Chapter 21
Chapter 21
Luwalhati’s POV
“Si Jian, nakilala mo na siya sa party nitong nakaraan, ‘di ba?” Ngumiti naman ako at tumango. Nakipagkumustahan din kay Jian na siyang nakangiti sa akin.
“Nice to see you again, Hati.”
Isa-isanv pinakilala ni Lisa ang kaniyang mga kaibigan na halos hindi ko naman masundan dahil marami ‘yon. Hindi ko mapigilan ang mapatitig kay Lisa dahil do’n. How can a person change in just short period of time? Or I’m not just focus in them? Ang dami niyang bagong kaibigan na hindi ko gaanong kilala.
“Na-meet ko sila sa showbiz,” aniya na natatawa pa dahil nakaawang lang ang labi ko at napansin ang mukha kong nagtataka kung saan niya nakilala ang mga ito. Ang iba nga’y mukhang model subalit ang iba’y hindi ko naman alam kung saan nakita.
“Hi, Hati! I’m a fan!” anang isang lalaki na hindi ko na sundan ang pangalan.
“Ang sexy mo sa mga picture mo sa ig,” sambit niya na ngumiti pa.
“Salamat,” ani ko lang na hindi gaanong komportable dahil nasa akin ang mga mata nila. Awkward na lang ding ngumiti.
“Hati, dito tayo!” ani Lisa na inaya akong lumapit sa kaniya. ‘Yon naman ang ginawa ko dahil siya lang naman ang kaibigan na narito ngayon. Lisa and I talked. Ang dami nga talaga niyang kwento. Natatawa na lang ako dahil kinukwento nito ang mga funny experience sa showbiz.
“But sometimes I just want a normal life. Away from these…” aniya. I don’t know why I see glimpse of sadness in her eyes.
“Why?” tanong ko sa kaniya. Nang lingunin niya ako’y umiling lang siya at tumawa.
“Wala, nakakapagod lang magplease ng tao tapos sa huli’y kahit gaano karami ang magandang bagay na nagawa mo, mali pa rin ang masisilip ng mga ito,” aniya na ngumiti sa akin. She’s right about that. I don’t really know why do people think that as if we can’t commit mistake. But I know that our life seems like an open book to all of them. Wala din talagang magagawa dahil kami ang pumasok sa buhay na ‘to.
“Seriously tho, I want to say sorry,” ani Lisa sa akin.
“For what?” tanong ko. Umiling naman siya at ngumiti.
“Basta, sorry,” aniya kaya nagtataka ko lang siyang tinignan. Iniba na rin miya ang usapan at binigyan ako ng baso ng alak. Sinimsiman ko lang ‘yon bago nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan sa kaniya.
“Inom ka, Hati,” anyaya ni Jian sa akin. Sinusubukan ko namang tumanggi subalit pilit lang sila nang pilit. Isang baso ng alak muli ang iniaabot sa akin.
“Minsan lang naman, Hati,” ani Lisa sa akin. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko bago sumimsim doon. Kaunti lang kapag umiinom. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kainuman subalit napapansin din kasi ang madalas na pagpuno sa baso ko.
“Isang shot lang, Hati! Hindi mo man lang inuubos!” natatawa nilang saad habang nakatingin sa baso ko. Agad naman na sumang-ayon ang ilang kainuman namin. Napatikhim naman ako bago inubos ang isang shot. Wala na akong balak na uminom pa subalit ramdam na ramdam ko ang pagkahilo.
“Saan ka, Hati?” tanong sa akin ni Lisa.
“Cr lang saglit,” ani ko na napahawak pa sa ulo nang makaramdam ng pagkirot.
Nagtungo lang ako sa cr at tinext si Maurice na nagsasabing gusto ko nang umuwi. Lalabas na sana ng cubicle nang napabalik muli ng upo dahil sa sakit ng ulo ko.
“Hintayin niyo! Lalabas din ‘yon.” Narinig ko ang bulungan mula sa labas. Napahawak lang ako sa aking sentido dahil hindi na makatayo.
“Baka umepekto naman na? Sabi ni Lisa mabilis lang ‘yan! Baka puwede na! Kanina pa ako atat na atat na galawin ‘yan!”
“Gago, maghintay ka! Ang ingay mo mamaya marinig ka riyan!”
“Kahit marinig pa, hindi na rin naman makakaalis ‘yan dito hangga’t hindi natin naikakama.”
Narinig ko pa ang tawanan mula sa labas. Napaawang naman ang labi ko at gustong isipin na mali ako nang naiisip subalit ang lakas ng kabog ng dibdib ay hindi na mawala. Hindi naman na ako makapag-isip pa sa sakit ng ulo ko. Para bang gustong-gusto ko nang pumikit subalit hindi pupuwede. Mabilis akong nagtipa sa phone at tinawatagan na agad ang lahat ng emergency number na nasa phone ko.
“Maurice.” Mabigat na ang hininga nang tawagin ito. Hindi na rin maiwasan ang pagtulo ng luha kahit hindi pa ako sigurado sa kung anong nangyayari.
“I want to go home.” Ni hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang kumalabog na ang cr.
“Hindi na lumabas! Pasukin na natin! Nanghihina na rin ‘yan saka kahit malakas pa, wala namang laban sa dami natin!” Halakhakan pa ang sumunod bago narinig ang galabog mula sa pinto.
“Tangina, ang ingay mo. Mamaya nakatunog na ‘yon. Mga bobo,” sigawan nila. Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay isang galabog pa ang narinig ko.
Nagising lang na nasa isang kwarto na. Habang may isang lalaki na papasok sa loob. Jian. The guy Lisa’s introduce to me.
“Bago makaisa ang mga tukmol, ako muna ang mauuna,” aniya na inaalis na ang sinturon ng kaniyang pantalon.
“You’re awake. Finally. Masarap kapag naririnig ang ungol.” Tumawa pa ito na oarang demonyo.
“Hindi nga nagkamali si Lisa, talaga ngang solve solve ako sa’yo,” aniya. Hindi ako makagalaw sa panghihina. Kahit na nakamulagat ang mga mata’y pakiramdam ko’y paralisa ang buong katawan.
“Ang sarap mo,” aniya na pumatong pa habang hinahalikan ang leeg ko. Walang salita ang maririnig sa akin. Ang luha’y patuloy lang sa pagtulo. Isang malakas na galabog ang narinig at ang pagbagsak ng katawan ni Jian mula sa sahig ang nakita.
Isang galit na galit ang mata ang sumalubong sa akin subalit nang makita ako’y kitang-kita kung paano nagbago sa pag-aalala ‘yon at kita rin kung paano nangilid ang luha mula sa mga mata niya. Agad niyang iniwas sa akin ang paningin.
“Fucking make those guy rot in hell. I don’t want to see anyone of them walking freely.” Parang haring walang kahit na sinong pakikinggan.
“I didn’t touch her! Ni hindi ko pa nga natitikman!” malakas na sigaw ang narinig ko subalit isang malakas na putok ng baril ang Nagpatigil sa kanila sa pagsasalita.
“Don’t wait for me to fucking make you experience hell here.” Ang mga tauhan nito’y unti-unting dinala ang mga hayop paalis.
“I’m sorry,” bulong niya sa akin nang balutin ako ng yakap. Nagtuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha ko at ayaw pa rin magpaawat.
“Fuck.” Ramdam ko ang panginginig niya. Hindi ko alam kung sa galit ba o pag-alala. Naramdaman ko na lang na may mainit na likidong tumutulo mula sa kaniya. Sinasabayan ako sa pag-iyak.
“I’m sorry I was late.” Iyon ang huling katagang narinig ko bago ako tuluyang makatulog. I feel safe in his arms.
Nagising ako na nasa kwarto na namin ni Maurice. Pagkagising na pagkagising ay isang hagulgol na agad ang pinakawalan. I was too scared. I just don’t know what to do anymore. Mas lalo pang naiyak nang makasalubong ang isang pares ng mga mata. I just feel unworthy of him.
“I want to take a bath,” ani ko na umiyak nang maalala ang panghahalik sa leeg ko at paghawak ng maduduming ‘yon. He looked at me for a while subalit kita ko rin agad ang pag-iwas ng tingin niya. Am I not worth his love anymore?
“Alright, ayusin ko lang,” aniya kaya tumango ako.
Nang magtungo roon ay hilang hilod at sabon pa ang ginawa subalit pakiramdam ko’y naroon pa rin ang maruruming kamay ma humawak sa akin. Ang luha’y nag-uunahan na naman sa pagtulo. Pakiramdam ko’y ang dumi-dumi ko. Kita ko ang pamumula ng leeg at collarbone subalit nagpatuloy ako. Kahit na mahapdi’y hindi ko inalintana. Gusto ko lang linisin ang sarili. Gusto ko lang maging malinis muli.
Nang lumabas sa cr, kita kong naghihintay si Maurice doon. Agad kong napansin ang titig niya sa namumulang collarbone at leeg. Kita ko ang pagtiim ng bagang niya at galit mula sa mga mata. Agad ding tumayo at iniwas ang tingin sa akin.
“Let’s eat. Naghanda na ako ng pagkain,” aniya sa akin kaya tumango at sumunod. Tahimik lang ako at nangingilid ang luha habang inaalala ang lahat. Tahimik lang din si Maurice. Nang lingunin ko’y hindi man lang kumakain.
“They’re now on prison. You don’t have to worry anymore,” aniya sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita at nanatili lang na tulala sa aking pagkain. I almost got raped. Tila ba nagbalik ang alaala sa akin. I can’t even bring myself to eat.
Napatakbo ako sa cr pagkatapos pa lang ng isang subo subalit agad nagbalik sa akin ang malalakas na katok mula sa pintuan. Ang mga usapan nila na hindi ko alam kung totoo ba.
“Don’t touch me!” sigaw ko nang subukan akong hawakan ako ng kung sino.
“Don’t you dare touch me,” ani ko na humahagulgol na nang iyak.
“Shhh. It’s Mau…” aniya. Saka lang ako natauhan doon. Dahan-dahan siyang lumapit para yakapin ako habang patuloy naman sa pag-iyak.
“Shhh… I’m here…” bulong niya pa sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. Patuloy lang ang pag-iyak ko saka lang huminahon nang magtagal. He didn’t even leave me after that but I felt like he can’t look at me the same way as before. Naninikip ang dibdib ko sa ideyang ‘yon.
Napatingin ako sa kaniya nang nasa sala kami at tumunog ang phone niya.
“Yes, Mom. She’s fine. I will. Opo.” Nilingon niya ako nang makitang nakatingin sa kaniya.
“Mommy wants to visit you…” aniya sa akin.
“I’m fine. I’ll tell her that she don’t have to be worried,” ani ko kaya nanatili lang ang tingin niya sa akin. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya nang makitang kukunin ang phone ko.
“Don’t use your phone,” aniya sa akin. Kunot noo ko naman siyang nilingon dahil do’n. I feel like he’s hiding something to me kaya nagmatigas ako at ginamit pa rin ‘yon.
There’s so many mention from my account. May ilang tawag din mula kay Cia. Siya ang inuna kong intindihin.
“Finally, I can’t call you since last night! Ilang beses na akong tumawag!” bungad ni Cia sa akin.
“What are you doing in your life, Hati? You know that your name can shatter in just overnight, right?” Pinigilan pa nito ang galit.
“Look at the news! Kalat na kalat na ang mga litrato mo sa social media.” Napakunot naman ang noo ko dahil do’n.
“Kaliwa’t kanan ang mga lalaki mo. You know that I’ll let you do that pero hindi sa publiko, Hati,” aniya kaya mas lalo lang nangunot ang noo. What is she talking about? She knows that I’ll never do that.
“What are you talking about, Cia?” naguguluhan kong tanong.
“Look at the news. Sira na ang pangalan mo.” Napapikit na lang ako nang patayin niya ang tawag.
Just like what she said, I tried to look at it kahit na pinagbabawalan pa ako ni Maurice. I was already trending but not in a good way. Ang daming mga paninira tungkol sa akin. Mga litrato na iba’t ibang lalaki ang kasama. Litrato na wasted sa bar but some are private parties kaya may hinuha ako kung sino ang kumuha.
Mayroon pang mga article kung paano raw ako magtrato ng tao behind the cam. Mga litratong bad trip ako sa araw na ‘yon.
I don’t really understand why do people think that we can’t have our bad day. Kailangan ba araw-araw ka talagang mabait?
@poqershati: Noon pa man hindi na ako nagagalingan umarte riyan. Ganda lang ambag.
@Hatihate: ‘Di pa nga maganda! AHSGSGSHSHA
@Hatiofficial: I can’t believe na naging fan niya ako. Patapon ugali.
Napapikit na lang ako sa dami ng hate comments na nababasa. May mga nagpalala pang article na nagsasabi kung gaano ako kamaldita.
“Stop reading now, we’ll fix it,” ani Mau na siyang kinuha ang phone sa akin. Kita ko ang pag-aalala mula sa kaniyang mga mata subalit ngumiti lang ako.
“No. I’ll be the one who will fix everything.” I just think that I should. In order to grow.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro