Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Chapter 19

Luwalhati’s POV

Nang makabalik sa pwesto ng mga kaibigan ko’y agad hinanap ng aking mga mata si Lisa. Agad ko siyang nakitang inaalo nina Abi. She was crying habang kinakausap ng mga kaibigan. Nanatili lang naman akong nakatayo bago napagpasiyahang lapitan.

“I’m sorry,” mahinang sambit ko.

“It’s fine. Hindi mo naman kasalanan na ikaw ang gusto ni Marco,” aniya na nginitian ako. Kahit ano pang sabihin niya. I can’t help but to be guilty. Napabuntonghininga na lang ako habang nakatingin sa kaniya.

“Ayos lang, ano ka ba?”  natatawa niyang sambit nang humingi pa muli ako ng tawad. Nanatili lang ang ngiti mula sa kaniyang mga labi subalit hanggang ngayon ay nangingilid pa rin ang luha mula sa mga mata.

“Doon muna ako,” paalam niya pa na pinahid na ang luha. Matapos niyang magretouch ay nakangiti na itong nakikipag-usap sa ilang kaibigan namin. Ni hindi ko naman na magawang makipagkwentuhan pa dahil tulala na lang at madalas na nakatingin kay Lisa na tinatago sa mga ngiti ang tunay na nararamdaman. I feel guilty.

“Are you okay?” tanong sa akin ni Maurice dahil pansin ang pagiging tahimik ko. Ngumiti lang naman ako bago tumango.

Natapos ang gabing ‘yon na kapag nagkakasalubong ang mga mata namin ni Lisa ay nginingitian lang ako subalit agad din nitong iniiwas ang tingin. Kasama niya rin sina Abi na hindi naman ako magawang tignan. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang mali o baka masiyado lang akong nag-ooverthink. Napapikit na lang ako at napabuntonghininga.

It supposed to be fun and happy pero sa huli’y ang bigat lang ng loob ko. I even chat Lisa to say sorry dahil I didn’t have the chance to talk to her.

Lisa Pontanilla: Ayos lang ‘yon! Hindi mo naman kasalanan, baliw ‘to! Promise oks lang talaga. Masakit lang sa umpisa pero sigurado rin akong mawawala man kung anong nararadaman ko hehe

Sa huli’y saka lang ako nakalma nang reply-an niya ako.

“Congratulation, Hati!” nakangiting bati ni Tita sa akin bago niya ako niyakap. We celebrate my graduation in Palawan kasama pati ang ilang kamag-anak ni Mau.

“So, napagplanuhan niyo na ba kung kailan niyo balak magpakasal at nang mabiyayaan niyo na ako ng apo sa tuhod,” nakangising saad ng Lolo ni Mau. Hindi ko naman maiwasan ang matawa at napailing na lang doon. Ito na naman kami sa kasal.

Tumawa naman si Tita dahil isa rin siya sa tanong nang tanong. Noon pa man ay nangungulit na sila.

“Papa, you’re putting too much pressure to them kaya natatagalan, e,” natatawang sambit ni Tita na nangingisi pa habang pinagmamasdan kami ni Maurice. Sa huli’y pangungulit lang tungkol do’n ang usapan.

“Lakad tayo sa dalampasigan?” tanong ko kay Mau nang nasa villa na kami kinagabihan. Tumango naman siya.

“Are you okay to wear that? Hindi kaya lamigin ka?” tanong niya nang makita ang suot kong bikini.

“Bring this, just in case,” aniya na iniabot dala-dala ang hoodie. Sa huli’y siya rin ang nagbitbit dahil wala akong balak na dalhin. Naglalakad lang kami sa ilalim ng nagniningning na mga bituin, sa ilalim ng buwan at madilim na kalangitan.

“Hindi naman sa pinag-ooverthink kita pero paano pala kung hindi tayo sa huli?” tanong ko sa kaniya. Masamang tingin agad ang ibinigay nito dahil sa sinabi ko.

“That won’t happaned. I don’t believe in soulmate but when I met you, I just knew that I met my other half. Kaya kung hindi tayo, hindi puwede.” Umirap pa siya kaya hindi ko maiwasan ang matawa.

“So, don’t even think about it. Hindi puwede,” aniya na inirapan pa ako.

“Do you want to marry me then?” tanong ko. Napatingin naman siya sa akin dahil do’n.

“I mean I know that you wanted to marry me but are you ready now?” Nilingon ko pa siya. Mas lalo niya pa akong tinitigan dahil do’n.

“What?” natatawa kong tanong kaya pinaningkitan niya ako ng mga mata.

“Don’t be pressure on what Lolo keeps on saying. I know we just started dating and you just graduated—” Nahinto naman siya ng magsalita ako.

“It’s you who I’m asking. Do you want to get married?” tanong ko.

“Of course, ” aniya. Hindi ko alam kung bakit nakita ko pa ang pamumula ng mukha nito. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti dahil do’n.

“Love is not something you can measure through years,” ani ko na tumawa pa. I’m really serious when I said that.

“You can love a person in just short period of time,” anas ko pa.

“That’s why let’s get married. Ikaw lang ang nakikita kong businessman na pupuwede business partner sa pagbuo ng bata,” pabiro kong saad. Hindi niya naman alam kung paano siya magrereact. Kung tatawa ba o maiinis sa pinagsasabi ko. Sa huli’y isang mahigpit na yakap lang ang ibinigay sa akin.

“Let’s just forget about this,” aniya sa akin kaya agad ko siyang pinagkunutan ng noo.

“Let’s think that you didn’t say anything. Alright?” Hindi ko naman mapigilan ang mapasimangot dahil do’n. Nilingon niya naman ako bago napanguso.

“I’ll propose to you. Nasa bag ang singsing,” aniya kaya napaawang naman ang labi kong nakatingin sa kaniya.

“Huh?” Napatikhim naman siya dahil do’n. Kita ko rin ang pamumula ng mukha nito.

“Uh… I just bought it just in case... hmm…” Ni hindi niya alam kung paano itutuloy ang sasabihin kaya natawa na lang ako.

“Tara na sa kwarto kung ganoon,” ani ko na malapad ang ngiti ng hinila siya. Natatawa na lang din siyang sumunod sa akin.

Nang nasa villa na’y mukha pa siyang natataranta habang naghahanap sa bag niya. Mayamaya’y nakita rin naman agad. Sinubukan ko pang sumilip subalit nilalayo pa. Akala mo naman hindi sa akin ibibigay.

“Hati…” tawag niya. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay at humalukipkip habang ang ngiti sa mga labi’y hindi na nawawala pa.

“Akala ko sa maingay, mausok, masaya na lugar ko matatamasa ang kalayaan. Hindi ko akalaing na sa malakas na ingay na nanggagaling sa tugtugin ng musika, sigawan ng mga tao na siyang may ngiti sa mga labi at magulong lugar na ‘yon pala ako matatali… Doon sa dako kung saan kita natagpuan,” aniya na malapad pang ngumiti sa akin.

“You’re the living proof that you can meet love no matter how unexpected the place is. Mahal kita, Hati. Araw-araw,” bulong niya.

“Years ago, I can’t see myself getting married but when you came. I can’t help but to say, kung hindi ikaw, salamat na lang sa lahat,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang matawa.

“Would you like to have a party? An after wedding party. In-order to do so, marry me, Hati…” He was now showing the ring that he bought.

“May choice pa ba ako? Parang utos na ‘yan,” ani ko kaya natawa siya nang mahina.

“Syempre yes,” sambit ko kaya dahan-dahan niyang isinuot sa akin ang isang diyamanteng singsing. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan ‘yon.

“I love you, my soulmate,” bulong ko bago siniil ng halik ang kasunduan naming magkasamang tatanda.

We spend the rest of our day thinking of what our family will look like. We are too excited na mag-uumaga na ay hindi pa kami tapos. Sa huli’y nakatulugan na lang din namin.

“Good afternoon,” bati ni Mau nang magising ako kinabukasan.

“Afternoon na? Hindi man lang natin na sulit!” ani ko na napanguso.

“It’s fine. We still have lifetime to do so. Ang haba pa ng oras natin,” nakangiti niyang saad kaya sa huli’y hinayaan na lang.

Nag-extend pa tuloy kami ng isang araw bago umuwi sa Manila.

“What are you looking at? Bakit kunot ‘yang noo mo?” tanong ni Mau sa akin.

“Wala naman,” ani ko kaya pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Tinawanan ko lang siya dahil do’n.

“Don’t waste your time getting hurt by those people who doesn’t like you,” aniya sa akin. Napatango naman ako subalit nanatili ang tingin sa aking screen. Hindi ko lang kasi maiwasang isipin na ako ang pinaparinggan ng ilang kaibigan sa kani-kanilang tweet lalo na’t minemention pa sila Lisa.

Jul @Julisme: Oks lang ‘yan @itslisa. Ganoon talaga kapag kating-kati. Kahit gusto ng kaibigan, papatusin.

Abi @Abinitatay: Ahas yarn AHSGSGSGSGSHHAA @itslisa Ssssssss

“Tinitignan mo na naman ba ang mga pambabash sa’yo ng mga basher mo?” tanong ni Mau na nakakunot ang noo sa akin. Umiling lang naman ako.

“Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagagawa niyong reply-an ang bashers na siyang ang daming nasasabi sa buhay niyo samantalang hindi naman magawang magtipa ng mensahe sa mga fans na laging nakasuporta para sa inyo. Well, maybe ‘yon ‘yong nakaagaw sa atensiyon niyo pero hindi ba’t parang sayang naman sa oras na pag-aksayahan ang mga taong wala namang ambag sa buhay mo?” tanong niya sa akin. Napatikhim naman ako roon at bahagyang natamaan. Minsan kasi’y nagrereply ako sa bashers dahil nakakairita na inis na nga sa akin, nagagawa pang sayangin ang oras na manood ng vid ko.

But Mau’s right. Nagsasayang nga rin ako ng oras na reply-an pa sila pero hindi ko naman kasi bashers ang mga kaibigan at kahit paano’y may ambag din naman sila sa kung sino ako ngayon. Sa huli’y napakibit na lang din ng balikat at iniwasan na ang mag-overthink. Ewan ko ba, takot lang siguro akong mawalan.

“Bakit ma-talk ka ngayon?” tanong ko kay Mau dahil minsan lang naman kasi siya maglintanya.

Inirapan niya lang ako sa tanong ko kaya napatawa na lang din. Nakasandal ako sa balikat niya nang may makitang mensahe mula kay Lisa.

Lisa Pontanilla: Hey, I would like to invite you. Mommy wants to celebrate my graduation. Here’s the venue @Palacio. Punta ka, Mare! See youu, Hatiii!

Lisa Pontanilla: Girl, punta ka, ha! Huwag tokis! AHSGSGSGSHSHA

Lisa Pontanilla: Dami me baon na chika at tea kaya paalam ka na riyan sa boylet mo na aabutin tayo ng gabi AHSGSGSHAHAHAHA hiramin muna kita.

Napangiti na lang ako because she seems normal. Ang hyper na naman nito kumpara nitong mga nakaraang araw.

“Call me when you’re done, sunduin agad kita,” ani Maurice sa akin nang maihatid ako sa bar kung saan gaganapin ang graduation party ni Lisa.

“Huwag na, marami ka pang tatapusin,” ani ko na nginitian siya.

“It’s fine. Susunduin pa rin kita,” aniya kaya sa huli’y napatango na lang din ako. Abala rin sa trabaho si Maurice kaya hindi rin talaga siya makakasama rito.

“Bye.” Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago kumaway at pumasok na sa loob.

“Text me whenever you want to go home,” aniya pa kaya tumango ako. Ilan pang paalala ang sinabi bago ako tuluyang makababa ng sasakyan.

“Hey!” Malapad ang ngiti ni Lisa nang salubungin ako.

“Akala ko hindi ka na darating!” Ikinawit niya pa ang kamay sa akin. Just normal Lisa who’s always been clingy to me. Napangiti na lang ako.

“Nasaan na pala sina Abi?” tanong ko nang makapasok kami sa loob. Awang din ang labi dahil pakiramdam ko’y ibang party ang napasukan. May ilang pamilyar na mukha subalit hindi naman kasama sa circle namin. Now, that I think of it. Pakiramdam ko’y ang dami ko na ring hindi nalalaman tungkol sa kaniya. For the past years I was too focus on myself na nakakalimutan ko na ring mangamusta ng kaibigan.

“Hindi raw sila makakadalo. But it’s fine, you’re here naman,” aniya na malapad pa ang ngiting hinigpitan ang pagkakakapit sa akin.

“Hindi ba tayo naliligaw ng party? Bakit parang hindi ko kilala ang mga kasama natin?” tanong ko sa kaniya.

“Ah, right. They’re my friends in the industry. Halika, pakilala kita,” aniya na hinila ako palapit doon. Nakatingin lang ako kay Lisa kaya nagtataka niya akong nilingon. Mayamaya ay napatawa na lang ito sa akin.

“What’s with that look?” natatawa niyang tanong.

“I felt like you change a lot…” ani ko. Nawala saglit ang ngiti niya subalit agad din namang bumalik.

“I did…” mahinang saad niya bago ako nginitian.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro