung nakita mo na, bakit hindi ka pa umalis? Ang sabihin mo gustong-gusto mo rin!” I don’t see the innocent Lisa right now. Parang ibang tao ang kaharap ko at hindi ang kaibigan na madalas kong kasama.
“Sa sobrang kati mo nga’y kahit alam mong gusto ko si Marco, nagawa mong agawin!” galit niyang sigaw.
“O, huwag mong sabihing hindi dahil ikaw na mismo ang umamin na gusto mo rin siya.”
“Are you really going this low? You’re pathetic. Para lang sa lalaki nababaliw ka? Ang dami pang tao sa mundo, gaga.” Gusto ko siyang intindihin subalit mismong siya hindi ata maintindihan ang sarili.
“Do you think this is just about Marco? It’s all about you! Ang daming bagay na inagaw mo sa akin! ‘Yong projects sa Clouds! The business proposal!” I can’t believe I’ve been friends with a snake for how many years. Paano niyang naatim na makipagkaibigan gayong inggit na inggit pala at ayaw na ayaw na nalalamangan.
“You’re disgusting. Kaliwa’t kanan sa pagpopost ng woman empowerment pero inggit na inggit naman sa ibang tao. I thought you have better excuse, baka sakaling mapatawad pa kita sa tagal nating magkaibigan but guess what? Masahol ka pa sa hayop,” ani ko na nagpupuyos sa galit. Isang sampal ang iginawad ko sa kaniya bago siya tinalikuran.
Habang naglalakad paalis, nag-unahan na ang luha sa pagtulo. Akala ko’y hindi ko ‘to iiyakan subalit I just can’t believe that they did this to me. Isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ako. Taong hindi ko akalain na magagawa sa akin ito. I fucking hate everything.
“Do you really think na dahil lang do’n?” tanong niya sa akin nang malapit nang makalayo. Nilingon ko siyang muli. Kita ko kung paano mag-unahan ang luha mula sa mga mata niya.
“You’ll never know the reason why…” aniya na humalakhak pa. I don’t know kung nababaliw na ba siya. Quits lang pala kung ganoon. Ako rin. Kaunti na lang ay masisiraan na ng bait.
I didn’t look at her anymore. I just don’t want to hate her again. Masiyado ng galit ang puso at hindi ko na gusto pang dadagan. I don’t think I can forgive her.
Nang lumabas, agad akong nilapitan ni Maurice. Nang tuluyan na siyang makalapit, unti-unti akong napaupo. Ang kanina pang nanghihinang tuhod ay unti-unti na lang ding bumigay. Kinain ako ng galit but now that I don’t see her anymore. Ang sakit na dulot nito’y tila kinain na ang aking sistema.
We come home again but I just don’t want to stay there. Kapag tahimik ang paligid. Lahat na ata ng masasamang alaala’y nag-uunahan.
“Can’t sleep?” tanong ni Maurice sa akin nang makitang nakatulala lang ako sa isang tabi at hindi pa rin kumakain.
“Here.” Iniabot niya ang gatas na hawak. Tinignan ko siya nang makuha ‘yon. Iniwas niya lang ang mata sa akin nang makita akong napatingin sa kaniya. Napangiti na lang ako nang mapait. I feel like he hates me. Does he think that I’m disgusting now?
Namalayan na lang na namamasa na ang pisngi. Nang lingunin ako ni Maurice, kita ko ang pag-aalala mula sa kaniya.
“Hati…” tawag niya.
“Do you want to… uh… consult a pyschiatrist?” tanong niya sa akin.
“What? I’m not crazy! I can still think properly!” galit kong sigaw.
“I know… but not everyone who have a pyschiatrist is crazy, my love…” aniya sa akin na nginitian pa ako. Iniwas ko na lang ang tingin dahil sa kabila ng lakas ng tinig ko’y sinuklian pa rin nang pagiging kalmado nito.
“Are you disgusted with me?” tanong ko sa kaniya. Dahan-dahan siyang napatingin dahil sa tanong ko. Agad ding umiling.
“No. Why would I?” Dahan-dahan niya pang pinalis ang luhang tumutulo mula sa mga mata ko.
“Kung ganoon, why can’t you look at me the same way? No scratch that, you can’t even look at me,” ani ko na nakakuyom ang kamao.
“No, my love, it’s not like that. When I looked at you, I just have the argue to kill someone,” aniya na makikitaan nang panganib sa kaniyang mga mata.
“I’m sorry if you feel that way,” aniya na nanatili ang mga mata sa akin. He was just looking at me as if a fragile thing that he doesn’t want to break.
“Those bastard won’t be able to touch you again.” Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin bago ako hinayaang makatulog sa kaniyang bisig.
Nagising sa isang madilim na lugar. Halakhakan ng mga hayop ang naririnig. They’re here. Why would they come here? Malakas na tili ang pinakawalan ko nang maramdaman ang hawak ng mga ito.
“Hati!” malakas na sigaw ang gumising sa akin.
“You’re having a bad dream,” ani Mau na siyang nag-aalala ang mga mata nang mapatingin sa akin. Ramdam ko ang butil ng pawis mula sa noo. He gave me the towel. Ni hindi niya ako nilubayan ng tingin.
“I’m sorry… I woke you up…” ani ko na nag-iwas ng tingin sa kaniya.
“No… sorry that you experience that…” bulong niya na hindi na ako pinakawalan pa. He just sing me a song to sleep again.
Those dream just became worse everynight na gugustuhin kong huwag na ang matulog.
“I’ll resume taking project, Mau,” seryoso kong saad. Tumango siya kahit na makikitaan ng pag-aalala sa mukha. Despite having a bad publicity, ang dami pa ring gig na nakuha ni Cia. That’s why she’s been calling me to work. No one knows what happened to me. Ang alam lang ng lahat ay malandi ako na nakipagkita sa kung kanino.
“Ihahatid na kita,” ani Mau. Tumango naman ako dahil hindi rin siya mapapakali kung hindi magagawa ang gusto.
“Call me whenever something came up,” saad niya kaya tumango ako.
“Should I come with you?” tanong niya pa nang hindi pa nakakaalis. Ngumiti lang ako at umiling.
“I can handle myself, baka Hati ‘to,” ani ko para pagaanin ang atmospera subalit nanatili lang ang nag-aalalang tingin niya sa akin. Hinalikan ko lang siya sa pisngi bago tuluyang nagpaalam.
“Girl, nabalitaan mo na ba na nasa kulungan na si Lisa?” tanong sa akin ni Mae nang makita niya ako. She’s the one who surrendered herself. I don’t know if she’s guilty or what. I just don’t care anymore.
“Finally, you’re here!” ani Cia sa akin. Tila nakahinga rin siya nang maluwag nang makita ako.
“Get ready. Mae pakihanda na ‘yong susuotin ni Hati,” ani Cia.
“I thought this is just a contract signing?” naguguluhan kong tanong.
“Yup. But you need to change,” aniya na tinignan pa ang suot ko. I’m wearing formal blouse and pants.
Sa huli’y hinayaan ko na lang din. Inayusan lang ako ni Mae habang nakikipag-usap sa akin.
“Isn’t it too much? Wala namang shoot, hindi ba?” naguguluhan kong tanong kay Mae. Nginitian niya lang naman ako at sinabing utos ni Cia.
“Tara na,” ani Cia sa akin nang matapos ako. Tumango na lang at sumunod sa kaniya.
“Be nice to Mr. Chen,” bulong sa akin ni Cia nang marahan akong itulak papasok. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi siya sumunod. Sa mga contract signing ko madalas ay kasama siya.
“Cia—” Bago pa matapos ang sasabihin ay sinarado niya na ang pinto.
Napaawang ang labi ko nang makita ang isang matandang businessman sa loob.
“Good evening po,” bati ko. Kita ko naman ang malagkit na tingin nito sa akin. Kumuyom lang ang kamao ko roon.
“Dito ka, Hija,” aniya na tinapik pa ang katabing upuan. Nangunot naman ang noo ko roon.
“I’ll take this sit instead,” ani ko na naupo lang sa malayong upuan. Hinanap ko naman ang contract subalit wala rito. Napatingin naman ako kay Mr. Chen na siyang naupo pa sa tabi ko. Halos manigas ako sa kinauupuan nang maramdaman ang kamay na paakbay na sa balikat ko.
“What the fuck?!” malakas kong sigaw na inalis ‘yon sa braso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro