Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Chapter 18

Luwalhati’s POV

“Is it really fine to visit Daddy’s first?” tanong ni Maurice sa akin. Natawa naman ako dahil paulit-ulit niya ng tinatanong sa akin ‘yon.

“Yes nga po. My friends can wait,” ani ko kaya napanguso na lang siya. Kaka-graduate ko lang at may party para sa aming magkakaibigan but before that we’ll visit Tito today. Mau said that Tito wants to see me. I’m really nervous but at the same time excited.

Nang makarating doon ay lumabas na kami ni Mau nang sasakyan. He held my waist before we enter in the station.

Mayamaya lang ay nakita na ang meztizong lalaki na kamukha ni Maurice. Agad naman akong napadiretso ng upo.

“Good afternoon po,” nakangiti kong bati.

“Good afternoon, Hija. You’re Hazi?” tanong niya. Napatingin naman ako kay Maurice. Kinunutan ko siya ng noo at pinagtaasan pa ng kilay. Alam niya naman ang tingin kong ‘yon kaya agad na napatikhim.

“Daddy, Hati not Hazi.” Sa huli’y hindi ko rin naman maiwasang matawa the way he said Hazi. Akala mo’y may accent lang ang pagkakasabi ng ‘Hati’. Nailing na lang ako. Sige, palagpasin.

“Nice to meet you, Hija. My son always talk about you,” anito na nginitian pa ako. Hindi ko naman mapagilan ang mapangiti roon.

“Oh? I hope it’s good one po, Tito.” Tumawa naman siya.

“It is. Congratulation nga pala, Hija. I don’t have anything to give to you right now saka na lang,” aniya kaya ngumiti ako.

“Oks lang, Tito! Lista ko na lang po,” ani ko kaya tumawa ito. Tito is really nice. Medyo seryoso lang talaga sa buhay. Hindi rin naman kami nagtagal sa pag-uusap dahil sandali lang ang oras na mayroon kami.

After that we visited Lola’s grave. Napangiti na lang ako nang mapait habang nakatingin sa kaniyang puntod. It’s just sad that she didn’t see me in my toga.

“I bet she’s proud of you,” bulong ni Maurice sa akin bago niya pinahid ang luha na tumutulo mula sa aking mga mata.

“I know. Baka may cheesecake na sa lamesa kung sakali,” ani ko na nakangiti na ngayon.

“Sa kotse mayroon,” aniya kaya agad akong napatingin sa kaniya. Agad naman nanlaki ang mga mata at napaawang lang ang labi.

“Really? Thank you, Love!” ani ko na niyakap siya. Ginulo niya lang ang buhok ko bago nakipag-usap kay Lola katulad ng ginagawa ko kanina. Ang tagal pa namin doon dahil kinuhanan niya ako ng litrato.

“Is it really fine if I go with you?” tanong ni Mau sa akin.

“I can wait outside, you know,” aniya pa.

“It’s fine! Sila rin ang may gusto na imbitahin ka.”

“Don’t worry about it,” nakangiti kong sambit sa kaniya kaya napatango na lang din siya sa huli.

Mayamaya lang ay nakarating na rin kami sa venue. Ang dami na rin agad sasakyan mula sa labas at loob. Agad ko pang nakita ang ilang kaklase no’ng freshman pa lang. Kumaway naman ako bago sila nginitian.

“Hati! Long time no see!” anila sa akin at niyakap pa ako.

“Hey, how are you?” nakangiti kong tanong bago sila nginitian.

“Ayos naman! Ikaw kumusta? Napanood ang ilang teleserye mo. Sikat na sikat ka na!” anila sa akin.

“Ako lang ‘to,” ani ko na ngumisi pa. Tinawanan naman nila ako at pasimple pang nilingon si Maurice na siyang katabi ko lang dito sa gilid. Tahimik lang.

“Si Maurice nga pala, boyfriend ko,” pagpapakilala ko kay Mau.

“Wow? So totoo pala ‘yong bali-balita na kayo? Akala ko’y showbiz lang! Ang gwapo naman, Mare!” anang isa sa kanila at napatulala pa kay Maurice. Nailing na lang ako dahil talaga namang gwapo ang akin.

“Pasok lang kami sa loob,” ani ko.

“Oo, kami rin pala,” anila na kay Maurice pa rin ang mga mata. Hindi ko alam kung matatawa ba ako roon o ano. Pinagtaasan naman ako ng kilay ni Mau nang hawakan ko ang mga kamay niya. Mayamaya ay nangisi na lang din. Inirapan ko siya nang mapang-asar niya akong tinignan.

Agad ko namang nakita sina Marco na kasama sina Lisa sa isang table. Kumaway si Abi nang makita kami.

“Hey,” bati nila nang makita kami. Mapang-asar din agad ang mga tingin nila kaya hindi ko na lang maiwasan ang mapailing.

“Si Mau, boyfriend ko,” ani ko kaya agad silang napatili.

“Legit ba? Omg! You’re official now?” Hinampas pa ako ni Abi kaya hindi ko maiwasang samaan siya ng tingin at sa huli’y napatawa na lang din. Mag-excited pa ang isang ‘to kaysa sa akin. Hindi ko rin naman kasi nasasabi dahil wala namang nagtatanong at talagang abala kaming lahat nitong nakaraan which naiintindihan ko naman.

“Sana all na lang ako rito sa gedli,” anila kaya napailing ako. Pinakilala rin ni Abi ang boyfriend niya sa amin. May kakwentuhan na agad si Mau. May kakilala rin pala sa circle ko.

“Ang tahimik mo,” puna ko kay Lisa na siyang kanina pa tulala sa kaniyang baso.

“Uh… wala may naiisip lang,” aniya na ngumiti pa. This past few days ay napapansin ko ang pagiging mailap niya. I know that she have a problem subalit hindi ko naman gustong ipilit iyon sa kaniya. I think she’ll say it when she’s ready.

“You know that you can talk to me, right?” tanong ko sa kaniya.

“Yeah, I know that Hati,” aniya na nginitian pa ako. Nanatili ang titig ko sa kaniya kaya natatawa siyang nailing.

“I’m fine, really.” Ngumiti pa siya para lang sabihin na ayos nga lang talaga siya. Mayamaya lang ay iniba na rin ang usapan at nagtanong sa ilang projects ko.

“Ang swerte mo talaga. Sana all na lang ako sa gilid,” aniya sa akin.

“But you already have a bunch of project din naman? Cia said that she gave you a lot. Congrats,” ani ko na ngumiti pa sa kaniya. Nawala naman ang ngiti niya subalit mayamaya’y bumalik din.

“Yup, marami rin. But I like yours better,” anas niya. Nagchikahan lang kami nang nagchikahan. Hinahayaan din ako ni Mau.

“Are you sure you’re fine?” tanong ko sa kaniya.

“Yup, just talk with your friends. I’m fine here,” aniya na nginitian pa ako.

“Don’t think about me.” Napanguso lang ako at napatango.

Nang mapatingin ako sa mga kaibigan, nakita kong nakatingin sa akin si Marco. Nginitian ko naman siya.

“Ano na naman? Nagagandahan ka na naman sa akin?” tanong ko sa kaniya na pinagtaasan pa siya ng kilay. We’re still close friend. Kapag nasa bahay nila ako’y ang dami ring pinaghahanda ni Tita na pagkain, parang si Mommy lang ni Mau.

“Amfee,” aniya na inirapan ako. Humalakhak lang ako bago sumimsim sa alak.  Well, Mau knows that me and Marco are friends. Hindi naman niya ako pinagbabawalan na makipagkita rito or makipagbonding dahil noon pa man ay magkaibigan na kami. I know he’s also trying hard not to be jealous. I try my best din naman not to make him.

Ni hindi naman kami gaanong uminom dahil mostly ay chikahan lang.

“That’s Jian nga pala, Hati. Kaibigan ko,” pakilala ni Lisa sa kararating lang na Jian. He looks familiar.

“Nakatrabaho mo rin ata siya sa ‘Look’,” aniya kaya napatango ako. Ngumiti ako at bumati. Mukhang close na close din naman sila ni Lisa kaya hinayaan ko na rin silang magchikahan.

“Cr lang ako,” paalam ko. Dumeretso naman ako sa cr. Mauruce is still there, may kakwentuhan pa kaya hindi ko na inistorbo pa.

Nag-retouch na rin ako, nang matapos ay dire-diretso na ako palabas subalit nahinto lang dahil sa harap pa mismo ng pinto nitong comfort room nag-uusap si Lisa at Marco. Kita ko namang seryosong-seryoso ang kanilang mga mukha. Aalis na sana nang marinig si Lisa.

“Marco! Gusto kita! Gustong-gusto kita. Hindi ko alam kung bulag ka ba o nagbubulag-bulagan lang. Hindi ko na alam. Mahal na ata kita.” Napapikit na lang ako dahil napatingin pa sila sa akin. Bakit dito pa kasi sila nag-uusap?

“I’m sorry, Li, but I have someone I like,” ani Marco. Hindi ko naman alam kung paano aalis sa gitna ng mga ito. Dahan-dahan na ako sa paglakad palayo nang banggitin ni Marco ang pangalan ko.

“I like Hati. Noon hanggang ngayon.” Hindi ko alam kung nanggagago lang ang Marco’ng ‘to para lubayan siya ni Lisa subalit mukhang totoo nang tawagin niya ako. Hindi ko alam kung aware ba siyang nandito ako o ano.

“Hati…” tawag niya sa akin. Parang gusto kong maniko ng kaibigan.

“I like you…” ani Marco sa akin kaya nahinto ako sa paglalakad bago siya nilingon.

“Marco, stop it. You’re hurting someone.” Masama ang tingin ko sa kaniya at nag-aalala nang mapatingin kay Lisa na iniwas lang ang mga mata sa akin.

“Noon pa man ay gusto na kita. Bata pa lang tayo ikaw na. Bata pa lang tayo nararamdaman ko na ‘to. Palala lang nang palala ngayon at kung hindi ko pa aaminin? Baka tuluyan nang lumalim sa pagkalunod sa’yo. No, I think I’m already drown… Hindi ko na alam kung paano umahon.” Napaawang lang ang labi ko at hindi sasabihin. Napatingin pa ako kay Lisa na siyang nangingilid ang luha. Napapikit na lang ako dahil gago rin talaga ang kaibigan. Dire-diretso na ang lakad nito paalis sa gawi namin.

I just can’t believe Marco for being an asshat. Susundan ko na sana si Lisa nang tawagin akong muli mi Marco.

“Hati,” anas niya bago hinawakan ang palapulsuhan ko.

 “I’m sorry for confessing this way,” aniya na napahawak na lang sa kaniyang sentino.

“I used to like you too, Marco… gustong-gusto rin kita noon. I used to adore you but I have someone I really love now. Not just because I adore him but because I love every inch of him even his flaws. I didn’t know I’m capable of loving someone this way, Marco. I’m sorry…” ani ko subalit ngumiti lang siya sa akin.

“If I tell you when you still like me… do you think—” Umiling lang ako at ngumiti sa kaniya. I know my answer since then.

“I don’t think so, Marco. I want to remain friends with you. I really want us to stay the same.” Ni hindi ko alam ang sasabihin. I like him that time but not to the point that I’ll start a relationship with him.

“Right… And I was too late…” aniya na tumango.

“Did you do it dahil kay Lisa?” tanong ko na masama ang tingin. Umiling naman siya.

“I really like you,” aniya na ngumiti.

“You’re an asshole, Marco,” ani ko.

“I know…” aniya na napapikit na lang din.

“I’m sorry for making you uncomfortable.” Iniwas niya pa ang tingin. Umiling naman ako dahil do’n.

“Ako, ayos lang, Marco, but Lisa’s a friend too. You don’t have to be that harsh,” ani ko na napailing pa.

“I’m sorry… I just didn’t know what to say… it’s my mistake,” aniya na napahilamos na lang din ng mukha. Isang buntonghininga na lang din ang pinakawalan ko dahil mukha naman siyang nagsisisi sa kung ano mang ginawa.

“Susundan ko lang si Lisa. Get yourself together,” ani ko.

“Can I hug you?” tanong niya pa sa akin kaya tinignan ko siya. Mahigpit niya naman akong niyakap bago bumulong.

“I wish for your happiness, Hati,” bulong niya na nginitian ako bago ginulo ang buhok. Nang bitawan niya ako’y nasalubong ang isang pares ng mga mata.

“I need to go, may tatapusin pa ako,” sambit niya but knowing that eyes? I don’t think so. Tumango lang ako dahil alam na rin kung anong nararamdaman nito. Umalis na rin naman ito kaya napatikhim ako nang mapatingin kay Maurice.

“Did he confess?” tanong niya. Tumago naman ako.

“So?” Nagtaas pa siya ng kilay kaya napailing na lang ako.

“So? I rejected him… may boyfriend na ako,” ani ko na natawa na lang.

“Very good,” aniya na wari’y namumuri ng bata.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro