Chapter 2
Chapter 2
Luwalhati's POV
"Nice name. Pangalan pa lang mabango na," ani ko kaya agad na napatingin sa akin si Ren.
"Hindi ko gusto 'yang ngiti sa mga labi mo, Hati." Hindi ko naman maiwasan ang matawa dahil naniningkit na ang mga mata niya sa akin as if may gagawin akong kung ano.
"What?" tanong ko na mas lalo pang natawa.
"Wait, cr lang," paalam ko sa kaniya kaya agad niya akong tinignan.
"Sakit sa puso at ulo lang hanap mo, bahala ka!" aniya sa akin kaya napailing ako.
"Cr nga talaga!" ani ko kaya nanatili lang ang paniningkit ng mga mata niya. Totoong nagtungo ako sa cr.
Nginitian ko naman ang mga nakasalubong. Nang makarating sa cr ay kinapalan ko lang ang make up ko. Napangisi naman ako nang makarinig nang ungol mula sa kabilang cubicle. Sanay na ako roon kaya hindi na nagpaabala pa. Mas lalo namang natakpan ang freckles ko dahil sa make up. Ang labi'y mas lalo pang pinapula. Hindi ko mapigilan ang pagmasdan ang mukha ko at napangiti na lang. Satisfied sa ayos.
Kasabay nang pagbaba ko ng gamit ang pagbukas ng pinto. Napatalon naman sa gulat ang babaeng inaayos ang suot na dress kasunod no'n ang kaibigan ni Maurice. Si Jaoquin.
Imbes na mahiya'y ngumiti pa siya sa akin. Ngumiti lang din ako pabalik habang inaayos ang purse ko. Kita ko naman ang sama ng tingin sa akin no'ng babae.
"Don't worry, I won't steal him from you. Mas type ko ang kaibigan niya," ani ko. Mas lalo namang sumama ang timpla nito.
"What?" tanong niya sa akin.
"I like Maurice better," ulit ko sa sinabi dahil may pagkabingi pa ata ito. Napataas lang ako ng kilay dahil sa reaksiyon nito. Iniwan ko naman na sila roon dahil may part 2 pa atang magaganap.
Nang makalabas ay agad kong hinagilap si Maurice. Matagal akong palinga-linga hanggang sa makita ko siyang nasa second floor at nakahilig sa railings sa taas habang pinaglalaruan ang bote ng alak na hawak. Nang magkasalubong ang mga mata namin ay agad ko siyang nginitian at nagawa pang kumaway. Malayo man subalit kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo.
Naglakad na ako patungo sa second floor. Nasa baba pa rin ang mga mata niya. Napanguso ako at naisip na baka may type siya roon. Ganiyan ako kapag may gusto.
"Hi!" Sinubukan kong kunin ang atensiyon nito subalit hindi ako nagtagumpay.
"Oh? Sandara? Type mo? Ganda nga niyan pero may boyfriend na," ani ko kaya nilingon niya ako.
There you go.
"Ako, wala," dagdag ko pa kaya pinagkunutan niya ako ng noo para bang sinasabing anong pakialam niya sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang tawa ko dahil talagang inisnab niya ako.
"I didn't have the chance to tell you earlier my name, I'm Hati. You are?" tanong ko na nakalahad ang kamay. Tinignan niya lang 'yon. Halatang walang balak tanggapin.
"I'm Chester," nakangiting saad nang isang lalaki na mukhang kaibigan din ni Maurice. Siya na ang tumanggap ng kamay ko dahil mukhang napansin ang awkward na sitwasiyon.
"Oh, Hi! Required ba sa grupo niyo na dapat lahat gwapo at matangkad?" tanong ko sa kaniya dahil nakita ko si Maurice na salubong lang ang kilay habang sumisimsim sa alak na hawak.
"Is that a compliment? Thanks?" natatawa niyang sambit sa akin. Ngumiti lang naman ako at nilingon si Maurice.
"Madalas kayo rito? Bakit hindi ko kayo nakikita? Lagi ako rito!" sambit ko kay Maurice na hindi niya naman pinansin. Nanatili lang ang mga mata sa baba.
"We're just invited by a friend." Si Chester ang sumagot dahil gusto akong iligtas sa pagkapahiya. Ngumiti lang naman ako roon.
"Oh, saan pala kayo madalas?" tanong ko.
"Sa Sky lang," aniya kaya agad akong napatingin sa kaniya. Sky is an high end bar. Kung ikukumpara rito'y walang-wala 'to. Ang alam ko'y mga mayayaman talaga ang mga naroon. May kaya kami, natutugunan ang needs at wants subalit ang mga 'yon talaga'y kakaiba. Kaya nga ayaw ni Ren doon dahil punong-puno ng mga anak ng business partner ng Daddy niya.
Then I should just enjoy looking at him for tonight, huh? Seems like I won't be able to see him again.
"Yaman niyo pala," ani ko na tumawa pa.
"Pati ba 'yang inumin mo mamahalin?" tanong ko kay Maurice.
"It seems more important than me. Puwedeng patikim?" tanong ko sa kaniya kaya nakuha ko muli ang atensiyon niya. Kita ko ang talim ng mga mata nito habang nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasan paglapad ng ngiti ko sa kaniya dahil tinignsn niya ako muli. Magsasalita na sana siya subalit dumating ang babaeng kasama ni Joaquin sa cr at sumubok pang lumingkis kay Maurice.
Napaawang naman ang labi ko at pabalik-balik na tinignan si Joaquin at Maurice.
Hindi ko naman na magawang makapagsalita dahil naguguluhan. Parang kanina lang ay naririnig ko ang kaniyang pag-ungol at ngayon narito na siya? Nakalingkis kay Maurice sa harap ni Joaquin?
"Girlfriend mo?" tanong ko na napatingin pa sa babae.
"Hati! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" ani Ren na siyang umakyat na rin dito.
"Uuwi na tayo, you said na I'll take you home before midnight," aniya sa akin. Tinignan niya pa ang mga kausap ko. Lalaking-lalaki ang tindig.
"Pasensiya na kayo rito kay Hati." Hingi niya ng tawad para sa akin.
"Let's go," aniya na hinawakan ako sa palapulsuhan.
"We need to go, pasensiya na ulit," ani Ren sa kanila. Bago ako umalis, nakita ko pa ang panonood nila sa amin. Kita ko rin ang tingin ni Maurice sa palapulsuhan ko na hawak ni Ren. Ngumiti naman ako sa kaniya at kumaway.
"Ang kulit mo talaga," ani Ren sa akin kaya hindi ko mapigilan ang mapanguso. Napailing na lang ako dahil natatawa rin sa kaniya.
"Ngayon lang naman bibisita ang mga riyan dito! Inimbita lang daw," ani ko na tumawa para bang ayos lang ang ginawa. Inirapan niya naman ako dahil do'n.
"Hay nako, Hati, bahala ka!" aniya sa akin na nailing pa.
Nakauwi kami na panay lang ang bilin sa akin ni Ren na sakit lang ang hanap ko. Hindi ko rin naman pinakikinggan dahil ngayon ko lang naman talaga makikita si Maurice.
The next day, late naman na akong nagising kahit na maaga akong nakatulog which is really good dahil kailangan ko rin talaga ng pahinga sa katawan. Beauty rest kahit na maganda naman na ako.
"Good morning, La!" bati ko agad kay Lola na halos mapatalon sa gulat dahil sa akin.
"Punyeta kang bata ka! Papatayin mo talaga ako sa takot!" galit niyang sigaw sa akin kaya hindi ko naman maiwasan ang pagtawa. Yumakap pa ako para halikan siya sa pisngi.
"Anong agahan, La?" tanong ko bago umupo sa upuan ko.
"Tanghalian na, Ineng, masiyadong masarap 'yang tulog mo!" reklamo niya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang mapanguso.
"Tumakas ka na naman? Aba't hindi ka na nagsawa! Habang maluwag ako sa'yo saka mo naman sinusulit!" galit niyang saad. Nasermonan tuloy ako at nadamay pa ang grado ko last year na hindi makalimutan ni Lola dahil isa raw ako sa pinakamababa. Paano'y binuking din ako ng adviser ko. Galit na galit siya dahil doon subalit sa huli'y wala ring nagawa dahil tapos na.
Nang nasa hapag na ang pagkain, huminto na siya kaka-rap at sinabayan na rin ako sa pagkain. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti dahil hindi rin ako natitiis. Pinaglagay niya ako ng pagkain sa pinggan.
"La, I love you," ani ko kaya nilingon niya ako.
"Kumain ka na lang. I love you too," aniya kaya hindi ko mapigilan ang paghagikhik. Kunwari pa, mahal din naman ako.
"Mag-be-bake ako ng cheesecake," sambit niya nang matapos kaming kumain at naghuhugas na ako. Mas lalo namang lumapad ang ngiti sa mga labi ko. Alam niyang paborito ko ang cheesecake kaya umuwi mang luhaan o hindi, mayroon pa ring pagkain para sa akin.
"The best ka po talaga, La!" ani ko na lumapit pa sa kaniya kahit may bula-bula ang kamay. Agad naman niya akong nilayuan.
"Bumalik ka nga roon! Tigilan mo ako, Hati!" sermon niya subalit natatawa ko namang pinahid sa kaniya ang ilang bula kaya sermon ang abot ko. Seryoso sa buhay ang Lola ko kaya laging nahihigh-blood sa akin. Alam ko kapag talagang galit na siya. Kapag kinukumpara na ako nito sa Mama ko, humihinto na ako. She hates my Mom because of abandoning me and leaving her. She hates my Mom dahil nagpaloko sa tatay ko na hindi ko kailanman nakita.
I don't really know where they are o kung buhay pa ba. I don't really care at all. Masaya na ako sa feeling ni Lola. Hindi naman ako galit, sadyang wala lang pakialam.
Nang matapos akong manlambing. Nagtungo na rin ako sa kwarto ko at nag-ayos. Matagal ako kung kumilos kaya umabot ata ng ilang oras bago ako tuluyang matapos.
Lumabas na rin naman ako ng kwarto bago hinintay si Marco at Lisa. Marco is also a model. Marami ring kumukuha roon dahil gwapo rin.
"Ha—" Bago pa matapos ni Marco ang sasabihin ay nakatayo na agad ako.
"Tara na!" ani ko dahil sa excitement na nararamdaman. Ramdam ko ang kaba subalit mas nangunguna ang saya ko.
Napatawa naman siya sa akin dahil do'n. Kinuha niya lang ang gamit ko bago kami nagpaalam kay Lola. Nandito na rin si Lisa kaya nagkukwentuhan na kami habang nasa sasakyan.
Parehas naman kaming nakaramdam ng kaba nang makarating na roon.
"Shock, I don't know if I can do this!" ani Lisa.
"Of course you can! Ang tagal kaya natin 'tong pinaghandaan!" ani ko. Mayamaya lang ay sinalubong na rin kami ni Cia, ang handler namin. Kanina pa siya rito at in-update lang kami. Ilang encouragement message at paalala lang ang sinabi nito bago kami inanyayahan na pumasok na.
Mangha naman akong napatingin sa mga tao sa loob. Lahat ang gaganda! May ilan pang sikat na artistang nakita. Sinubukan ko namang ngitian ang iba subalit kinakain na rin ata ng kaba. Ilan lang ang ngumiti pabalik. Nang matawag ang numero at pangalan ko'y agad din akong nagtungo sa loob.
Ilang paalala pa ang sinabi ni Cia na siyang tinanguan ko lang naman.
I walked confidently while showing my dimples. Binati ko rin ang ilang tao sa loob. When they cue me to walk. Ganoon naman ang ginawa ko. Pinakita rin ang ilang litrato ko. Ilang tanong din ang itinanong na siyang nasagot ko rin naman nang maayos.
Nang lumabas, nagkakagulo ang mga tao sa paligid dahil may naaksidente raw sa labas. Sinubukan ko pang makiusiyoso roon kaya lang ay tinawag na ako ni Cia dahil inaannounce na rin ang kukuning ambassador ng Clouds. Hindi rin tuloy kami nakauwi agad.
Well, kung hindi makukuha, may cheesecake naman ako sa bahay kaya ayos lang.
"Hati! Hati! Omg!" sigaw ni Cia na kagagaling lang sa pakikipag-usap sa taong nakita ko rin sa loob.
"What is it?" tanong ko na ramdam ang kabog ng dibdib.
"You're in! Omg! Kasama ka na sa brand ambassador ng Clouds!" malakas pa siyang tumili. Akala ko'y nagbibiro lang ito subalit nakumpirma nang sambitin ang resulta.
Niyakap pa ako ni Cia at pinagmayabang sa ilang handler na kilala. Ngumiti lang naman ako at hinahanap sina Lisa. Bahagyang naguilty dahil si Lisa ang pinakanag-aabang dito.
Nakita ko naman sila malapit sa labasan. Lalapit na sana ako nang makitang nakayakap si Lisa kay Marco.
Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kanila. Lisa is really vocal on what she feels. She said that she likes Marco.
Hindi ko naman itatanggi sa sarili na gusto ko si Marco dahil mula bata kami'y humahanga na ako rito. I always feel like my feelings matter when I was with him. He's always been my saviour. Lagi akong pinagtatakpan kay Lola sa mga kabalbalan ko sa buhay. Sa sarili, hindi ko itatanggi subalit kung tatanungin ako ng ibang tao? I would deny and tell them that he's just my friend. Ayaw kong mawala siya sa akin lalo na't sanay ako na kabilang siya sa bawat araw ko.
Unti-unti naman akong tumalikod doon. I don't want to ruin it for them. Sa pagtalikod, nakasalubong ko naman ang isang pares ng mga mata na siyang pinapalibutan ng mga modelo. Napaawang ang mga labi ko nang mapagtanto na nandito si Maurice!
Ngumiti naman ako sa kaniya at kumaway. Nanatili lang ang malamig niyang mga mata bago niya ako pinasadahan nang tingin ang ilang taong kumakausap sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro